"Um, Bree..."
Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa aking balikat. I groaned and tighten my embrace to whatever I'm hugging. I felt something tapping my back.
"Bree..." I heard Eiffel.
"Thirty minutes..." I said, my eyes still close.
I heard him sighed as if surrendering. Then, he stop doing things to wake me and after some time, I felt him stroking my hair. It was soothing, making me snugged on his chest more which brought me to another sleep.
🍷🗼🍷
I woke up when I felt my stomach grunting.
Man, I'm hungry. We don't eat anything last night and somehow I'm thankful because I don't want to be on my knees first thing in the morning, hugging the toilet bowl, taking everything's out!
Well, hang over still sucks.
Nakahiga ako habang nasa tabi ko naman si Eiffel. Nakatagilid siya at nakayakap sa akin na tila ba isa akong unan na kaniyang dinadantayan.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Iniangat ko ang sarili ko ng kaunti kaya naman gumalaw 'yung kamay na nakaikot sa katawan ko. Gumalaw si Eiffel at 'di kalaunan, nagising rin. Medyo wala pa siya sa wisyo nung una pero nang makita niya ang posisyon namin, bigla niyang tinanggal 'yung pagkakayakap niya sa akin.
"Sorry." He smiled apologetically then stood out of the bed. Napahikab ako kaya naman kinuha ko 'yung unan niya saka ipinantakip sa mukha ko. Inaantok pa ko.
Narinig ko ang mga yabag ng kaniyang mga paa saka binuksan ang pinto.
"Magluluto muna ako," narinig kong sabi niya bago sumara ang pinto.
Nakailang baling na ako pero mukhang nawala na ang antok ko dahil sa gutom kaya naman lumabas na ako ng kwarto para magpunta sa CR at gawin ang morning routines ko. Wala kasing sariling CR 'tong kwarto. Hindi naman ganoon kalakihan itong bahay ng kaibigan ni Eiffel at hindi rin ganoon kaliit. Sakto lang. Wala itong second floor ngunit maluwag naman.
Paglabas ko pa lang ay naamoy ko na agad ang niluluto ni Eiffel. Mas nakaramdam tuloy ako ng gutom kaya binilisan ko sa CR para makakain agad.
Dumiretso agad ako sa kusina pagkatapos at naabutang inaayos ni Eiffel ang lamesa kaya kumuha ako ng tasa saka humarap sa kaniya.
"Gusto mo ng kape?"
"Oo. Salamat."
Kumuha ako ng isa pang tasa at saka nagtimpla ng dalawang kape. Nilagyan ko rin ng creamer 'yung kape ko dahil hindi ako sanay sa kapeng barako.
Dinala ko ito sa lamesa saka kami nagsimulang kumain.
Dahil wala ng stocks sa bahay ay napagdesisyunan naming mamili at tumingin-tingin na rin ng mga gamit para sa bahay lalo na para sa isang kwarto. Napag-usapan kasi namin na auusin na 'yung isang kwarto para naman may matulugan na siya.
We go to Rue des Martyrs, one of the old market in Paris to buy foods like fruits and meats. We also buy some personal hygiene and some clothes in different boutiques we've pass along.
Dikit-dikit ang mga boutiques, restaurants at cafes kaya nakakatuwang mamasyal. Siguradong dapat ay may pera ka dahil sa dami ng bagay na magugustuhan mo. I literally dragged Eiffel at Rue Saint-Honoré because I really want to visit this place. It is where fashionistas around the world should go.
From bags to shoes. Dress to shades. Name it, They have it here. It's like a heaven to us in the fashion industry. From vibrant colors of dresses to the smell of expensive leather bags. From not so cheap things to those known product line. For a moment, parang gusto ko na lang manatili sa lugar na 'yon at 'wag na muna umalis.
Paris is indeed a wonderful place. While we are entering different stores, I can't help myself but become overwhelmed by the taste of fashion they have. Wala akong ibang ginawa kundi i-check ang iiba't ibang designs ng mga damit at ma-inspire. I want to create a masterpiece again. Suddenly, my hands itch to sketch again.
"Bree?"
I was interrupted in my thoughts when I heard Eiffel spoke.
"Hmm?"
"You're smiling. It's creepy."
Napatingin ako sa kaniya saka napakunot ang noo.
"Am I?" I asked myself but it turns out I said it out loud.
"Yeah."
I looked at him again and smile. "Sorry if it creeps you." And then we both laughed.
"But I'm really overwhelmed."
🍷🗼🍷
Nang makarating kami ng bahay, agad akong umupo sa sofa. In fairness, hindi madaling maglakad dito.
"Next time, gusto ko bumili ng bike," I sade out of nowhere. May nakita kasi akong mga nagba-bike. pakiramdam ko, gusto ko uling gumamit noon. Si dad ang nagturo sa akin noong mag-bike nang bata pa ako.
Memories from my childhood days replay on my mind. But then when I looked at Eiffel, I sighed. I wish I could turn back time when the only problem I have are toys.
After few hours, dumating na 'yung mga pina-deliver naming gamit tulad ng papag at cabinet. Inayos na namin ni Eiffel 'yung isang room kanina kaya naman madali na lang nung pinalagay sa loob ng kwarto 'yung mga gamit.
While he's giving instruction kung saan ilalagay 'yung mga gamit, I can't help myself but looked at him. The way he speak French is like melody to my ears. There's something in his voice that make me feel... strange. I even close my eyes for me to concentrate on his voice.
When I open my eyes, he is in front of me, frowning.
"Bakit?" nag-aalalang tanong niya.
I blinked. Then looked away.
My God. What am I doing!
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. "W-wala."
Noong tingnan ko ulit siya ay nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin na kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti at pakiramdam ko nahalata niya iyon pero ipinagsawalang bahala niya na lang at nagkibit balikat bago dinala ang maleta niya sa loob ang kaniyang kwarto.
Dahil maggagabi na ay naisipan ko nang magluto. I've decided to cooked Menudo na lang since gusto ko ng something na may tomato sauce.
Malapit na ako matapos magluto ng ulam nang may marinig akong tumutunog sa may sofa. tinakpan ko muna ang niluluto ko saka pinatay ang kalan. Nung lumapit ako ay nakita ko ang phone ni Eiffel na tumutunog. Kinuha ko ito at nag-flashed sa screen ang name ng caller.
Keina
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali but then, I shook the feelings away. Malapit na ako sa kwarto ni Eiffel nang mamatay 'yung pag-ring.
Kumatok ako sa pinto niya at nang buksan niya ang pinto ay gulo-gulo ang kaniyang buhok at mukhang bagong gising.
"Nakatulog ka?" kunot noo kong tanong.
Humikab muna siya at kinamot ang batok niya saka ngumiti na parang batang nahuli na may ginawang masama.
"May tumawag pala." Iniabot ko ang phonce niya na agad naman niyang kinuha. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa girlfriend niya kaso bigla ulit itong nag-ring. Tumingin siya sa akin na parang sinasabing sasagutin niya iyon kaya naman tumango na lang ako.
"Sumunod ka na, a. Maghahanda na lang ako sa lamesa."
Bumalik ako sa kusina at saka inayos ang lamesa. Kumuha ako ng mga plato at kutsara't tinidor saka ito inayos sa hapag. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang yabang ng kaniyang mga paa. Agad akong umupo sa aking upuan.
"Kain na," sabi ko.
Agad naman siyang umupo at saka ako sinaluhan sa pagkain.
We were silent while eating until I decided to broke it. I need to know who is his Keina. I need to know if she and the one I knew is the same. Because I don't know what I will do if Eiffel's girlfriend is the same girl Landon is so inlove with.
For unknown reason, my heart ached just thinking that they are really the same person; but I need to confirm it.
"Sino pala 'yung tumawag? Girlfriend mo?" I started.
Tumigil siya sa pagsubo saka tumingin sa akin ng nagtataka." Oo. Bakit?"
"A, wala naman. Ano nga ulit pangalan niya?"
"Keina. Keina Dallas."
"Hmm... May picture ka ba? Patingin naman." pagtatanong ko. Hindi ko man ganoon kakabisado ang mukha ni Keina ay alam ko na kapag nakita ko ito ay makikilala ko.
Napatigil siya sa pagsubo at napakunot ang noo. "Bakit parang curious ka sa girlfriend ko?" tanong niya na ikinabigla ko kaya naman nasamid ako.
Mabilis namang tumayo si Eiffel at nagsalin ng tubig sa baso saka lumapit sa akin. Iniabot niya sa akin ang baso na agad ko namang ininom habang marahan niyang tinatapik ang likod ko.
Napakamot siya sa kaniyang batok. "Ayos ka lang?"
Marahan lang akong napatango habang umiinom pa rin ng tubig.
"Sure kang ayos ka na?" nag-aalalang tanong niya.
"Oo. Salamat."
Bumalik kami sa pagkain at hindi na ako muling umimik. Hindi na rin naman siya nagsalita.
Paminsan-minsan ay tinitingan ko siya ngunit hindi niya napapansin. Para ngang ang lalim-lalim ng iniisip niya. Minsa'y napapakunot ang noo niya at nakatingin sa kawalan. Tila ba ay may pinoproblema siya.
Tatanungin ko na sana kung ayos lang siya nang bigla na lang siyang tumayo.
"Mauuna na ako, Bree. Gusto ko na magpahinga. Iwan mo na lang 'yung pinagkainan sa lababo at bukas ko na lang huhugasan. Night."
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung anong problema niya at kung may may maitutulong ba ko ngunit naisip ko na ipagpabukas na lang. Baka pagod lang talaga siya.
"Um, night," wala sa sariling sagot ko.
Ayaw ba niya kong magtanong tungkol sa girlfriend niya? Saka anong problema niya? tanong ko sa sarili ko nang makapasok na ako sa aking kwarto.
Napabuntong hininga na lang ako saka walang kabuhay-buhay na nahiga sa kama.
Bukas ko na lang siya kakausapin. Baka ayos na ang mood niya bukas.
Umikot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Walang kalaman-laman. Malagyan nga ng kung anu-anong pandekorasyon 'to bukas.
I'm scanning the things inside my room when a thing got my attention then a sudden idea crossed my mind. I smiled while shaking my head at the thought.
I get my laptop on the table at the corner then sit comfortably on my bed. Binuksan ko ito at sinimulang buksan ang mga account ko sa iba't ibang social media.
I clicked the magnifying glass icon then start surfing the internet. In the search box is the name I read out loud.
"Keina Dallas."
***
Hi! How was it so far?
I hope you're enjoying this story.
Kung may mga grammatical error/s, pasensya na. Exited mag-type minsan e xD
Anyway, I've read some comment and I just wanna say thank you! I'll dedicate some chapter to you soon, so... Yeah.
Questions?
Violent reaction?
None?
Good xD hahaha
Sana po suportahan n'yo 'yung story hanggang dulo!Thank you!
Vote.
Comment.
Share.