It's been two weeks since I started to corner Keina and confront her but it seems that she's avoiding me. Katulad pa rin ng dati ay lagi siyang nakadikit kay Eiffel kaya hindi ko rin siya masyadong maharap.
Pero isang araw, umalis si Eiffel. Nagpaalam siya sa amin na magkakaroon siya ng urgent meeting kasama ang mga kliyente niya.
Nakailang pilit na si Keina pero hindi pa rin pumayag si Eiffel. When she had enough, she walked away. Napabuntong-hininga noon si Eiffel.
"Bakit?" tanong ko.
"Baka magtanong sila mama sa mga client. Baka malaman niyang pinasunod ko si Keina rito."
I tapped his back. "She'll understand."
Ngumiti siya ng maliit. "Thanks."
Umalis si Eiffel kinagabihan. Nasa kwarto naman ako nang makaramdam ako ng uhaw. Lumabas ako at naabutang bukas ang TV sa sala. Napakunot ang noo ko. May narinig akong nagsasalita sa kusina kaya naman pinuntahan ko.
"I missed you too."
Nakita ko si Keina na nakatalikod sa akin ay may kausap sa kaniyang cellphone. Naramdaman niya 'atang nasa likod niya ako kaya nagpaalam na siya sa kaniyang kausap pero hindi nakaligtas sa aking pandinig ang huli niyang sinabi.
"Love you too. Bye, Landon."
Hindi ko alam kung sinadya niyang iparinig sa akin 'yon o hindi. Pero nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Naikuyom ko na lang ang aking mga kamay.
"So, pinagsasabay mo sila?" tanong ko agad sa kaniya. Ayoko ng magpaalam na kakausapin ko siya dahil baka gawin niya lang ulit 'yung ginawa niya noon. Baka lagpasan at iwasan niya lang ulit ako.
Kung nakakamatay ang tingin, siguto nakahilata na ako sa sahig. Napakatulis ng kaniyang mga tingin pero hindi siya nagsalita. Lalampasan niya sana ulit ako kaso hinawakan ko siya sa may pulso at hinatak palapit sa akin. Mahigpit ang kapit ko sakaniya kaya kahit anong palag niya ay hindi siya makaalis.
"Ano ba?!" reklamo niya.
"Kailangan nating mag-usap."
"Wala tayong dapat pag-usapan." She crossed her arms over her chest.
"Meron. Marami," matigas na sabi ko.
Itinulak niya ako kaya naman nakatakaas siya sa pagkakakapit ko.
She smirked. "Tulad ng pag-agaw mo kay Landon at France? 'Wag ka magmalinis na parang magkaiba tayo. Pareho lang tayo. But then, you don't understand me."
I can't believe what she's saying! Anong inagaw? And why she didn't deny that she's cheating?
"Hindi tayo makapareho." Nanggagalaiting sabi ko. Sinusubukan kong kumalma pero natatalo ako ng emosyon ko. "Hindi ko gawaing mangloko. Saka anong inagaw? Wala akong inaagaw sa 'yo. Magkaibigan lang kami ni Eiffel—" hindi pa ako tapos magsalita nang sumabat siya.
"Pero papakasalan mo si Landon? May fiance ka pero nandito ka at may kasamang ibang lalaki?" napatawa siya. "Sinong niloloko mo?" Tumaas ang isang kilay niya saka binigyan ako ng malisyosong tingin.
Napailing ako. "Mali ka nang iniisip. Magkaibigan lang kami ni Eiffel." I sighed calming my nerves. "Umalis ako sa Pilipinas kasi tinatakasan ko 'yung kasal."
She frown. "What? why?"
I looked at her confused. "Hindi mo alam na naka-arranged mariage kami ni Landon?"
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. "B-but... but he said he's marrying you 'cause he don't love me anymore. He even broke up with me..."
I saw how hurt covered her eyes. And then It's my turn to be shocked after I realize what she've said.
So all this time, we're both here because of the heartbreak we get from Landon? I mean, I'm here because I was hurt by the last conversation I had with Landon, that's why I escape so there will be no wedding at all and he can be with the girl he love, but he broke up with Keina and push her away too.
Suddenly, I wanna laugh because of our fate. We both escape Landon and now we're at the same roof because of the man who found us—Eiffel. But then, I need to hear her first.
"The last time we had a conversation, he's mad at me because you see me at his condo."
"Oh. That."
"Yeah. Then I left his condo and found Eiffel so drunk as I am, that we made a drunk descision to go to Paris. That's... all."
Matagal siyang tumitig sa akin. Parang sinusuri kung nasasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Naiintindihan ko na."
"Ha?"
Umupo siya sa upuang malapit sa counter kaya naman naisip ko na marami siyang sasabihin. Ang totoo ay nagulat ako sa kinilos niya pero hindi ko na binigyan ng pansin at sa halip ay umupo rin.
"Landon and I, magkababata kami. Pareho kaming lumaki sa ampunan." Huminto siya ng makita ang pagkagulat sa mukha ko. Hindi ko alam na ampon pala si Landon kaya ganoon na lang ang nakita niyang ekspresyon sa mukha ko. Agad siyang nagpatuloy.
"Pero isang araw, may umampon sa kaniya. Mag-asawang mayaman na hindi nagkaroon ng anak. Tapos matagal na kaming hindi nagkita. Bumalik siya noong tapos na siya mag-aral. Nanatili ako sa ampunan. Sinabihan ko kasi sila sister noon na ayaw ko umalis dahil..." tumingin siya sa akin saka nag-iwas ng tingin. "Iniintay ko siya.
"Simula ng bumalik siya ay lagi na ulit kaming magkasama. Binibilan niya ako ng kung anu-anong pasalubong at dinadala sa iba't ibang lugar. Naalala ko nu'ng isang beses na dinala niya ako sa South Korea dahil lang sa pagiging fan ko noon... To cut the story short, niligawan niya ako at naging kami."
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng sakit sa mga sinasabi ni Keina. When I looked at her, she's smiling while reliving those memories. And it hurts.
"But few years ago, nagkasakit ang papa niya. Doon na nagsimulang malugi ang kanilang kompanya. Na-guilty ako kasi kahit papaano, ginastusan ako ni Landon. Kaya gusto kong makatulong. Nagtrabaho ako sa kompanya nila France. Sumusweldo ako at binibigay ko kay Landon pero hindi niya tinatanggap. Sa tingin ko, maliit kasi 'yon. Then France become interested in me. Call me a bitch or whatever but yes, I'm receiving money from France but it's because he believe in my lies. Ang akala talaga niya para 'yon sa nanay kong may sakit kaya binibigay niya kahit magkano ang hinihingi ko. Hindi ko nga alam kung nag-iisip ba talaga siya o nabubulag siya ng pagmamahal niya sa akin."
Nakita ko ang pagyuko niya at pagkagat niya ng labi habang ako ay nakatingin sa kaniya at pilit na pinoproseso ang lahat ng nalaman ko. I am surprised by all the revelations she had said that I thought I'm not capable of absorbing it all.
When I looked at her again, tears are falling on her cheeks. She smiled bitterly and shook her head.
"Pero hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa lalim ng pagmamahal niya." I hear her sob.
"Si France 'yung nandoon nung kailangan ko ng makakausap... Noong sobrang busy ni Landon sa trabaho para lang maiangat yung kompanya nila... Hi-hindi ko naman sinasadyang mahalin din siya e." Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mukha niya.
Hindi ko alam kung ba't parang nararamdaman ko rin 'yung sakit na dinadala niya. Kung bakit nararamdaman kong nagtutubig na rin ang gilid ng mga mata ko at parang may kung anong pumipiga sa puso ko.
Lumapit ako sa kaniya. Medyo nagdalawang isip pa ako pero niyakap ko na rin siya. Akala ko ay itutulak niya ako pero yumakap siya sa akin nang mahigpit. I let my shirt to be soaked with her tears while caressing her back to comfort her.
"Hindi ko naman sinasadya na sabay silang mahalin. Kaso hindi ko sila mabitawan pareho," I heard her say then thighten her embrace to me.
I never thought that this is what she'd been through everyday. I misjudge her, i know. Like what they say, never judge a book by its cover. Eiffel's right. Keina is different when you know her better. She might look unbreakable outside but inside, she's fragile. She might do something wrong but she's just like me. A human prone to sins, imperfect and do something she thought was right.
🍷🗼🍷
After the confrontation, the relationship between us became better. Even Eiffel notice it. Once, we were watching television when he sat between us then give Keina a peck. He coolly put his arms on the back of the couch just behind our neck then ask.
"Anong himala ang nangyari at naging magkasundo kayo?"
Nagkatinginan lang kami ni Keina saka sabay na nagkibit-balikat saka tumawa. Kumunot ang noo ni Eiffel pero wala na siyang sinabi.
Well, deep down I know that he's happy for us.
Keina and I never talk about our situation again. But then, we both know that someday, it need to be bring up.
But never did we imagine that that someday will come too soon.