"Hello, Z?" Rinig niyang sinabi nito, kaya tinoon niya ang pansin niya dito. Napatingin din ito sa kanya at tumaas ang kilay. "Yeah. Tapos na ang exams. Are you still with her?" Gusto niyang iloudspeaker nito ang tawag pero nag-iwas na ito ng tingin sa kanya ng umusad na ang traffic.
Damn! She wants to know Georgette's status or whereabouts. She knows Mikael is referring to Georgette.
Tumawa si Mikael, "Damn! You got whipped just like that!" Malokong sinabi nito.
Shet! Gustong gusto niya ng tanuning ito.
"Yeah. I'm with Chloe. Mother Hen's furious. Sabay daw kasi tayo." Sabi nito at bigla ulit itong bumunghalit ng tawa.
Fck! Fck! Fck! Kumakati na ang dila niya sa gusto niyang sabihin dito.
"Yeah. It feels great. I feel ecstatic, actually. I still do love her." Masuyong sinabi nito, nakatoon pa din ang pansin sa kalsada. Napaawang ang bibig niya sa narinig.
My ghad! Hindi siya nabibingi lang, hindi ba? She did heard it correctly, right? Fck!
Gusto niya ng matapos ang pag-uusap nito at ni Z. She wants to clear things out between them. Feeling niya nasa ulap siya sa sandaling ito. She wants to make it up to Mikael once na babalik ito sa kanya. Hearing him saying he still loves her ay nakakapanghina ng tuhod at nakakalakas ng tambol ng puso.
"Well, makatayo ka ba?" Tumawa ito ulit. "So, makakaya mo siyang iwan diyan? I doubt it!"
What? Iiwan ni Z si Georgette? Agad niyang inagaw ang headset ni Mikael.
"Hey!" Muntik ng mabitawan ni Mikael ang manibela sa ginawa niyang pag-agaw ng headset nito.
"Z!! Where is Georgette!!! Let me talk to her!" Galit niyang sinabi sa kabilang linya.
Matagal bago sumagot si Z. "She's sleeping.. beside me, Chloe."
Namula ang mukha niya ng maalala ang narinig niya kanina sa pagtawag kay Georgette. "W-wake her up! I need to talk to her! Kung iiwan mo siya diyan ay much better na alam ito ni Georgette. Kaysa iwan mo siya diyan na walang kamalay-malay!"
Narining niyang tumawa bigla si Z sa kabilang linya, tumawa din si Mikael sa tabi niya. Magbestfriend nga yata ang dalawang 'to! Mga gago lang!
"I'm not going to leave her, all by herself, Chloe. She's exhausted kaya mas lalong hindi ko siya pwedeng iwan." Sabi nito sa kanya sa kabilang linya. Narinig niyang may umingit.
"Zabie..." Mapaos paos na boses iyon ni Georgette.
Narinig niyang gumalaw si Z at nilayo ang cellphone nito. "Sleep, Georgie." Tapos ay narining niya ang parang tunog na parang naghahalikan.
Hindi siya nakagalaw at ni hindi siya nakahinga hanggang sa bumalik si Z sa cellphone nito. "Chloe? Still there?" Tawag ni Z sa kabilang linya.
Doon lang siya napabuga ng hininga, "Please take good care of my bestfriend, Z. And please let her study for our exams tomorrow! Tama na muna iyong... iyong ginagawa niyo!" Iyon lang sinabi niya dito at agad niyang tinanggal ang headset ni Mikael at binalik iyon dito.
Napapantistikuhang nakatingin si Mikael sa kanya, namula ang mukha niya lalo ng naalala niya din na muntik din pala nilang nagawa ang ginawa nina Z at Georgette kanina kaya umiwas siya ng tingin dito.
"Z. Ibaba ko na. You should rest, too." Tumawa ulit ito. "Gaga! Bakla tayo, hindi ba?"
Napabaling ulit siya dito na parang gusto niyang umangal. Napatingin din ito sa kanya. "Z! May aangal sa sinabi ko." Tumawa ulit ito. "Ibaba ko na ah, malapit na kami sa mall. Sige. Yeah, early dinner lang. Okay. Bye." Iyon lang at binaba na nito ang cellphone.
"N-nasaan sila, Mikael?" Tanong niya dito, gusto niya sanang itanong kung totoo ba ang sinabi nitong mahal siya nito pero naunahan siya ng hiya. Naisip niyang paano kung hindi pala siya ang tinutukoy nito, di ba? Eh 'di napahiya na naman siya.
Nakita niyang ngumisi ulit ito at bigla nitong hinawakan ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay habang nanatili naman ang isang kamay nito sa manibela. Napahugot siya ng hininga sa namaramdamang init sa pagkakasalikop lang ng mga palad nila.
"Mikael...." sabi niya dito.
"Hmm?" Sagot nito at binitawan ang kamay niya ng pinailaw nito ang right turn signal ng kotse nito. Napatingin siya sa kung saan man sila pupuntang mall na sinasabi nito. Napaawang ang bibig niya. Sa dating mall iyon kung saan sila aksidenteng nagkita at naging mag boyfriend almost 4 years ago.
Bumalik ang lahat ng alaala sa kanya noong araw na iyon. Kakain ba sila sa Burger King? Katulad noong dati?
Pagkatapos nila mag park ay agad itong bumaba sa sasakyan nito, bubuksan na din sana niya ang pinto sa side niya ng mabilis na nakaikot si Mikael at pinagbuksan siya. Namula ang pisngi niya sa sweet gesture nito. How she wished this day would never end. Agad nitong pinagsalikop ang mga kamay nila at sabay silang naglakad papasok ng mall.
Hindi na siya nakasalita at ninamnam na lang ang init ng palad ni Mikael sa kamay nilang magkahawak. Binitawan lang nito ang kamay niya ng pumasok sila sa entrance ng mall, since magkaiba ang line ng babae sa lalaki. Noong tuluyan na silang nakapasok ay hinawakan nito ulit ang kamay niya at umakyat sila papunta sa 2nd floor kung saan nakahilera ang mga restaurant at fastfood chains.
"Where do you want to eat?" Tanong nito sa kanya na nakatingin lang sa mga nakahilerang restaurant.
"Burger.. burger king?" Sagot niya dito.
Napatingin ito sa kanya at agad ngumisi. "The usual, then." Sabi nito. Napakagat labi siya sa ngisi nito. Miss na miss niya talaga iyon.
Sumeryoso bigla ang itsura nito at nagulat siya ng hinalikan siya nito sa noo, at bumulong, "Don't bite your lip, Chloe, baka hindi ako makapagpigil."
Agad na uminit ang pisngi niya sa binulong nito. Damn, Mikael! Naalala na naman ulit niya ang nangyari sa kanila kaninang tanghali! Shet!
Tumawa ito at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya at nilipat nito sa kanyang baywang at hinalikan siya sa buhok. Shet! Sila na ang nagpapractice ng PDA! Sila na talaga! Shet!
"Tara na nga. Gutom na ko.." reklamo nito at pinagpatuloy na nila ang paglakad. "Pero may mas gusto akong kainin kaysa sa totoong pagkain.." bulong nitong mas lalong ikinapula ng mukha niya. "Alam mo ba kung ano ang tinutukoy ko?" Malokong dagdag nito.
"Ewan ko sa'yo!" Sagot niya dito at agad tinakpan ang pisngi niya ng isang palad.
Tumawa ulit ito at habang naglalakad sila palapit sa Burger King ay matagal siya nitong hinalikan ulit sa ulo, "I miss you, damn."
Napatigil siya at napabaling dito, tiningnan niya ito. Punong puno ng longing at love ang mga mata nito, meron din siyang nababakas na sakit at lungkot pero mas nangibabaw ang naunang dalawa. "Mikael..."
"Later." Sabi nito, may sasabihin pa sana siya dito pero bigla siya nitong pinalakad ulit at tuluyan na silang nakapasok sa loob ng paborito nilang fastfood chain.
Dumiretso sila sa isang mesa malapit lang sa mesang dating inupuan nila almost 4 years ago. May nakaupo kasing dalawang college girls na naka uniform sa dating mesa nila buti na lang at may vacant pa na malapit lang doon sa dating mesa nila. Puno ang Burger King, as usual.
Umupo siya habang nanatili namang nakatayo si Z sa gilid niya. "What do you want to eat? Same pa rin ba? Or do you want to add something?" Tanong nito sa kanya.
"Same..." Sabi niya dito.
"Alright!" Sagot nito at nabigla siya ng hinalikan siya nito ulit sa ulo niya bago ito umalis para makapila na sa cashier.
Nanatili siyang nakatingin kay Mikael nang may narinig siyang bulungan galing sa mga college girls na nasa likod niya.
"Si Mikael Edwards iyon girl, di ba? I thought he's gay, may girlfriend pala siya?" Sabi noong isa sa mga ito na nasa kabilang upuan na pareho ang pwesto ng sa kanya na nakaharap sa cashier.
"What?! Saan?" Dinig niyang sinabi noong nasa likod niya. Naramdaman niyang gumalaw ito at lumingon papunta sa direksyon ni Mikael. "Siya nga! Ang gwapo sobra!"
Yeah right! Nagbulungan pa sila tapos naririnig naman ng iba.
"Oo, friend!! I mean, he's really super duper gwapo! Nasayangan nga kami ng ibang barkada ko sa kanya at sa ibang kagrupo niya na mga baklang uubod din ng gwapo." Bulong din noong unang nagsalita.
"Oo, friend! Si Christopher, actually ang type ko. By the way! Maganda ba iyong girlfriend niya? Swerte ng girl! Hindi ko nakita ang mukha, eh." Sabi ulit noong babaeng nasa likod niya.
"Medyo. She's pretty, yes, pero mas bagay kami ni Mikael!" Mahinang bulong nito pero dinig na dinig pa din niya. Napahagikhik ang mga ito.
Sorry ka na lang, Ms. Feeler! Mikael is mine! Keep on dreaming! Kasi hanggang panaginip ka lang!
Gusto niyang lingunin ang mga ito to show them na narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito. Pero mas pinili niyang tumahimik na lang. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Mikael at nagulat siya ng nakitang nakatitig din pala ito sa kanya. Ngumiti siya dito pero seryoso lang itong ibinaling ang tingin sa cashier. Ito na kasi ang next sa pila.
Bumalik ito sa pwesto nila dala ang tray ng pagkain. Umupo ito agad sa upuan sa harap niya pagkatapos ilapag ang tray. Nagulat siya ng hinawakan nito ang batok niya at hinalikan siya ng light sa labi. Napasinghap tuloy ang dalawang babae sa likod niya tapos ay ilang tikhim ng lalaki ang narinig niya.
"I wanted to cut those guys' eyeballs para huwag ka na nilang tingnan! Can't they see that you're already taken? Fck them!" He hissed in between their locked lips. Tapos ay umayos ito sa pag-upo at inayos ang pagkain nila.
"Huh?" Napagala ang paningin niya sa malalapit na tables sa kanila. May isang table na may apat na good-looking na medicals students siguro based on their uniform, ang nakaupo sa kabilang side ng table nila. Ang dalawa doon na nakaharap ang pwesto ay nakatingin sa kanya, ang isa na nakatalikod ay lumingon at biglang kumindat sa kanya. Iiwas na sana siya ng tingin ng biglang hinawakan ni Mikael ang pisngi niya at pinaharap iyon dito.
"Don't look at them, Chloe!! You're with me! And incase you forgot, babe, you're mine!" Galit nitong sinabi.
Namula ang pisngi niya. He's jealous, he even called her babe. Namasa tuloy ang mata niya pero pinigilan niya din ang tuluyang pag-iyak. Tears of joy! Pero nasa mall sila for christ's sake. "I'm sorry." Sagot na lang niya dito.
"Eat." Sabi nito at ito na rin mismo ang nagbukas ng burger niya bago binigay sa kanya.
Natapos na nila ang pagkain ng nagsalita ulit ito, "Uuwi ka na ba? Or gusto mong sumama sa 'kin sa bar nung isang kaibigan namin?"
"Bar? Hindi ba may exams pa tayo bukas?" Tanong niya dito.
"I'm done studying." Tipid na sagot nito.
"Oh, okay. Need ko pa kasi mag review ulit. Uuwi na lang ako. You don't have to drive me home, Mikael. I'll take the cab." Sabi niya dito.
"Kay." Iyon lang ang sinabi nito bago ito tumayo. "Let's go." Iyon lang at tumalikod na ito at iniwan siya sa mesa.
Tumayo din siya at hinabol ito. Nagalit ba ito? Babalik na naman ba ang Mikael na sobrang lamig ang pakikitungo sa kanya? Kinabahan siya. How she wished na bukas ay ganoon pa din si Mikael sa kanya kagaya sa araw na 'to. Baka hindi niya kakayanin kung babalik ulit ito sa pagdededma sa kanya.
Nauuna itong maglakad sa kanya, kaya pagkalabas nila ng exit ng mall at didiresto na ito papunta sa sasakyan nitong nakapark ay tinawag niya ito.
Bumaling lang ito sa kanya na galit ang expression. "Dito na 'ko. Thanks for the food." Ngumiti siya dito at akmang tatalikod na papunta sa taxi lane kasi hindi na niya kayang tingnan ang galit na mukha nito pero bigla siyang napabalik sa pwesto niya ng hinila siya nito sa kamay at giniya siya papunta sa parking lot.
"Tsk!" Rinig niyang palatak nito.
"M-mikael.. magtataxi na lng ako. Ba-baka matatagalan ka pa kung ihahatid mo pa ako.." Sabi niya dito.
Hindi ito sumagot hanggang sa nakarating sila sa kotse nito. Agad nitong binuksan ang passenger's side kaya imbes na gusto niyang umalma pa ay pumasok na lang siya. Baka mas lalong magalit pa si Mikael sa kanya. Umikot din ito sa driver's seat at agad pumasok. Narinig niyang tumunog ang cellphone nito.
"Hello, Mother? Yeah. I'm on my way! Yeah yeah! Mauna na kayo! Ihahatid ko pa si Chloe." Sabi nito sa kabilang linya. Napakagat labi siya, kaya nga dapat ay magtaxi na lang siya eh. "What? You can start the party without me. Yeah, dadating ako! Alright. Bye." Iyon lang at binaba na nito ang tawag.
"M-mikael. Baka magagalit ang mga kaibigan mo. Malayo ang sa 'min.. Pwede akong magtaxi para makapun..." Sabi niya ditong hindi niya natapos nang nagsalita ito.
"Shut it! I'm going to drive you home and thats final!" Galit na sabi nito sa kanya.
Tumahimik na lang siya at binaling ang tingin niya sa kalsada. Ayaw niya ng magsalita pa at baka mas lalong magalit si Mikael sa kanya. Mayamaya lang ay naalala niyang hindi pala nito alam ang bagong address niya kaya napabaling siya dito.
"Mikael.. Sa camella homes na kami sa paraƱaque nakatira, ha." Sabi niya dito.
"I know. House number 16, lot 9 block 5. White gate." Diretsong sagot nito sa kanya.
"Huh?" Nagulat siya dito. Paano nito nalaman?
Tumawa ito, "I have my ways, babe."