Chereads / The Ideal Man / Chapter 20 - Chapter 20: Unexpected group dinner with our boss

Chapter 20 - Chapter 20: Unexpected group dinner with our boss

Hindi akalain ni Jeanlie na may pagka joker din pala si Jethro panay kasi ang patawa nito sa kanila ni Feisha habang sakay sila sa kotse nito papunta sa restaurant ,kung saan sila kakain at ipag-celebrate ang unang buwan ni Jeanlie sa kanilang kompanya.Mabilis na napalagayan nila ng loob ang kanila batang boss. Doon kasi lumalabas ang ibang side ni Jethro, may pagka childish parin pala ito, at ang ganyang ugali ng binata ay hindi nila makikita pag nasa opisina na ito, subrang seryoso at focus sa trabaho kasi ito,Kung kaya hindi nila akalain na mayroong ganuong ugali si Jethro. Hanggang sa dumating na sila sa restaurant kung saan nandoon na din ang iba nilang kasamahan. Pagkatapos nilang kumain ay nag videoke muna sila sa loob dahil private ang kanilang kinuhang lugar kung kaya ay magagawa nilang mag-enjoy na walang maaabalang ibang costumer, sound proof kasi ang loob nito, kung kaya ay kahit mamaos sila sa kakasigaw ay walang makakarinig sa kanila na ibang costumer na kumakain din sa nasabing restaurant. Ang iba nilang kasamahan ay nagpaalam na pagkatapos kumain ,sa kadahilanan na may mga pamilya na ang mga ito,At kailangan nilang umuwi ng maaga.

Pero sila Jeanlie at Feisha at anim pa nilang kasamahan ay nandoon pa at nag eenjoy sa pagkakanta. Napansin ni Jeanlie na panay sulyap sa kanya ang gwapo at matipuno na si Jethro ,at pasimple siya nito inaasikaso kanina sa pagkain nila. Hindi niya mapigilang kiligin sa inasal ng binata, pero may pumapasok din sa kanyang isipan, na baka ganun talaga ang binata,likas na itong maasikaso, gentleman kung tawagin. At dahil sa taglay nitong kagwapuhan ay imposibleng wala itong nobya.Kaya pilit niyang nilalabanan ang kanyang paghanga nito baka saan pa ito mapunta.At lagi niyang sinasaisip na ang pag-aaral muna niya ang kanyang paryuridad ,at ang maahon niya sa kahirapan ang mga magulang.Naputol ang kanyang malalim na iniisip ng sikuhin siya ni Feisha at inabot sa kanya ang mikropono para siya ang pakakantahin sa susunod na kanta. Umiwas siya at tinanggihan ang request ni Feisha, hindi naman pangit ang kanyang boses at hindi din ito kagandahan, tamang tama lang kumbaga. Nahihiya lang kasi siya dahiil nanduon sa ibang side ng upuan si Jethro,na nag-eenjoy sa pakikinig sa mga kanina pang kumakanta na kasamahan nila,nahihiya din siya na marinig ang boses niya na pang banyo lang. Pero nagpumilit si Feisha, at nasagip sa kanyang tingin si Jethro, na tumango ito ,na nangangahulugan na tanggapin niya ang mikropono na binigay ni Feisha. Dahil sa boss niya ito ay tinanggap nalang niya ang inaabot ni Feisha, at nagpapasalamat siya na ang susunod na kanta ay lagi niyang naririnig sa youtube ang "Till I Met You".Huminga ng malalim si Jeanlie at nag-umpisa na itong kumanta, at ginamit niya ang version ni Kyla na isa sa kilalang singer sa Pilipinas. Nakabisado na ni Jeanlie ang kanta dahil sa isa ito sa palagi niyang pinakikinggan. Kilig na kilig naman si Feisha ng kumanta na si Jeanlie at panay tulak niya kay Jeanlie patungo sa inuupuan ni Jethro na seryosong nakikinig sa kanta ni Jeanlie.Bumabalik naman sa kinatatayuan si Jeanlie pag akmang itutulak na siya ni Feisha, kung kaya ay si Jethro na ang lumapit sa kanya. Hindi napansin ni Jeanlie na nasa likuran na pala niya ang nakaupo na si Jethro, ramdam na ramdam kasi niya ang kanta dahil bawat lyrics nito ay akmang akma sa kanila ni Jethro, Natawa nalang si Jeanlie habang kumakanta dahil sa kanyang maduming pag-iisip kay Jethro, masyado na siyang ambisyosa na pangangarapin ang mayaman nilang boss.Nang matapos na niya ang kanyang kanta ay tumawa siya ng malakas,para malabas ang kanina pa niyang tinatagi na hiya. At panay palakpak naman ni Feisha sa kanya, na masayang masaya dahil napakanta siya nito. Akma na sana siyang uupo ng maramdaman niya na may tao pala sa likuran niya, sa gulat ay bumagsak siya at napakandong sa taong nasa likuran niya, at ang mga kamay nito ay agad humawak sa kanyang baywang para alalayan siya, ng lingunin niya ang nagmamay-ari ng kamay na yun ay nagulat at nabulalas nalang siya ng makita na si Jethro pala yun, agad naman siyang tumayo galing sa pagkandong niya nito at humingi siya ng pasensya."No no no that's okey! Kasalanan ko naman din kasi palihim akong umupo dito. Anyways I like your voice. "Nakangiting saad nito sa kanya.Na lumalabas talaga ang subrang mapuputi at shiny na mga ngipin,dagdag pa ang mamasang masang mga labi nito.Para siyang na kukuryente sa kilig."Hahahah pang banyo nga lang ang boses ko Sir. Pasensya na talaga sir ha, hindi ko talaga alam na nasa likuran kita. "Pagmakaawang tinig nito. Kung kaya ay ginawad ni Jethro ang mga kamay nito at ginabay siya para umupo sa tabi niya. Walang nagawa si Jeanlie kundi inabot din ang kanyang kamay dito at umupo na din sa tabi ni Jethro. "You know what?ngayon na lang uli ako nakalabas ng ganito, subra kasing busy sa trabaho at nakaka pressure na sina Mommy at Daddy. Ang hirap maging anak ng mga kilalang negosyante, kasi dapat ikaw na anak ay maging katulad ka din nila o hihigitan mo pa sila. How I wish na studyante pa ako ngayon, nagagawa ko ang gusto ko, pero ngayon lahat ng kilos ko ay minomonitor ng mga parents ko.Diba parang baliktad ano?Dapat ngayon na tapos na ako sa pag-aaral, dapat gawin ko na gusto ko, pero hindi eh "Seryosong sabi ni Jethro kay Jeanlie. Nagulat naman si Jeanlie dahil sa biglang nagkwento sa kanya ang kanyang boss tungkol sa buhay nito. Hindi alam ni Jeanlie ang isasagot kung kaya ay tinapik nalang niya ito sa balikat "Kaya mo yan Sir, hindi pa kita masyadong kilala pero alam kung kaya mo yan.And try to show to your parents na may sarili ka ding buhay."tugon ni Jeanlie kay Jethro na nagulat din siya sa kan yang mga binitawang salita.Agad namang umeksena si Feisha na kanina pa pala kilig na kilig sa mga pangyayari."Sir, I think we have to go na, kasi mag alas dyes na, may pasok pa kasi bukas.Namimiss ko na din kasi asawa ko dahil sa sweetness ninyong dalawa eh.Ayey!."Agad naman siyang binato ng chicharon ni Jeanlie na nakalagay sa mesa na napagitnaan ng kanilang upuan,para huminto na ito sa walang prenong bibig nito."Oo nga sir baka kasi nag-alala na din ang mga magulang ko."Patayong sambit ni Jeanlie.Kung kaya ay wala ng magawa si Jethro at inutusan na si Feisha na kunin ang bill at para mabayaran na. "Ihahatid ko na kayo ni Jeanlie. "sabay sabi ni Jethro kay Feisha habang dinudukot niya sa kanyang walet ang credit card para sa bayad nila sa restaurant. "Ay huwag na sir, susunduin ako ng asawa ko, maya-maya ay nasa labas na yun naghihintay.Si Jeanlie na lang ang ihatid mo sir, para naman makilala niyo pa ang isa't- isa! ayey"pakilig na sambit naman ni Feisha kay Jethro. "Sabay nalang ako sa inyo ate. "Pakiusap na tinig kay Feisha. "No!Ako ang maghahatid sayo, yan ang promise ko sa Mama mo nung pinapaalam kita sa kanya."Bawing sagot ni Jethro ni Jeanlie. Nagkibit balikat nalang si Feisha ,at tumatawa na may halong panunukso. Maya-maya ay sabay na silang lumabas lahat, at nagpaalam na si Feisha dahil nasa labas na ang asawa nito na naghihintay. Kasunod naman sila Jeanlie na pinagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan ni Jethro, at laking gulat nalang niya na tumabi na sa kanya sa pag upo ang binata.