SUNOD-SUNOD na pag-iling ang kanyang ginawa. "You can't use my beach house. You can find another place." Walang ibang nakakaalam na siya ang nagmamay-ari ng pinakamagandang beach house sa Sta. Monica maliban sa dalawa niyang kaibigan na si Albert at Kervin.
"We can find another place but we like your place." Sagot ni Albert. Ang lalaki ang namamahala sa Balikbayan Foundation. Magulang nito na dating OFW ang nagpatayo ng foundation. Halos lahat ng benefactors ay mga OFW na pinalad sa ibang bansa. "Perfect ang beach house mo sa description na gustong matuluyan ng benefactor habang may aasikasuhin siyang business dito na makakatulong sa buong Sta. Monica."
"Nilarawan ba talaga ng benefactor ang gusto niyang matuluyan o pinakita mo ang larawan ng beach house ko?" paniniyak niya.
"Walang pinakitang pictures si Albert." Sansala ni Kervin. "Ako ang nagtanong kung saan niya gustong mag-stay. Nagkataong tumugma ang description ng beach house mo sa lugar na gusto niya. Of course, I want to give the best to her, I mean him." Naguguluhan ang lalaki kung paano tutukuyin ang kasarian ng benefactor. "Damn! I don't even know if that person is a man, woman, gay, or lesbian." Wika ng pinakabatang mayor ng Sta. Monica.
"What do you mean?"
"Ayaw sabihin ni Albet kung sino ang benefactor."
"Because I don't know him or her." Depensa ni Albert. "The person's identity is remain unknown. Si Mommy lang ang nakakakilala sa kanya. Kahit ako na ang namamahala sa foundation, ayaw niyang ipagkatiwala sa akin ang identity ng taong 'yon."
"Paaano niyo siya nako-contact?"
"Through her assistant." Maikling sagot ng Mayor. "Matutulungan op o kami o hindi?" Muling binalik ni Kervin ang paksang kanilang pinag-uusapan kanina. "The person is really important. Malaki ang naitulong at maitutulong niya sa Sta. Monica. I want to give the best that we could offer."
"Not my house."
"Dustine para kang nag-donate ng milyones sa mga kababayan natin kapag pinagamit mo ang iyong bahay." Wika ni Albert.
"Exactly!" sang-ayon ni Kervin. "Maliban sa milyong donation niya, tutulong din siya sa agricultural sector ng Sta. Monica."
"Magdo-donate ako ng isang milyon para tantanan niyo ang bahay ko." Pagamatigas niya. Hindi makapaniwalang tingin ang binato sa kanya ng dalawang kaibigan. "What?"
"Dustine you don't understand. Hindi lang isang milyon ang binigay ng taong 'yon sa Sta. Monica. Milyon-milyon. Limang taon na siyang tumutulong sa foundation. Limang daang kolehiyo ang pinag-aaral niya at ang isang daan sa mga 'yon ay nakapagtapos na. Bawat taon ay may sampung pamilya siyang binibigyan ng tahanan at ngayon limampung pamilya na ang may masisilungan dahil sa kanya."
"Isa siya sa tumulong na magpatayo ng hospital sa Sta. Monica." Dagdag ni Kervin. "Maliban doon, marami na siyang natulungang pasyenteng malala ang karamdaman. Hindi lang dito sa atin maging sa kabilang bayan at siyudad. The person is a real blessing to us."
"Pag-iisipan ko."
"Dustine magandang accommodation lang ang kailangan niya. Actually, hindi niya 'yon hiniling pero 'yon ang dapat nating ibigay sa kanya." Pangungumbinsi ni Kervin. "Kung tutuusin maliit na bagay lang 'yon kumpara sa laki ng naitulong niya sa bayan natin."
"Kinukonsensiya op o ako?"
"No. I just want you to realize how good she is or he is and she or he deserved the best from Sta. Monica."
Napabugo siya ng hangin. Natitiyak niyang walang balak tumigil ang dalawa sa pangungulit sa kanya hanggat 'di siya pumapayag sa gusto ng mga ito.
"Dustine nakiki-usap kami sa'yo ni Kervin. Pumayag ka na kasi." Wala sa tono ng boses ni albert ang nakikiusap mas angkop ang salitang "namimilit" ang lalaki.
Hindi naman sa nagdadamot siya pero ayaw niyang may ibang gumamit sa bahay niya. Kaya sinekreto niya sa kanyang pamilya na siya ang may-ari ng rset house na 'yon dahil doon siya pumupunta kapag gusto niyang mapag-isa. Pakiramdam niya kasi kapag nandoon siya ay napupunan kung anuman ang kulang sa kanya.
"Fine!" Napipilitang pagsang-ayon niya. "Siguraduhin niyo lang na hindi mapapabayaan ang beach house ko at kapag nandoon ako, ayokong maistorbo."
"Kami na ang bahala." Duet na sagot ng dalawa sabay apir. Napapailing na lang siya habang pinagmamasdan ang mga ito.
MATAMAN siyang nakatitig sa medalya na hawak ng kanyang kaliwang kamay. Nakapagdesisyon siyang harapin na ang may-ari no'n. Ibabalik niya ang medalya sa lalaki na dapat noong una pa lang ay 'di niya na tinanggap.
"Anak sigurado ka bang kaya mo na siyang makita?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.
Marahan niyang kinuyom ang palad na may hawak ng medalya. "'Nay limang taon op o ang lumipas. Okay na ako."
"Inaalala lang naman kita. Baka kasi hindi ka pa handa."
Hinawakan niya ang kamay ng ina. "'Nay op og-handa na akong harapin siya. Dapat noon ko pa ito ginawa. Huwag ka nang mag-alala sa akin kayang-kaya ko 'to."
"Kailangan op o talagang ibalik 'yan sa kanya? Puwede mong itago 'yan o itapon."
"Kailangan op o siyang harapin." Matatag niyang tugon.
Gusto niyang magkaroon sila ng proper closure ng lalaki para tuluyan na niyang mapalaya ang sarili. Ibabalik niya ang medalya dahil simbolo 'yon ng kanilang pagmamahalan, pangarap, at pangako sa isa't isa malabo nang mabigyang kulay at buhay. Magsisilbi rin 'yong huling paalam niya sa binata dahil buo na ang kanyang pasya na 'di na siya muling babalik sa buhay nito.
"Ikaw ang bahala. Basta tawagan mo ako kapag may nangyaring hindi maganda sa Sta. Monica."
"Opo."
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez