Pagkatapos nila mag-usap ay dumiretso na agad si Vincent sa gitna ng gym para bumalik sa practice habang si kuya naman ay tinabihan lang ako sa upuan at ang atensyon nya ay nasa cellphone.
" Kuya ano ang pinag-usapan nyo kanina? " curious na tanong ko napatigil sya sa pagta-type sa cellphone at sinulyapan ako
"May pinapasabi lang yung coach namin sa kanya" paliwanang nya tumango lang ako bilang tugon .
Hinintay kong bumalik si Vincent sa upuan nya kanina pero nabigo ako dahil parang ayaw nyang lumubay sa pagpapractice, si Kuya naman ay iniwan na ako dito. Naiinip na ako kaya nilapitan ko na si Vincent sa court nang makita ko syang nagbreak dahil muka namang wala syang balak kunin ang inumin nya kaya ako na ang nagdala.
Pero napasimangot na lang ako nang makitang may ibang babae ng nag abot sa kanya ng tubig, hindi ko namalayan na nasa harap na pala nila ako nakita ko ang bahagyang pagtawa nya nang abutan pa sya nito ng face towel napahigpit ang hawak ko sa mineral bottle. Matagal ng sumagi sa isip ko na baka may kasintahan na ito paano ko pa magagawa ang misyon ko kung ganoon, ayoko namang mang-agaw ng pag-aari ng iba magmumuka akong hayok sa lalaki, hindi lang naman sya ang gwapo sa mundo.
Sa halip na sa kanya ko ibibigay ang hawak kong tubig ay kay Bench ko nalang ito inabot dahil sakto ang pagdaan nya sa harapan ko. Bahagyang nagulat si Bench pero napalitan din ito ng ngisi at walang alinlangan na tinanggap ang tubig kahit na meron na syang taban na tumbler.
"Thanks Coligne sakto paubos na ang laman ng tumbler ko " masigla nyang sabi na nakapagpalingon kay Vincent mabilis ko namang binawi ang mata ko at ibinaling sa kausap, ngumiti lang ako kay Bench.
" Gusto mo bang magmeryenda? Mukang kanina kapa nabo-bored malapit lang ang cafeteria dito , don't worry my treat "
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nya agad ako palabas.
" Buenaventura, saan mo dadalhin ang kapatid ko !" Sigaw ni Kuya mula sa malayo napatingin ako kay kuya na nagtatakang nakatingin sa amin.
" Magdedate lang kami saglit!" Hiyaw din ni Bench saka tumawa nang malakas bago kami makalabas sa gym ay lumingon ako sa banda nila Vincent ,mula sa malayo ay nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon nya saka tumalikod.
Kaya wala na akong nagawa kundi sumama, tinanong nya kung ano ang gusto ko at sya nalang daw ang oorder kaya hinintay ko nalang sya.
Maya maya lang ay bumalik syang may dala nang macarons at juice .
" Kumain ka lang wag ka mahihiya sa akin " nakangisi nyang sabi ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang mukha nya , may dimples pala sya pero sapat lang ang lalim nito , makapal ang pilik mata nya bumagay sa kulay brown nitong mata ,medyo mahaba ang buhok nya halos sumasalat na ito sa tainga nya pero kahit na ganoon ay mas nangingibabaw ang kagwapuhan. Bahagya akong napanguso dahil naalala ko si Vincent ano na kaya ang ginagawa non?
Madaldal si Bench kaya hindi ako naiinip hindi ko namalayan na napatagal kami sa pagmemeryenda.
" Oo nga pala may game kami sa Friday mas maganda kung manonood ka " alok nya sa akin sa totoo lang ay hindi ako mahilig sa basketball pero nakakahiya namang tumanggi . Napa-isip ako kung isasama ko sila Jona gayong nagalit sya noon kay Bench.
" Pwede ko bang isama ang mga kaibigan ko?" Paalam ko tumango naman sya at tila may gusto syang itanong pero mas pinili nyang manahimik , ako rin ay may gustong itanong sa kanya. Napapatingin ako kay Bench at humahanap ng tiempo, sana ay wag nyang bigyan ng ibang kahulugan ang itatanong ko sa kanya tumikhim muna ako bago magsalita.
" Bench may girlfriend naba ang kuya ko?" Pasimula ko nakita ko ang bahagyang pag-iisip nya sa tanong ko , nangalumbaba sya at sumimsim sa juice na hawak.
"Wala naman, marami lang talaga syang kaibigan na babae " tugon nya sa akin ,tumango lang ako at nagtanong ulit.
" Eh si Vincent meron na ?" Maingat kong tanong ,marahan syang sumandal sa upuan at humalukipkip mukha namang hindi nya binigyan ng ibang kahulugan ang tanong ko , matagal bago sya nakasagot para bang pinag-iisipan nyang mabuti ang isasagot nya .
" Hmm parang wala naman ata ngayon siguro baka sa isang linggo meron na ulit " seryoso nyang sabi at napahawak pa sa baba nya , nasamid ako sa iniinum kong juice dahil sa narinig .
So ibig sabihin ay wala lang ngayon pero bukas makalawa ay magkakaroon na ?
Mabilis naman nya akong inabutan ng tissue agad ko namang pinunasan ang tumalsik na juice sa lamesa dahil sa pag-ubo ko . Narinig ko ang mahinang pagtawa nya sa akin na nakapagpaangat ng ulo ko upang tignan sya . Walang sabi naman nyang pinunasan ang gilid ng labi ko , medyo natulala ako sa ginawa nya. Hindi pa man ako nakakamove on sa pagpunas nya sa labi ko ay may tumampal na sa kamay nya dahilan para mapa-aray sya.
Walang sabi nyang hinila ako palabas sa cafeteria, napailing nalang si Bench habang hinihimas ang kamay nyang hinampas.
"Vincent ano ba bitiwan mo nga ako !" Naaasar kong sigaw sa kanya pilit akong kumakawala sa hawak nya pero mas lalo pa itong humihigpit.
" Sinabi nang bitiwan mo ako eh !"
Dahil sa pagkainis ko ay kinagat ko ang kamay nyang nakahawak sa akin, dahil sa pagkagulat ay marahas nyang kinalas ang kamay nya sa akin at hinarap ako.
Bakas sa mukha nya ang galit, nakaigting ang kanyang panga mariin ang pagkakasara ng kanyang mga labi na para bang pinipigilan ang sarili na sumigaw.
Nakaramdam ng pagka-guilty , napalakas kaya ang pagkagat ko sa kanya? Kaya nagalit sya?
" Pasensya na , ikaw kasi bigla ka nalang nanghihila " mahina kong sabi nang hindi nakatingin sa kanya ,pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga mata sa sobrang ekspresyon na ipinapakita nya sa akin.
Napahilamos lang sya sa muka at bumuntong hininga na para bang mas kinaasar pa ang pagkakasabi ko ng pasensya sa kanya.
" Bakit ka ba talaga nandito ? Nung una ay sa party ngayon naman ay nasa campus ka namin ang bata mo pa lumalandi kana " wala akong makitang kahit anong ekspresyon sa mukha nya, naningkit ang mata ko sa sinabi nya.
Ano ang karapatan nyang akusahan ako ng ganon,hindi porket mas matanda sya sa akin ay may karapatan na syang pagsabihan ako.
Kung alam mo lang na ikaw talaga ang pakay ko.
" Eh anong paki-alam mo ? Bakit nasasapawan naba kita?"
Sarkastikong sabi ko at tumawa pa ako, sige lang maasar ka sana, nakita ko ang pag angat baba ng dibdib nya at pagkuyom ng kamao,tila ba gusto nya akong tunawin sa pamamagitan ng titig, napapikit sya na pilit kinakalma ang sarili muli rin syang dumilat at malamig akong tinitigan.
"Walang nakakatuwa sa sinabi mo"
Seryoso nyang sabi sa malalim na boses,humalukipkip ako at bahagyang lumapit sa kanya sapat lang para marinig nya ang sasabihin ko
"Hindi ko sinabing tumawa ka " pilosopo kong sabi at binigyan sya ng matamis na ngiti mas lalong nadepina ang kanyang panga at nag-aalab ang kanyang mga mata. Bumaba ang tingin nya sa labi ko at marahas syang napalunok hindi nakaligtas sa akin ang marahan nyang pag basa sa mapupula nyang labi .
Napaatras ako sa biglaan nyang paglapit hanggang sa wala na akong maatrasan pilit kong idinikit ang likod sa puno dahil sa walang tigil nyang paglapit, hindi parin naaalis ang malalim nyang titig sa labi ko.
" Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo "
Malambing ang pagkakabigkas nya , ramdam ko ang mainit na hininga nya sa aking mukha,sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ko na alam ang isasagot ko dahil natatakot akong baka pagnagsalita ako ay mapiyok ang boses ko dahil sa panghihina, binasa ko ang aking labi upang maibsan ang kaba ,napapikit nalang ako ng mariin. Walang sabi nyang inilapit ang mukha sa akin , hinihintay ko ang paglapat ng malambot nyang labi sa labi ko ngunit tila ba nabigo ako dahil hindi doon lumapat iyon sa halip ay sa tungki ng aking tainga.
Ano ba tong iniisip ko?! Bakit naman nya ako hahalikan?! Pagalit na sumbat ko sa sarili.
Marahas akong napasinghap sa pagbasa nya sa gilid ng tainga ko ramdam ko ang init ng kanyang dila na bahagyang sumalat sa aking balat.
Muntik na akong magpakawala ng di kaaya ayang tunog sa aking bibig sa sensasyong nararamdaman ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig para pigilan ang sarili. Tila may kung ano sa aking tiyan na kumikiliti ,nag-iinit ang aking buong katawan. Ang isa nyang kamay ay nakahawak sa likod ng puno para suportahan ang bigat ng kanyang katawan samantalang ang isa ay nasa likod ng aking leeg upang ilihis ang nakaharang kong buhok .
Para bang may sariling isip ang aking katawan dahil kusang gumalaw ang aking ulo patagilid upang bigyan sya ng kalayaan sa kanyang ginagawa. Hindi pa man ako nakakaahon sa ginagawa nyang paglunod sa akin ay bigla nalang nyang inilayo ang sarili na parang napaso mabibigat ang paghinga nya at ang mata nyang bakas ang pagnanasa. Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ang pag-angal.
Inaamin kong nabitin ako at dismayado dahil akala ko ay sa labi nya ako hahalikan pero hindi ko akalain na kaya nyang tumbasan ng higit pa sa aking inaasahan. Namula ang mukha ko ng mapansin kong matagal kaming nagkatitigan na para bang naghihintay na isa sa amin ang muling sumunggab ,iniyuko ko ang aking ulo upang maiwasan ang mapang-akit nyang titig sya naman ay lumayo na at halos hindi ko marinig ang paghingi nya ng pasensya.
" Tara na sa loob baka hinahanap kana" tahimik naman akong sumunod sa kanya at pinapanood ang malapad nyang likod wala sa sariling napahawak ako sa aking tainga at pilit na inaalis sa sistema ko ang nangyari.
Mariin akong napapikit at nagpakawala ng sunod-sunod na paghinga.
Nagpadala ako sa tukso.
Muli ko syang sinulyapan pero malayo na ito sa akin.