Chereads / Last Goodbye / Chapter 9 - Kabanata 8

Chapter 9 - Kabanata 8

PIPING SAKSI ang tree house sa pagmamahalan nilang magkasintahan. Babaunin niya ang matamis na alaala na kanilang pinagsaluhan sa pag-alis niya. Hinawakan niya ang medalyang nakatapat sa kanyang dibdib. Pati 'yon ay saksi sa pagniniig nila ni Dustine. Dadalhin niya rin 'yon kahit saan siya magpunta para palagi niyang kasama ang nobyo kahit malayo ito sa kanya.

"Huwag mong iwawala 'yan." Napakislot siya nang magsalita ang lalaki mula sa kanyang likuran. "Ikaw ang magtatago niyan hanggat 'di pa tayo nagpapakasal."

"Meaning, ibabalik ko 'to sa'yo kapag kasal na tayo?" tanong niya sa nobyo subalit nanatili siyang nakatalikod dito. Nakadungaw kasi siya sa binata habang pinapanuod ang sunset.

"Wala kang ibabalik sa 'kin. Idi-display 'yan sa bahay natin kapag kasal na tayo." Naramdaman niya ang pagyapos ng lalaki mula sa kanyang likuran. "Kapag nagkaroon tayo ng sariling bahay gusto ko may tree house. Kung puwede ko lang i-preserved ang tree house na 'to ay gagawin ko."

Ang tree house na 'yon ay ginawa ni Dustine katulong ang mga kaibigan nito para may matambayan sila. Hindi nila alam kung private property ba o sa gobyerno ang lupang kinatitirikang lupa ng tree house. Wala kasing nanita nang gawin 'yon.

"Bakit naman?"

"Dahil maraming tayong magagandang alaala dito." Ipinatong ng lalaki ang baba nito sa kanyang kanang balikat at lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Ikaw, anong design ng bahay ang gusto mo?"

"Simple lang." Nakangiti niyang sabi habang ini-imagine ang itsura ng magiging tahanan nila. "Gusto ko malapit sa dagat. Kahit hindi kalakihan basta may second floor at balcony. Doon ako tatambay habang pinapanuod ang pagsikat at paglubog ng araw. Tapos gusto ko may garden na punong-puno ng iba't ibang klaseng halaman lala na 'yong namumulaklak." Mahilig kasi ang ina niya sa halaman kaya gusto niyang ganoon din kapag nagkaroon ng sariling bahay.

"Magandang idea 'yan tapos gusto ko may swimming pool sa bahay natin."

"Malapit tayo sa dagat kaya bakit kailangan pa ng swimming pool?"

"Gusto ko lang." sagot nito. "Gusto ko ring may basketball court at helipad." Dagdag nito dahil mahilig itong mag-basketball at pangarap nitong maging isang piloto. "May muntik akong makalimutan."

"May nakalimutan ka pa sa lagay na 'yon?"

"Gusto kong magkaroon ng maraming anak at gusto kong kasama kang tumanda sa magiging tahanan natin."

Nilingon niya ang nobyo. Naka-ukit ang matamis na ngiti sa labi nito at ang mga mata'y kumikinang sa kasiyahan. Hindi niya kayang personal na magpaalam dito dahil tiyak na maglalaho ang ngiti sa labi nito at ang kislap sa mga mata.

"Mukhang papagurin mo ako nang husto." Biro niya upang matakpan ang kalungkutang nadarama. Wala kasing kasiguraduhan kung matutupad ba lahat ng pangarap nila.

"Hindi naman." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. "Pero kung papayag ka mas okay 'yon."

"Tse!" Kinurot niya ito sa tagiliran. "Baka naman thirty years old pa lang ako ay mukha na akong senior citizen."

Tumawa ito. "Mas okay 'yon para walang ibang magkagusto sa'yo."

"Kaya naman pala." Ngumisi siya. "Seloso at possessive ang boyfriend kong gwapo. Dapat ako ang nagkakaganyan dahil ikaw 'tong nag-aaral sa Maynila tapos varsity player pa."

"Hindi kita ipagpapalit kahit na kanino." Seryosong wika nito. "At bakit hindi ako magiging seloso at possessive? Nabalitaan ko na maraming nagkakagusto sa matalino at maganda kong girlfriend. Kung puwede lang kitang itali sa akin ay ginawa ko na."

Tumawa siya sa sinabi nito. "Dustine Blake hindi ako makapaniwala na ganyan ka pala. Alam mong ikaw lang ang pinayagan kong manligaw sa akin kaya bakit ka magseselos sa kanila? Malabong mangyaring ipagpalit kita dahil kung hindi rin lang ikaw, ayoko nang magmahal ng iba."

"Talaga?"

"Talagang-talaga." Tugon niya bago siniil ng halik ang lalaki.

End of FLASHBACK

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.

Last Goodbye by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez