Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

Bumaba na sila ni Georgette sa pool area, nakasuot na silang dalawa ng bikini. Black color kay Georgette at Cherry blossom print naman iyong sa kanya. Isa ito sa mga pasalubong nito sa kanya. Pinatungan nila ang bikini nila ng knitted top na abot sa kalahati ng hita nila. Pinahiram siya ni Georgette since wala siyang dala.

Pagdating nila sa pool area ay napabaling agad ang tingin ng limang kaibigan nito. Nakasmile ang mga ito sa kanila.

"Chloe, girl, these are my bitches, Mia, Katherine, Bella, Faye and Smile. Bitches, this is my long lost sister from another mother, Chloe. Please, be good to her." Pakilala nito na may kasamang banta.

"Hello." Bati ng mga ito sa kanya ng sabay.

Nagsmile lang din siya sa mga ito. Feeling niya pinagsabihan na ang mga ito ni Georgette kaya naka-all smile ang mga ito sa kanya.

Mayamaya lang ay lumabas si Rosie galing sa loob ng bahay kasama ang tatlo pang kasambahay. May mga dala ang mga itong isang malaking electric griller, mga pangbarbecue na pork ribs, squids, hotdogs at manok. Bumalik ulit ang mga ito sa loob pagkatapos ipwesto ang mga ito sa gilid ng pool, at lumabas ulit na may dalang kanin, bottled water, softdrinks, baso, pinggan at kubyertos, inayos ng mga ito ang mga dala sa isang mahabang mesang nakapwesto sa gilid lang ng pool. Bumalik ulit ang mga ito sa loob at may dala namang mga desserts at alcoholic drinks na nasa loob ng bucket.

"Tapos na, Georgette." Pagbibigay alam ni Rosie. "May mga kailangan pa kayo? Si Shie at Nela ang mag-gigrill."

"Wala na, Rosie. Okay. Thank you, girls ah! Love you all!" Sagot naman ni Georgette at nagflying kiss pa sa mga ito.

Natawa lang ang mga kasambahay, napatingin siya sa mga kaibigan ni Georgette ng may narinig siyang may nagbulongan. Nakita niya si Mia at Faye na napapaismid habang nakatingin sa mga kasambahay at agad ding napatuwid ng napansing nakatingin siya sa mga ito.

Umalis na si Rosie at ang dalawang kasama nito habang ang dalawang si Shie at Nela ay pumwesto na sa griller at nagsimulang mag grill noong uminit na ito.

Pinaandar ni Georgette ang ipod nito na nakaconnect sa speaker at agad pumailanlang ang nakakaindak na kanta. Naka full volume pa yata.

Sumasayaw si Georgette na lumapit sa kanya, hinawakan ang kamay niya at pinilit siyang sumayaw. Kaya kahit napipilitan ay sumayaw na lang din siya at sabay silang natawa.

Tawa sila ng tawa pagkatapos ng siguro'y limang kanta ng biglang dumating si Rosie at lumapit sa kanila. Kaya napatigil sila sa pag sayaw.

"Georgette. May naghahanap sa'yo sa labas." Hayag ni Rosie.

"Sino?" Tanong naman ni Georgette.

"Iyong anak sa kabila. Galit eh." Sagot ni Rosie.

"Oh, my ghad. Bakit galit? Saan na kabila?" Sagot ni Georgette.

Tinuro ni Rosie ang bahay nina Z at nakita niyang lumaki ang mga mata ni Georgette sa gulat.

"C-chloe, girl, samahan mo 'ko..." yaya nito sa kanya.

Tumango siya at agad silang naglakad papunta sa gate. Nahagip agad ng mga mata niya sa labas ng gate si Z na nakasimangot at sa likod nito ay si Mikael na pinipigilan si Z sa kamay at iyong isang si Johann yata or si Christopher.

"B-bakit?" Tanong ni Georgette.

"Wow ha? May gana ka pang magtanong? Hindi lang kayo ang nakatira dito, girl! Hindi na kmi magkarinigan magkakabarkada ng dahil sa music niyong abot hanggang kabilang subdivision! Seriously, be considerate! Mahiya ka naman! Most of our neighbors are sleeping already!" Galit na litanya ni Z.

Nakita niyang pinipigilan pa din ni Mikael si Z habang iyong isa naman ay nakangisi lang. Nakita niyang napapasulyap sa kanya si Mikael at sa katawan niya, kaya napayuko din siya para tingnan ang suot niya. Napangiwi ito sa kanya. Anong problema nito? Tiningnan niya lang din ito ng seryoso. Nasasaktan pa din siya sa nangyari noong nakaraan.

"I.. I'm sorry. Sige. Hihinaan na namin iyong music. I'm really sorry, Z." Sagot ni Georgette dito.

Napairap si Z kay Georgette, tiningnan nito ang kanilang mga damit at paarteng tumalikod sa kanila at nagmartsa pabalik sa bahay nito. Nakasunod naman agad si Mikael at iyong isa.

Narinig niyang malakas na napabuntong hininga si Georgette sa gilid niya. "Okay ka lang, girl?" Tanong niya dito.

"Y-yeah.. tara sa loob.." Sagot nito sa kanya at naglakad na sila pabalik sa pool area.

Agad hininaan ni Georgette ang volume at umupo ito sa mesa pagkatapos kumuha ng bote ng vodka.

Umupo din siya sa tabi nito. "Hindi pa tayo nakakain, girl. Baka sumakit ang tiyan mo." Sabi niya dito.

"Oo nga pala. Sorry." Sagot nito sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa dalawang kasambahay na naggigrill.

"What happened?" Tanong sa kanya ni Mia na nakapamaywang na tumayo sa gilid niya.

Ayaw niya sanang sumagot, pero ayaw niya ding matawag na bastos. "Nagalit iyong kapitbahay. Maingay daw." Sabi niya ditong hindi sinabing si Z iyon, since secret iyon ni Georgette.

Tumawa lang ito at bumalik ulit sa pool at nagkwento sa ibang mga babae doon. Napaismid na lang siya. Ayaw niya talaga sa mga ito. Nararamdaman niya talagang hindi niya makakasundo ang mga ito kahit kailan.

Nang bumalik si Georgette ay may dala na itong isang pinggan ng mga barbecues, hindi pa luto ang iba. Agad din itong nagyayang kumain na sila. Napaahon na din ang ibang mga babae at sabay na silang kumain.

Napapansin niyang nawala talaga sa mood si Georgette. Nakakahiya talaga ang mapagsabihan tapos si Z pa talaga nagsabi. Ang harsh naman noong Z na iyon.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang natapos na ang lahat ng kailangang i-grill.

Nakapangalahati pa lang siya sa pagkain niya sa pinggan ay tapos na si Georgette. Agad nitong kinuha ulit ang bote ng Smirnoff at nagsimula ng uminom. Napatingin lang dito ang ibang mga babae at nagpatuloy sa pagkain.

Natapos ang gabi na sobrang lasing si Georgette. Inalayan niya ito sa pag-akyat sa hagdan at papunta sa room nito. Habang ang ibang mga girls naman ay naunang naglakad sa kanila at tumatawa-tawa lang. Dumiretso ang mga ito sa inilaang kwarto ng mga ito. Hindi man lang chineck kung okay lang si Georgette.

Pagkarating nila sa kwarto ni Georgette ay agad itong sumalampak sa kama.

"Hindi ka na magbibihis, girl? Baka lamigin ka." Tanong niya dito kahit feeling niya ay nakatulog na ito.

Narinig niyang napahikbi ito. "Na..nakakainis si Z.. Ang sakit niya talagang magsalita..." Sabi nito.

Umupo siya sa kama at hinaplos ang buhok nito. "Mga harsh naman talaga sila. Kaso mahal natin, eh. Huwag ka ng umiyak." Alo niya dito. "Palit ka muna ng damit mo."

"Yeah. Alam niya kasing gusto ko siya, na mahal ko siya. But still, pwede namang sabihan ako ng mahina eh. Its not like I have this kind of party everyday. Nakakainis." Sagot nito, napapahikbi pa din.

"Shhhh. Sige lang. Bihis ka na, girl." Sabi niya dito.

"Huwag na. Inaantok na din ako. Dito ka na matulog, girl." Sabi nito at mayamaya lang ay narinig niyang napahikbi ulit ito at napahilik na. Nakatulog na nga talaga. Naka apat na bote kasi ito.

Tumayo siya at kinumutan na lang ito at agad nagpunta ng banyo para magbihis. After niya magbihis ay tumabi na siya kay Georgette.

Ano na naman kaya ang naiisip ni Mikael about sa kanya noong nakita siya nito kanina? Pero ang tanong talaga is kung naiisip ba siya nito ngayon? Ang hirap ng ganito. Pero hindi pa din siya nawawalan ng pag-asa. Alam niya dadating ang araw at babalik ulit ang Mikael na mahal niya.