Chereads / The Ideal Man / Chapter 14 - Chapter 14: Daughter's Love

Chapter 14 - Chapter 14: Daughter's Love

Habang tinulungan ni Jeanlie na magluto para sa panghapunan nila ang ina, ay tumunog ang kanyang cellphone na nasa bag niya, nilapag lang kasi niya agad ang kanyang bag sa kanilang sofa na nasa sala,galing silang nag mall, at agad na pumunta sa kusina para tulungan ang ina na lutuin ang kanila pinamili. Agad niya itong sinagot. "Hello good afternoon, is this Ms. Jeanlie Cruz? "tugon ng babae na nasa kabilang linya. "Yes, speaking"maikli niyang sagot nito. "Oh hi, Ms. Cruz,I'm Feisha, secretary of Mr. Jethro Montenegro the CEO of Montenegro Shipping Lines Corp! We would like you to report to our office tomorrow nine o'clock sharp.Para e discuss yung napanalonan mo as a ambassdress of our shipping lines. "malambing na pananalita nito.

"Ah okey maa'm, thank you. "madali niyang tugon nito. At tuluyan ng binaba ang telepono na nasa kabilang linya. Ngayon lang naalala ni Jeanlie na maging ambassadress na pala siya ng Montenegro Shipping Lines. Ang nasa isipan lang kasi niya ang premyo na pera. Pero natuwa siya, kasi maipagpatuloy niya talaga ang pagkaka college, kasi sigurado siya na may sahod yun at malaking tulong yun sa kanilang pamilya. Pero paano kaya ang pag-aaral niya, e bukas araw ng lunes ay schedule ng final exam nila. Agad niyang pinondot ang cellphone number ng kaibigang si Nathalie para itanung kung anong oras ang exam nila bukas. Agad naman itong sinagot ,at ang sabi ay ala una pa ng hapon bukas ang exam nila. Kaya napa yes nalang siya. At sinabi niya sa kaibigan na tumawag ang Montenegro sa kanya para magreport sa office nila. Masaya naman ang kaibigan at gustong sasama bukas sa kanya, pumayag naman siya. Napatawa nalang siya ng putulin na niya ang konbersasyon ng kanyang kaibigan, mas ito talaga ang pinakamasaya at numero unong sumuporta kong may oportunidad na darating sa kanya.Nagmamadali na siyang naglakad papunta sa kusina para sabihin sa kanyang mga magulang ang balita, nandoon na din pala ang Papa niya at tumulong na sa pagluluto. Kaya agad niya itong sinabi sa kanila."Ma, Pa tumawag sa akin ang Montenegro Shipping Lines, at pinapapunta ako sa kanilang office bukas. Matutupad ko na ang pangarap kung makapag college na hindi kayo mapuporwesyo. At gagawin ko to para makapagtapos ako at makahanap ng magandang trabaho, para hindi kana magtatrabaho pa. "sabay tingin niya sa ama. Kanina pa napapansin ni Jeanlie na habang ang ina nito ay nagtatalon sa kasiyahan sa narinig na balita, pero yung ama niya ay maikling ngiti lang ang tinugon nito at pinagpatuloy ang ginagawa.Sadyang tahimik talaga ang kanyang ama, pero alam niyang may iniisip ito. Kaya agad niya itong nilapitan at tinanung kung ano ang nangyari. "Pa, hindi ka ba masaya?".Hinarap siya ng ama "Anak masayang masaya ako para sayo sa totoo lang, pero hindi ko maitatanggi na malungkot, dahil nagpursige ka na makapag aral sa kolehiyo, na sana ako ang gagawa ng paraan na paaralin ka, pero nakita ko sayo ngayon na naghihirap ka para lang hindi kami mamoblema ng mama mo para abutin ang pinapangarap mo. "Mangiyak-ngiyak na tugon nito sa kanya. Niyakap niya ang ama. "Pa, nasaksihan ko ang hirap mo para lang maitaguyod ang pag-aaral ni kuya.Na alam kung pagod na pagod kana, at naiinitan ka sa pagkakarpentero para lang mapadala ang pangangailangan ng kuya. Nasasaktan ako Pa, na makita ko kayong ganyan, Di niyo lang alam na habang kumakain tayo na talbos ng kamote lang ang ulam natin, alam kung nasasaktan ka kasi yan lang ang nakayanan mo na ipakain mo sa amin.Pero masaya ako pa as long as na healthy lang kayo palagi ni Mama. Ayokong danasin mo pa ang hirap na yan Pa sa pag-aaral ko,ayokong makita kayo na nagpakakuba sa pagtatrabaho. Malakas naman ako pa, at may magagawa naman ako para mapaaral ko sarili ko, at gagawin ko lahat para lang hindi ko kayo makikitang nahihirapan. Kaya nagpasalamat ako sa panginoon na hindi parin niya tayo pinababayaan, At matutulungan ko pa kayo sa pag-aaral ni kuya."Mahabang paliwanag ni Jeanlie sa ama na umiiyak na. Kung kaya hinawakan niya sa magkabilang kamay ang mukha ng kanyang ama at sinabing "Kaya natin to pa, kakayanin natin to.Gagawin ko lahat para hindi na kayo mahihirapan,mahal na mahal ko kayo. "payakap na sabi niya sa ama, at niyakap na din siya nito na umiiyak na din.Pinuntahan din niya ang Mama niya na kanina pa umiiyak. At nagyakapan na silang tatlo. At pinagpatuloy ang pagluluto nila at naghanda na sila para sa hapunan.

****

Habang masayang kumakain ang mag -anak ay bigla nalang dumating ang kanyang Kuya Chard. Agad na din itong tinawag ng Mama niya para kumain. Napaisip si Jeanlie kung bakit umuwi ito, eh may pasok ito bukas. Binabaliwala nalang niya ang iniisip at patuloy sa kanyang pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay agad namang tinulungan ni Jeanlie ang kanyang ina sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan. Habang ang Kuya at Papa niya ay nasa sofa na sa sala at nagkukwentuhan. Maya maya ay tinawag ng Papa niya ang Mama niya, agad naman itong nagtungo sa sala kung saan nandoon ang Papa niya. Habang naghuhugas ng mga pinggan si Jeanlie ay agad niyang pinatay ang gripo para marinig ang pinag usapan ng kanyang mga magulang at kuya, unti unti siyang palihim na lumapit sa mga ito, para hindi nila malaman na nakikinig siya sa usapan ng mga ito. Narinig niya ang boses ng mama niya. "Bago lang kami nagpadala sayo ah, at alam mo bang hiniram lang namin yun kay Nathalie yung pinapadala namin sayo. Buti nalang na nanalo ang kapatid mo sa pageant na sinalihan niya kung kaya nabayaran niya. Wala na tayong mahihiraman kasi panay advance lang natin sa pinagtatrabahuan ng Papa mo. Halos dalawa at talong beses ka na sa isang linggo humihingi sa amin, alam mo namang ang Papa mo lang ang nagtatrabaho sa amin. "mahabang sabi ni Aling Nina sa kanyang kuya, at batid sa boses nito na nanghihina. At alam niyang nanghihingi na naman ng pera ang kuya niya. Wala siyang narinig na boses ng kanyang ama, malamang ay nag iisip na naman ito kung saan kukuha ng pera para sa kuya niya.