Kakatapos lang ng unang exam nila. May natitira pa siyang dalawang subjects sa araw na iyon. Hindi na nakabalik sina Georgette at Z kaya hindi na rin ang mga ito nakakuha ng exams. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga ito at kung saan man dinala ni Z si Georgette kanina.
Tinatawagan niya ang cellphone ni Georgette pagkatapos nilang lumabas sa guidance kanina, pero hindi nito ito sinasagot. Nag-aalala siya, pero hindi naman siya kinakabahan, na parang sigurado siyang wala namang gagawing masama si Z dito.
Kanina sa guidance ay kinausap lang sila ng guidance counselor nila at ng mga teachers na nagdala sa kanila doon. Pinagalitan si Henry, at sinabihang magsorry sa kanya. Pero tahimik lang ito, ganoon din sina Mikael, Johann at Christopher. Nalaman niyang scholar pala itong si Henry at kung mauulit pa iyong gulong ginawa niya ay baka tatanggalan na ito ng scholarship, ayaw niya namang mangyari iyon dito. Noong pinayagan na silang lumabas ay nakita niya sa labas iyong babaeng medyo boyish na dati niyang nakitang nag-abot ng panyo kay Henry sa cafeteria noong natapunan ito ng inumin ni Mikael. Nilagpasan lang ni Henry iyong babae pero hinabol pa din ng babae si Henry at inakbayan.
"Ew! Don't akbay me!" Maarteng sabi ni Henry dito.
"Hero talaga, pakipot pa!" Angas na sabi noong babae. Kahit anong tabig ni Henry sa kamay nitong nakaakbay ay binabalik pa din ng babae iyon hanggang sa nakalayo na ang mga ito.
Nagsimula na din siyang lumakad papunta ng classroom nila ng sa dalawang beses na pagtawag niya ay hindi ito sinasagot ni Georgette. Nagulat siya ng nakitang nasa gilid niya pala si Mikael at nakatingin sa kanya. Akala niya'y nakaalis na ito. Nauna lang palang umalis ang tatlo at nagpaiwan pala ito.
"Amm.. Sabay na tayong pumunta ng classroom?" Sabi sa kanya ni Mikael habang umaagapay sa paglalakad niya.
Natigilan siya at napatigil din ito sa paglalakad. Bakit siya nito kinakausap?
Tiningnan niya lang ito habang ito naman ay umiwas ng tingin sa kanya na parang hindi nakaya ang makipag eye-contact sa kanya.
"Are you talking to me? Akala ko ba galit ka sa 'kin? Akala ko ba hindi mo ako kilala?" Mariin niyang sinabi dito at agad itong napabaling ng tingin sa kanya.
Laro niya ba ito? Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman niya noong nakaraang buwan. Naalala niya na naman lahat.
Narinig niya napabuntong hininga ito at parang may gusto pang sabihin sa kanya. Pero pagkatapos ng ilang minuto ay yumuko ulit ito at nananatiling tikom ang bibig kaya iniwan niya na lang ito at mabilis na naglakad papunta sa classroom nila.
Pagkarating niya sa classroom nila ay nakastart na ang exams nila kaya agad siyang nagsorry sa teacher nila. Hindi naman siya nito pinagalitan, siguro nalaman na nito ang nangyari kanina.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na din si Mikael, naramdaman niyang napatingin ito sa banda niya habang kumukuha ito ng testpaper nito. Nanatili lang siyang nakayuko sa papel niya at nagpretend na seryosong sumasagot ng exam, pero sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang umupo na rin si Mikael sa unahan at nag-umpisa ng magsulat sa testpapers nito.
Oh, Mikael. Kung revenge lang ito, sana tigilan na nito. Tama na siguro ang lahat ng nangyari sa kanila dati. Hanggang doon na lang siguro talaga ang lovestory nila. Pero kung ito na naman ang lalapit sa kanya ay hindi niya alam kung makakaya niya pa ulit ang makaiwas dito kung babalik na naman ito sa pagpapasakit sa kanya.
Nakaupo siya sa bench malapit sa field ng may tumawag sa cellphone niya. Akala niya si Georgette, pero si Mike pala iyon.
"Hello, Mike! Sorry kanina! Nakalimutan kong kausap pala kita sa cellphone. Pinapunta kasi kami sa guidance." Sabi niya dito.
"I'm driving. Pupuntahan kita diyan! Okay ka lang ba? I was so worried. Sino iyong nakaaway mo kanina?" Sabi nito sa kabilang linya.
"Oh! Don't worry about me, bubblegum! Okay lang ako! Ako pa!" Sabi niyang inaassure ito.
"Malapit na ko! Magkita tayo sa labas ng school niyo!" Iyon lang ang sinabi nito at agad pinatay ang tawag.
Napabuga siya ng hangin, alam niyang concerned lang si Mike pero ayaw naman niyang pinag-aalala niya ito at poproblemahin pa siya nito. Pero thankful naman siya sa pagkakaroon ng kaibigan na katulad nito.
Agad niyang nakita ang kotse nito pagkalabas niya ng school nila. Bumusina ito pagkakita sa kanya, kaya agad siyang lumapit sa sasakyan nito.
"Yayamanin! Ferrari!" Dinig niyang bulungan ng mga estudyanteng nakaistambay sa labas ng school.
"Hey, bubblegum." Bati niya dito noong binuksan niya ang pintuan ng sasakyan nito.
Seryoso itong nakatingin sa kanya, "Get in."
"Suplado naman!" Tukso niya dito pero agad ding pumasok sa loob.
Hindi pa siya tapos mag seatbelt ay mabilis na pinatakbo na nito ang kotse.
"Hoy! Ang tahimik mo! Galit ka ba? Wala namang may nangyari kanina eh." Sabi niya dito. "Asus. Concerned na concerned ang bubblegum." Tapos tumawa siya at agad ding tumigil ng hindi talaga ito nagreact sa sinabi niya.
"Hoy!!!" Winave wave niya ang kamay niya sa harap nito.
"Stop it!" Galit na saway nito sa kanya.
"Sus! May dalaw ka? Sungit naman!" Inis na hayag niya dito. "Saan ba tayo pupunta? May exam pa ko mamayang 1pm!" Tiningnan niya ang relo niya, 10 pa lang naman ng umaga.
Hindi ito sumagot kaya tumahimik na lang din siya sa buong byahe, hanggang sa nakarating sila sa isang mukhang mamahalin na restaurant na kakabukas lang yata. Hindi pa siya nakakain dito, pero ilang beses na siyang napadaan dito at parating puno ang restaurant na iyon.
"Hello, Mr. Sy, Ma'am, good morning." Bati ng isang empleyado na lumabas sa naturang restaurant pagkatapos maipark ni Mike ang kotse nito, nakangiti ito ng tipid sa kanila. Maganda ito, sexy, matangkad, maputi at may biloy sa pisngi. Kaedad lang yata nila ito.
"Sa VIP kami, Roselle." Sagot nito sa empleyado.
"Okay po, Sir." At nauna ng naglakad ang naturang empleyado papasok sa restaurant.
"Sa inyo ba 'to?" Tanong niya bigla habang nakasunod sila kay Roselle.
Tumango lang ito at tumahimik ulit hanggang sa nakarating na sila sa taas ng restaurant. Nasa taas pala ang mga VIP room.
"Salamat, Roselle." Sinabi ni Mike dito, ngumiti lang ulit ng tipid si Roselle. "Pakidalhan mo kami ng menu, para makapili si Chloe."
Tumango ito kay Mike. Bago ito lumabas ay tiningnan siya nito at nagulat siya ng nakita niyang naging malungkot ang mga mata nito, pero agad din iyon nawala ng mabilis itong tumalikod ito at tuluyan ng lumabas.
"Malungkot yata iyong si Roselle, Mike?" Sabi niya dito.
"Kahit iyon ba ay poproblemahin mo pa?" Sabi nito sa kanya.
Natawa siya. "Loko ka bubblegum! Nakita ko lng, malungkot yata siya."
Nagkibit-balikat lang ito.
Mayamaya lang ay may kumatok sa pintuan bago ito tuluyang binuksan. Ibang waitress iyon na may dalang dalawang menu at isang trolley na naglalaman ng isang red wine, at pitcher ng water. Agad nitong binigay sa kanila ang menu at nagsimula siyang pumili ng kakainin niya. May italian, mexican at filipino cuisines sila.
"Nasaan si Roselle, Jem?" Tanong ni Mike sa waitress.
"Nagpunta po ng CR, Sir. Masakit daw po iyong tiyan kaya ako na lang ang mag-seserve sa inyo." Sagot nito kay Mike.
Nakita niyang napatiim bagang si Mike. Hmmm. I smell something fishy. May something talaga.
"After niyang mag CR, pwede bang siya na lang ulit ang magserve sa 'min? Its not that I don't like you, ha? Mas gusto ko lang na siya na since siya naman ang naunang nagserve kanina." Sabi niyang ikinalingon ni Mike.
Napamulagat ito. Tiningnan niya ito at ngumiti siya ng nakakaloko.
"Ammm... S-sige po, Ma'am." Sabi naman ni Jen or Jem yata ang name.
Pagkatapos makuha ni Jem ang orders nila ay lumabas na ito.
"Tell me everything that happened this morning." Seryosong sinabi ni Mike sa kanya.
"Asus! Kaya pala galit ka! I told you I'm a-okay!" Sagot niya dito with matching hand gestures pa ng okay sign.
"Sabihin mo na! I wanna know!" Sabi nitong may diin.
Napairap siya dito, pero nagsimula ding magkwento. Pagkatapos niyang mag kwento ay nanatili itong seryosong nakatingin sa kanya.
Pinitik niya ang daliri niya dito, "Okay ka lang? Napatulala ka na."
"Nag-iisip ako. So, nag sorry siya because?" Tanong nito sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "I don't know... hindi ko na siya tinanong."
"So who's this Henry?" Galit na tanong nito.
"Hayaan mo na siya, bubblegum." Sabi niya dito.
"No. Hindi pwedeng hayaan lang siya. He humiliated you sa harap ng ibang tao! Hindi pwedeng hayaan lang ang pag insulto niya sa'yo!" Galit na hayag nito.
Napabuntong hininga siya. Sasagot na sana siya ng biglang may kumatok sa pintuan. Hay. Saved by the knock.
Bumukas iyon at pumasok si Roselle na umiiwas ng tingin sa kanila ni Mike. May dala itong trolley na naglalaman ng mga pagkain na inorder nila.
Tumahimik sila hanggang sa matapos iserve ni Roselle ang mga pagkain nila.
Patapos na ito ng nagsalita si Mike. "Masakit daw ang tiyan mo? Uminom ka na ba ng gamot?"
Tumango lang si Roselle at agad nagpaalam sa kanila. "Excuse me." Sabi nito at nagmadaling lumabas tulak ang trolley.
"Hmmmm...."
"What?!" Inis na sabi ni Mike.
"Nothing." Tipid niyang sagot habang may ngiting naglalaro sa mga labi niya.
"Kumain na tayo! May exams ka pa mamaya." Sabi nitong iniba ang topic.
Humagikhik siya, tumingin ito sa kanya na nakakunot ang noo, kaya mas lalo siyang natawa.