Chereads / The Ideal Man / Chapter 16 - Chapter 16:Final Exam

Chapter 16 - Chapter 16:Final Exam

Dumeretso na silang magkakaibigan sa Information area. Habang nasa harapan na sila ng receptionist ay agad natigilan si Jeanlie at tinitingnan ang receptionist na tila ba lipad ang iniisip, kung kaya palihim siyang tinulak ni Nathalie ns nasa likuran niya para senyales na magsalita na siya sa kanina pang nakangiti na magandang receptionist.Kaya nabigla siya at deretso ng nagsalita. "Oh hi goodmorning! My name is Jeanlie Cruz. Tinawagan po ako ni Ms. Feisha, secretary of Mr. Jethro Montenegro na papuntahin dito around nine o'clock this morning. "Pautal na sambit ni Jeanlie sa receptionist. "For a moment po maa'm tatawagan ko muna si Maa'm Feisha. "pangiting tugon nito sa kanyang habang dinadampot na nito ang telepono. Habang kausap ng receptionist ang nasa kabilang linya, ay umupo na muna sila ng kaibigang si Nathalie sa waiting area.At sinabi ni Nathalie na doon lang siya maghihintay sa kaibigan kung pupunta na ito sa office ng mga Montenegro. Tumango lang si Jeanlie na bagkus parin sa kanyang mukha ang subrang kaba.Maya-maya ay tinawag na siya ng receptionist, at agad din silang nagbiso biso ni Nathalie bilang pahiwatig na aalis na muna siya. Tinapik lang din siya ng kaibigan sa kanyang mga balikat, at nagtungo na siya sa receptionist para e guide siya kung saan ang daan papunta sa office ng mga Montenegro.

****

Pagbungad niya sa elavator ay lalo siyang kinabahan dahil sa daming empleyado na naroon,nasa 14th floor siya ng gusali nito at ang lawak lawak ng opisina na nandoon. Habang siya ay naglalakad ay agad niyang nakita ang babae na papalit din sa kanya na nakangiti. "You must be Jeanlie Cruz? "saad nito sa kanya. "Yes maa'm"sagot niya sa nakaharap na babae. "Totoo din pala sabi nila na mas maganda ka in person.! Well anyway I am Feisha, ako yung tumawag sayo. And please follow me. "saad nito na naglalakad na papunta sa isang silid. Dali dali naman siyang sumunod nito. Nang dumating na sila sa silid ay agad silang naka upo sa office ng secretarya."So Jean, alam mo naman kung bakit ka nandito diba? Ikaw ang napili bilang isang ambassadress sa bagong ilalabas na Shipping Lines ng kompanya. So nabanggit ko na sayo na si Sir Jethro Montenegro ang CEO ng kompanya kung saan ka magtatrabaho. So try to look this, at ede discuss ko sayo one by one. "Sabay abot sa kanya ng isang folder. "Agad naman niya itong tinaggap at binuksan, At nagsisimula na ang kanila diskusyon.

****

Natapos na ang kanilang diskusyon ng may tumawag sa telepono na nasa gilid ng mesa ni Feisha. Agad naman nitong sinagot. Habang nakikinig si Feisha sa kabilang linya ay panay sulat naman sa may schedule chart na denedekta sa kausap nito sa telepono. Maya maya ay binaba na niya ito. "Well Jean dapat sana ngayon ay kakausapin ka ng ating CEO pero may emergency meeting siyang pinuntahan sa site, since you know already kung ano ang role mo dito sa company, by tomorrow magsisimula ka ng magtraining for five days. Don't worry kahit nagtraining ka pa ay magsisimula na ang sahod mo.Dito ka parin pupunta bukas. So, do I make myself clear? do you have any questions? "tanung nito sa kanya. "Yes maa'm! Pero paano po pala yun maa'm eh gagraduate pa po ako ngayong katapusan, at may mga practice pa kami para sa graduation namin. "paalalang tanung din niya nito. "Yes yes, buti naman at natanung mo yan. nacheck na namin ang school mo, nagpakaalaman namin laman ng schedule mo, mamayang hapon at bukas ng hapon ang final exam mo, right? At yung mga practice niyo ay every afternoon lang, so every morning ay magrereport ka dito,at sabihan mo lang ako kung may changes sa schedule mo sa school ok?"pangiting tugon nito sa kanya. Ngumiti nalang din siya.Tumayo na silang dalawa, at nagpaalam na siya dito.

"Besh, sorry natagalan ha, dios ko ang haba ng dinidiscuss ni maa'm Feisha "pahingal na sabi nito habang papalapit siya sa kaibigan niya. "Ok lang besh oi, may kausap din ako kanina subrang gwapo, empleyado din siya dito. Pero mamaya na tayo magchikahan sa mga nangyayari, besh halika na kakain muna tayo para mapaghandaan din natin ang exam natin mamaya."Kinikilig na tugon nito. Agad na silang lumabas sa building ng mga Montenegro at tuluyan ng nilisan ang lugar. Habang kumakain ang dalawa ay pinagkukwentuhan nila ang mga pangyayari kanina. Masayang masaya si Nathalie sa kaibigan, at full support ito sa kanya.

****

"Congratulation Jeanlie! "pasigaw na bungad nito ng kanyang mga classmates. Napasigaw si Jeanlie sa subrang gulat.Hindi niya akalain na sa pagpasok nila sa kanilang classroom ay may nakahandang surpresa ang mga ito sa kanya sa pagkapanalo niya sa pageant.Agad namang lumapit sa kanya ang kanilang adviser at nakangiting binati siya. "You made it Ms. Cruz! We are so proud of you. Sa dami ninyong contestant at ikaw pa ang pinakabata ay nakuha mo talaga ang corona. All I can say is kung saan ka man dadalhin ng talento mo stay your feet on the ground, and be thankful to our creator sa lahat ng mga blessing na natatanggap mo. Use your ability and talent to reach your dreams."seryosong pangaral sa kanya. At agad naman siyang nag pasalamat sa kanilang guro, mataray man ito pero may pakiramdam at concern ito sa mga studyante niya. Maya maya ay nagsimula na ang kanilang exam.

****

Pagkatapos ng kanilang exam ay tinawag muna siya ng kanyang adviser at sinabihan siya na ang Montenegro company ay nagtanung tanung about sa schedules niya, at nagpakaalaman ng kanyang teacher na magtatrabaho na siya sa kompanya habang nag-aaral, at tinanung naman siya nito kung makakaya ba niya ang isabay ang pag-aaral at trabaho. "Alam kung hindi madali maa'm pero pipilitin kung kayanin para sa pamilya ko, ayoko na kasing makita ang mga magulang ko na nahihirapan, ayoko kung mawala sila sa mundong ito na mahirap parin sila maa'm. May kakayanan akong ibigay sa kanila ang buhay na gusto nila, kaya gagawin ko sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal ko ang mga magulang ko maa'm, at wala akong ibang hiling kundi mapasaya sila. "emosyonal niyang sagot sa tanung nito. Nabigla nalang siya na umiiyak na pala ito habang nakikinig sa kanya. Agad niyang hinagod ang likod nito. "Alam mo Jean, nakita ko ang abelidad at kabutihan mo, at alam ko na maaabot mo ang lahat ng iyong mga hiling. Continue to love and respect your parents, yan kasi ang hindi ko nagawa nung nabubuhay pa sila, kung kaya subrang pagsisisi ko, naging matigas ako sa kanila hanggang namatay nalang sila na hindi ako nasilayan at nagkausap. "napasubsob na ito sa kanya, at agad naman niya itong niyakap at pinapahinahon.Ngayon lang nalaman ni Jeanlie kung bakit mataray ang kanyang guro, dahil pala sa may nakaraan ito na hanggang ngayon ay sinisisi parin ang sarili nito.