Chereads / Last Goodbye / Chapter 10 - Kabanata 9

Chapter 10 - Kabanata 9

THE WOMAN is wearing a figure-hugging gold gown embellished with sequins featuring a deep neckline with a low open back and a thigh high slit. She also wears a five inches gold stiletto that matched her outfit. Her eyelids were covered with gold smokey eye makeup and her lips are fiery red. Every curved of the woman's body was greatly defined by her gown and the messy bun hairdo accentuate the overall look. She'll definitely astound the crowd.

"Are you ready?" tanong ni Laurice sa dalaga. 

She looked again to the beautiful, bold, stunning woman in front of her. The woman nodded fearlessly. Her almond-shaped dark eyes looked so determined.

"There's no backing out Auntie Laurice. I'm not the young Jade that Caroline used to persecute."

"Then, you have to go down because the auction already starts."

Sa bahay ni Laurice kasalukuyang ginaganap ang charity ball kasabay ng pagdiriwang ng 25th anniversary ng foundation. Ang mga kaibigan niya ay nakikisaya na sa party subalit siya ay nanatili sa guest room at naghihintay ng tamang timing para sa kanyang grand entrance.

"Thank you Auntie." Niyakap niya ang ginang. "Thank you for everything that you've done for me and for my family. I owe you a lot."

Ang kanyang ina ay dating labandera ni Laurice kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na maging scholar ng foundation ng ginang. Anim na taon siya noong tinatag ang foundation at kabilang siya sa first batch ng scholars simula noong elementary siya hanggang high school. Pagtungtong niya ng college ay personal siyang pinag-aral sa ibang bansa ng isang sponspor.

"You don't have to thank me." Hinaplos nito ang kanyang likod. "I helped you because you deserved it."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa ginang. "But you lost your best friend because of me."

Nang malaman ni Carolina ang relasyon nila ni Dustine ay kinausap nito si Laurice na tanggalan siya ng scholarship subalit 'di 'yon ginawa ng ginang. Doon nagsimula ang pagwawakas ng pagkakaibigan ng dalawa.

"You don't have to feel sorry about it. I'm grateful that we're not friends anymore. Thanks to you. Matagal akong nagtiis sa ugali niya pero inintindi ko siya dahil magkaibigan kami. Hindi ko akalain na darating ang araw na mauubos ang pasensiya ko sa kanya."

"My purpose in life is to help people not to bring them down. Hindi ako papayag na gawin niya akong kasangkapan upang magpagbagsak ng tao lalo na kung ikaw 'yon. I've seen you grown. Masipag ka, mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal kaya hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong desisyon."

"Salamat Auntie."

"Stop thanking me. Filbert is waiting outside the guest room."

And for the last time she looked at the woman on the mirror. She's looking at her own reflection. She's confident that she'll going to rock the ball tonight.

"Let's go Jade."

HE's LOOKING around since he arrived but she can't find her. Imposibleng hindi dadalo sa pagtitipon ang dalaga. Masyadong busy si Albert sa pag-asikaso sa mga panauhin kaya hindi niya ito matanong tungkol kay Jade. Abala din ang kaibigan niyang Mayor sa pakikipagkwentuhan sa mga tao kaya wala siyang mapagtanungan.

"Hey Dustine!" Pukaw ni Mickaela sa kanya. Anak ito ng dating Mayor ng Sta. Monica. Ang babae ang gustong ipakasal sa kanya ng ina limang taon ang nakalipas subalit hindi 'yon natuloy. "You're not listening to me."

"I'm sorry." Walang kabuhay-buhay na pagihingi niya ng paumanhin.

"Hijo kanina ko pa napapansin na balisa ka simula nang dumating tayo dito." Puna ng kanyang ina. "Do have a problem?"

Talagang may problema siya dahil hindi niya makita si Jade at napapagitnaan siya ng dalawang babaeng parehong hindi niya ma-gets ang ugali. Kanina pa niya gustong umalis sa pwesto niya at lumipat sa ibang table kaya lang may designated table sa bawat guest. Malas niya dahil magkasama sa table ang pamilya niya at pamilya ni Mickaela.

"Don't mind me Mom."

Hindi na muling nag-usisa ang kanyang ina nang banggitin ng MC ang property na ipapa-auction nito. Ang kabuuang halaga na mapagbebenthan ng lupa ay ido-donate sa foundation.

Hindi na ganoon ka-close ang kanyang Mommy at ina ni Albert. Parehong hindi nila alam ng kaibigan kung anong nangyari sa magulang nila. Subalit tuwing may ganoong klaseng okasyon ay palaging present ang kanyang magulang sa event.

"Honey is that one of our properties?" curious na tanong ng kanyang ama. Gusto niya ring itanong 'yon sa ina dahil ngayon niya lang nalaman ang tungkol do'n.

"My property." Pagdidiin nito. "I bought that thirteen years ago sa isang magsasaka." Tukoy nito sa five hectares land. "Kailangan niya ng pera upang mapag-aral ang anak sa Maynila kaya napilitan siyang ibenta ang sakahan nila. Nag-alok ako na tutulong sa pagpapa-aral ng anak niya kaso tinanggihan ang alok ko kaya binili ko ang lupa."

"How arrogant!" komento ni Mickaela. "Sila na nga ang tinutulungan sila pa ang nagmamataas."

"Tama ka hija."

"I'm at a hundred thousand pesos. Would you go a hundred and twenty thousand?" tanong ng MC. Tahimik ang mga tao at mukhang walang may balak na mag-bid sa mas mataas na halaga. "Going once, going twice, so-"

"Five million."

Naudlot ang sasabihin ng MC dahil sa babaeng nagsalita. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa babaeng bagong dating at sa kasama nitong lalaki. Siguro ang lalaking 'yon ang sinasabi ni Albert na kasintahan ni Jade.

Samu't saring reaksyon ang maririnig sa mga mata pero karamihan ay humahanga sa dalaga. Sino naman kasing hindi hahanga dito? Maliban sa nakakagulantang na halaga ng ido-donate nito sa foundation ay talaga namang nakaw-pansin ang kagandahan ng dalaga.

Gusto niya itong lapitan at balutin ng suot niyang coat. Gusto niya ring ilugay ang buhok ng dalaga upang matakpan no'n and dibdib at likod nito. Darn! Jade is driving him crazy. Gusto niyang ipagsigawan na nobya niya ang dalaga at siya lang ang puwedeng tumingin dito na puno ng paghanga.

Well, technically girlfriend pa rin niya ang dalaga dahil hindi sila nag-break kaya may karapatan siyang gawin 'yon.

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.

Last Goodbye by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez