Chereads / Last Goodbye / Chapter 1 - PROLOGO

Last Goodbye

🇵🇭carmielopezmckay
  • 26
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 78.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGO

PINAGSALIKOP niya ang kamay sa harap ng kanyang dibdib at piping umusal ng panalangin. Hindi siya nag-abalang pumikit dahil ayaw niya ialis ang tingin sa bawat kilos ng lalaki na nakikipag-agawan sa bola mula sa kabilang kupunan. Tagaktak ang pawis ng lalaki, hinihingal, at halatang pagod na subalit patuloy itong lumalaban dahil umaasa ang ka-grupo nito at ang kanilang ka-barangay na maipapanalo ang laban sa ika-pitong pagkakataon.

Anim na taon ng namamayagpag ang Brgy. Villaluz sa bayan ng Sta. Monica sa larangan ng basketball. Tuwing summer ay may palarong pampalakasan sa knilang bayan at laging nangunguna ang Brgy. Villaluz sa halos lahat ng laro lalo na sa basketball.

Ngayon, hindi siya sigurado kung madedepensahan ba ng barangay nila ang titulo mula sa kalabang barangay, ang Poblacion. Gitgitan ang laban. Walang gustong magpatalo. Sa kasamaang palad, lamang ang kalaban ng dalawang puntos at kulang isang minuto ang nalalabi matatapos na ang final quarter.

Abot-abot ang kabang kanayang nadarama. Kahit sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao ay dinig na dinig niya ang tibok ng kanyang puso. Napatingin sa gawi niya ang lalaking kanina pa niya sinusubaybayan. Matamis na ngiti ang binigay niya sa lalaki at tinging nagpapahiwatig na "kaya mo 'yan." Ginantihan siya nito ng matamis na ngiti at tinging puno ng determinasyon.

Ang palitan nila ng ngiti at tingin ang mistulang naging booster ng binata upang lalo itong maging determinadong maagaw ang bola mula sa kabilang kupunan at nagtagumpay naman ito. walong segundo na lang ang natitira. Masyadong malayo mula sa ring ang lalaki pero wala itong inaksayang segundo. Napapikit siya nang isu-shoot na nito ang bola.

"Yes!" Sigaw ng kaibigan niya na halos ikabasag ng kanyang eardrums. "Three-point shoot! Panalo tayo!"

Iminulat niya ang mga mata. Nagkakagulo ang mga tao. Pinagkaguluhan din ang lalaking nakapagpanalo ng laro. Kaliwa't kanan ang hiyawan. May tumatalon pa sa sobrang saya at sumisigaw ng I love you sa captain ng team.

Gusto niyang sumigaw na off limits na ang lalaki dahil siya ang nagmamay-ari ng puso nito subalit pinigilan niya ang sarili. Hindi pwede. Hindi maari. Hindi niya tuloy mapigilang malungkot.

"Sis bakit gayan ang itsura mo? 'Di ka ba natutuwa na nanalo tayo? Hindi ka ba proud sa boyfriend mo? Gwapo na-"

Siniko niya ang kaibigan upang tumahimik ito. "Huwag kang maingay dahil baka may makarinig sayo." Saway niya dito. Tanging ang kaibigan niya lang ang nakakaalam ng may relasyon sila ng lalaki.

"Kung hindi kita kilala iisipin ko talaga na ikinakahiya mo siya. Bakit kasi ayaw mong ipaalam sa lahat na kayo na?"

Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan. "Let's go." Hindi niya hinintay ang sagot nito. Nauna na siyang naglakad palabas ng gym.

Note: Hindi po ito kasama sa soon to be published na ebook.

Soon to be published under bookware publishin corp