Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

"I told you , she's not going to stop not until you fuck her " papasok palang ako sa bahay namin ng narinig ko na maingay sa living room namin. Rinig ko mula sa labas ang tawanan nila.

Nang makapasok ako ay si Vincent agad ang una kong napansin, malakas ang tawa nya na tila aliw na aliw sa sinabi ng kaibigan, diretso lang akong naglakad hindi ko pinansin ang presensya ng mga barkada ni kuya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang malalim na titig ni Vincent kaya napabaling din ang iba pang barkada ni kuya sa akin.

"Hi Coligne !" Masiglang bati ni Bench sa akin at kumaway pa ginantihan ko lang sya ng matamis na ngiti at tinanguan nalang sya saka dumiretso na ako sa taas.

Naligo agad ako at nagsimulang gawin na ang assignments ko, siguradong mapupuyat na naman ako. Mga 7 pm na akong bumaba dahil tinawag na ako ni mama para maghapunan.

"Anak tawagin mo na ang kuya mo at pati na rin ang mga barkada nya, kakain na tayo" utos sa akin ni mama habang abala syang nagsasandok ng kanin.

"Opo" simpleng sagot ko saka nagsimula nang magtungo sa kwarto ni kuya.

Ang buong akala ko ay nakauwi na sila. Hindi na ako kumatok dahil hindi naman naka-lock ang pinto kaya madali akong nakapasok sa kwarto ni kuya.

" Kuya kakain na daw "

Mahina lang ang pagkakasabi ko sapat lang para marinig nila , sabay sabay silang napalingon sa akin at hindi ko inaasahan ang kasunod na narinig.

Isang mahabang ungol ng babae ang nagsilbing background music nila habang natatarantang nagsitayuan.

"Shit, where's the fucking remote Cole!"  Napatakip ako sa aking bibig at unti-unting umakyat ang dugo sa aking mukha.

Napasinghap silang lahat, halata ang pagkabitin sa pinapanood na kalaswaan para akong nakarinig ng pag-awit ng ibong adarna at tila naging bato ang aking katawan.

"Just unplug it !" Sigaw ni kuya habang busy parin sa paghahanap ng remote si Vincent nakita ko ang mabilis na paghablot nya sa sasaksakan at bahagya pa itong kumislap. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan.

"Susunod nalang kami Coligne mauna kanang bumaba "

Seryoso ang pagkakasabi ni kuya sa akin pero ang malalaking butil ng pawis nya agad ang nakita ko at ang pagkakaigting ng kanyang panga.

Tumango lang ako at agad na nya akong tinalikuran para linisin ang nagkalat na tissue sa kwarto nya. Hindi ko maiwasang tanawin ang itsura ni Vincent, katulad ni kuya ay pinagpapawisan rin ito at mariin ang pagkakaigting ng panga habang tinutulungan si kuya sa paglilinis.

Tila ba may sariling isip ang mata ko at curious na bumaba ito sa harap ng shorts ni Vincent, marahas akong napalunok ng makita ang umbok sa harapan nya na tila ba may nagca-camping roon ,naka jersey short lang ito na kulay pula kaya halatang halata kahit pahapyawan lang ng tingin.

Ganoon ba iyon kalaki? Hindi maalis sa tingin ko ang naka umbok na iyon ibinalik ko ang titig sa mukha nya at nakita ko ang madilim na mga mata nya, tumikhim sya at mabilis na tumalikod sa akin. Saka ko lang napansin na nawala ang ibang barkada ni kuya, wait wag mo sabihing sabay sabay silang nasa banyo?

Napangiwi ako sa naiisip, kaya nagmadali na akong bumaba at hindi matignan sa mga mata si mama at papa. Hindi ko na hinintay ang pagbaba nila kuya at nagsimula na akong kumain para diko sila makasabay.

"Oh nasaan na sila anak?" Nakakunot na noong tanong sa akin ni mama, nginuya ko muna ang kinakain ko bago sumagot.

"Susunod nalang daw sila ma"

Minadali ko ang pagsubo halos mabulunan na ako, napatingin ako sa ibang ulam pero napamura ako ng mahina ng makakita ng sausage , kaya mas pinili ko nalang ang pinritong tilapia kahit na tinatamad akong magtanggal ng tinik.

Napahinto ako sa pagtitinik ng maramdaman ko ang pagdating nila, naupo sa tabi ko si kuya, at sa harap ko naman si Vincent at si Bench samantalang sila Johnson at Koko ay nasa gilid ni kuya.

"Tapos nyo na ba ang thesis nyo? " tanong ni mama, napa-angat naman ang ulo nila at pekeng umubo

"Malapit napo Ma, " tipid na sagot ni kuya kay Mama

Kung alam mo lang mama kung ano ang ginagawa nila kanina napa-irap ako dahil sa pagsisinungaling ni kuya.

Sinulyapan ko si Vincent na tahimik ng kumakain.

" Sabihin nyo lang kung gusto nyo ng miryenda at papadalhan ko kayo kay Coligne " nakangiting alok ni Mama

" Wag na po !" Sabay sabay nilang sabi na ipinagtaka ni mama napa-iling nalang ako, wag nila sabihing itituloy pa nila ang pinapanood?

" Ang sarap naman po ng ulam na niluto nyo sausage tapos may tilapia pa " makahulugang sabi ni Bench at sabay tumusok ng isang sauge saka marahang isinubo ito .

Sinamaan lang sya ng tingin nila kuya

Nagkibit balikat lang si Bench na parang walang masamang sinabi.

Tumikhim ako at marahang itinulak ang bangko para makatayo.

"Tapos kana kumain Coligne?" Tanong sa akin ni Bench

" Oo, aakyat na ako may tatapusin pa akong assignment " sagot ko na nakapagpalingon kay Vincent .

"Ah ganon ba ? Sabihin mo lang sa akin baka matulungan kita "

Presinta nya at iniangat pa ang hawak nyang tinidor sabay turo sa kwarto ni kuya

"Andon lang kami sa kwarto ng kuya mo hanggang madaling araw kami dito tatapusin pa namin yung thesis " nakangisi nyang sabi napatawa nalang ako sa biro nya hindi tuloy maiwas ang tingin ko kay Vincent na masama ang tingin kay Bench, sinaway sya ni kuya at binatukan naman sya ni Johnson habang si Koko naman ay napapa-iling nalang.

Hanggang sa pagtulog ko ay di maalis sa akin ang nasaksihan kanina.

Naiintindihan kong normal lang ang ganoon dahil lalaki naman sila pero ang mahirap intindihin ay bakit kailangan pa nilang panoorin ng sama-sama at higit sa lahat ay itutuloy pa nila.