Nanatiling nakanganga ang mga bibig nilang tatlo nina Georgette at Christine habang nakikinig sa kwento ni Gaile.
Nanligaw pala dati si Johann dito, pero binasted nito kasi loser daw dati si Johann sa school nila sa Iloilo. Sobrang payat daw ni Johann, nakasuot pa ng mala-Harry Potter na glasses tapos nakasuper gel pa ito sa buhok. Kaya kahit may gusto rin daw dito si Gaile ay binasted niya ito para hindi ito matampulan ng tukso ng mga kapwa estudyanteng nambubully kay Johann.
Nagsisisi daw ito sa ginawang pagbasted kay Johann, kaya heto ito ngayon, sinundan si Johann sa Manila at nagpaplanong ito naman ang manliligaw kay Johann.
Napahagikgik ito pagkatapos nitong magkwento, habang sila namang tatlo ay hilaw na tumawa.
"So, kaibigan niyo nga siya? Kanina ko pa siya hinahanap! Please, ate. Pakisabi sa kanya na I'm here to court him.. please." Malambing na pagmamakaawa nito sa kanila.
Jusko. Hindi niya alam kung paano sabihin dito na nagbago na si Johann. Maskulado na ito, wala ng eye glasses, hindi na nakasuper gel ang buhok at higit sa lahat ay bakla na ito.
Napatikhim si Georgette bago ito nagsalita, "Hindi namin kaibigan si Johann, iha." Nakita niyang nagpout si Gaile pagkarinig sa sinabi ni Georgette. Ang cute nito. Baby na baby talaga. "But if you want.. sasamahan kitang hanapin si Johann. Or pwede rin samahan kitang puntahan siya sa building nito since mamaya pa ang pasok ko. Sina ate Chloe at ate Christine mo kasi ay may mga pasok ngayong 1:30."
Agad siyang napatingin sa relo niya, nakalimutan niyang may pasok pa pala siya.
"1:20 na, Christine! Tara na! Kita na lang tayo mamaya, girl!" Sabi niya kay Georgette at agad bumeso dito. "Bye, Gaile." Paalam naman niya kay Gaile.
"Una na kami, girl, Gaile." Paalam din ni Christine.
"Sige ingat kayo!" Sabi sa kanila ni Georgette. Kumaway lang si Gaile sa kanila at nagmadali na silang dalawa ni Christine na lumakad papunta sa kani-kanilang building pagkatapos nilang magbeso sa isa't-isa.
Pagkapasok niya sa classroom ay late na siya. Mabuti na lang at 1st meeting nila at hindi nagalit ang teacher niyang mukhang istrikta pa naman sa kanya.
Naghanap agad siya ng mauupoan. Hindi pa siya nakaupo ng maayos ay sinabihan na siya ng teacher nila na mauuna siyang mag-introduce ng sarili niya sa buong klase, since late siya.
After niyang mag-introduce ng sarili niya ay umupo na siya at nakinig na sa ibang kaklase niya na nagpapakilala ng sarili. Siya yata ang pinakamatanda sa kanila, since pang 2nd year na subject iyon. Nagstart na din ng lesson ang teacher niya pagkatapos ng introduction.
After ng klase niyang iyon ay agad siyang lumabas sa classroom.
Habang naglalakad ay kinuha niya ang cellphone niya sa loob ng bag para maitext si Georgette. Nakayuko siya habang nagtatype ng biglang may humawak sa braso niya at mabilis siyang hinila papunta sa isang tagong lugar. May partition iyon na papasok sa isang classroom na walang tao.
"Sino ka!" Sigaw niya sa humila sa kanya.
Kinabahan siya at akmang pipiglas sa hawak nito, pero agad ding nawala iyong kaba niya ng nakilala niya ang likod ng humila sa kanya.
Si Mikael!
Pagkarating nila sa dulo ng partition ay kinulong siya nito gamit ang dalawang kamay sa dingding na siyang partition. Nagulat siya ng sinuntok nito ng dalawang beses ang dingding na nasa gilid niya.
Natakot siya.
"Fck!" Mura nito. Tumingin ito sa kanya gamit ang galit na mga mata.
Napamulagat siya dito. Kahit natatakot siya dito ay nagawa niya pang i-check ang kamao nito at nakitang namumula iyon. "M-mikael, namaga ang kamay mo." Sabi niya dito.
Akmang hahawakan niya iyon ng bigla siya nitong hinawakan sa batok gamit iyong kamay na iyon, pinaglapit ang mga labi nila at hinalikan siya ng mariin. Ang isang kamay naman nito ay pumalibot sa baywang niya at pinaglapit ang katawan nila sa isa't-isa.
Kahit gulat siya noong una ay hindi niya napigilang hindi tumugon sa mapusok na halik nito. Gustong-gusto niya 'to. Matagal silang naghalikan at kahit nauubusan na sila ng hininga ay hindi pa din sila tumitigil. Kinagat ni Mikael ang ibabang labi niya at sinipsip nito iyon. Ginaya niya din iyon at narinig niyang napaungol ito. Pagkatapos ay naglabanan ang dila nila sa loob ng bibig nila. Tasting the insides of their mouth. Napaungol na din siya. Naramdaman niyang humahaplos na sa likod niya pababa at paakyat ang isang kamay nito.
"Mimi? Mimi? Saan kaya nagpunta ang baklang iyon!" Narinig niyang boses na nasa kabilang side lang nitong partition na pinagtagu-an nila. Parang boses ni Z iyon. Mayamaya lang ay narinig niya na ang tunog ng sapatos na palayo sa kanila.
Nakita niyang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Mikael at agad huminto sa paghalik sa kanya. Hinawakan muna nito ang labi niya gamit ang thumb nito, na parang pinupunasan iyon, bago siya pinakawalan.
"M-mikael..." Anas niya.
Walang salitang iniwan siyang nanatiling nakatingin na nakamulagat dito hanggang sa lumiko ito at nawala sa paningin niya.
Napapikit siya at napasandal sa dingding.
Ano iyon? Ang init pa din ng bibig niya. Nararamdaman niya pa din ang labi, dila at ngipin nito sa bibig niya. Nalalasahan niya pa din ang laway nito. Nararamdaman pa din niya ang haplos nito sa likod niya, sa baywang niya.
Anong ibig sabihin noon? Naguguluhan na talaga siya kay Mikael.
Nanatili pa siya ng ilang minuto doon sa likod ng partition, mayamaya lang ay napatalon siya ng tumunog ang cellphone niya. Si Georgette tumatawag.
"H-hello?" Sagot niya sa tawag.
Matagal muna bago nagsalita si Georgette, "Girl? Okay ka lang? May nangyari na naman ba?"
"S-saan ka?" Tanong niya dito, hindu sinagot ang tanong nito.
"Nandito sa labas ng classroom niyo. Akala ko hindi pa kasi tapos ang klase niyo, eh. Sinundo na kita. Where are you?" Tanong nito.
"T-teka. Babalik ako diyan." Sabi niya dito at agad pinatay ang tawag nito.
Pagkakita nito sa kanya ay, napanganga ito. "Why are you blushing? May nangyari bang something!? And ang lips mo.... Namamaga, girl!!!" Napatili ito. "Don't tell me, you and Mi-..."
Agad niyang tinakpan ang bibig nito, nakatingin na kasi ang ibang mga dumadaan sa kanila, "H-halata ba?" Tanong niya ditong nahihiya.
Napatili pa din 'to kahit tinakpan na niya ang bibig nito. Lokaloka talaga. Napatango na lang ito ng mabilis sa kanya. Pinaypayan nito ang sarili nito bago umaksiyon na parang zinipper ang bibig. Kaya tinanggal na niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito.
"Wooo.. woooo." Nagdeep breathing ito habang patuloy na pinaypayang ang sarili. "Kwentohan mo 'ko!!" Pilit nito sa kanya.
"Mamaya na. May pasok pa tayo." Sabi niya dito.
"Eeeeehh!" Nagpapadyak pa ito pero hinawakan na niya ito sa kamay at mabilis na hinila para makapunta na sila sa magiging classroom nila for their next subject.
Pagkarating nila sa classroom nila, ay nandoon na sa loob sina Mikael at Z. Nakalimutan niyang classmate niya pala si Mikael sa mga regular subjects. Kaya agad na naman siyang namula noong naalala ang nangyari kani-kanina lang at hindi niya napansing napatigil siya sa harap ng mga ito.
Nanatiling nakahawak siya sa kamay ni Georgette na kanina pa nagpupumilit sa kanyang magkwento. Agad din itong tumahimik noong nakita sina Mikael, pero bigla itong tumikhim. Umiwas ng tingin sa kanya si Mikael habang si Z naman ay seryosong nakatingin sa kanila ni Georgette. Nakamasid lang din ang ibang mga kaklase nila sa kanila.
Hinila niya ulit si Georgette para makaalis na sila doon patungo sa mga bakanteng seats sa likod at hinila ulit ito para umupo kasi nanatili itong nakatayo habang nakakalokong nakangiti at pabalik-balik ang tingin sa kanila ni Mikael.
"Kwento mo na girl, pleassseee." Pagpupumilit nito sa kanya. "Pleassssee.."
Buti na lang at dumating bigla ang teacher nila kaya tumigil na ito.
Napahugot siya ng malalim. Nagugulohan siya.
Bakit ba paiba-iba ang asta ni Mikael sa kanya? Ano ba talaga ang gusto nito? Pagkatapos siyang halikan kanina ay umiiwas na naman ito ng tingin sa kany? Laro niya ba ito? Ito ba ang higanti nito sa kanya? Hindi pa ba enough ang pagpapahayag nito sa kanya na bakla na ito? At kailangan pang dagdagan ang pagpapasakit nito sa kanya? Pinapaasa ba siya nito at sa huli ay sasaktan lang siya nito lalo?
Iyon ang mga tanong na bumabagabag sa isipan niya kaya habang nagsasalita ang teacher nila sa harap ay lumilipad ang isip niya.
Kaya pa niyang mag-tiis at mag-antay hanggang sa bumalik ang dating Mikael na mahal niya. Pero huwag naman sana dumating sa point na mawawala na ang pagmamahal niya dito sa sobrang sakit na pinaparamdam nito sa kanya.
Bahala na lang talaga. Sabi nga ni Georgette kanina, if it's God's will ay magkakatuluyan talaga sila ni Mikael. Pero sa part niya ay kailangan niya talaganag gumawa ng paraan. Kasalanan niya kasi lahat. Kasalanan niya talaga kaya nawala ang Mikael na mahal niya. Kaya niya 'to. Kakayanin niya.