Chereads / Is It Us? (FILIPINO) / Chapter 6 - Cinq

Chapter 6 - Cinq

"Mama..."

"Nasaan ka?" Bakas sa boses niya na galit.

Bakit? Kasi umalis ako? Napangiti ako ng mapait. Nakakatawa. Hinahanap nila ako. Pero dati naman parang wala silang pakialam. Sabagay. May silbi nga pala ako ngayon. Kailangan nila ako.

Naramdaman ko na lang na may tumulo mula sa mga mata ko. Agad ko 'tong pinunasan saka pinatay ang telepono.

Ayoko pa. Ayoko pa silang makausap.

Napaharap ako kay Eiffel na nakatingin rin pala sa akin at bakas sa muka niya ang pag-aalala. Kakababa niya lang ng kaniyang telepono nang may tumawag rin sa akin at 'yon nga ay si mama.

"Ayos ka lang?"

Tumingin ako sa Eiffel Tower na kahit malayo na sa amin ay kita pa rin dahil sa taas nito. Pagkalipas ng ilang segundo ay muli akong tumingin sa kaniya saka siya binigyan ng pekeng ngiti at umiling.

"Tara?" Tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya? Is that worried that I'm seeing in his eyes?

"Huh? Sa'n tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan ka pwedeng makakalimot."

Hinatak niya ako saka sumakay sa Taxi at nagpahatid muna sa tinutuluyan namin. Buong biyahe ay hindi ako umiimik at nagpapasalamat ako na ganoon rin siya. Mabuti na lang at hindi diya nagtanong.

"Ako na d'yan," sabi niya nang makababa kami sa sasakyan at saka niya kinuha 'yung iba naming pinamili na hawak ko. Inilagay niya 'yung mga grocery sa counter sa kusina bago bumalik ulit sa harapan ko. Pumunta siya sa likuran ko saka nilagay ang dalawang kamay niya sa aking balikat. Tinulak niya ako papunta sa kwarto hanggang sa makaupo ako sa dulo ng kama.

"Dito ka muna. Magpahinga ka muna o kaya gawin mo 'yung gusto mong gawin. Ilalagay ko lang 'yung mga gamit sa cabinet pagkatapos aalis ulit tayo. Gets?"

Wala sa sariling tumango lang ako. Ngumiti siya.

"Good." Ginulo niya ang buhok ko bago umalis at sinara ang pinto.

Naalala ko bigla 'yung tumawag. Sigurado ako na ngayon ay galit siya. Pero hindi n'yo ko masisisi.

Lumaki ako nang kinikimkim ang lahat. Nasanay na akong laging nakikinig kaysa pinakikinggan. Pinalaki ako na dapat sinusunod ang lahat pero habang tumatanda, unti-inti na akong nagrerebelde.

Naalala ko pa noong ayaw nila nu'ng course na gusto ko. Hindi ko sila kinausap noon. Nag-apply ako at nag-enroll ng sarili ko. I still remember noong nagpasa ako ng isang design sa isang kompanya at natanggap iyon. Dahil Minor de Edad ako noon, kinailangan ko ng parents' consent para i-approve ang gawa ko dahil kailangan daw noon kung may minor silang kinuha para mag-design ng damit.

Noong ipinakita ko kay mama, nagulat siya. Ipinabasa ko sa kaniya 'yung email pero wala siyang ginawa kaya ako na ang gumawa ng paraan.

I made the letter and said to my father that I need him to sign that letter for school purpose. I don't let him read the letter because I make sure of that by saying I will be late and just sign. Hindi rin namn siya nagpumilit na basahin yung letter. But then my mother go to my room and I think she saw the letter but choose to ignore it.

I used to be a papa's girl. Everytime na uuwi siya, lagi ko siyang niyayakap ng mahigpit. But as time pass by, unti-unti nang lumayo lalo ang loob ko sa kaniya. Ewan. Siguro epekto na rin ng pagtanda namin.

Sometimes I asked myself if they are ready having a child when I was born. I mean, alam ba nila na hindi lang puro materyal na bagay ang kailangan ko? Iyon kasi 'yung nakikita ko. Parang wala silang pakialam. Kung hindi pa ako hihingin ng gamot, hindi pa nila malalaman na may sakit ako.

Pero kung may isa sa mga dahilan kung ba't ganito ako, siguro dahil imbes na sila 'yung magmalaki sa akin, sila mismo 'yung naglalagay ng bato sa mga paa ko para mahatak ako pababa. I remember a stranger asking how's my school performance. Kamusta raw ang pag-aaral ko. I cried after talking to him because I realized that my parents never talk about my studies. When I was waiting for them to cheer me up for my study, a stranger do it for them.

Dumating nga sa punto na gusto ko na lang magbulakbol. Imagine 'yung mga magulang na gustong-gustong maging achievers 'yung anak nila. Well, in my case, baliktad. When I tried playing volleyball, they stopped me. Every recognition, when I asked them to attend, sasabihin nila na 'wag na. Na certificate lang naman ang ibibigay. Na papel lang naman 'yon. So hindi na rin ako pumupunta.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang marinig kong may kumatok. Inayos ko sandali ang itsura ko saka nagsalita.

"Pasok."

Binuksan niya ang pinto saka sumilip.

"Nah, tara na aalis tayo."

Tumayo ako sa kama saka humarap sa salamin sandali kung matino ba ang itsura ko. Well, mukhang ayos naman. Lumabas ako ng kwarto at sabay kaming lumabas ng bahay. Kanina ng madaanan ko 'yung kusina ay wala na 'yung mga pinamili. Naayos na niya siguro.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya pagkasakay namin sa sasakyan.

"Kung saan makakalimot ulit tayo," sabi niya saka ngumiti. Pero nahalata ko na may pait sa mga ito.

Napatitig ako sa kaniya. I was too consumed by my problem that I didn't realized before that, it's not just me who's not feeling well. Before I answered my mom's call, I saw his face- sadness written all over it, but when he face me, it's gone.

When the cab stopped, I already knew that we're entering a bar. Paris is also known for their various wines. But tonight, what we need is something hard enough to make us drown these problems. Something that will help us to forget who we are.

Even if the place was filled with the music, I can still hear the fascinating French accent around us. I'm wondering when will I learn French but soon enough, I know I will.

Eiffel led me to the bar counter. He also ordered drinks for me but when the liquor was served he looked at me.

"Inorder na kita," inilapit niya sa akin 'yung isang shot glass, "Pero kung ayaw mo-"

"No." Kinuha ko sa kaniya 'yung baso saka ininom. Habang umiinom ay walang nagsasalita sa amin. We take turns in drinking until we lost our count. Makalipas pa ang ilang sandali ay naramdaman ko na ang epekto ng alak sa aking sistema. Kakaubos ko lang ulit ng laman ng baso ko nang marinig ko siyang magsalita.

"Anong nangyari?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya pero gusto ko na ring maglabas ng sama ng loob. Napupuno na naman kasi ako at ayokong mangyari 'yon. Baka kasi kung ano na namang magawa ko. I looked at him in the eye. He looked away and played with his glass. He made circular motion making the liquor inside the glass swirl. Maybe I can tell him. Maybe I can trust him. Tutal naman, binigay ko na rin 'yung tiwala ko sakaniya noong sumama ako paalis ng Pilipinas.

"Naka-arranged marriage ako." Tiningnan ko kung magre-react siya. Napahinto hiya sandali sa pag-ikot ng baso pero itinuloy niya ulit. "Gusto ko 'yung papakasalan ko--"

"Gusto? Hindi mo mahal?" Naputol ang pagsasalita ko dahil sa tanong niya. Napahinto ako. Tumingin siya sa akin at napaisip ako sa tanong niya. "Nararamdam ko sa kaniya 'yung nararamdamn ko sa ex ko dati... ewan... Siguro indenial ako. May girlfriend kasi siya." Napayuko ako.

From my peripheral vision I've seen him emptying his glass again. "Kaya ka sumama sa akin n'ung gabing 'yon? Ito 'yung problema mo."

I give him a weak smile. "Ayoko kasi makasira ng relasyon. Kaya ako na lang ang lalayo."

"Kahit masakit?"

Tumango lang ako saka uminom.

"Ba't 'di ka na lang humindi sa kasal? Ba't umalis ka pa?"

"Hindi sila makikinig."

"Pero sana sinubukan mo."

I waved my hands to his direction as if shooing away the topic.

"Pero ang swerte ko pala at ikaw nakakita sa akin noon. Kung hindi baka ano na ang nangyari sa akin..."

"Yeah." He take another shot.

Natahimik kami pareho.

"Pero sa tingin ko nasa pareho kaming kalagayan nu'ng papakasalan mo kung pumayak ka sa kasal."

"Huh?"

"My parents send me here para makipag-usap sa French clients nila. Pero sa last week pa ng November 'yon."

"E? July pa lang ha?" Di nakapaniwalang tanong ko.

"Kaya nga." Tumawa siya. "Ayaw kasi nila sa girlfriend ko. Kaya nga ako pinalayo e."

Napakunot ang noo ko. "Bakit daw?"

He shrugged.

"E, ba't mo 'ko inaya papunta rito? Noong unang kita natin?"

Paminsan-minsan kasi ay naiisip ko kung bakit nga ba ako nandito. Ba't ako nasa Paris. But I know, where am I right now, I'm better than before.

He smiled sheepishly. "Ewan." Napakamot siya ng batok.

Napansin ko na unti-unti ay lumalamlam na ang mga mata niya. "Saka lasing na ako no'n, Bree." He laughed. Nakitawa rin ako.

Uminom siya ulit at nang magsalita siya ay garagal na ng kaniyang boses. "Alam mo ba na siya 'yung tumatawag kanina? Ang lungkot ng boses niya..."

I remember him talking to the phone then the name Keina left his mouth. My eyes widened when I remember my last conversation had with Landon.

Hindi kaya... No... Baka magkapangalan lang sila.

I turned and was about to asked Eiffel to describe his girlfriend but he's already lying his head on the counter. I tsked.

Since he's facing me, I poke his cheek.

"Nauna ka pa sa aking bumagsak. Weak!" I said, still poking his cheek.

I lower my head to level his. He looks so calm while sleeping. He's breathing slowly. His eyes closed. Ngayon ko lang naisip na ngayon ko lang pala naobserbahan ang mukha niya nang ganito kalapit. And I'm lying if I said he don't got the look.

Mukha talaga siyang anghel lalo na at napaka payapa ng kaniyang mukha habang natutulog.

With lights, noise, smoke and alcohol lingering in the background, I watched him sleep. Unknowingly, I mirrored him-head down on the counter.

Maybe he's too tired. After all, It's just me who take rest before going here. Maybe I'll let him rest for a while, under my gaze.