FLASHBACK
"BAKIT MO sinuot sa akin 'to?" takang tanong ni Jade sa nobyo nang isabit nito sa kanyang leeg ang medal. Binigyan ng espesyal na parangal si Dustine pagkatapos ng liga dahil maliban sa tatlong beses na pagiging MVP nito sa tatlong magkakasunod na taon, nakapasok din ang lalaki sa basketball team ng pinapasukan nitong university sa Maynila. "Sa'yo 'to, 'di ba?"
"Ang lahat ng sa 'kin ay sa'yo rin." Nakangiti nitong sagot. "Hindi ako magtatagumpay kundi dahil sa'yo. Ikaw ang kaya inspirasyon at lucky charm ko."
"Sus! Binobola mo lang ako." Nakalabi niyang turan. "Magaling ka talaga kaya hindi mo kailangan ng lucky charm."
"Talaga?"
"Oo naman at kung hindi mo naitatanong, ako ang number one fan mo. At alam kong magtatagumpay ka kahit anong larangan ang piliin mo."
"Iyan, iyan ang dahilan kung bakit ikaw ang lucky charm ko." Kumikislap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Nagtitiwala ka kasi sa kakayahan ko at pinapalakas mo palagi ang loob ko."
"Siyempre mahal kita."
"Anong sabi mo?" Malapad ang ngiti nito na umabot sa mga mata ng lalaki. "Paki-ulit nga ng sinabi mo. Hindi ko kasi masyadong narinig." Pagsisinuwaling nito.
Inirapan niya ang lalaki. Kunwari'y naiinis siya dito pero inulit niya ang sinabi. "Mahal kita." Hindi niya inaalis ang tingin dito. "Mahal na mahal. Kaya kapag may taong nagduda sa kakayahan mo huwag mong kakalimutang may isang Jade Ruth na nagtitiwala at nagmamahal sa'yo."
Wala itong kibo subalit mataman itong nakatitig sa kanya. Waring inaarok nito kung totoo ang kanyang sinabi.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo bang maniwala na mahal kita?"
"Hindi naman sa ganoon kaya lang…" Tila nag-iisip ito kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi. "Hindi ko kasi lubos akalain na magkakagusto ka sa akin."
"Bakit mo naman naisip 'yon?"
"Matalino ka kasi samantalang ako…" Yumuko ito na waring ikinahihiya ang sarili. "Kahit sarili kong magulang ikinahihaya ako dahil hindi ako kasing galing at talino nila."
Naiinis siya sa magulang nito. Pagmamahal, tiwala, at suporta ang kailangan ng lalaki subalit 'di 'yon kayang ibigay ng pamilya nito. Walang lugar ang pagkakamali sa pamilya nito at bawal suwayin ang bawat salitang sasabihin ng magulang nito.
Tumingkayad siya upang maabot ang mukha nito. Masyado kasi itong matangkad at masyado siyang maliit. "Look straight to my eyes." Utos niya sa lalaki na ginawa naman nito. "Ayokong marinig na ikinahihiya mo ang iyong sarili dahil nasasaktan ako. At tandaan mo na wala akong pakialam kung hindi mo na meet ang expectations at standards ng parents mo dahil para sa akin sapat ka na at wala na akong mahihiling pa."
"Hindi mo ako ikinahihiya?"
"Hindi."
"Bakit ayaw mong ipaalam sa lahat na magkasintahan tayo?" malungkot nitong tanong.
"I'm sorry kung 'yon ang nararamdaman mo pero hindi 'yon ang dahilan kung gusto kong itago ang relasyon natin." Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. "Tuwing naglalaro ka nalulungkot ako at naiinggit sa iba dahil hindi sila takot na isigaw ang pangalan mo. Gusto ko ring gawin 'yon. Gusto kong punasan 'yong pawis mo at bigyan ka ng tubig pero hindi ko magawa dahil natatakot ako. Dahil ayokong mangyari sa atin ang nangyari sa kapatid mo."
Ang nakatatanda nitong kapatid na babae ay nabuntis ng nobyo subalit pinapili ito kung ang kasintahan ba o ang pamilya. Sa oras na piliin nito ang nobyo ay itatakwil ito. Mahirap ang naging kasintahan ng babae kaya mas pinili nito ang pamilya.
"Mahal kita kay ipaglalaban ko kung anong mayroon tayo."
Sana ganoon lang 'yon kadali. Hindi alam ng lalaki na lihim siyang kinausap ng ina nito. May nakarating kasing balita sa ginang na nagkakamabutihan sila ng anak nito. Gusto nitong maghiwalay sila pero ayaw niyang sabihin sa nobyo dahil baka lalo itong magtanim ng sama ng loob sa magulang.
"Dustine makinig ka sa akin." Sana maunawaan siya ng lalaki. "Ayokong dumating sa punto na papipiliin ka ng mga magulang mo. Hindi 'yon magiging madali para sa'yo at hindi ko gustong makitang nahihirapan ka."
"Kaya ko silang talikuran para sa'yo." Hinaplos nito ang kanyang mukha. "Hindi ko kayang mawala ka sa 'kin."
Napapikit siya. Tiyak na mahihirapan siyang sabihin sa lalaki ang pag-alis niya ng bansa. Hindi niya alam kung paano magpapaalam sa binata. Scholar siya ng Balikbayan Foundation. Ang benefactor na personal na sumusuporta sa kanyang pag-aaral ay gusto siyang pag-aralin sa ibang bansa.
"May problema ba Jade?"
Umiling siya sabay yakap sa nobyo. "Ayoko ring mawala ka sa akin. Iniisip ko pa lang 'yon nadudurog na ang puso ko." Subalit kailangan niyang iwan ang lalaki.
Naramdaman niya ang pagganti ng yakap nito. "Hindi ako papayag na mangyari 'yon. Mamamatay muna ako bago tayo magkalayo."
Tinulak niya ang nobyo saka tumingala upang magtama ang kanilang paningin. Nakaramdam siya ng takot sa sinabi nito. "Paano kung bigla akong mawala dahil may pinuntahan ako at 'di nakapagpaalam sa'yo, magpapakamatay ka ba?"
"Bakit hindi ka magpapaalam kung sakaling aalis ka?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko." Naiinis niyang wika.
"Depende."
"Anong depende?" Nanghihilakbot niyang tanong. "Dustine mamamatay ako kapag ginawa mo 'yon. Huwag na huwag kang magtatangkang gawin 'yon. Pangako, babalik ako."
Rumihistro ang takot at pangamba sa mga mata ng kausap niya. "Iiwan mo ako?"
Naalarma siya sa tanong nito. "Hindi." Mabilis niyang tugon. "Saan naman ako pupunta? Kung sakali lang naman na bigla akong mawala." Pagsisinuwaling niya. "Pero huwag mo talagang gagawin 'yon."
"Basta hindi mo ako iiwan." Seryosong wika nito.
"Dustine…"
"Mangako ka muna sa akin na hindi mo ako iiwan."
"Pangako, hindi kita iiwan." Aalis lang ako pero babalik din. Sana mahintay mo ako. "Mahal na mahal kita Dustine." Madamdamin niyang pahayag.
"Mas mahal kita." Puno ng senseridad nitong wika bago siya ginawaran ng halik sa labi.
Puno ng pagmamahal naman niyang tinugon ang halik nito. Ninamnam niya ang bawat pag-iisa ng kanilang mga labi dahil baka 'yon na ang maging huli. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay siya na mismo ang kusang humalik dito. Lumalim ang halik nito at nag-uumpisa nang maglakbay ang kani-kanilang mga kamay sa katawan ng bawat isa. Handa siyang ibigay dito ang sarali maramdaman lang nito kung ganoon niya ito kamahal.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez