Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 49 - Chapter 48

Chapter 49 - Chapter 48

Nagising siya sa pag galaw ng katawan ni Mikael. Nakatulog na lang din pala siya sa dibdib nito nang hindi niya namalayan. Naramdaman niyang lumuwag na din ang pagkakapit ng mga braso nito sa baywang niya kaya agad siyang napabangon kahit na hindi pa masiyadong nagising ang diwa niya. Kaya pagkabangon niya sa dibdib ni Mikael ay sumakit bigla ang ulo niya. Nakapoker face lang itong nakatingin sa kanya kaya agad siyang umiwas ng tingin dito.

Dinig niyang tumikhim si Mikael, may bara sa lalamunan nito. Hindi niya ito tiningnan, pero napabaling siya kay Sasha ng bigla itong nagising sa tabi niya.

"Mikael! Gising ka na?" Tanong nito.

"Ay! Hindi pa." Malokong sagot ni Georgette sa unahan.

Loka talaga to.

"Hmp!" Dinig niyang ismid ni Sasha. Nagulat siya ng tumayo ito at agad siyang hinila pausog sa gilid. "Dito ka!"

Umusog naman siya. Ayaw niya ng away kahit gusto niya na sanang itulak ito.

"Nakuuuuuu!" Sabi ni Georgette.

"Georgie." Rinig niyang saway ni Z dito.

Napabaling agad siya sa labas ng bintana. Ayaw niyang makita kung ano man ang ginagawa nina Mikael at Sasha. Rinig niyang nilalambing ni Sasha si Mikael. Habang si Mikael naman ay mahinang binubulong ang sinasabi nito.

Shet talaga! Bahala sila!

Nagulat na lang siya nang biglang nagring ang cellphone niya. Its almost 1 in the morning. Nagulat siya ng nakitang si Kristel ang tumatawag. Buti at nagkasignal siya. Kung sabagay malapit na silang makarating sa Ilocos.

"Hello, Kristel?"

"Chloe! What happened? Nagpakalasing si Mike ngayon!" Imporma nito sa kanya. Nasa tono nito ang pag aakusa sa kanya. "Alam kong nanggaling siya sa bahay niyo kanina!"

"Kristel... mamaya na tayo mag-usap. Nasa byahe pa ako. I'm sorry." Mahina niyang sabi dito. "How is he?"

Napabuga ito ng hangin. "Eto. Lasing na lasing. Ayaw pang umuwi. Haaaay. Chloe.. I know Mike likes you. Bukambibig ka niya parati sa barkada. Chloe, kung ayaw mo sa kanya please tell him directly. Huwag mo siyang paasahin." Pagmamakaawa nito sa kanya.

"I didn't. Alam ni Mike kung ano talaga ang turing ko sa kanya simula't sapol pa lang. Nagkaproblema kami ni... ano.." hindi na niya tinuloy ang pagbanggit ng pangalan nito. "Kaya kailangan muna naming mag iwas sa isa't isa ni Mike. Para sa ikabubuti ng lahat.." pabulong niya pa ding sinabi dito.

"Ng lahat? Or ng sarili mo? Or rather sa ikabubuti niyong dalawa ni Mikael. Its Mikael we're talking about right?" Akusa nito sa kanya.

"Kristel.. please. Mike is a good buddy. Ayoko ding umabot kami sa ganito. I treasure our friendship. Kaya nga kinausap ko siya kanina sa-" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya ng narinig niyang tumili si Kristel.

"Mike!" Sigaw nito.

"Kristel! What happened?" Sabi niyang nagrattle na din pero hindi yata siya narinig ni Kristel. Nagkagulo na sa kabilang linya. "Kristel!!"

"Mike!! Let's go home!! You're fcking drunk!!!" Rinig niyang sinabi sa kabilang linya. Its one of their friends yata.

"A-ayoko!" Rinig niyang sigaw sa ni Mike. Nag su-slur ang boses nito. "Fck!"

"Mike! Tangina pre! Babae lang iyon!" May sumigaw ulit na isa.

"Buhatin niyo na siya!" Rinig niyang sigaw ni Kristel.

"Fck! Pota! Shet! Ayoko! Ayokong umuwi!!" Boses ni Mike. "Chloe's not just any other girl! Alam niyo yan! Fck!"

Shet, Mike!

"Kristel!" Tawag ulit niya nagbakasakaling marinig na siya ni Kristel.

"Girl? Anong nangyari?" Sabi ni Georgette sa kanya. Kaya napalingon siya dito.

She was about to say something to Georgette nang narinig niyang bumalik na si Kristel sa kabilang linya. "Chloe!"

"Kristel! What happened?" Tanong niya dito.

"Si Mike! Fck! He's so fcking drunk natumba siya sa silya! And he doesn't want to go home! Talk to him please." Pagmamakaawa ni Kristel.

"Pakibigay sa kanya!" Sabi niya dito.

"Mike! Si Chloe!" Rinig niyang sabi ni Kristel.

"Chloe? You called her? Fckng shet!" Galit na sinabi ni Mike.

"Mike!!" Sigaw niya sa kabilang linya.

Matagal muna bago nagsalita si Mike. "He-hey.." Bati nito sa kanya.

"Umuwi ka na. Stop drinking!" Utos niya dito.

"I-i'm not drunk!" Pagtatanggi nito.

"Please Mike. Umuwi ka na... Stop drinking please." Sabi niya dito.

Matagal bago ito nagsalita. "C-Chloe.. I like you. I.. I really like you, Chloe.."

Napahugot siya ng hininga. "Mike... Nag-usap na tayo, di ba?"

Narinig niyang napatawa ito bago ito nagsalita na gumaralgal na ang tono. "Yeah. Alam ko. I'm just a friend! Fck! Alam mo bang ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito. Na sobrang nagkagusto ako sa isang babae. Tapos ang babaeng gusto ko ay may mahal ng iba.. shet.. I'm sorry.. I'm sorry, Chloe.. pero sana ako na lang.. ako na lang..."

Napahawak siya sa bibig niya. Napaiyak siya. Damn! Kung pwede lang turu-an ang puso Mike. Kung pwede lang sana. Sana ikaw na nga lang talaga. Pero hindi eh. Hindi. Si Mikael pa rin talaga ang mahal niya kahit sinasaktan na siya nito.

"M-mike..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito.

Rinig niyang napabuntong hininga si Mike sa kabilang linya. "Hindi ba talaga pwede? Malay mo hindi ba? Kung iiwan mo na si Mikael. Kung kakalimutan mo na si Mikael. Matutunan mo din akong mahalin... Chloe... try natin... Try me. I will never hurt you katulad ng ginagawa ni Mikael sa'yo... please.."

"M-mike.. I'm sorry." Napahikbi na siya. Nagulat na lang siya ng biglang may marahas na nagpaharap sa kanya. It was Mikael. Inagaw nito ang cellphone niya at agad pinatay ang tawag at tinapon iyon sa likod ng sasakyan nito.

"Mikael!!" Ang bilis ng pangyayari na hindi na siya nakareact sa ginawa nito. "Ba't mo ginawa iyon!?"

Galit itong bumaling sa kanya. "Wala ka bang respeto!?! Nandito ako! And yet kinakausap mo ang lalaki mo!" Sigaw nito sa kanya. Si Sasha ay takot na takot na nakatingin kay Mikael. Nagulat siguro ito sa pagsabog ni Mikael.

Napamaang siya dito. Matagal bago siya nagreact. "Hindi ko siya lalaki!!! And you have the guts para imention ang salitang respect! Ako ba nirespeto mo noong nakipaglandian ka sa babaeng ito?!" Sabi niya sabay turo kay Sasha. "Huwag na huwag mong sabihin ang salitang respect! Damn you!" Sigaw niya dito pabalik.

"Ako pa ang may kasalanan? Sino ba nag-umpisa ha?! Sino ang unang nanloko!?" Sigaw nito sa kanya.

"Fck you! Hindi kita niloloko!!" Sabi niya dito. "Kung pakikinggan mo lang sana ang paliwanag ko di sana'y nagkaayos na tayo! But no! Mas pinaniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan! Ayaw mong makinig sa mga sinasabi ko! Kung ayaw mo! Eh di wag! Sabi mo nga break na tayo hindi ba? Mas mabuti ngang break na nga tayo!! Mas mabuti pang si Mike na lang ang mahalin ko!" Tuloy tuloy niyang sinabi. Galit na galit siya kaya hindi na niya napigilan ang bibig niya sa pagsalita.

Biglang inabot ni Mikael ang kanang braso niya at marahas siyang hinila papunta dito. The next thing she knew ay nasa kandungan na siya nito. "Bawiin mo ang sinabi mo!!! Akin ka lang, Chloe! Akin ka lang!" Sabi nito at marahas siyang hinalikan.

Hinawakan nito ang batok niya habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa baywang niya kaya hindi siya makagalaw at makaiwas sa mariin nitong halik. Nagpumiglas siya. Ang libreng kamay niya ay ginamit niya para matulak ang dibdib ni Mikael at ng matigil ito sa paghalik sa kanya. Pero sa sobrang lakas ni Mikael ay wala na siyang nagawa. Hanggang sa nalasahan na niya ang dugo sa bibig niya. Pero hindi pa rin tumigil si Mikael. Hanggang sa mas lalong naging mapusok na ang halik nito. Pilit nitong binubuka ang mga labi niya para mapasok nito ang dila nito.

Tatlong minuto na siguro ang nakalipas bago ito tumigil sa paghalik sa kanya at nagpupumilit pa din siyang makawala sa hawak nito. Akala niya papakawalan na siya nito pero nanatiling nakadikit ang labi nila.

"Don't fight it! Kiss me back!" Mariin na utos ni Mikael sa kanya hanggang sa hinalikan ulit siya nito. Pero this time ay sobrang suyo na niyon. Na parang ineengganyo siyang tumugon.

Fck it!

Hindi na niya napigilan ang sarili at tumugon na siya dito. Nagkaubusan na yata sila ng hininga pero patuloy pa din silang naghahalikan hanggang sa binitawan na ni Mikael ang paghawak sa batok niya. Pinasok na nito ang kamay nito sa loob ng blusa niya at dinama ang kaliwang dibdib niya.

"Ummmm.." ungol niya sa gitna ng paghahalikan nila.

Ramdam niyang itataas na sana ni Mikael ang blusa niya nang napatikhim si Z.

"Hoy! Baka nakalimutan niyong may mga tao po kayong kasama!" Tawa ni Georgette. "Ang katabi niyo parang mahihimatay na." Tumawa ulit ito ng malakas.

Doon lang sila naghiwalay ni Mikael at sabay ding tumingin kay Sasha.

Namumutla ito habang nakanganga ang bibig at mga mata.

"Shet!" Mura ni Mikael at agad inayos ang damit niya. Pero hindi siya nito hinayaang bumaba sa upuan. Nanatili siyang nakaupo sa kandungan nito at agad pumalibot ang kamay nito sa baywang niya. "Sorry, Sasha." Iyon lang sinabi nito bago ito masuyong tumingin sa kanya at hinawakan ang batok niya para igiya ang ulo niya sa balikat nito.

"Parang nanood lang ako ng teleserye ha? Infairness! Kabog ang mga artista!" Sabi ni Georgette na tumawa ulit.

Napakagat labi siya. Mahapdi ang labi niya at alam niyang namamaga iyon. Nanatiling nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Mikael. Gulat pa din siya sa nangyari sa kanila.

Okay na ba sila?

"Mag-usap tayo mamaya." Bigla nitong binulong sa tenga niya.

Napatango lang siya bilang sagot dito na hindi na ulit nag-angat ng tingin.

Nahihiya siya kina Georgette, Z at sa malanding haliparot. Nakalimot sila. Damn!