Chereads / The Ideal Man / Chapter 21 - Chapter 21: Father's Love

Chapter 21 - Chapter 21: Father's Love

Naging tahimik ang kanilang byahe papunta sa bahay nila Jeanlie para ihatid siya nito ni Jethro.Pareho kasi silang nahihiya na sa isa't -isa.Nang huminto na ang kanilang sinasakyan sa tapat ng bahay nila Jeanlie, ay agad sinabi niya na siya nalang ang bababa at nagpasalamat na siya kay Jethro sa paghatid,at sa pakain. Pero hindi palang siya natapos sa kanyang pagsasalita ay bumaba na si Jethro at nagtungo sa kanyang gawi para pagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan,habang pababa na siya sa sasakyan ay magsasalita pa sana si Jeanlie na hanggang doon nalang siya dahil nahihiya na siya na baka masyado ng naabala si Jethro, pero hinawakan agad ang kamay niya at hinila papasok sa bahay nila na walang imik. Nang naglalakad sila papasok ng bakuran nila Jeanlie ay tanaw nila na nandon na sa may labasan ang kanyang mga magulang na nakaupo at nagkakape habang hinihintay siya na makauwi. Muling nanumbalik ang kuryente na nalalantay sa buong katawan ni Jeanlie na hinawakan ang kamay niya sa malambot na kamay ni Jethro, mas nakikiliti pa siya ng panay swabeng pinisil ang ginawad nito sa mga kamay niya, at halos magkadikit na sila kung kaya ay naamoy niya na ang swabeng pabango nito.Kahit kasi gabi na ay hindi parin nawawala ang amoy nito. Binaling nalang niya ang kanyang atensyon sa papalapit niyang ina. "Good evening po maa'm! I'm Jethro Montenegro,ako po yung tumawag sayo kanina para ipaalam si Jeanlie. Nice to meet you in person po."Sabay lahad ni Jethro sa kanyang mga palad kay aling Nina na nasa harapan na nila.Tinanggap naman ni Aling Nina ang kamay ni Jethro."Ay good evening po Sir,salamat sa paghatid mo sa anak namin,pasok muna tayo sa loob."Pangiting tugon ni Aling Nina sa kausap.At lumapit na din ang Ama ni Jeanlie na si Mang Ben.At agad naman itong pinakilala ni Jeanlie sa kanyang boss na si Jethro,buong respeto namang nakipag shake hands si Jethro sa Ama ni Jeanlie.Habang panay ngiti lang ang Ama niya."Ay hindi na po Maa'm ,gabi na din kasi.Salamat nalang po.Tuloy na po ako."Paalam ni Jethro nito sa kanila.Wala nalang silang nagawa kundi ay sundan nalang ng tingin si Jethro habang papalapit na ito sa kanyang sasakyan. Pagkatapos ay pumasok naman ang mag-anak sa loob."Anak !Bata pa pala ang amo mo.Subrang gwapo pa at matipuno."Bulalas ni Aling Nina habang papasok na sila ng bahay.Nakangiti naman si Jeanlie na walang imik.Pagpasok nila sa bahay ay tinatanung ng mga magulang niya kung ano ang nangyari sa kanilang group.

dinner,sinagot naman ito ni Jeanlie.

****

Habang nasa kwarto na si Jeanlie para matulog , gising na gising parin ang diwa niya sa pangyayari kanina. Nahuhulog na talaga siya sa binata. May nararamdaman na talaga siya kay Jethro, ayaw niya ang ganuong pakiramdam dahil ayaw niyang gumawa ng mga bagay na maging hadlang sa kanyang mga paryuridad sa buhay. Lalo na ngayon na na may pakiramdam siya na hindi nag-aaral ng mabuti ang kanyang kapatid. At natatakot siya na baka madismaya ang kanyang Ama, na subrang umaasa na makatapos ng pag-aaral ang kanyang kapatid. Sana nga lang ay mali ang kutob niya sa kanyang kapatid. Dahil hindi niya ito mapapatawad dahil sinakripisyo lahat ng mga magulang niya para lang matustusan ang pangangailan nito sa kanyang pag-aaral. Naluha-luha nalang si Jeanlie na isipin ang hirap ng kanyang mga magulang. Alam niyang may iniinda na na sakit ang kanyang Papa dahil sa Ulan at Init ang kalaban nito sa tuwing magtatrabaho. Mabuti nalang at may trabaho na siya at makakatulong siya sa pangangailangan nila sa pang araw-araw. Nakalimutan niya na ibigay sa kanyang mga magulang ang kalahati ng sahod niya, kaya bumangon siya sa pagkahiga at kinuha ang subre na may laman na pera na galing sa sahod niya.Kinuha niya ang kalahati at nilagay sa kanyang lagayan ng pera para sa pagkaka college niya. At agad siyang lumabas para ibigay na sa kanyang mga magulang ang kalahati ng sahod niya. Habang papalapit siya sa kusina ay narinig niya ang seryosong usapan ng kanyang mga magulang. At nakita niya na nagpupunas ng luha ang kanyang ina. At kita sa mukha ng kanya ama na emosyonal din ito at pinigilan lang ang sarili na maiyak. Para hindi mahalata na nakita niya ang emosyonal na tagpo ng kanyang mga magulang, ay bumalik siya sa labas ng kanyang kwarto at nagsimula na siya sumigaw na tinatawag ang kanyang Ina,para malaman ng mga iti na papalapit na siya,kung kaya ay nagmamadali ang kanyang mga magulang na ayusin ang sarili para hindi mahalata ni Jeanlie na galing dila sa seryusong usapan. Habang papalapit na si Jeanlie ay hindi naman niya pinapahalata nito na nakita niya ang pangyayari, bagkus ay inaabot nalang niya ang subre sa kanyang ina. "Ma, Pa, ito po ang kalahati ng sahod ko ngayong buwan nato. Tinabi ko na po ang kalahati para sa pagkaka college ko. "Pangiting tugon ni Jeanlie na para bang wala siyang nasaksihan kanina. "Huwag na anak, para sayo yan, ako na bahala sa pang araw-araw natin, ako ang padre di pamilya, kaya ako ang maghahanap buhay para sa atin. "Tanggi ng kanya ama na hindi tinanggap ang subre na inabot niya sa kanyang Ina."Pa, bilang anak, ayokong makita kayong nahihirapan, subra na ang ginawa niyo po sa amin ni Kuya, ang buhayin at alagaan kami hanggang sa paglaki namin ay malaking bagay na po yan sa amin, at yan ang malaking pasasalamat ko po sa inyo. Kaya sana

hayaan niyo po akong tulungan kayo. Mahal na mahal ko po kayo. Ngayon na kaya ko ng tumulong sa inyo ,sana po huwag niyo pong tanggihan.Ginagawa ko po to para sa atin Pa,ayokong buong buhay niyo ay hirap parin ang dadanasin niyo."Naluhang luha na sambit ni Jeanlie. Kung kaya ay niyakap nalang siya ng Ama. "Maswerte talaga kami na may anak kaming katulad mo anak, naiintindihan mo ang kahirapan natin. "Pautal utal na sabi ni Mang Ben para mapigilan ang pagluha niya, habang yakap ang anak. "Mas maswerte ako pa dahil may mga magulang ako na katulad ninyo, mahirap man tayo sa buhay sa ngayon, pero mayaman naman kami ni Kuya sa pagmmamahal at pag-aaruga niyo. "Umiyak na si Jeanlie na bigkasin ang mga salita na yun. Kung kaya ay nagyakapan na silang tatlo at nagtatawanan.