SUMASAKIT ang ulo niya kay Albert at Kervin. Wala kasing binanggit ang dalawa na maraming kasama ang hinihintay na bisita. Kung hindi siya tinawagan ni Albert ay 'di niya malalaman ang tungkol do'n kaya heto siya ngayon, nagkukumahog na pumunta sa beach house kahit may naiwan siyang trabaho sa opisina. Nang maihimpil niya ang sasakyan ay agad siyang bumaba. Nakita niyang naka-park doon ang kotse ni Kervin. Siguradong naroon ang lalaki.
Pagpasok niya sa bahay ay naabutan niya si Manang Rosita, ang katiwala niya sa bahay, na abala sa kusina. "Manang nasaan ho si Kervin?"
"O, nandito ka pala. Akala ko mamayang hapon ka pa darating?"
"May biglang nangyari Manang." Tugon niya subalit 'di na nagpaliwanag. "Ilan ho ang dumating na bisita?"
"Ang alam ko isa lang ang kasama ni Mayor at 'yong iba susunod kasama ni Sir Albert pero 'di ko siya nakita dahil ayaw pumasok sa loob. Hindi naman ako makalabas dahil nagluluto ako. Tiyak na kasama 'yon ni Mayor, magpapahangin daw muna sa labas."
"Sige ho, pupuntahan ko muna sila."
"Sige."
Sinuyod ang buong bahay sa labas at sa loob subalit wala siyang nakitang tao. Tinahak niya ang daan patungo sa dalampasigan dahil baka naroon ang mga ito at hindi nga siya nagkamali. Sa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan niya ay may nakita siyang pamilyar na bulto ng nakatalikod na tao pero hindi 'yon si Kervin. Nag-iisa itong nakatayo sa ilalim ng puno ng niyog. Waring nagkaroon ng sariling isip ang kanyang mga paa at kusa 'yong naglakad patungo sa kinaroroonan ng babae.
Ang mahaba nitong buhok na maalon ay sinasayaw ng hangin. Nakakaakit pagmasdan ang buhok nitong natural na kulay brown dahil habang natatamaan 'yon ng sinag ng araw ay lalong tumitingkad ang kulay.
Dumoble ang bilis ng tibok ng kanyang puso ng ilang metro na lamang ang pagitan nila ng babae. Natatakot siyang magpatuloy sa paglalakad dahil baka bigla itong maglaho kapag abot-kamay na niya ito. Ganoon kasi ang madalas na nangyayari kapag napapanaginipan niya ang dalaga.
Tumigil siya sa paglalakad saka ipinikit ang mga mata. Gusto niyang matiyak kung totoo ang kanyang nakikita. Tahimik siyang bumilang hanggang sampu. Nakaramdam siya ng matinding takot at kaba habang unti-unti niyang minumulat ang mga mata dahil baka biglang maglaho sa paningin niya ang dalaga.
Magkahalong kaba, saya, at pananabik ang kanyang naramdaman nang makitang nanatiling nakatayo ang babae. Labing-limang taon niya itong hinintay. Labing-limang taon siyang umasa na balang araw ay babalik ito sa kanya. Labing-limang taon siyang nangulila sa dalaga. At ngayong nasa harapan niya na ito at abot-kamay, hindi niya alam kung anong gagawin. Gusto niya itong salubungin ng yakap at halik subalit napako siya sa kinatatayuan.
"Jade…" sambit niya sa pangalan nito
Dahan-dahang lumingon ang dalaga. Bakas sa magandang mukha nito ang pagkabigla nang makita siya subalit mabilis itong nakabawi. Nginitian siya nito na para bang kahapon lang sila huling nagkita samantalang hindi niya makuhang ngumiti dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang dalaga.
"Hi Dustine! It's nice to see you again." She said in a cheerful voice while beaming. "How are you?"
He's been in sheer hell for fifteen years because she's not there by his side. Tapos bigla-bigla itong susulpot at 'yon ang itatanong sa kanya na parang hindi siya nito iniwan samantalang ito, mukhang naging masaya ang buhay na hindi siya kasama. Life is unfair.
SHE WANTED to see him but she didn't expect to see him now. Nabigla siya nang makita ito at hindi niya alam kung anong sasabihin at kung paano kikilos sa harapan nito. Pinili niyang magmukhang masaya dahil 'yon naman ang dapat niyang ipakita dito subalit taliwas 'yon sa tunay niyang damdamin.
Pinaniwala niya ang sarili na handa na siyang makita ito ngunit ngayong kaharap niya ang lalaki, gusto niyang umatras. Bumabalik kasi lahat ng sakit na naramdaman niya noon. Para siyang pauli-ulit na pinapatay kapag naaalala niya ang masasakit na nangyari sa kanya kaso wala naman siyang magawa. Wala siyang ibang masisi dahil kagagawan niya lahat ng 'yon. At ang masakit sa lahat, pati ang walang kinalaman sa pag-iibigan nila ay nadamay din.
"What are you doing here?" walang emosyong tanong nito.
"I'm here for business and charity work." Kaswal niyang sagot. Hindi kasi umubra ang friendly approach niya kanina. "How about you?" Binanggit kaya ni Kervin na naroon siya? Posible 'yon pero imposibleng siya ang dahilan nang pagpunta nito sa lugar. Wala sa itsura ng lalaki na gusto siya nitong makita.
"I'm the owner of this place."
Hindi na siya nagulat sa sinabi nito dahil sumagi sa isip niya kanina na maaring ito ang may-ari ng property pero 'di pa rin siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito nagpatayo ng bahay na kawangis sa pinangarap nilang maging tahanan kung tutuusin nag-asawa ito ng iba. Maaari rin namang naitayo na ang bahay na 'yon bago ito nagpakasal.
"Don't expect that I built this house for you." Malamig nitong wika na tila nabasa ang nasa isip niya.
"Of course not," pagkakaila niya kahit totoo naman. "Why would you do that for me?" She said sarcastically while smiling bitterly. "Frankly speaking, I don't expect anything from you."
Sinabi niya 'yon kahit hindi naman totoo. Siyempre kailangan niyang pagtakpan ang sarili dahil ayaw niyang isipin nito na minsa'y nag-expect siya. Kaso lahat ng expectations niya ay nauwi sa disappointments at heartbreaks.
"I knew that long time ago. You don't expect anything from me because I'm nothing to you." Magkahalong lungkot at pait ang rumihistro sa singkit na mata nito subalit mabilis 'yong nawala at napalitan ng galit. "I thought that you're not like them but you're the worst."
"Worst." Ulit niya sa huling salitang sinabi nito. Masakit 'yon pakinggan lalo't alam niyang inihahalintulad siya ng lalaki sa sarili nitong pamilya pero hindi siya ganoon. Iba ang ibig niyang sabihin sa naintindihan nito. Gusto niyang klaruhin ang naging pahayag subalit 'di niya ginawa dahil baka ipagkanulo niya pa ang sarili dito. "You haven't seen the worst of me Dustine and you might not want to see it." Tutal 'yon ang tingin nito sa kanya kaya paninindigan na niya.
"May ilalala pa ba?"
Naikuyom niya ang palad. Ano bang ginawa niya sa lalaki bakit ganoon ang tingin nito sa kanya? Oo, inaamin niyang mali ang kanyang ginawa. Umalis siya nang walang paalam at tanging sulat lang ang kanyang iniwan. Tinalikuran niya si Dustine para sa sariling pangarap pero hindi lang 'yon para sa kanya kundi para din sa lalaki. Hindi niya hiniling dito ang hintayin siya dahil alam niyang unfair 'yon kaya nang malaman niyang magpapakasal ito sa iba ay maluwag niyang tinanggap kahit sa kaibuturan ng kanyang puso'y umaasa siyang maghihintay ito sa kanya.
Tatanggapin niya kung susumbatan siya nito dahil sa ginawa niya noon pero hindi niya kayang tanggapin ang ikumpara siya ng lalaki sa sarili nitong pamilya. Dahil ni minsan hindi niya ipinadama dito na wala itong halaga sa kanya.
"If you ask for it then, I could be the most horrible person you could ever imagine."
Hindi ito kumibo subalit matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Hind siya nagpasindak sa lalaki at nakipagsukatan siya ng titig. Iyon nga lang, masyado itong matangkad kaya kailanagn niyang tumingala. Nakaramdam siya ng pangangawit ng leeg ngunit wala siyang balak na magpatalo.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez