Chereads / The Ideal Man / Chapter 11 - Chapter 11: Big Night

Chapter 11 - Chapter 11: Big Night

Nagsisimula ng mag announce ang emcee, at halos lalabas na ang puso ni Jeanlie sa subrang kaba. Hindi na niya narinig ang sinasabi ng emcee kahit nung pinakilala na nito ang mga judges, para kasi siyang nabingi sa lakas ng kutob ng kanyang dibdib.

****

Nang lumabas na sila,ay halos hindi makalakad si Jeanlie dahil nangangatog ang kanya buong binti, sa subrang kaba nang marinig niya ang boses ng kaibigan na nasa harapan ng stage

"Go go go besh!!" sabay palakpak nito,at nakita din niya sa tabi nito ang kanyang mga magulang at kapatid na masayang nagpalakpakan, kung kaya ay nag ipon si Jeanlie ng lakas at humakbang na ito. Subrang ganda at sexy niya sa gabing iyon, bagay lahat sa kanya ang mga sinusuot niya, at bawat production number nila ay kabisado at buong hataw na ginawa ni Jeanlie. Ini enjoy niya talaga ang gabing yun.

****

Sa lahat ng mga kandidata ay agaw pansin kay Jethro ang magandang dalaga na nasa number 7,walang iba kundi si Jeanlie.Si Jethro Montenegro ay isa sa mga board of judges sa event na yun, ang companya na pamamay-ari ng kanyang pamilya ang isa sa major sponsor, at ang mananalo sa pageant na yun ang gagawin nilang ambassadress ng kanilang shipping lines. Habang tinitingnan niya si Jeanlie ay hindi niya napansin na nakangiti na pala siya habang pinapanuod ito. Agad siyang napansin na katabing pinsan na si Arnold na isa din sa mga judges, at namamahala sa isa sa kanilang negosyo sa kanilang pamilya. "Oi! parang bet mo yang number 7 ah! pasikong sabi nito.Di nalang niya ito pinansin, at binigyan nalang niya ng maikling ngiti ang pinsan bilang tugon niya rito. Nang lumabas na ang mga candidata para sa swimwear attire ay agad namangha si Arnold. "Wow pre! ang ganda ng hubog ng katawan ng number 7 oh! Kahit skinny siya, pero ang laki at hugis puso yung pwet niya."bulalas na sabi ni Arnold kay Jethro. "Oo ,sexy at maganda talaga yan si Jeanlie, at mabait pa, kahit nga ginawan na siya ng masama at sinabotahe pa siya ng number 10 na si Margarette, ay hindi nalang niya ito pinatulan,para hindi daw magkagulo. In fact yang suot niyang swim wear ngayon, ay hindi yan isa sa pinoprovide natin para sa kanila, kasi yung sa kanya at yung evening gown niya ay kinuha at pinunit ni Margarette, buti nalang yung kaibigan niya, nagmadaling kinuha sa kanila ang susuotin niya ngayon. " Mahabang paliwanag ng organizer na nasaksihan ang kaguluhan kanina sa dressing room. Nasa tabi siya ni Jethro kasi isa pala siyang spy, para malaman ang mga totoong ugali ng mga kandidata. Dahil nga gusto nila na hindi ganda ng mukha lang ang kukunin nila kundi maganda din ang kalooban."Kasama pala ng ugali ng number 10 na yan, hindi naman kagandahan".Sagot ni Arnold na tumingin sa may gawi ni Margarette

Hindi nalang nagbigay ng opinio si Jethro sa mahabang sinasabi ng organizer,at nagtanung nalang siya nito tungkol kay Jeanlie. Kaya sinabi sa kanya ng organizer lahat lahat ng nalalaman tungkol sa dalaga

****

Nang magdeklara na ng mga minor awards ay hinakot halos lahat ni Jeanlie. Tatlo lang ang hindi niya nakuha pero pito ang nasa kanya. Subrang tuwa ni Jeanlie kasi sa bawat minor award ,maliban sa plaque ay may 3,000 pesos ito, kaya sa pitong award na nakuha niya ay mayroon siyang 21,000 pesos. Na pa yes nalang si Jeanlie dahil mababayaran na niya ang kaibigan, kahit hindi na siya ang manalo. Napukaw nalang ang iniisip niya ng tinatawag na sila para sa evening gown nila. Kaya agad niyang hinanda ang sarili, at kumawala ng isang malaking hininga.

****

Habang isa-isang nag labasan ang mga candidata para sa evening gown nila, ay hindi ikakaila ni Jethro na hinihinatay niya ang oag labas ni Jeanlie. Parang wala na siyang ibang tinitingnan sa gabing iyon kundi si Jeanlie. Nang lumabas na ang dalaga ay namangha siya sa subrang ganda ng pagdadala ni Jeanlie sa kanyang damit, subrang hapit sa katawa ng dalaga ang maputi nito suot na setro na turtle neck na gown na may kumikinang na crystal sa lahat ng sulok ng damit, at setro ang sa magkaliwang balikat nito. At ng umikot ito ay open back ang style n hanggang sa may baywang. At bagay sa kanya ang nakapusod at may kumikinang sa buhok nito. Mala prinsesa ang dating ng dalaga, at lalong lumilitaw ang kagandahan niya ng kumawala siya ng isang malaki at matamis na ngiti. Akala lang siya ang namangha sa dalaga, ngunit sa paglingon niya napapawow sa naglalakad na dalaga ang halos na mga tao na nasagip ng kanyang paningin. Sa ibang panig naman ay subrang hiyaw ang kaibigang si Nathalie habang naglalakad ang dalaga, at bakas sa mukha ng kanyang mga magulang na subrang proud ito sa kanya. Kaya kahit hindi siya manalo sa gabing ito ay parang nanalo na din siya sa supporta at pagmamahal na pinakita ng kanyang pamilya sa gabing iyon.

****

Nang marinig ni Jeanlie ang number niya bilang top 5,ay nagulat siya at agad na punta sa harapan. Nawala na ang kaba sa dibdib niya, napalitan nalang ito ng kasiyahan, at ini enjoy nalang niya ang gabing ito na para bang ito na ang panghuli niyang rampa sa buhay niya. Pagkatapos na ma edeklara ang top 5 ay pinapunta muna sila sa backstage para mag ayos at maghanda sa final question ng gabing iyon. Habang papasok si Jeanlie ay agad siyang sinalubong ng make-up artist niya na si Pula at subrang saya nito at niyakap siya. "Sabi ko na nga ba eh, na maiibibilang ka sa top 5,subrang galing at ganda mong tingnan sa stage Jean.Halimaw ka pala pag nasa stage ka na .Nakakaproud ka. Kaya if ever na ikaw ang tanghalin sa gabing ito,at maging ambassadress ng Montenegro Shipping Lines.Ako ang kunin mo bilang tagapag-ayos mo ha."banggit nito habang ginagabayan siya para umupo at e reretouch na siya nito."Dahil din sayo to meme nuh, ang ganda ko kaya dahil sa hair and make-up mo. Yes naman meme, ikaw ang kunin ko kung may mga ibang pageant pa akong sasalihan. Hindi na ako aasa na ako ang maging winner tonight, kasi ang gaganda at matatalino pa ang nakapasok sa top 5 kaya. Basta meme thank you na pinaganda mo ako sa gabing ito. "Sabay kindat niya kay Pula na nakaharap na sa salamin. Naputol ang kanilang pag-uusap ng marinig nila ang sigaw habang tumatakbo papalapit na Nathalie. "Beeeeeeeeeeeeesh!!! my ged you made it! deserve mong makapasok sa top 5,at mas deserve mo ang crown. Ang ganda mo tingnan sa stage besh, I'm so proud of you".Sabay yakap kay Jeanlie ,kahit hingal na hingal na ito. "Sssshhhhhh! boses mo oi! nakakahiya ka! pero thank you besh, salamat sa supporta mo ha! "Pangiting saad ni Jeanlie sa kaibigan. "Bakit naman tayo mahihiya, ang nakakahiya yung sinabotahi mo ang nakapasok sa top 5,habang ikaw ay hanggang backstage lang!"Parinig na sabi ni Nathalie habang humaharap kay Margarette.

"