"Mutya ng Dapitan 2019 is candidate number 7!Jeanlie Q. Cruz! "masayang pag anunsyo ng emcee. Biglang tumigil saglit ang paghinga ni Jeanlie ng marinig niya ang kanyang pangalan. Natauhan nalang siya ng masaya siyang niyugyog ng kapwa niya kandidata at sinabing siya ang nanalo. Agad naman siyang pumunta sa harapan para hayaan ang former beauty queen na ilagay sa kanyang ulo ang crown. Napaiyak nalang siya ng makita ang kanyang mga magulang na subrang saya, at yung kaibigan niyang talon ng talon sa kasiyahan. Ang unang naisip ni Jeanlie na makapag college na siya sa pamamagitan ng napanalonan niya. Bukod sa pamilya niya, ay wala na siyang ibang nakita kundi ang sarili niya na buong saya. Natigilan nalang siya ng may narinig siyang pamilyar na boses. "Congratulation Ms. Cruz, my secretary will call you for your appointment to my office. "Pangiting saad ni Jethro na nakalahad na ang palad. Tinanggap naman ni Jeanlie agad ang kamay ng binata at yumuko bilang pasasalamat. Hindi na niya alam ang isasagot sa sinabi nito. Ang kasiyahan niya ay napalitan ng kaba at kilig sa binatang nakaharap sa kanya. Pero napawi din iyon ng pasubsob na yumakap sa kanya ang kaibigan. "Sabi ko na nga ba eh, na mapapasayo ang corona! ikaw na talaga besh! so proud of you!. "Mangiyak ngiyak na tugon ni Nathalie sa kaibigan, nadadala siya sa subra niyang kasiyahan. Sumunod naman ang kanya mga magulang at kapatid na pawang kasiyahan ang nasa kanilang mga mukha. Agad naman siya nitong niyakap. Subrang saya ni Jeanlie hindi dahil napasa kanya ang corona, kundi sa kadahilanan na may pera na sila sa pang college niya ,at pambayad sa utang nilang pamilya.
****
Sa pagdating nila sa bahay ay di parin nawawala ang kasiyahan nila.At palagi paring laman ang pagkapanalo niya sa buong konbersasyon nila. "Lakas talaga yung mga sagot mo besh! Parang babagsak na ang luha mo nung sumagot ka sa pang last na question".Bulalas ni Nathalie habang kumakain ng chicharon na nabili nila sa kanto kanina nung pauwi na sila. Tinawanan nalang niya ito. Maya-maya ay nagpaalam na si Nathalie para umuwi sa bahay nito at sila namang pamilya ay naghanda na rin para magpahinga. Habang si Jeanlie ay nasa kwarto na niya ,at binibilang ang napanalonan na pera at tinatabi na niya ang para sa pang college niya at para sa pambayad nila sa nahiram nila ni Nathalie. May extra pa na natira at nais niyang isama ang mga magulang sa mall bukas, para naman makapagrefresh ang mga ito, dahil puro trabaho lang at wala na silang oras para sa sarili. At bibilhan din niya ng mga pangunahing pangangailan ang mga ito,dahil sa palagi silang kapos ay wala ng pambili kahit tsinelas lang ang Papa niya, nagsusuot lang ito ng tsinelas kahit hindi magkapareho, basta importante may sapin lang kanyang mga paa .Nalungkot sa kanyang iniisip si Jeanlie, pero ngumiti nalang ito at naghanda na para sa kanyang pagtulog.
****
Nagising si Jeanlie sa katok sa kanyang pinto, napatingin siya kaagad sa orasan at alas dyes ng umaga na pala, natanghali siya ng gising dahil sa binawi niya sa tulog ang subrang pagod nung sa practice nila sa event. Tumayo na siya para buksan ang pintuan, at bumungad sa kanya ang nakangiting Aling Nina, at inanyahanan siya para kumain na ito. Sumunod naman si Jeanlie at nakita niya si Nathalie na may hawak na cake, nakita din niya ang mga paboritong niyang pagkain na seafoods na nasa lamesa nila. "Hala ang sarap naman at may pacake pa si Mayora. Gumastos pa kayo. "Nakangiting sabat ni Jeanlie habang umupo na sa mesa. "Ay nako besh, wala lang yan nuh, dapat din natin e celebrate ang pagkapanalo mo. "sagot ni Nathalie na umupo na din sa hapag para kumain. Nagtawanan nalang sila at masayang pinagsaluhan ang pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay umupo ang magkaibigan sa harap ng telebisyon, at biglang tumayo si Jeanlie papunta sa kwarto niya. At sa pagbalik niya ay nakangiti siya na may binibigay na subre sa kaibigan. "Besh ito pala ang bayad sa nagastos mo sa pagsali ko sa pageant, at yung utang namin nung pinadala namin kay kuya Chard. Maraming salamat besh ha, hulog ka talaga ng langit sa amin. "nakayakap na sabi ni Jeanlie sa kaibigan. Niyakap nalang din siya ni Nathalie bilang tugon sa kanyang pagpasalamat. At tinanung niya si Nathalie kung sasama ba ito na pumunta ng mall, pero gustuhin man daw niya ay hindi siya makakasama kasi ngayong hapon ang schedule ng pagkuha niya ng documento na ipinapaasikaso sa kanya ng kanyang Mommy.Maya maya ay nagpaalam na din si Nathalie para umalis.
"Ma,ito pala ang pambayad natin ng kuryente at tubig para sa buwan nato at sasusunod. Para hindi tayo mamoblema. "sabay bigay ni Jeanlie ng pera sa kanyang ina. At hindi nalang ito nakaimik at niyakap na lamang siya nito. "At mag bihis na kayo kasi pupunta tayo ng mall. "masayang tugon niya sa mga ito. Kaya tumayo na ang kanyang mga magulang oara magbihis at maghanda. Masaya sa pakiramdam ni Jeanlie na napasaya niya kahit saglit lang ang kanyang mga mahal sa buhay.
****
Nang nasa mall na sila ay nakasalubong nila si Margarette na may mga kasama,kung kaya ay umiwas siya,baka kasi gumawa na naman ng gulo ang bruha, pero tinawag siya nito, hindi niya pinansin at nagkukunwari na hindi niya narinig ang tawag nito. Habang pumipili sila ng tsinelas para sa ama, ay kinabit siya sa balikat ni Margarette ."Hello Jean, congratulation pala ha, I know from the start na may posibilidad na ikaw ang manalo. At sorry pala sa mga pinag gagawa ko sayo."sabay sabi nito na dumeretso ng tumalikod at umalis. Kaya hindi na nabigyan ng pagkakataon na magpasalmat siya nito. Ngumiti nalang siya at tinitingnan nalang ang papalayong Margarette.
Nilibot nila ang buong mall, at subrang sata naman ng mga magulang niya."Anak, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapasok ng ganito na kalaki na mall. "pangiti na mangiyak ngiyak na sabi ng kanyang Papa sa kanya. "Hayaan mo pa magpursige ako sa buhay para palagi na tayong mamasyal dito at sa lugar na di mo napuntahan. "sabay yakap niya sa ama, .