"Hay, kapagod."
Ibinagsak ko ang aking katawan sa aking kama.
Its been a week since I started decorating my room. Nothing important really happen the past days but what caught my attention is Eiffel acting so strange.
Lagi siyang nakakulong sa kwarto niya at hindi lumalabas. Lagi nakakunot ang noo niya na tila ba may problema. Isang beses nga nu'ng tinawag ko siya ay parang wala siya sa sarili dahil ni hindi man lang niya ako nilingon. Dirediretso lang siya sa kaniyang kwarto.
Ang mga magulang ko naman, hindi na ulit ako tinawagan. Maybe they thought that the situation they dragged me in is something I really hate. I hope that they have realize that I am not into that arranged marriage. Sana ipatigil na nila iyon.
But really, until now, hindi ko pa rin alam kung bakit may arranged marriage na naganap. I've check the status of our company and there is nothing wrong. The company is stable and still at the top. So, what's the reason?
I'll find it soon. But maybe not now. I still want to enjoy my Paris escape.
Pagkatapos ko magpahinga sandali ay agad na akong naligo. Lumabas na ako ng kwarto para sana maghanda ng tanghalian ngunit nabigla ako nang makita may nakahain na sa lamensang mga pagkain. Mga pagkain!
Ang daming putahe sa lamesa. Puro lutong pilipino pa kaya naman naramdaman kong tumunog ang aking tiyan at panunubig ng aking bagang.
May Adobo, Sinigang, Menudo at Fish Fillet. Mayroon ring mga prutas sa gilid na kung tama ang pagkakaalala ko ay nakalagay sa ref lahat dati.
Napalingon ako sa nagha-hum na naririnig ko mula sa kusina. Nakita ko si Eiffel na maganang kumukuha ng kanin at napapakanta pa minsan. He move gracefully as if he is dancing in the kitchen. I could see his smile that cannot be wash off any moment. He looks so happy in what he is doing.
What's with him?
Nabigla siya nang tumingin siya sa gawi ko. Mabilis siyang tumuwid ng tayo at inayos ang sarili saka ako binigyan ng matipid na ngiti. Mukha siyang napahiya dahil nahuli ko siya sa mga pinaggagawa niya kanina.
I laughed which makes his brows furrow but laugh also afterwards.
"Good Afternoon!" masiglang bati niya.
I stop laughing. "Good Afternoon, Mr. Buenavetura. What's with you and your graceful act?" I tease.
Napakamot siya sa batok niya. "I'll tell you. Come."
Sabay kaming bumalik sa hapag-kainan. We started eating while he spoke.
"Keina's living here." He show me his wide smile.
Bigla akong nasamid kaya naman agad kong kinuha ang baso sa gilid at ininom ang orange juice na laman nito.
"Ano?!"
Kunot ang noo niya nang magsalita.
"Sabi ko titira si Keina rito. Remember her? 'yung girlfriend ko." Napakamot siya sa ulo. "Um, okay lang ba sa 'yo? Kung ayaw mo—"
"No," putol ko sa kaniya.
"Huh?" nagtatakang tanong niya.
"Okay lang sa akin na dito siya."
Ngumiti siya. "Salamat! Siguradong matutuwa 'yon at magkakasundo kayo..."
King anu-ano pa ang sinabi niya pero hindi ko na pinansin. Tumango-tango na lang ako saka kumain.
Masarap naman 'yung luto niya kaso parang biglang nawalan ako ng gana. Pagkatapos ng ilang subo ay tumayo na agad ako.
"Busog ka na?"
Tumango ako bilang tugon. Dumiretso ako sa kusina at inilagay sa lababo ang aking pinagkainan. Habang kumikilos ako ay nararamdaman ko na nakasunod ang kaniyang mga mata sa akin ngunit hindi ko na lang ito pinansin at pumasok sa aking kwarto. Bago ko isara ang pinto ay narinig ko pa ang sinabi niya.
"Sayang, ang dami ko pa namang niluto."
Napaupo ako sa aking kama at saka napapikit at napabuntong hininga.
I never saw anything in the internet about Keina. I don't know if she even have social media accounts or it's just that she's using another name. But then, when I've search Eiffel's account, I've saw a picture of a girl having a short brown hair with black sun glasses which covers her face, making it hard for me recognize it. Wala na akong ibang nakita dahol hindi 'ata naka-public 'yung iba... o baka sadyang wala talaga.
But then, the hair... hindi siya 'yon. hindi siya 'yung nakilala ko na dati dahil alam ko mahaba ang buhok niya. Pero... I sighed. Bahala na nga. Makikita ko rin naman siya.
🍷🗼🍷
Nang magdilim na ay nakarinig ako nang marahang katok sa pinto ng aking kwarto. Tumayo ako sa kama saka binuksan ito.
"Naistorbo ba kita?" tanong niya. Bakas sa kaniyang mga mata ang pag-aalangan.
"Hindi naman, bakit?"
"Ngayong gabi kasi ang dating ni Keina. Gusto ko lang tanungin baka gusto mong sumama..."
Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng jacket at nakabihis.
Ngumiti ako. "Sige. Magbibihis lang ako."
"Intayin kita sa sala," sabi niya bago umalis.
Isinara ko ang pinto at agad na nagbihis. Naglagay ako ng kaunting makeup saka sinuri mula sa salamin ang aking itsura. Nang maayos na ay Kinuha ko na aking shoulder bag para paglagyan ng cellphone at wallet.
Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa sala. Naabutan ko si Eiffel na umiinom ng kape habang nanonood.
"Gusto mo?" alok niya at itinaas pa ang tasa ng kape na hawak niya.
Umiling lang ako. "Tara na?"
Tumango siya at saka pinatay ang TV. Sabay kaming lumabas at naghintay ng masasakyan papuntang airport.
Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi ako mapakali. Pabaling-baling ang tingin ko sa labas at kay Eiffel. Naramdaman kong napansin iyon ni Eiffel dahil humarap siya sa akin nang nakakunot ang noo kaya naman pumikit ako saka huminga ng malalim upang ikalma ang aking sarili.
Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong.
Mahigit kalahating oras din kaming naghintay sa kinauupuan namin kasabay ang ilan pang kapwa namin naghihinay ng mga bagong dating sa bansang ito.
Paminsan-minsan ay nag-uusap kami ni Eiffel ng tungkol sa kung anu-ano habang nag-iintay. Ilalalapit ko na sanang muli ang kapeng binili ni Eiffel kanina sa aking bibig nang bigla na lang siyang tumayo at naglakad. Nakatuon lang ang mga mata niya sa iisang direksyon. Tila ba nahipnotismo siya ng bagay na tinitingnan niya.
Tiningnan ko siya at nakitang papunta siya sa direksyon ng isang babaeng may maikling buhok na nakasuot ng pulang blouse at pantalon.
I watched them as Eiffel put his arms around her making her stop where she is, then smile lovingly before she return the favor and hug him too. This scene should make a curve on my lips because I found this too romantic... but then, it didn't.
Because the only thing that's running on my mind is that I should now wake from this nightmare. If it is even a nightmare, it would be better.
I tried pinching my shoulders and my cheeks but I stood still on my spot. Frozen like a statue and felt cold run through my spine.
There—standing few meters away from me— is Keina. The one who walked in Landon's Condo. The one who's now kissing Eiffel in front of me.
I felt a pang into my heart. Parang hindi ako makahinga. Parang pinipiga 'yung puso ko. Parang kinuhang bigla ang lahat ng lakas ko at ang gusto ko na lang ay ang sumalampak sa lapag. Halos mawalan na ako ng balanse ngunit inayos ko ang sarili ko.
How could she?!
After their shared kisses, lumapit sila sa direksyon ko. I saw how shock is written all over Keina's face as she started to recognized me.
"Bree, girlfrend ko nga pala, si Keina. Keina, si Britany, kaibigan ko," nakangiting pakilala ni Eiffel sa amin.
Hindi ko alam ang ire-react ko at mukhang ganoon rin si Keina.
I wanted to shout. To tell Eiffel that his girlfriend is also someone else' girlfriend. I wanted to tell him na sundin niya 'yung parents niya dahil maaaring alam ng mga ito na may ibang lalaki si Keina ngunit baka hindi nila sinabi sa kaniya dahil baka masaktan siya. Gustong-gusto kong sabihin ang totoo pero wala ako sa tamang posisyon.
Kaya bago pa makahalata si Eiffel ay inilahad ko na ang kamay ko at pumilit ng isang ngiti.
"N-nice to meet you."
Tiningnan lang ni Keina ang kamay ko at saka ako inirapan.
What the?!
"Let's go," sabi niya at naunang maglakad palabas. Napakurap na lang ako sa inasta niya habang binababa ang aking kamay.
Naramdaman kong tumabi si Eiffel sa akin. Napatingin ako sa kaniya at nakitang pinapanood niya si Keina maglakad. Napatingin din tuloy ako sa girlfriend niya.
"Pasensya na ha, ganoon talaga ugali niya sa umpisa lalo na kapag hindi niya kaibigan. Medyo mataray. Pero mabait 'yon."
Napalingon ako agad kay Eiffel. His eyes are following Keina's every movement with love in it. He's looking at her as if she's the most beautiful dress in the runway and he's willing to bid everything judt to ein her in an auction.
Naramdaman niya 'ata ang tingin ko sa kaniya pero binaliwala ito at ngumiti lang bago sumunod kay Keina. He looks like a love sick puppy.
I looked at Keina then surpass a laugh while shaking my head
before I follow them.
I think, this Paris escape may not be that good.
Maybe.