Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 43 - Chapter 42

Chapter 43 - Chapter 42

Sinundo siya ulit ni Mikael sa bahay nila ng umagang iyon at sabay silang pumasok sa school. Iba talaga ang saya nila ng araw na iyon. Ikaw ba naman nagpaplano na ng detalye para sa kasal mo sa taong mahal mo at gusto mong makasama hanggang sa pagtanda ay hindi ka maeexcite? Yes, its not official yet since sila pa lang ni Mikael ang nakakaalam pero basbas na lang galing sa mga pamilya nila ang kulang pero sigurado naman silang makukuha nila iyon at matutuloy talaga ang kasal nila.

Pinag-usapan na din nilang huwag muna sabihin sa mga kaibigan nila para isusurprise nila ang mga ito the day before their wedding. Mga kalokohan lang talaga nila.

Pagdating nila sa classroom nila ay nandoon na din sina Z at Georgette, nakaunan ang ulo ni Z sa armchair ng silya ni Georgette habang hinahaplos naman ng kaibigan niya ang buhok ng boyfriend nito.

Napasmile agad siya. Hindi pa rin sila nakapagkwentuhan ni Georgette. Alam niyang busy din ito sa boyfriend nito. Pero one of this days ay makakapagchika din sila. Yayayain niya itong mag girl bonding, that is if papayag ang mga boyfriends nila.

Umupo na lang sila ni Mikael sa mga silya nila sa harap kasi parang ang sarap ng tulog ni Z. Baka pagod na pagod ito sa nangyari kahapon at hindi pa rin nakabawi kagabi. Nag ngitian lang din sila ni Georgette at agad siyang sumenyas na mamaya na lng sila mag-usap. Tumango naman ito. Blooming na blooming talaga ang loka.

Magkalayo na sana ang silya nila ni Mikael since inarrange na iyon na one seat apart pero nilapit pa din nito ang silya nito sa kanya para sabay silang magreview sa iisang reviewer. Siya ang may hawak sa reviewer kaya libreng gumalaw ang kamay ni Mikael sa mukha niya. Hinaplos nito ang pisngi niya, ang ilong niya pagkatapos ay ang labi niya. Nagtagal ito doon kaya hinuli niya ang isang daliri nito at mahinang kinagat at sinipsip.

"Sarap." Malanding bulong nito sa kanya.

Namula siya at agad tinigil ang ginawa kaya napatawa ito ng malakas at bigla siyang hinalikan sa labi.

Shet! Sila na ang maharot na couple. Okay!

Pagkatapos nila ng exam na iyon ay may isa pa silang exam na 3pm, pagkatapos ay may exam ulit siya mag 5pm, iyon iyong isa niyang irregular subject. Natapos na sila sa exam ng niyaya siya ni Mikael na pumunta sila sa mall. May bibilhin daw sila. Niyaya niya sina Z at Georgette na sumama sa kanila, pero ramdam niya sa gilid niya na nagsasign language si Mikael kay Z, kaya natatawang umayaw ang dalawa. Agad siyang napabaling kay Mikael na nakakunot ang noo pero nakangiti na ito ng malapad sa kanya pagharap niya. May kalokohan na naman siguro tong lalaking to!

Nasa loob na sila ng mall at sinabihan siya ni Mikael na pupunta daw sila sa thirdfloor.

"May importante akong kailangan bilhin ngayong araw na ito, babe." Saad nito sa kanya.

"Ano?" She curiously asked.

"Secret!" Kita niya kung paano ito ngumisi at biglang binago ang expression at naging poker face. Gago to ah! May nararamdaman talaga akong something.

Pagkadating nila sa 3rd floor ay sumisipol pa ito. Napatingin siya ditong nakakunot ang noo. Kaya hindi niya namalayang nakapasok na pala sila sa Victoria's Secret na store.

"Mikael!!!" Sigaw niya dito. Sabi na nga ba! Lalabas na sana siya sa store na iyon ng hinawakan siya nito sa baywang.

"Sige na, babe! Kahit isang pares lang para sa honeymoon natin! Please? Please?" Sabi nitong nagpuppy eyes pa.

Sarap tadyakan sa totoo lang. Kung hindi niya lang mahal tong ugok na to! Nakuuu!

Pinakalma muna niya ang sarili niya bago niya ginala ang paningin niya sa loob ng store. Nakatingin at nakangiti pala ang mga sales lady at mga babaeng customers sa kanilang dalawa ni Mikael. Hinayaan niya na lang ang mga ito. Nasasanay na siyang maging center of attraction. Pagtingin niya sa isang banda ng mga nakahilerang see-through na pantulog ay may nakita siyang isang yellow na medyo disente ang itsura. Agad niya itong nilapitan.

"Yes!" Rinig niyang sigaw ni Mikael pero natahimik din noong tiningnan niya ito ng masama.

Ngiting ngiti itong sumunod sa kanya. Agad niyang kinuha ang nakita niya kanina pag baliktad niya ay nagulat siya may buntot iyon at may kasamang cat ears na headband.

Seriously?

"Ganda niyan, babe!" Salita ni Mikael sa tabi niya. "Anong size nito?" Tiningnan nito ang size sa likod at agad itong tumawag ng sales lady. Sinabi nito ang tamang size niya kaya napamulagat siya. Inaksyon pa kasi nito na sinakop nito ang boobs niya. Loko talaga! Napahagikgik naman ang sales lady na lumapit dito.

Pagkabigay ng sales lady sa kanya ng tamang size niya ay agad itong kinuha ni Mikael at nilapit sa katawan niya. Namula ang pisngi niya habang napakagat labi naman ito. Sira ulo talaga.

"Babe... ayaw mo nung may wings?" Sabi nito sabay turo sa nakadisplay. Ewan kung damit pa ba ang mga tawag dito. "Isa pa, babe, please. Or pwedeng dalawa na lang? Hindi naman pwedeng iisa lang gagamitin mo every night hindi ba?"

Napabaling siya dito at napabuga ng hangin. "Hay! Bahala ka na nga! Ikaw na pumili diyan!" Inis niyang turan dito.

Suko na siya. Naisip din naman niya para sa kanya naman iyon. Pero pwede naman siyang magsuot ng kahit simpleng pantulog lang hindi ba? Sus! Buti na lang at ngayon lang naging ganito ka manyak si Mikael. Siguro kung dati pa eh baka dati pa lang eh buntis na siya! Aba'y siyempre bibigay din siya, no!

"Yes!!" Agad nitong nilapitan ang mga gusto nitong susuotin niya. Pumunta siya sa kabilang side at nagtingin ng mga underwear na nakadisplay doon. Ang cucute. Pero meron ding sobrang sexy talaga. Lumakad ulit siya sa section ng mga perfume at lotion at natagalan siya doon. Bibili siya nung isang bagong labas na perfume nila. Pagtingin niya kay Mikael ay napanganga siya. Nasa counter na ito at halos lahat yata ng ibat-ibang design ng pantulog ang nasa table na ng cashier. Agad siyang lumapit dito.

"Mikael!!" Inis niyang tawag dito. "Ba't ang dami!!"

Ngumisi ito sa kanya. "Sabi mo bahala ako sa pagpili ng gusto ko, hindi ba? Eh gusto ko lahat!" At tumawa ito.

Nakita niyang tumatawang napailing ang lahat ng tao sa store na iyon.

Hay! Mikael!

"Best wishes, Sir and Ma'am!" Paalam sa kanila ng lahat ng saleslady sa loob.

Laki ng ngiti nito sa mga ito habang siya naman ay nakabusangot ang mukha. Mabilis siyang naglakad papunta sa escalator, inis pa rin siya kay Mikael. Bahala siya. Pero mabilis din naman itong nakasunod sa kanya. Nilipat nito sa isang kamay ang medyo kalakihang pakpak na kasama sa isang damit at ang tatlong plastic bags na naglalaman ng lahat ng binili nito, at agad nitong hinuli ang kamay niya.

"Sorry na.. huwag ka ng magalit babe... sorry na.." Sabi nito sa kanya sa nagpapaawang boses.

Inirapan niya ito at imbes na sumagot dito ay kinuha niya na lang ang pakpak na nakaipit sa kilikili nito. Kawawa naman ang boyfriend niya. Kahit maloko ito ay mahal pa rin talaga niya ito.

Pagkasampa nila sa escalator ay inakbayan siya nito at hinalikan siya sa noo. "Sorry na... excited lang.." Tiningnan niya lang ito at pinaikotan ng mata. "Sorry na nga, babe... What do you want me to do para mapatawad mo?" Tanong nito sa kanya.

Nag-isip siya, at bigla siyang napangiti ng may naisip. "Cook lunch for me."

Ngumisi ito, "Iyon lang? Sus! Kayang kaya babe! What do you want to eat?"

"Talaga lang ha? Kahit ano. Iyong specialty mo talaga." Sabi nya dito.

"Sure! Bolognese pasta or buffalo wings?" Sabi nito sa kanya.

Naglaway siya sa sinabi nito, gusto niyang matikman ang dalawa. "Both?"

"Alright! No problem!" Sagot naman nito. Tiningnan nito ang relo nito, its almost 10:30 na. "Tamang tama! Kailangan ko pang bumili ng ingredients sa groceries, babe."

Tumango siya dito at naeexcite siya habang tiningnan itong seryoso sa pamimili ng mga sangkap sa lulutuin nito sa kanya. Pagkatapos nilang mamili ay dumiretso na sila sa parking lot at nagdrive ito papunta sa penthouse nito.

Uminit ang pakiramdam niya nang naalala niya ang muntik ng mangyari sa kanila ni Mikael sa penthouse nito. Pagkapasok nila sa penthouse nito ay agad itong dumiretso sa kusina daladala ang ginrocery nito. Habang siya naman ay umupo sa sala nito at tiningnan ang mga binili ni Mikael. Ang sesexy! Iba't iba pa ang designs at color. Nilapit niya sa katawan niya ang white color na siyang partner noong pakpak na nakadisplay kanina sa loob ng store. Isusuot niya 'to sa 1st day ng honeymoon nila.

Nagcheck ulit siya ng ibang mga pantulog doon at napanganga siya sa isang color beige na may tiger print na ruffles. Iyon na yata ang pinakasexy sa lahat. Pero ang ganda tingnan. Kung isusuot mo iyon ay parang nakasuot ka ng tube na one piece na swimsuit pero may tali iyon sa dalawang gilid na nagseserve as panty nito. Pero bukas talaga ang sa likod nito na may isang tali lang kung kakalasin ang mga tali ay isang hila lang pataas ay diretso ka ng nakahubad.

Grabe! Sa second night niya isusuot to!

Hindi niya namalayang almost 40 minutes na pala siya doon na nagchechek ng pinamili ni Mikael. 26 pieces talaga ang binili nito. Grabe! Chineck niya ulit ang mga iyon pero napatigil ng naamoy niya na ang niluluto ni Mikael.

Tumayo siya at pumasok sa kusina. Pinanood niya si Mikael nang parang professional chef ito na nagluluto. Napasmile siya. Kung masarap ang luto nito which sigurado siyang masarap nga talaga ay sasabihan niya ito na ito na lang ang magluto pagkasal na sila.

Nakasmile pa din siya ng bigla itong lumingon sa kanya. May butil na ng pawis sa taas ng noo nito kahit malamig naman sa loob ng kusina. Must be because of the heat na nanggaling sa niluluto nito.

Napasmile din ito sa kanya, "10minutes babe, at luto na." Sabi nito sa kanya.

Lumapit siya dito at agad niyakap ito sa likod. Hinalikan naman siya nito sa noo bago itong akmang magpupunas ng pawis pero siya na mismo ang nagpunas dito gamit ang sariling kamay. "Gamay na gamay ang pagluluto, ah!" Tukso niya dito. Gumawa pa kasi ito ng garlic bread.

Tumawa lang ito, "Maiinlove ka lalo sa 'kin once na matikman mo ang mga luto ko."

Napatawa din siya sa sinabi nito.

Nang natapos na nito ang pagluluto ay nagvolunteer na siyang mag ayos ng mesa nila. Hinayaan naman siya nito. Parang nagbabahay-bahayan lang sila. Pero parang mali yata. Dapat siya iyong nagluluto eh.

Pagkalapag nito ng pagkain ay agad silang nagdasal at nagsimulang kumain. Inabangan nito ang reaksyon niya pagkatapos siya nitong lagyan sa pinggan niya. Pagtikim niya ng pasta nito ay hindi niya binitawan ang tinidor niya hanggang sa hindi niya naubos iyong sinerve nito sa plato niya.

She really loves pasta. Especially noong pumunta sila ng Italy. Ang dami na niyang natikman na ibat ibang klase ng luto ng bolognese pero Mikael's pasta is much better than the ones she tasted in a 5 start restaurant. No bias ah! Totoong masarap iyon.

"So, how was it? Itatanong ko pa ba?" Tukso ni Mikael habang nakatingin sa walang laman na plato niya.

Tumawa siya, "Perfect 10, babe! Oh, 10.5 pala. Sarap din ng garlic bread eh."

Tumawa din ito, "Buffalo wings naman! This is actually my second time to cook this, sabi nina Z masarap daw iyong una. Try it babe." Sabi nito sabay lagay ng dalawang hiwa ng pakpak at kanin sa plato niya.

Woah! Tataba yata siya kapag kasal na sila ni Mikael. Ang bango ng luto nito.

Nag-antay na naman ulit ito ng reaksyon niya pagkatapos niyang sumubo. Lumaki ang mata niya sabay tingin dito. "Why? Sobrang anghang babe?" Tanong nitong parang nadisappoint sa luto nito. "I'm sorry."

Pagkatapos niyang lunukin ang pagkain, "What are you talking about? Ang sarap babe!" Sabi niya dito at sabay subo ulit. "Kumain ka na! Perfect babe. Ang galing mo." Sabi niya habang may pagkain pa sa loob ng bibig niya.

Ngumiti ito at agad pinunasan ang gilid ng bibig niya ng daliri nito, nagkalat pala ang sauce ng buffalo wings sa bibig niya. Nagulat siya ng dinilaan nito ang daliring ginamit nito na may sauce na galing sa bibig niya. "Iba ang gusto kong kainin." Bulong nito sa kanya.

Nabilaukan tuloy siya at tumatawang inabutan siya nito ng baso ng tubig. "Sira ulo ka talaga!"

"Sorry!" Sabi nitong tumatawa pa din.

Nilagyan niya ito ng kanin at ulam sa plato, umayaw ito sa pasta. Pagkatapos nilang kumain ay siya na rin ang nagvolunteer na maghugas, tutulungan sana siya nito pero nakita niyang napahikab ito. Kaya sinabihan niya itong matulog muna since magti-12:30 pa lang naman. May dalawang oras pa sila para magpahinga bago tumulak papuntang school.