Chereads / Last Goodbye / Chapter 5 - Kabanata 4

Chapter 5 - Kabanata 4

"NAGKITA na pala kayo." Basag ni Kervin sa namayaning katahimikan at tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Dustine. "Kilala niyo na ang isa't isa kaya 'di na kailangan ng introduction."

"So, she's the benefactor you're talking about?" tanong ng lalaki sa alkalde subalit 'di nito inaalis ang tingin sa kanya.

"Yes."

"What a great surprise!" Sarkastiko nitong pahayag. "Hindi niyo man lang sinabi ni Albert na siya pala ang magiging bisita ko at nabalitaan ko pang hindi siya nag-iisa."

"I'm sorry Pare. Believe me, hindi ko alam na si Jade ang benefactor na bibisita sa Sta. Monica. At 'yong tungkol sa mga kasama niya, kanina ko lang din nalaman nang makatanggap ako ng email mula sa assistant ni Jade." Paliwanag nito sa kaibgan.

"You don't have to apologize Kervin because it was not your fault." Wika niya pero nakatuon ang kanyang tingin kay Dustine. "I asked Albert's mother to hide my identity." She started to explain the situation. "I was here in the Philippines a week earlier before Wendy arrived. I only expect her to come here but I was surprised when she came with others. I'm sorry about that." Sa pagkakataong 'yon ay si Kervin ang kanyang binalingan.

"Nabanggit 'yan ni Wendy sa email. But that's okay. You're assistant told me that your friends will help us."

"Yes that's true." Maliban sa kanya ay nag-aabot din ng tulong ang mga kaibigan niya sa Sta. Monica. Hiniling niya sa mga kaibigan na sumama sa kanya sa Pilipinas subalit tumanggi ang mga ito at tanging si Wendy lang ang nagkumpirma na pupunta sa Pilipinas. "By the way, Wendy is not my assistant. She's my friend and she's the agriculturist I would like you to meet. Mahilig siya sa charity work kaya pinaubaya ko sa kanya ang lahat ng transactions na may kinalaman sa foundation ni Albert."

"Oh, I see."

"They can't stay here." Dustine said bluntly to Kervin. Puwede naman siya ang direktang kausapin nito subalit 'di 'yon ginawa ng lalaki. Nakakainsulto iyon para sa kanya.

Halata ang pagkabigla ni Kervin sa sinabai ng kaibigan. "Dustine can we talk about it later? Paparating na sina Albert. Let them eat and rest for a while."

"Don't bother Kervin. If he don't want us to stay here that's okay. Wala rin naman akong planong magtagal sa lugar na 'to. I don't like it here." Pagsisinuwaling niya.

"Ha?" Mababakas ang pagtataka sa mukha ng alkalde. "Ang sabi ni Wendy sa ganitong lugar mo gustong mag-stay."

"I'm sorry for the misinformation. Hind updated si Wendy sa kung anong klaseng lugar ang gusto ko." Pagsisinuwaling niya pero nang magtanong ang mayor kay Wendy ay siya mismo ang sumagot sa email nito. 'Di naman niya inaasahan na may ganoong lugar sa Sta. Monica at 'yon mismo ang gustong i-provide ng alklde na accommodation. "Maybe Wendy's point of reference is what I've told her ages ago. Many things had changed. I'm already thirty-one and a millionaire. This kind of place don't have an appeal to me anymore."

She's a fat ass liar. Kung puwede nga lang na manatili siya doon kasama ang lalaki habang buhay ay gagawin niya. Pero huli na ang lahat para sa kanila dahil marami ng nagbago.

"Mabuti naman kung ganoon. Makakaalis ka na sa pamamahay ko." Wika ng binata sa malamig na tinig. Nagpalipat-lipat ang tuloy ang tingin ni Kervin sa kanilang dalawa.

"Aalis naman talaga ako kahit hindi mo sabihin. Hindi mo na ako kailangang ipagtabuyan." Walang emosyong wika niya bago binalingan si Kervin. "Let's go Mayor."

"Ilang minuto na lang nandito na sina Albert. Hintayin muna natin sila."

"I can't wait for them. Just call him now and inform him that we'll find a better place."

"Pero-"

"Every second I spent counts. I don't want to waste my precious time here." She said in a fierce tone. "Now, if you don't want to do it, I'll do it for you but don't expect that I'll support your next candidacy."

Naalarma ang alkalde sa kanyang sinabi. "I'll call Albert." Mabilis nitong kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng pantalon at tinawagan ang kaibigan.

"Good."

Tinalikuran niya ang dalawa at nauna siyang naglakad patungo sa parking lot. Darn! She didn't mean to do that. Actually, she hated herself for doing that. Hindi siya masamang tao pero 'yon ang hiniling sa kanya ni Dustine. Ayaw niyang idamay ang mga taong walang kinalaman sa hidwaang mayroon sila subalit hindi maiwasang mangyari 'yon.

"DAMN IT! Jade Ruth is a real millionaire and a real hot babe." Napapailing na wika ni Albert. Dumiretso sa bahay niya ang dalawang kaibigan pagkatapos mahanapan ng ibang matutuluyan ang grupo ni Jade. Sa resort ng Lolo ni Kervin tumuloy ang mga ito. "Pero nakakatakot siya. Akalain mong mapapasunod niya si Kervin. Kung anong sabihin ni Jade ay oo lang ng oo ang Mayor natin."

Masamang tingin ang pinukol ni Kervin kay Albert. "Ako lang ba? Pareho lang tayo Albert." Napipikong turan nito.

"Nakaka-intimidate siya noon pero lalong lumala ngayon. Nagmistulang maamong leon si Mayor sa isang maliit na daga." Natatawang wika ni Albert. "She's literally small but really terrible. Excited ako sa susunod na mangyayari sa buong Sta. Monica."

"Tumahimik ka Albert." Utos ni Kervin. "Nagtaka ako sa ikinilos ni Jade dahil hindi naman siya ganoon kanina. Yes, nakaka-intimidate siya pero alam kong mabait si Jade." Pagtatanggol nito sa dalaga.

"Baka nagpapanggap lang na mabait." Singit niya sa usapan ng dalawa.

"I don't think so." Sagot nito. "Mas kilala mo si Jade kaysa sa akin kaya alam mong tama ang sinabi ko.

"Lahat nagbabago." Tugon niya.

"Tama, lahat nagbabago maliban sa'yo." Makahulugang wika ni Albert. "Bitter ka pa rin hanggang ngayon samantalang si Jade masayang-masaya kasama ang boyfriend niyang foreigner. Mabuti na lang pinaalis mo siya kaagad dahil kung hindi mamamatay ka sa sobrang selos." Pang-aasar ni Albert.

"I don't care about her."

"Kumbinsihin mo ang iyong sarili Dustine."

"Shut up Dustine! I saw everything earlier. Malapit ako sa kinaroroonan niyo kaya kitang-kita ko kung paano mo siya titigan. Kulang na lang salubungin mo ng yakap at halik si Jade nang makita mo siya kanina kaya huwag mong sabihing wala kang pakialam sa kanya." Kastigo ni Kervin. "Parang nanunuod ako ng pelikula habang pinagmamasdan kayo."

"You're talking nonsense. Mabuti pa umuwi na kayo." Pagtataboy niya sa mga ito. "Gusto ko nang magpahinga."

"Okay!" tugon ni Kervin sabay hila patayo sa naka-upong si Albert. "By the way, before we leave I will tell you a secret. She was here five years ago." Wika ng lalaki bago tuluyang umalis kasama si Albert.

Naiwan siyang napapaisip sa sinabi nito. Kung totoo ang sinabi ng kaibigan sa kanya, bakit hindi nagpakita si Jade? Ayaw ba siya nitong makita o kamustahin man lang kung humihinga pa siya?   

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.

Last Goodbye by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez