Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 50 - Chapter 49

Chapter 50 - Chapter 49

"Hindi ka ba nangangalay?" Sabi niya kay Mikael noong nanatili pa rin siyang nakaupo sa kandungan nito nang mahigit isang oras. "Baka mabigat na 'ko."

"Nope." Sagot nito at mas lalo siyang diniin sa katawan nito. Doon niya lang naramdaman ang matigas na ano nito sa pwetan niya.

Napanganga siyang nakatingin dito. Tumawa ito. Alam niyang alam nito kung bakit napamaang siya. Tinampal niya ito sa balikat. Tumawa lang ulit ito at hinalikan siya sa leeg.

"Nandito na tayo." Hayag bigla ni Z.

Lumingon siya sa dinadaanan nila. May nakita siyang Welcome to Laoag na karatula. Ang tahimik pa din ng kalsada. Aba'y siyempre. 2:30 pa lang kasi ng madaling araw.

Napatingin siya kay Sasha. Tahimik lang kasi ito pagkatapos ng nangyari kanina. Nakita niyang nakatingin ito sa labas ng bintana. Napatingin siya sa repleksiyon nito doon at noong nakita nitong nakatingin siya dito ay umirap ito bago umiwas ng tingin sa kanya.

Sarap bigwasan! Ano ka ngayon?

Napalingon naman siya kay Mikael nang hinawakan nito ang leeg niya. "Welcome to my hometown." Sabi nitong nakatingin sa labi niya. Dinama nito iyong maliit na sugat niya doon bago nito siya dinampian ng halik. "I'm sorry. Nasugatan." Sabi nito at hinalikan ulit siya ng mabilis.

Ngumiti lang siya ng tipid dito. "Taga dito pala si Tita?"

"Anong tita? Mommy!" Pagtatama nito sa sinabi niya at napangiti siya. Namiss niya tuloy ang mga magulang nito. Naisip niya din kung matutuloy pa kaya ang dinner nila sa sunday. "Dito ako pinanganak, actually. Lumipat lang kami sa Manila noong lumakas ang negosyo nila." Pagpatuloy nito.

"Ahh. So wala ka masiyadong memories dito?"

"Hmmm.. dito ako tumakbo at tumira pansamantala noong iniwan mo 'ko." Sabi nito.

"Mikael.." Nabahala siya. Ngayon niya lang nalaman iyon. Hindi niya pa masyadong alam ang lahat ng nangyari dito pagkaalis niya years ago.

Ngumiti ito sa kanya. "Its okay. Matagal na iyon. Ang importante ang ngayon." Sabi nito sa kanya.

"Mahal kita." Masuyo niyang sinabi dito.

"Mas mahal kita. Kahit ang sakit sakit na." Sagot nito sa kanya.

Namasa tuloy ang mga mata niya. Bigla naman itong tumawa noong nakita iyon. "Joke lang." Sabi nito bago nito hinalikan ang noo niya.

Yumakap naman siya ng mahigpit dito. "I'm sorry kanina... sasabi-"

Pinatigil siya nito sa pagsasalita gamit ang hintuturo nito. Nilagay nito iyon sa gitna ng labi niya. "Mamaya na."

Tumango siya at yumakap ulit dito ng mahigpit at sinandal ang ulo niya balikat nito.

"Saan tayo didiretso, Mimi? Sa beach house o sa mansion niyo?" Sabi ni Z.

"Sa mansion na lang para makapagpahinga ng mabuti ang lahat. Hindi pa tapos ang beachhouse eh." Sabi naman ni Mikael.

"Sige." Sagot naman ni Z.

Mayamaya lang ay ramdam na niyang tumigil na ang sasakyan nila. Napalingon siya sa harap at tumigil pala sila sa labas ng isang malaking gate. May sumulpot na isang medyo may katabaang guard at tuluyan na silang nakapasok noong binuksan ng guard na iyon ang gate. Nakasunod na din ang van ni Kurt sa likod nila.

Bumungad sa kanila ang isang puting mansion. Ang sobrang laki niyon kumpara sa mansion nina Mikael sa Manila. Ang yaman talaga nina Mikael.

Pagkatapos i-park ni Z ang sasakyan at sumunod na din sina Kurt ay agad na silang lumabas. Nagmamadaling lumabas si Sasha at padabog na sinarhan ang pinto.

Rinig niyang tumawa si Georgette, "Kawawa si ineng. Hindi talaga masisira ng isang flirt ang true love. Duh!"

"Georgie..." saway ulit ni Z dito.

"What? Tama naman ako ah! Bakit? Kung may magfiflirt sa'yo masisira ba tayo? Kung ganoon then you don't really love me! Kasi ako alam kong true love tong nararamdaman ko!" Inis na hayag ni Georgette.

Bigla itong niyapos ni Z at hinalikan, napasinghap tuloy siya.

Habang tumatawa naman si Mikael. "Gaya-gaya, Z?"

Pero hindi sumagot si Z at patuloy lang silang naghalikan ni Georgette.

"Tara na nga, babe! Iwan na natin ang dalawang iyan" Yaya ni Mikael sa kanya. "Z, merong tinatawag na kwarto. Doon na kayo. Mamaya na yan." Tukso ni Mikael bago siya nito inangat at naunang lumabas sa sasakyan. Inalayan din siya nitong bumaba.

Nilagay agad ni Mikael ang kamay nito sa baywang niya.

"Woah! Okay na kayo?" Nakangising tanong ni Kurt pagkasulpot ng mga ito sa likod nila.

"Kaya pala parang binagsakan ng isang satellite galing sa outerspace ang itsura ni Sasha!" Sabi ni Allen at tumawa.

"Oo nga!" Sabat naman ni Beatrice na tumatawa din.

"Shut up!" Sigaw bigla ni Sasha na nanggaling din sa likod ng sasakyan. "I want to sleep, now!"

Tinawanan lang lalo ng mga ito si Sasha kaya napapadyak naman ang isa sa sobrang inis. Habang kami naman ni Mikael ay tahimik lang na nakatingin sa mga ito.

"Brother!" Rinig nilang sigaw galing sa malaking pinto na siyang entrance talaga ng mansion nina Mikael.

Napabaling silang lahat doon at kinabahan siya bigla pagkakita kay ate Mikaella. Baka kasi galit ito sa kanya. May katabi itong tatlong kasambahay. Nakasuot lang ito ng roba pero parang hindi pa nakatulog. Gumanda lalo ito at parang female version talaga ito ni Mikael.

"Kapatid mo?" Rinig niyang tanong ni Allen sa gilid niya. Halos lahat sila ay parang napatulala sa natural na kagandahan ni ate Mikaella.

Nagmamadali itong naglakad papunta sa kanila at kitang kita niya ang pag awang ng bibig nito noong napansin siya nito sa tabi ni Mikael.

"Oh, my ghad!! Chloe!!!" Sabi nito at agad siyang niyakap. Napabitaw tuloy si Mikael sa paghawak sa baywang niya. "How are you? Grabe! Ang ganda mo!"

Nahihiya siyang yumakap din dito pabalik. "Okay lang po, ate. Ikaw po?" Napasulyap siya sa mga kasama nila at kitang kita ang pagkacurious sa mga mukha ng mga ito.

"I'm fine! Its been 2 or 3 years di ba?" Bumitaw ito sa pagyakap sa kanya at agad binalingan si Mikael sa tabi niya. "Why didn't you tell us, brother? So, this the reason kung bakit nagsabi ka kina Mommy na magdidinner tayo sa sunday! Its like the first time that you planned a dinner for all of us. Kaya nagulat talaga kami. I was even thinking may lalaki ka na!" Tanong nito kay Mikael na parang nag-aakusa pero tumawa din sa last na sinabi nito.

Napangisi lang si Mikael at inakbayan ulit siya bago siya hinalikan sa noo. "Bukas na ang interrogation, ate pwede? Antok and pagod na kami."

"Oh! Sorry! I almost forgot. Madaling araw na pala." Sabi ni ate Mikaella na tumingin sa ibang mga kasama nila. "Nagulat ako pagkakita kay Chloe eh! Mas lalo ka talagang gumanda! Gusto mo ba mag model sa clothing line ko?"

Oh! So, natuloy pala ang pangarap ni ate na business! Naalala niyang nag-aaral pa tong si ate ng medicine eh gusto na nitong magpatayo ng sariling clothing line nito. Iyon nga lang ayaw payagan nina mommy at daddy.

"Ate!!!" Inis na hayag ni Mikael at kita niya din kung paano nagpout si ate Mikaella. Napabuga ng hangin si Mikael bago nagsalita ulit. "Everyone this is my older sister, Mikaella." Sabi ni Mikael sa mga kasama nila.

Inisa isa ni Mikael ang mga kasama namin at kinamayan naman ni ate Mikaella ang lahat na nanatiling napatulala sa kagandahan nito. Kita niya din ang pagtaas ng kilay ni ate noong kinamayan nito si Sasha na nakasimangot. "Teka. Nasaan si bakla? Hindi kayo magkagroupmates?" Tanong nito.

"Inside the car." Saad ni Mikael.

"Huh? Nakatulog siya?" Tanong ni ate na tumawa pa. At akmang lalapit na sa sasakyan nang pinigilan ito ni Mikael.

"Hayaan mo na siya ate." Sabi ni Mikael.

"Anong hayaan? Delikado kayang matulog sa sasakyan!" Sabi naman ni ate.

Timing pagkasabi niyon ay siya ding pagbukas ng pinto sa side ni Z. Halata ang labi nitong namamaga.

"Baklaaaaa!" Bati ni ate dito at agad bineso si Z. Hindi pa nasarhan ni Z ang pinto niya kaya agad napansin ni ate si Georgette. Napabaling ito kay Z na nanlalaki ang mga mata at bigla itong tumawa. Nagmamadaling lumabas si Georgette na hindi pa yata tapos sa pag aayos sa damit nito. Namumula ang loka.

"Oh my ghaaaaad!" Tili ni ate. "Tomboy ka na!" Sabi nito kay Z at tumawa ulit.

Napatawa din tuloy silang lahat habang si Mikael ay pinaikot lang ang mga mata.

"Tell me everything Zaber! Ang secretive niyo talagang dalawa ni Mikael!" Sabi nitong nagpout pa.

"Ate. Matutulog na kami. Pagod kami sa byahe. Let's go guys!" Sabi nito. Hindi na hinintay ang sagot ni ate Mikaella. Iginiya siya nito papasok sa mansion ng mga ito.

Inutusan nito ang mga kasambahay na kunin ng mga ito ang lahat ng mga gamit sa loob ng sasakyan. Pumasok na din silang lahat sa loob. Pero naiwan pa sina ate Mikaella, Z at Georgette sa labas.

Ang laki at ang gara ng sala. Halatang mamahalin ang lahat ng mga muwebles niyon. Sa gitna niyon ay ang sosyaling staircase. Inantay pa nilang makarating ang mga katulong daladala ang bagahe nila bago sila nagsimulang pumanhik sa taas. Pinaiwan lang ni Mikael iyong bag namin sa ikalawang palapag na ikinapagtataka niya. Dumiretso na sila sa pangatlong palapag at doon bumungad sa kanila ang anim na pinto na sigurado siyang mga guestrooms iyon. Binigyan ni Mikael ang lahat ng tig-iisang kwarto. Agad pumasok sina Hope, Beatrice, Allen at Kurt sa mga kwarto ng mga ito pagkatapos maipasok ng mga katulong ang bagahe ng lahat. Habang si Sasha naman ay napatingin pa sa kanila.

Tumingin din siya dito. "Bakit?" Tanong niya.

"Magtatabi kayo?" Tanong nitong nakataas pa ang noo.

"Oh, bakit? What's it to you?" Tanong niyang umirap dito.

Umirap din ito sa kanya at napabaling kay Mikael. "Mikael. I'll leave my door open for you." Sabi nitong ngumisi muna bago pumasok sa kwarto nito.

"Aba't..!" Susugurin niya na sana pero hinawakan siya ni Mikael sa baywang. Napabaling siya dito. "Oh! Baka gusto mo sumama sa kanya! Pumasok ka na!" Inis na sabi niya dito.

"Don't be ridiculous." Sabi nitong ngumisi pa bago siya hinalikan sa noo. "Sa'yo lang tatayo 'to kahit sumama pa ako sa kanya. Wala ding mangyayari." Sabi nitong may naglalarong ngiti sa mga labi nito.

Namula siya sa sinabi nito. "Siguraduhin mo lang, Mikael! Puputulin ko talaga iyang ano mo!"

Tumawa ito at biglang nagseryoso. "I'm sorry, I hurt you. And I made you jealous, though that wasn't my intention. Its because I felt betrayed. Anger and jealousy enveloped me. Pero iyong pagseselos ko din pala ang magpagising at magpaparealize ulit sa akin kung gaano kita kamahal at kung gaano ko kaayaw na maaagaw ka sakin ng iba. I'm really sorry, babe.." Masuyong sabi nito.

Hinawakan niya ang pisngi nito. "I'm sorry din, babe. Hindi ko sinabi sa'yo na mag-uusap kami ni Mike kasi alam kong magseselos ka. Pero plano ko namang sabihin sa'yo pagkasundo mo. Kaso ayon nga at nakita mo kami. I'm really sorry." Sabi niya dito.

Hinawakan din nito ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. Mabilisang dampi lang iyon. "Naghalikan kayo." Sabi nitong hinaplos ang labi niya ng hinlalaki nito.

"No. No. I love you too much kaya hindi ko talaga maiisip na lokohin ka. It was an accident and hindi iyon directly sa labi niya. We hugged kasi pumayag siyang maging kaibigan kami after I told him na nagkabalikan na tayo." Sabi niya dito.

"Then why do you have to tell him that? I don't like it. Ayokong magkaroon ka ng lalaking kaibigan. Paano kung mahulog ka? Paano kung magkadevelopan kayo?" Sabi nitong umiiling iling pa. "Masakit isipin, babe."

"I've just told you didn't I? Na hindi ko kayang lokohin ka because I love you. Ikaw lang. After all these years na kahit magkalayo tayo, hindi ko nagawang magmahal ng iba. Kasi ikaw lang talaga ang mahal ko." Masuyo niyang sinabi dito. "Mike's a dear friend. Friend lang talaga, babe. He was there noong iniiwasan mo ko. Pero I think kailangan ko ulit siyang kausapin..." Sabi niyang umiwas ng tingin dito.

"Why?" Sabi nito sabay angat ng tingin niya. "Iyong tawag ba kanina? Is that it? Ano sinabi niya?"

"Well?" Sabi nito ulit noong hindi siya sumagot.

Napabuga muna siya ng hangin bago niya kinwento lahat dito. Galit na galit ito after niya magkwento.

"Iyan na nga ang sinasabi ko sa'yo! Iwasan mo siya!" Sabi nito at mas lalong hinigpitan ang pagkahawak sa baywang niya.

"Babe..." Gusto niyang tumanggi. "Mike's drunk kaya nasabi niya iyon. Sinabi kasi ni Georgette dito na mag-iwasan muna kami. Kaya siguro ganoon..."

"Yeah right! Lasing siya kaya nasabi niya lahat ng saloobin niya! C'mon babe! Akin ka lang! Uulitin at uulitin ko yan hanggang sa hindi mo makalimutan!" Sabi nito.

May sasabihin pa sana siya pero bigla siya nitong hinalikan sa labi. Napatugon na din siya at kumapit sa leeg nito. Parang naging jelly kasi ang mga paa niya sa sobrang sarap ng pagkahalik nito sa kanya. Parang uhaw na uhaw, na parang gustong iparating sa kanya na pag-aari siya nito.

Napatili siya ng bigla siya nitong binuhat at nagsimula itong lumakad papunta sa stairs. Naghahalikan pa din sila kahit pababa na ito sa hagdan, hindi sumagi sa isip niya na baka mahulog sila. Sa kalagitnaan na sila ng hagdan ng may narinig silang may tumikhim at tumatawa.

Napabaling siya doon at nakaramdam ng hiya noong nakita ang mga nakangising sina ate Mikaella, Georgette at Z sa dulo ng hagdan ng pangalawang palapag. Tinago niya ang mukha niya sa dibdib ni Mikael.

"Saan iyong kwarto nina Z, brother?" Tanong ni ate Mikaella bakas pa rin sa boses nitong nakangisi pa din ito.

"Kung saan mo gusto Z. Kung gusto mo doon pa rin sa dating kwarto mo." Sabi ni Mikael at nagsimula na ulit humakbang pababa ng hagdan.

"Sige. Doon na lang kami." Sagot naman ni Z.

Nanatili siyang nakahilig sa dibdib ni Mikael. Nahihiya siya.

"Sister-in-law! Chloe!" Tawag ni ate Mikaella sa kanya. Mabagal siyang napaangat ng tingin dito pero napaawang siya ng bibig sa tinawag nito sa kanya. "Ano ka ba! Don't be shy! Its natural! Siyempre nagmamahalan kayo! Kahit magsex pa nga kayo eh!"

"Ate!" Saway ni Mikael dito.

"Oh, bakit? Anong masama sa sinabi ko? Modern age na! And I can't wait to have pamangkins na, no?" Anas ni ate.

"Eh di magpabuntis ka kay doctor Luis! That is, if papatulan ka niya!" Tukso ni Mikael dito.

Nakita niyang namula si ate Mikaella. "Shut up! Let's all sleep na nga." Napatawa si Mikael at Z. Inirapan lang ang mga ito ni ate. "Bukas catch up tayo Chloe ah! Ikaw din Georgette! Goodnight." Sabi nito at nauna ng bumaba sa hagdan.

Tumawa lang ulit sina Z at Mikael kay ate habang nagmamadali na itong bumaba ng hagdan habang nag fafck you sign sa dalawa.

Related Books

Popular novel hashtag