IT WAS a long and tiring day. Ganoon pala ang pakiramdam kapag wala siyang ginawa maghapon. Paano nakinig lang siya sa usapan ng mga magsasaka, ilang government officials, reperesentatives mula Department of Agriculture, ni Mayor, at ni Wendy. Wala siyang alam tungkol sa pagsasaka dahil wala 'yong kinalaman sa kanyang propesyon kaya ang tanging ginawa niya maghapon ay nakinig. Mabuti na lang nakabalik na sila sa resort kaya nakapag-relax na siya kahit papaano.
"We need more equipment to help the farmers here in Sta. Monica. They can't solely use their hands to cultivate the land. They need tools to become more productive." Mababakas sa mukha ni Wendy ang pakadismaya dahil kulang ang kagamitan ng mga magsasaka upang malinang nang husto ang lupang sakahan. "I think I have to check the whole town to see if there's other problem we need to give attention."
Base sa narinig niya kanina hindi lang kagamitan ang problema ng mga magsasaka. May ilang farmers kasi ang nagsabing hindi maganda ang bunga ng kanilang tanim dahil kulang sa nutrisyon ang lupa. Ayon naman kay Wendy posible ring hindi angkop ang itinanim sa klase ng lupang pinagtaniman o may iba pang dahilan kaya kailangan talagang masuri ang bagay na 'yon.
"Can you do that in such a short period of time?" tanong ni Filbert, ang Fil-Am doctor na nakilala niya dahil kay Wendy. Ang ina nito'y dating OFW na kapag-asawa ng Amerikano at sa USA na nanirahan. Gayunpaman, marunong mag-tagalog ang binata. "Wala tayong sapat na oras upang suyurin ang buong Sta. Monica."
"We can do that." Positibo niyang wika.
"How?" tanong ni Lincoln, ang tech-genius nilang kaibigan na naligaw sa barkadahan. Nakilala nila ito sa bar nang minsang magkayayaan silang mag-unwind. One hundred percent Filipino ito na nagtatrabaho sa USA bilang computer engineer sa isa sa pinakamalaking manufacturer ng gadgets. "Kapag personal na sinuyod ni Wendy ang Sta. Monica mababawasan ang oras niya para magbigay ng lecture sa mga magsasaka. Kapag tayo naman ang gumawa nu'n wala tayong maiintindihan dahil wala tayong alam sa farming."
"I'll ask Kervin and Albert for help. I'm sure marami silang kilalang professionals na may alam sa farming na puwedeng tumulong sa atin."
"Actually, we could hit two birds with one stone." Natutuwang wika ni Filbert. "Habang abala si Wendy sa pag-alam sa ibang problema ng mga magsasaka ako naman ay iikot sa kabahayan upang magbigay ng libreng check-up. Tutal wala naman akong maitutulong sa mga magsasaka."
"That's a great idea!" sang-ayon niya. "It's like we're having a medical mission." Natigilan siya. "That's right! We'll conduct a medical mission."
"Paano?" Nababahalang tanong ni Kara, ang nurse na katrabaho ni Filbert na naging kaibigan din nila. May kamag-anak ito sa USA kaya nang minsang magbakasyon ang dalaga doon ay naisipan nitong doon na rin magtrabaho. "Wala tayong medical supplies at isa lang ang doktor natin."
"Walang imposible." Puno ng determinasyong pahayag niya. "Mayroong labing-walong barangay ang Sta. Monica pero hindi ganoon kadami ang populasyon kaya pwede nating pagsabayin ang medical mission at lecture ni Wendy." Matamang nakikinig sa kanya ang mga kaibigan kaya nagpatuloy siya. "Ganito ang gagawin natin. Dalawa o hanggang tatlong barangay ang pagsasabayin natin sa isang araw. Pipili lang tayo kung saang barangay gaganapin ang medical mission at kung saan gaganapin ang lecture. Tiyak kasing hindi pupunta lahat ng mga magsasaka kapag mismong sa munisipyo gaganapin ang lecture dahil abala lang 'yon para sa iba kaya tayo mismo ang lalapit sa kanila."
"Walang problema sa medical supplies dahil marami tayong pera. Ang sobra sa gagamitin natin ay puwedeng i-donate sa ospital. Iyong tungkol naman sa doktor kayang gawan ng paraan ni Kervin 'yon. Tapos ipaubaya natin kay Kervin at Albert ang pag-alam sa ibang problema ng mga magsasaka tutal dapat inalam nila 'yon bago pa man tayo dumating dito dahil alam nilang 'yon ang sadya natin sa pagpunta dito."
"Jade Ruth, the optimistic and fast thinker chemical engineer." Pumapalakpak na wika ni Wendy. "Bagay na bagay sa'yo ang propesyon mo dahil hindi ka basta-bastang nape-pressure at may solusyon ka kaagad sa problema. I love it."
Fil-Am din si Wendy gaya ni Filbert kaya nakakaintindi at nakakapagsalita ito ng tagalog. Ang ina nito ay kaibigan ng nagpa-aral sa kanya sa ibang bansa kaya naging magkaibigan din sila.
"Do you think they would agree with our plan?" tanong ni Lincoln.
"Of course, they can't say no to me." kampante niyang tugon.
"Si Jade pa ba?" Nakangising wika ni Kara. "Napapa-oo niya kaagad ang dalawang kulugo na 'yon. Tawagan mo Jade tapos i-loudspeaker mo para marinig nating lahat ang pag-uusapan niyo."
"Bruha ka talaga Kara." Komento ni Wendy. "Pero sige Jade, tawagan mo na."
Napailing siya sa gustong mangyari ng dalawa pero ginawa din niya. Nag-conference call siya at 'di pa naaabutan ng limang minuto ay napapayag niya ang dalawa.
"Done." Nakangisi niyang turan nang pindutin ang end call. Humingi ng tatlong araw ang dalawang lalaki upang maghanda. Sa ngayon ay mag-enjoy at mag-relax daw muna sila. "By the way, pupunta tayo bukas sa boutique ni Auntie Laurice." Ang babaeng kanyang tinukoy ay ang ina ni Albert na may sariling patahian ng damit.
"Why?"
"Twenty-fifth anniversary ng Balikbayan Foundation." Sagot ni Wendy. "Sorry ngayon ko lang nabanggit. Hindi kasi namin alam na sasama pala kayo dito."
"Don't worry sila ang bahala sa isusuot natin."
"Nice!" Malapad ang ngiti ni Lincoln. "First time kong dumalo sa anniversary ng isang foundation. Tiyak babaha ng donations sa event na 'yon. Makikila natin kung sino ang pinaka-galante at pinaka-kuripot."
"I'm sure maraming businessman at politician ang dadalo sa event kaya kailangan lalo akong maging maganda." Sabi ni Kara.
"Jeez! Palagay ko magpapanggap akong nobyo ni Jade sa event." Nakatikwas ang kilay ni Filbert nang magsalita. Nagiging babae kasi ito kapag sila lang ang kasama. "Nakakainis!"
Tinawanan niya ang sinabi nito. "Hayaan mo na." Nakatunog kaagad ito sa plano niya. Paano kasi ipinakilala niya itong nobyo kay Kervin at Albert kaya kailangan nitong panindigan 'yon. "Babawi ako sa'yo."
"Okay lang kahit hindi, basta ma-achieve mo ang iyong goal."
"Thank you."
Kailangan niyang maghanda sa darating na party dahil tiyak na muling magtatagpo ang kanilang landas ni Carolina. Ipapamukha niya sa babae na hindi siya ang dating Jade Ruth na puwede nitong tapak-tapakan at maliitin. At may gusto rin siyang bawiin dito. Pero magagawa niya lang 'yon kapag tuluyan nang naputol ang ugnayan nila ng anak nito.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez