MALAWAK ang kanyang ngiti habang nakatitig sa dalampasigan. Ilang minuto pa lang ang lumipas simula nang makapatapak siya sa lugar na 'yon ngunit pakiramdam niya'y matagal na siyang nakatira doon. She's going to love the place because it feels like home. Nagkataon pang ang disenyo ng bahay ay tugmang-tugma sa pangarap nilang maging tahanan ng dating kasintahan.
That was fifteen years ago Jade. Tinangay na ng alon at hangin ang pangarap niyo at pangako sa isa't isa. Magsisilbi na lang isang mapait na alaala ang inyong nakaraan.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Akala niya noon ay aayon ang tadhana sa kanyang plano ngunit nagkamali siya. Taliwas sa inaasahan niya ang nangyari. Inaasahan niya nang umalis siya'y mayroong siyang babalikan subalit wala pala. Tuluyan siyang kinalimutan ng lalaki at nagpakasal ito sa iba. Hindi naman niya ito masisisi dahil kasalanan niya ang lahat. Kahit gusto niyang magtanim ng sama ng loob at magalit ay 'di niya magawa dahil iniwan niya ito.
'What's with the sigh?" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Naglalakad ang taong 'yon palapit sa kanya. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo."
"Na-miss ko lang ang Sta. Monica." Nakangiti niyang tugon subalit ang totoo'y iba ang kanyang nami-miss. Hindi niya maunawan ang sarili kung bakit sa kabila ng lahat ng nangyari ay hindi niya ito lubusang makalimutan.
"It's been fifteen years since you left the town. Ngayon ka lang bumalik. Talagang mami-miss mo nga ang Sta. Monica." Wika ng alkalde. "I came here five years ago." Pagtatama niya sa maling akala nito dahil bumalik siya sa Sta. Monica limang taon na ang nakalipas. Halata ang pagkagulat sa mukha ng alkalde ngunit hindi ito nagtanong at wala naman siyang balak magkwento dito. "Ang laki ng improvement ng Sta. Monica. Congratulations Mayor! You did a great job."
"Hindi lang ako ang dahilan kung bakit umunlad ang Sta. Monica. Kasama ka rin at ang ibang taong handang tumulong sa bayan natin."
"Ikaw ba talaga si Kervin?" Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "Sinong mag-aakala na ang playboy at bulakbol noon ay magiging kapita-pitagang alkalde ngayon? I'm so proud of you."
"Insulto ba 'yan o papuri?"
"Both."
"Grabe ka Jade! Sinugatan mo ang ego ko."
Natawa siya sa sinabi nito. "Naku! Kervin kilala kita kaya alam kong hindi ka nasaktan sa sinabi ko." Tama nga siya dahil ngumiti ito. "By the way, sinong may-ari ng property na 'to?"
Naglaho ang ngiti sa labi ng kanyang kausap. "Makikilala mo rin siya mamaya. Pumasok muna kaya tayo sa loob?" Pag-iiba nito sa usapan. "Baka nagugutom ka na o kaya naiinitan."
Umiling siya. "I'll stay here. Mamaya na ako kakain pagdating ng mga kasama ko."
Nauna siyang dumating sa Pilipinas dahil may inasikaso siya sa kabilang lalawigan kung saan nakatira ang kanyang mga magulang at kamag-anak ng kanyang ina kaya nauna na siyang pumunta sa Sta. Monica. Ang iba niyang kasama ay dumating sa Pilipinas kahapon pero nagpalipas muna ng magdamag sa hotel sa Maynila bago pumunta sa Sta. Monica. Ang alam niya'y sinundo ni Albert sa airport ang mga kasama niya at ngayon ay kasalukayan nang bumabiyahe ang mga 'yon patungo doon.
"Are you sure?"
"I'm sure. Don't worry I'll be fine here. Masarap ang simoy ng hangin sa labas at nakaka-refresh kaya dito muna ako."
"All right! Just call me if you need anything."
"Sure!"
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez