Chereads / The Ideal Man / Chapter 15 - Chapter 15:This is the day

Chapter 15 - Chapter 15:This is the day

"Eh sa dami naming project, at dagdag pa ang tuition ko, mag eexam na kami nextweek. "pabalang na sagot ng kuya niya sa kanyang ina. "Anong tuition? diba binigay namin sayo ang pambayad ng tuition mo para sa whole semester mo ngayon? At diba myembro ka ng varsity sa skwelahan niyo at kalahati lang ng tuition mo ang babayaran natin? Malakas na tugon ng kanyang ama sa kuya niya. Na halatang nagalit na ito. "Madami kasi kami project pa, at panay photocopy pa kami para sa lesson namin. "sagot naman ng kuya niya nito.Lumabas na si Jeanlie para putulin ang tensyon sa gitna ng kanyang ama at kuya. "Magkano ba ang kailangan mo kuya?"bungad na sabi niya sa kuya niya. Natigilan ang kanyang ama at ina. Na halatang nagulat sa paglabas niya. "Eh six thousand sana sis. "pangiting saad ng kuya niya na panay hagod sa ulo nito. Hindi na sumagot si Jeanlie at padabog na naglalakad papunta sa kwarto niya. Kinuha niya sa drawer ang subre na naglalaman ng pera para sa enrollment niya sa college.Kumuha siya ng six thousand,napabuntong hininga nalang siya ,at napasa isip na nakukuhanan ang pera niya para sa enrollment niya. Di bali may summer pa naman baka makapaghanap siya ng raket para masauli yun. Dumeretso ng bumaba si Jeanlie kung nasaan nandoon ang kanyang kuya at mga magulang. "Ito oh, try mo namang magbudget, di mo ba alam na halos wala na kaming makain para lang may maipadala sayo. "painis na sabi ni Jeanlie sa Kuya habang inaabot ang pera."Sigurado ka ba anak? eh pang college mo yan. "tugon ng ama niya. "Di bali pa, may summer pa naman baka makapag raket pa ako, at makikita ko ulit yan. "masiglang sagot naman niya sa kanyang ama, para hindi na ito mag-alala. Nakangiti naman ang kuya niya ng tinanggap at nagpasalamat sa kanya. Maya maya ay nagpaalam na ito para umalis. Napatayo ang papa niya. "Gabi na, wala ka ng masasakyan, bukas ka nalang bumalik sa boarding house mo, agahan mo lang ng gising. "saad ng papa niya sa kapatid nito. "Nagmotor kami ni weng weng pa, umuwi din kasi siya sa kanila, pero babalik din ngayon, kaya sasabay nalang ako. tapos maaga pa pasok ko bukas ayokong ma late. "tugon ng kuya niya na nakatayo na din, at humalik nalang ito sa pisngi niya at sa ina niya, tapos nagmano sa papa niya na,pagkatapos ay nagmamadali ng umalis ito.Walang nagawa ang mga magulang niya kundi sundan na lang ito ng tingin habang ito'y papalayo. "Salamat anak ha, at sinalo mo na naman ito. "saad ng mama niya habang hinahawakan ang kanyang kamay. "Wala yun ma, sino pa naman ang magtutulungan kundi tayo tayo rin. "sabay ngiti niya sa ina.

****

Maagang nagising si Jeanlie para paghandaan ang sarili sa pagpunta sa Montenegro office. Pagkatapos maligo ay bumaba na siya para kumain, at agad naman siyang pinaghandaan ng Mama niya. Maya maya ay bumalik siya sa kwarto para magtoothbrush at ayusin na ang sarili. Naglagay lang siya ng pulbo at lip gloss, hindi kasi masyadong maarte si Jeanlie ,hindi kagaya ng ibang babae na hindi makalabas ng bahay kung hindi mudmuran ng madaming make-up ang mukha.Tumingin siya sa salamin at tiningnan ang sarili niyang suot ang Light blue na blazer at spaghetti stripe na puti sa panloob nito at pinaresan niya ng Jeans at naka pointed heels siya na kulay itim na may 2inches. Nakangiti siyang umiikot ikot para siguraduhing maganda ang kanyang suot at bagay sa pupuntahan niya. Dagdag pa nito ang nakalugay niyang shiny and silky hair, na nilagyan lang niya ng ipit sa may gilid.Litaw na litaw ang natural niyang kagandahan. Bigla na lang bumungad si Nathalie sa kanyang pintuan. "Char! besh parang office girl ang dating natin ah. Subrang bagay besh, baka akalain ng mga tao don na ikaw na ang bagong CEO sa Montenegro Shipping Lines ah. "pangiting saad nito. Hinampas nalang niya ito ng kanyang dalang bag at agad na silang lumabas sa kwarto. Nagpaalam na sila sa kanyang mga magulang at ginawaran nalang siya ng mga ito ng halik sa pisngi.

****

Habang nasa jeep sila, batid ni Nathalie ang kaba na nararamdaman ng kaibigan, kung kaya kinuha niya ang kamay nito at pinisil pisil. "Besh orientation lang ang pupuntahan mo don hindi ka kakatayin. "Pabirong sabi nito. Di nalang umimik si Jeanlie, hinampas nalang niya ang kaibigan.

Nang bumaba na sila sa jeep ahy naglakad sila ng 1kilometro para makarating sa pupuntahan.May lugar lang kasi kung saan pwedeng huminto lang ang publikong sasakyan. Nabulalas sila na makita ang building ng mga Montenegro. Kung kaya sa subrang kaba ay hindi na maihakbang ni Jeanlie ang mga paa nito papasok ng building na yun."Besh huwag nalang kaya akong tutuloy, tingnan mo oh panay mga may natapos at may degree ang nagtatrabaho jan.Samantalang ako magka college palang. Di ako bagay jan besh, halika na, uwi na tayo, hahanap nalang ako ng ibang raket para makapag-ipon para pang college ko. "Patalikod na sabi ni Jeanlie para lisanin na ang lugar, ng agad siyang pinigilan ni Nathalie sa mga kamay nito. "Hoi gaga! ngayon ka pa aatras eh nandito na tayo. At sinong nagsabi na hindi ka bagay dito aber? Oo hindi ka pa tapos sa oag-aaral ngayon, pero doon din yan patungo. Kaya nga ikaw ang nanalo sa pageant dahil ikaw ang napusuan ng mga Montenegro na maging kabilang sa mga empleyado nila! Besh paminsan-minsan lang ang oportunidad na ganito kaya sungkaban muna.Isipin mo na lang na ito ang inspirasyon para maabot mo ang pinapangarap mo sa buhay.Isipin mo din sila Tita at Tito, hindi na sila mghihirap na paaralin ka at ang kapatid mo. Kaya huminga ka ng malalim at papasok na tayo sa loob". Mahabang diskasyon ni Nathalie sa kanya, Sabay hila nito sa kanya mga kamay papasok ng building. Wala ng magawa si Jeanlie kundi napabuntong hininga nalang siya at sumunod na sa kaibigan.Habang papasok ay pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa kaibigan, at naramdaman naman niya ang suporta nito sa pamamagitan ng pagpisil ng kanyang kamay. Kung kaya ay nadagdagan ang lakas ng loob niya na ipagpatuloy ito.