" Look girls , this is Kobe Elliot Marcelo" sabay-sabay kaming napatingin sa hawak nyang cellphone, hindi maitatago ang kinang sa mga mata ni Jona habang ipinapakita sa amin ang litrato na sya mismo ang kumuha.
Isang lalaking maputi pa sa kanya at matangos ang ilong, may manipis at mapupulang labi ang nakadekwatro at halata ang pagkainip sa kanyang mga mata.
"Ang yummy" kinikilig na sabi ni Marie
"Sino na naman yang ini-stalk mo ?"
Nakakunot ang noo na tanong ko.
Lumapad lang ang ngisi ni Jona at malanding tumawa ,hinawi pa nya ang buhok nya na para bang isang modelo ng shampoo ,napaismid na lang ako dahil mukang alam ko na ang binabalak nya.
"Remember the guy with four eyes?"
Mahina nitong sabi , napatikhim naman si Diary dahil sa sinabing iyon ni Jona bahagya nyang inayos ang salamin at inirapin ang kaibigan ,mahinang tawa ang pinakawalan ko .
Talagang si Jona ay hindi maiiwasan na may salitang mapanghusga.
"The guy on Ice Vincent's party , yung nerd "
Pilit nyang pinapaalala ang itsura , napaisip ako at naalala ko na iyong Koko ang pangalan isa sa mga barkada ni Kuya
"Sya iyon, My gosh feeling ko nakakita ako ng artistang nagtanggal ng cap at mask yung napatili ako nung nakita ko sya sa party , muntikan ng malaglag ang underwear ko !" Sabi nya na tuwang tuwa at saka biglang tumawa napailing nalang ako, dahil doon ay naalala ko ang imbitasyon ni Bench sa akin pati si Vincent.
Napabuntong hininga ako , napapansin ko kasing tuwing pupunta sya sa bahay kasama si kuya ay iniiwasan nya ako.
" Gusto mo ng juice ?" Alok ko pagkatapos kasi ng practice nila ay hindi pa sya agad umuwi at may gagawin pa daw sila ni kuya.
Nakita ko ang pag-iling nya na hindi manlang ako nililingon, habang seryoso ang titig sa hawak nyang cellphone. Pero dahil pursigido ako ay dinalan ko nalang sya ng tubig at umupo sa tabi nya. Napansin ko ang paglunok nya.
" Saan kayo pupunta ni Kuya? " tanong ko sa kanya pero hindi sya kumibo at nagpanggap na parang walang narinig kaya hinablot ko ang cellphone nya napatingin sya sa akin habang nakakunot ang noo
"Bakit dika sumasagot?" Mahinahon kong tanong sa kanya, huminga lang sya nang malalim at napailing nalang.
Pilit kong pinapahaba ang pasensya sa kanya. Naningkit ang mata ko dahil sa konklusyon sa aking isip.
" Iniiwasan mo ba ako ? "
Diretsong tanong ko pero wala akong sagot na nakuha sa halip ay binawi nya ang cellphone nya sa akin.
Kaya mas lalo akong nainis , ano nang nangyari sa makulit na Vincent na kilala ko? Mas lalo akong lumapit sa kanya at pilit kong hinuli ang mga mata nya na pilit iniiwas sa akin.
" Stop it Coligne " matigas na pagkakasabi nya sa akin sabay tayo nya at walang sabing umalis sa harapan ko
Napasabunot nalang ako sa sarili, ano nang gagawin ko bakit iniiwasan nya ako?
" Coligne Hello" sambit ni Jona at kinaway ang isang kamay sa harap ng mukha ko, umayos ako ng upo at hinarap ang mga kaibigan.
"You look like travelling the other world Coligne" nagtataka nya akong tinitigan at napapa-iling pa.
" Jona gusto mo bang sumama sa akin manood ng basketball game nila Bench?" Paglihis ko sa usapan bakas ang pagkadisgusto sa mukha nya ng banggitin iyon umismid sya at tumaas ang kanang kilay.
" No way ! That gurang was a jerk "
Maarteng sabi nya at pinaikot sa hintuturo ang buhok nya.
"Bakit sya lang ang inaaya mo Coligne nakakatampo "
Malungkot na sabi ni Marie at nagpa-cute pa napatawa na lang ako.
"I mean tarang manood samahan nyo ako "
Masayang pahayag ko at ngumiti nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Diary.
"Don't tell me ?!" Sigaw ni Jona at napatakip pa ng bibig
"crush mo si Bench ?!" Pagpapatuloy nya sa sinabi at di makapaniwala, marahas akong napailing mapagdudang mata naman ni Marie ang bumungad sa akin
" Baka si Ice .." maingat na sabat ni Diary, napahinga ako ng malalim.
" Oh my gosh , what happened to the world?!" Malakas na sabi ni Jona na nakapag patahimik sa kaklase ko at curious kaming tinignan pati si Faustin ay napatingin sa amin,wala sa sariling napailing ako.
"Are you drugs?" Dagdag pa ni Marie napangiwi ako sa maling grammar nya.
Malakas ang tawa ni Jona kay Marie at tinukso pa itong mag-aral ng mabuti katulad nya.
" Basta samahan nyo nalang ako itetext ko nalang kyo kung kailan at saan" sabi ko at tinalikuran sila.
Nang matapos ang klase ay nagpaalam na sa akin ang mga kaibigan ko at may kanya-kanya silang gagawin. Inilagay ko ang notebook ko sa bag, pero nalaglag ang nakaipit kong ballpen dahil sa pagmamadali ko pupulutin ko na sana iyon nang may nauna nang kumuha ng ballpen ko sa ibaba at inabot sa akin. Bahagya akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na lalapitan nya ako.
"S-salamat Faustin" mahinang bigkas ko at mabilis na hinablot iyon sa kamay nya.
" Pwedeng bang mag-usap tayo? " katulad ng dati ay wala paring kaemo-emosyon ang pagkakasabi nya, tumango lang ako at hinihintay syang magsalita ,pero inilibot lang nya ang paningin sa kwarto at nagsimula ng maglakad.
Sumunod nalang ako sa kanya, oo nga pala marami pang tao sa classroom kanina kaya naisipan kong tama lang na sa ibang lugar kami mag-usap.
Binuksan nya ang pinto ng fire exit at huminto sa kalagitnaan ng hagdan kaya napahinto rin ako. Sumandal sya sa dingding at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa .
"Mukhang suko kana ata" hindi iyon tanong kundi pahayag nya sa akin napabuntong hininga sya at tinignan ako.
"Sabihin mo lang hindi naman kita pinipilit " pagpapatuloy nya. Napatikom ang labi ko dahil sa pagkainis.
" Hindi! Nagsisimula na ako medyo nahihirapan lang ako pero kakayanin ko" determinado kong sabi ,tumango lang sya at umalis sa pagkakasandal.
"Wag ka mag-alala tutulungan kita"
Makahulugan nyang sabi na nakapagpakunot ng noo ko
" Paano? " hindi ko na inisip ang dahilan kung bakit nya ako tutulungan, mas gusto kong mapadali at matapos na ito. Nagkibit balikat lang sya at inilabas ang cellphone nya .
"Number mo " maikling sabi nya at inabot sa akin ang cellphone. Agad naman akong nagtipa at sinave ang number ko. Inabot ko sa kanya iyon at walang sabing iniwan ako mag-isa.
Hanggang sa makauwi ako ay ang mga sinabi parin ni Faustin ang nasa isip ko.