Chereads / The Ideal Man / Chapter 19 - Chapter 19: First Month in The Company

Chapter 19 - Chapter 19: First Month in The Company

Habang nakauwi na si Jeanlie sa kanilang bahay ay palaisipan parin sa kanya ang tagpo kanina nila ni Jethro. Doon niya nalaman na si Jethro ang imahe ng kanyang gustong lalaki na makapiling habang buhay o Ideal Man kung tawagin. Hindi dahil sa mayaman ito kundi dahil sa naabot na nito sa buhay,imagine 25 years old pa lang siyang pero naging CEO na siya ng kompanya nila. At nakita din niya dito ang pagmamahal at dedekasyon nito sa kanilangkompanya naging responsable at masipag si Jethro sa inatasang posisyon ng kanyang pamilya sa kanilang kompaya. Wala siyang masyadong alam sa binata, pero alam niyang masipag ito at may pinapatutunayan sa sarili

Hindi batid ni Jeanlie na unting-unti na pala siyang may nararamdaman sa binata, pero binabaliwa niya ito dahil sa estado ng kanilang buhay, kumbaga langit si Jethro samantalang siya ay lupa lamang.

****

Nagdaan ang ilang araw, linggo at buwan, napakabilis ng panahon hindi niya inaasahan na ngayong araw nato ay matatanggap na niya kanyang unang sahod sa kompanya. Agad niya itong hinati, ang kalahating sahod niya ay tinabi niya para sa pag-aaral, at ang kalahati naman ay ibibigay niya sa kanyang mga magulang para naman makakatulong ito sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

"Jean! total payday ngayon, sama ka sa amin kakain tayo sa labas, ito kasi ang nasanayan na namin na taga sahod ay lalabas kami kasama ang mga kaibigan na nagtatrabaho din dito. "Malakas na sambit ni Feisha na nasa mesa niya habang nag -aayos para aalis na.

"Kayo nalang ate, wala kasi akong budget sa ganyan, may paglalaanan ako sa sahod ko, alam mo naman na magka college na ako. "Sagot ni Jeanlie na inaayos na din ang kanyang mesa para uuwi na. "Hala grabe naman to, daig mo pa kaming may pamilya na ah! Huwag kang mag-alala treat ko sayo".Saad ni Feisha na tila ba ayaw tatanggap ng hindi na sagot. Sasagot pa sana si Jeanlie ng marinig nila ang pamilyar na boses na nasa kanyang likuran. "Sige na Ms. Cruz, it's your first monthsary of this company. Feisha, pa reserve ka sa palagi naming pinupuntahan na restaurant na may ktv bar sa loob.Treat ko!. "Pautos na tinig ni Jethro na kanina pa pala naririnig ang usapan nilang magkaibigan.Namangha si Feisha dahil subrang mahal ang restaurant na sinasabi ng kanilang boss."Ay ammm, sir kayo nalang muna, hindi kasi ako nakapag paalam sa mga magulang ko, baka kasi mag-alala sila na matagalan ako ng uwi. "Nag alalang boses ni Jeanlie, na hindi alam ang e sasagot.

"Call your mom, and I'll be the one to talk to her. "Sabay abot ni Jethro kay Jeanlie ang cellphone niya para yun ang gagamitin na pantawag sa Mama niya.Natigilan si Jeanlie at hindi na nakakibo dahil sa halong kaba at kilig na nararamdaman niya na isang Jethro Montenegro ang makasama niya magdinner tonight at ito pa ang magpapaalam sa mga magulang niya para lumabas. Natigil nalang ang kanyang pagmuni-muni ng sikuhin siya ni Feisha na nasa kanyang gilid na pawang namangha din sa pangyayari. Kung kaya minadali niyang kinuha ang cellphone na kanina pa inaabot ni Jethro sa kanya. Dahil sa kabisado na niya ang numero ng telepono ng kanyang ina, ay agad niya itong pinindot at hinihintay na lang na sagutin ng Mama niya. Nakailang ring din ang cellphone ng Mama niya at agad din itong sinagot. "Hello Ma? Si Jeanlie po ito, nakitawag lang po ako sa cellphone ng bo.... "Paputol na banggit ni Jeanlie sa Mama niya na kausap sa cellphone, Agad kasi itong kinuha ni Jethro sa kanya ang hawak niyang cellphone. "Hello Maa'm ako po si Jethro Montenegro ang boss ni Jeanlie, nais po kasi naming lumabas kasama ang ibang emleyado para maghapunan sa isang restaurant, at ipagdiriwang na din namin ang unang buwan ni Jeanlie dito sa kompanya. Huwag po kayong mag-alala ihahatid ko po sa pag-uwi ang inyong anak. "Mabilis na tugon ni Jethro sa ina ni Jeanlie na nasa kabilang linya. Pumayag naman din ito kaagad at binalik ni Jethro kay Jeanlie ang telepono para makapag-usap ulit ang mag-ina. "Jeanlie anak, mag ingat ka ha, at mag enjoy ka lang. Sasabihin ko nalang sa Papa mo sa pag-uwi niya mamaya." Agad namang tugon ni Aling Nena sa anak. At nagpasalamat nalang si Jeanlie sa ina, pinutol na niya ang kanilang pag-uusap at binalik na kay Jethro ang telepono. "So ikaw at si Feisha ay sasakay sa kotse ko, at Feisha sabihan mo nalang ang mga kasamahan natin na susunod na sila sa lugar. Make yourself ready at aalis na tayo after 10minutes. "Patalikod na saad ni Jethro sa dalawa, at agad namang tinawagan ni Feisha ang restaurant na sinasabi ng kanilang boss. "Ganyan ba talaga siya sa inyo te? "tanung ni Jeanlie kay Feisha na wari bang naguguluhan,imagine boss niya ang kasama niya para lang makapag celebrate ang una niyang buwan sa kompanya. "Hindi oi! Ngayon lang to, kaya nga nagulat din ako eh, sa 15years ko dito na nagtatrabaho ngayon lang yan nagyaya na lumabas.Hala ka Jean baka may gusto sayo si Sir.Oi kinilig naman to oh!Pero seryoso nga Jean,ngayon lang yan sumasama sa labas kasama ang kanyang mga empleyado"Patuksong sabi ni Fiesha sa kanya. "Tumigil ka nga diyan te! Halika na!at baka mainip pa si Sir sa pag hihintay sa atin".Pabaliwalang sabi nalang ni Jeanlie kay Feisha, pero ang totoo, kilig na kilig na siya. Tinawagan muna ni Feisha ang mga sasama sa kanila sa dinner, at kilig na kilig naman ang mga babae dahil sa unang pagkakataon kasama ang kanilang CEO sa paglabas. Kung kaya nagpaganda ng mabuti ang mga babaeng sasama sa kanila, pati na rin si Fiesha na abala sa pagpaganda sa harap ng salamin. Samantalang si Jeanlie ay nakaupo lang sa mesa niya at naghihintay kung kailan sila aalis. Agad naman silang napatayo ng palapit na si Jethro sa kanila galing sa opisina nito. "Let's go"maikling banggit nito sa kanila na naglalakad patungo sa labas. Kung kaya ay nagmadali din sila ni Feisha na sundan ito. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa labasan ay agad namang may kotse na papalapit na minamaneho ng driver ni Jethro. At nagulat nalang siya na binuksan nito ang pintuan sa likod ng driver at senenyasan siya na papasok na siya doon, sa bigla ay agad din siyang pumasok na kasunod si Feisha.At nagpapasalamat naman sila nito sa pagka gentleman ng kanilang boss.Habang si Jethro naman ay umupo katabi sa driver niya.Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay panay kilig naman ang katabi niya si Feisha,kung kaya'y siniko niya ito,baka kasi mahalata ni Jethro.

At kitang kita niya sa labas na parang manghang-mangha ang mga kapwa empleyado na nakatingin sa kanila na kasama ang boss nila sa isang sasakyan.