Chereads / The Ideal Man / Chapter 17 - Chapter 17: Graduation Day

Chapter 17 - Chapter 17: Graduation Day

Wala pa lang alas otso ng umaga ay nasa building na ng Montenegro si Jeanlie para sa unang araw niya sa kanyang training.Dahil sa my appointment na siya ay dumeretso na lamang siya sa opisina ng sekretarya na si Feisha. Halos magkasunod lang silang dumating, kung kaya ay wala na silang inaaksayang oras kundi mag umpisa na sila. Hindi naman gaano kahirap ang pinapagawa sa kanya ng sekretarya, nagagamit din ang pagiging beauty queen niya sa trabahong gagawin niya.Naging mabuti at accomodating ang mga tao sa loob ng opisina. Kung kaya ay mabilis na napagaanan ng loob ni Jeanlie ang mga tao doon, tinuturing na din siya nitong nakababata nilang kapatid sa grupo.

****

Mabilis lumipas ang panahon at hindi naramdaman ni Jeanlie na last day na niya sa training ngayon. Tinawag na siya ni Feisha para basahin ang terms and conditions ng kompanya. Nakita naman na maganda ang pagka arrange ng kanyang schedules, at hindi din maaapektuhan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.At open naman ang kompanya kung mayroon siyang ererequest. Masaya na din siya sa sahod na ibibigay sa kanya ng kompanya. Sakto lang sa kanyang pag-aral at makakatulong pa siya ng kaunti sa pag-aaral ng kanyang kuya.

****

Nagiging matiwasay ang kanyang pagtatrabaho at pagpunta sa kanyang skwelahan para sa kanilang praktis para sa graduation. Nang dumating na ang araw na kanyang pinakahihintay ang magkapagtapos siya sa sekandarya. Araw ng kanya graduation ay kumpleto silang magkapamilya, umuwi ang kuya niya para lang mapanuod ang kanilang graduation. Masaya ang magkaibigang Nathalie at Jeanlie sa araw na yun, nag-iiyakan pa sila, dahil hindi na sila masyadong magkikita kung magcollege na sila.Dahil sa may kaya ang pamilya ni Nathalie ay doon na siya pagpaaralin nga Mommy niya sa isang sikat na unibersidad sa Manila. Samantalang si Jeanlie ay sa syudad lang na pinakamalapit sa kanila. Pero dahil sa moderno na ang panahon ngayon, makapag-usap at maka kumustahan parin sila gamit ang cellphone.Pagkatapos ng kanilang ceremony ay naghiwalay muna ang mag- kaibigan, dahil sa pupunta sa sikat na restaurant sila Nathalie kasama ang kanyang kamag-anak, samantalang si Jeanlie ay uuwi sa kanilang bahay para pagsaluhan ang kaunting inihanda ng ina para sa kanya.

****

Habang nasa bahay na sila ay masayang pinagdiriwang ni Jeanlie ang kanyang pagtatapos ng highschool, kasama sa kanilang bahay ang mga kamag anak niya na pumunta para siya ay batiin. Nagsiuwian na ang kanilang mga bisita kung kaya ay tinulungan niya ang kanyang ina sa pagliligpit. Habang ang kuya at papa niya ay nag iinuman sa labas ng kanilang bahay. Minadaling tinapos nila ang pagliligpit para makapunta sila sa kanyang ama at makapagbonding silang magkapamilya. "Halika ka nga nak! alam mo subrang proud ako sayo, sa pagiging madiskarte mo sa buhay, at akalain mo magkolehiyo ka na wala kaming gagastusin. Basta nak kung hindi mo kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, sabihan mulang kami, at igagapang ko ang pag-aaral niyong magkapatid. "sabi ng papa niya na medyo nakainum na habang papalapit na sila sa mga ito"Kakayanin ko pa para sa atin din naman to, ayokong mahihirapan pa kayo, kaya ko sarili ko huwag kayong mag-alala,At isang taon nalang ay magkapagtapos na din si Kuya. diba kuya? "tugon niya sa ama, at nakatingin siya sa kanyang kuya. "Ha? Ay! Oo naman"pautal at maiksing tugon ng kuya niya. Parang may nararamdaman siyang kakaiba sa kuya niya at sa sagot nito. Pero binabaliwala nalang niya iyon."Pa magsa summer class sana ako ngayong bakasyon, para konti nalang ang subjects ko sa susunod na pasukan, para hindi na ako masyadong loaded sa klase ko. "putol na tugon ng kanyang kuya sa kanilang pakukwentuhan. "Pwede bang huwag nalang muna anak, para makapag ipon naman ako sa susunod mo na pasukan, masyado na akong madaming utang na babayaran,"sagot ng ama niya na nabigla sa sinabi ng kanyang kuya. "Sige na Pa para uwian nalang ako sa susunod na pasukan"pagmakaawang sambit ng kuya niya. "Kuya naman pwede naman na hindi ka magsummer class, para naman makapagpahinga si Papa sa pagpadala sayo ng pera, puno tayo ng utang eh., tingnan mo nga kamay ni papa puro sugat na yan dahil sa pagtatrabaho., konting konsiderasyon naman. "Putol niyang sambit dito na may halong inis. Hindi na umimik ang kuya niya at padabog na itong pumunta sa kwarto. Naiwan nalang sila na tahimik, Habang ama niya ay malalim na naman ang iniisip. Pati ang Mama niya ay napaluha na din, dahil sa iisiping gastusin, akala kasi nila na makahinga hinga na sila ngayong summer, pero hindi pala. Maghahanap na naman sila ng pag enroll ng kuya niya para sa summer. Inis na inis na si Jeanlie sa kapatid dahil hindi man lang kayang tingnan ang paghihirap ng kanyang mga magulang. Kinukutaban na siya sa pinaggagawa ng kapatid niya. Sana nga lang mali ang kutob niya, kasi kung tama, hindi niya mapapatawad ito. "Pa, di bale may natitira pa namang pera sa napanalunan ko, yun na muna ang ipang enroll natin sa summer class ni kuya. May masasahod naman na ako, kasya pa yun kasi dalawang buwan pa naman bago ako mag college. Tugon niya sa ama na bigla nalang natahimik."Anak wag na! kaya ko to, itabi mo nalang yan sa pagkokolehiyo mo. Ako ang inyong ama kaya ako ang magtataguyod sa inyo. "sambit nito na mangiyak ngiyak na . "Ako ang anak ,at nasasaktan ako na makita kayong mahihirapan, kaya sa ayaw at sa gusto niyo pera ko ang gagamitin sa kinakailangan ni kuya. "di na napigilang umiiyak ni Jeanlie, at naiyak na din ang Papa at Mama niya. "Anak alam mo ba nung pinanganak ko ang Kuya mo?, sinabi ko sa Papa mo na ayoko ng mag-anak ulit kasi subrang hirap ang dinanas ko sa kuya mo nung pinagbubuntis ko pa siya, madaming tumubo sa mga balat na subrang daming nana at hindi ako pwede humiga na walang dahon ng gabi sa ilalim ng aking hinihigaan dahil dumidikit ang balat ko na subrang hapdi at sakit.at subrang sakitin pa ang kuya mo sa paglabas niya, labas pasok kami sa hospital. Pero dumaan ang ilang taon nag-usap kami ng papa mo na bumuo ulit ng isang anak,kung kaya malaki ang agwat niyo ng kuya mo. At heto ka ngayon. Subrang nagpapasalamat ako sa panginoon na binigay ka sa amin ng ama mo. "pautal na sabi ni Aling Nina sa anak dahil sa hindi na mapigilang luha. Kung kaya nagyakapan silang tatlo at nag- iiyakan.