Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 51 - Chapter 50

Chapter 51 - Chapter 50

Saturday ng hapon ay natapos na nila ang pag gawa ng buong thesis nila. Ipapaprint na lang nila iyon pagkadating sa Manila para makapagreview silang lahat at makapaghanda sa pagdefend nila niyon. Kaya sobrang excited ang halos lahat sa pagplano kung saan sila pupunta ngayong gabi.

Ang dami nilang gustong puntahan kaso nakulangan na sila sa oras. Napagdesisyonan na lang nilang lahat na pumunta sa vitalis resort sa Ilocos Sur. Mas malapit iyon ng unti sa manila kumpara sa Laoag para kahit bukas ng tanghali na sila tumulak pauwi sa Manila ay walang problema.

Lahat sila ay bakas ang kasiyahan sa mukha except kay Sasha na tahimik lang at nakairap the whole two days na kasama nila ito. Pero mukhang naging excited na din ito noong nagplano silang pumunta ng resort.

Noong napabaling siya dito ay taas noo pa itong nakangisi sa kanya.

What the hell? May plano yata tong babaeng to ah!

"Sama ako!" Sabi ni ate Mikaella pagkatapos nilang sabihin dito ang plano nila.

"Huwag na, ate! Manggugulo ka lang doon eh! Kaya mo bang iwan dito si Luis ng ilang araw?" Sabi ni Mikael dito.

"Hmp! Hayaan mo siya! Sasama na ako!" Pagpupumilit ni ate. "Tsaka para makasabay na din ako sa inyo sa Manila. May family dinner tayo hindi ba?"

"Fine! Bring your own car, ate! Huwag ka sumakay sa sasakyan namin!" Sabi ni Mikael.

"At bakit? Anong problema kung makikisakay ako?" Sabi ni ate sabay irap.

"Maiinggit ka lang. Ikaw ang pinakamatanda tapos ikaw lang din ang walang partner!" Sabi ni Mikael dito.

"Sheeeesh! Oo na!" Pagpayag na lang ni ate, sabay talikod na may binubulong bulong pa.

Tumawa si Mikael dito kaya tinampal niya ito sa braso. "Loko ka talaga." Hinalikan siya nito sa noo pero nanatili itong nakangisi.

Bully talaga!

Nasa loob sila ng kwarto ni Mikael at nag-aayos na siya ng mga gamit nilang dalawa para sa pagpunta sa resort at para sa pag-uwi nila. Napakunot ang noo niya ng hindi mahagilap ang isusuot niya sanang pares na underwear na color black. She remembers nilagay niya iyon sa taas ng bag niya kanina.

Napabaling siya kay Mikael na nakaupo sa kama at nakangising nakatingin sa kanya. "Babe! Nakita mo ba iyong a--ano ko?" Tanong niya dito.

"Anong ano?" Sabi nitong may naglalarong ngiti sa mga labi.

"Mikael!!!" Sabi niya sabay tayo galing sa pagkakaupo sa sahig. "You know what I mean! Nilagay ko iyon dito kanina bago ako nag-cr!"

Tumawa lang ito. "I don't know what you're talking about, babe." Painosenteng tanong nito.

"Isa! Give it back! Favorite ko iyon!" Inis niyang sinabi dito.

"Favorite ko na din yata iyon.." sabi nitong tumatawa pa.

"Sheeesh! Bahala ka na nga!" Inis niyang sinabi dito sabay irap at babalik na sana ulit sa pagkakasalampak sa sahig nang tumayo ito at hinila siya sa kama.

"Akin na iyon. Mamimiss kitang katabi eh. Isusuot ko iyon sa isang unan ko sa penthouse and pretend that its you beside me." Sabi nito pagkatapos siyang kandungin nito at pumalibot ang braso nito sa baywang niya.

"Ang manyak mo!" Sabi niya dito.

"Mahal mo naman! I can't wait na maikasal tayo.." Sabi nito sabay halik sa leeg niya. "Magkasama na tayo parati, magkatabi na tayong matulog at hindi lang.. hindi lang foreplay ang gagawin natin.. Hindi ka ba naeexcite, babe?"

Namula siya sa sinabi nito nang naisip niya ang ginawa nila ni Mikael sa dalawang gabi na silang dalawa lang ang nasa loob ng kwarto nito.

Damn Mikael!

Hanggang "momol" pa din silang dalawa ni Mikael kahit alam niyang minsan ay muntikan na itong madala sa ginagawa nila pero nakakaya pa din nitong pigilan ang sarili nito para hindi na sila umabot sa sobra pa doon.

Napalingon siya dito at hinalikan ito sa labi. "Of course excited."

Ito naman ang humalik sa kanya at masuyo iyon kaya napatugon din siya. Napahiga ito sa kama at siya iyong nasa itaas nito. Hinahaplos nito ang likod niya papunta sa balakang at pwetan niya at pabalik naman sa baywang niya. Itataas na sana nito ang damit niya ng biglang bumukas ang pinto at napabalikwas silang dalawa.

"Oh! Sorry!" Sabi ni ate Mikaella sabay tawa.

"Learn how to knock, ate!" Inis na hayag ni Mikael.

Napaayos siya ng upo sabay napakagat labi habang nahihiyang tumingin kay ate.

Tumawa lang ito at lumapit sa kanila. May hawak itong pulang bikini. Iyon na yata iyong ibibigay nito sa kanya. Wala kasi siyang dalang swimming attire.

"Sis-in-law, here's my extra bikini na hindi ko pa nagamit." Sabi nito sabay lahad sa kanya ng dala nito.

Aabutin niya na din sana ng biglang si Mikael ang humablot niyon. "Ano 'to!" Sabi nito sabay taas ng bikini at galit na tumingin sa kanya at kay ate.

"Duh! Bikini nga! Bulag at bingi lang, brother?" Sagot ni ate sabay ngisi.

"She's not going to wear anything like this one! No! No! No!" Galit na sabi nito. "Baka maraming tao doon! Mag shorts at tshirt ka lang! Okay na iyon!" Sabi nito sa kanya.

Tumawa ng malakas si ate. "My ghad, Mikael! Resort iyon! Bawal ang mga ganoong damit for swimming! And what's wrong if sis-in-law's going to flaunt her body? Papasa nga siyang model ko eh! Kahit fhm pa nga pwede siya!"

Mas lalong dumilim ang mukha ni Mikael. "No! Ako lang dapat ang makakita sa kanyang nakasuot niyan! Call the resort!" Sabi nito kay ate. "Rerentahan natin ang buong resort kung gusto mong magsuot niyan!" Baling naman nito sa kanya.

"O.A!" Sabi ni ate sabay tawa.

"You don't have to do that, babe. Normal naman ang mga ganitong suot sa beach eh." Sabi niya dito at napabaling siya kay ate. "May extra board shorts ka ate?"

Nakita niyang napaikot ng eyeballs si ate Mikaella. "Hay naku! Hiwalayan mo na nga iyang kapatid ko! Ang over!" Sabi nito sa kanya na mas lalong ikinagalit lang ng mukha ni Mikael. "C'mon brother! You should be proud of your girlfriend's body! Painggitin mo ang ibang lalaking nandoon sa resort. Duh!"

"No way, ate! Kung gusto mo ikaw na lang ang magsuot ng mga ganyan at ng makapag asawa ka na!" Sabi naman ni Mikael kay ate.

Binelatan ito ni ate.

"Mikael..." Saway niya dito.

Napabuga ito ng hangin, "Fine! Basta mag borad shorts ka! End of discussion!!" Pinal na sinabi nito bago ito tumayo at pumasok sa cr.

Tumawa lang ulit si ate sa inasta ni Mikael, "Sus! Sobrang possessive! Just like our dad! Manang mana talaga yang si Mikael! Nakuuu!" Sabi nito sa kanya.

Napatawa lang siya dito.

"May extra board shorts ako doon. Papahiramin na lang kita para hindi na magdrama iyong mamang nasa loob ng cr!" Sabi nitong nilakasan ang boses sa huling sinabi.

Tumawa lang siya ulit dito at lumabas na rin si ate sa kwarto ni Mikael para kunin ang ipapahiram nito sa kanya.

Nakasimangot siyang pumasok sa sasakyan ni Mikael. Si Mikael ang magdadrive hanggang sa pag-uwi nila sa Manila kaya sa frontseat siya umupo.

Naiinis siya kay Sasha! Obvious na obvious ang pagfiflirt nito kay Mikael! Sa harap niya pa, ha? And she's wearing a see-through dress at kitang kita ang stringed bikini nitong halos wala ng maitago sa loob!

Hindi ba pwedeng magbihis na lang siya ng ganoon mamaya sa resort?

Malambing na tinawag pa nito si Mikael at lalapitan pa sana. Mabuti na lang at mabilis siya at agad hinila si Mikael palabas ng bahay.

Ang flirt flirt niya! Damn!

Inabot ni Mikael ang kamay niya kaya napabaling siya dito. Nagtatanong ang ekspresiyon nito sa mukha. Like he's asking her kung ano ang problema. She was about to say something ng binuksan ni Georgette ang pinto ng sasakyan.

"Nakakasira ng araw talaga iyang si Sasha! She thinks she's hot wearing those kind of clothes! Hindi niya yata nakikita ang sarili niya! She looks so cheap!" Bungad agad ni Georgette pagkapasok nito at ni Z sa sasakyan. "Maregaluhan nga ng life sized mirror!! Arghhh!"

Georgette's wearing a skimpy tube dress, ang sexy pero hindi mo iisiping cheap siya because of wearing something like that, unlike Sasha! Damn!

Mabuti pa si Georgette at hindi pinagbabawalan ni Z. Siya? Eto nakasuot ng cargo pants at oversized tshirt! Kay Mikael iyong tshirt! At ito talaga ang pumili ng isusuot niya! Hindi niya tuloy machallenge si Sasha sa paseksihan!

Chos!

Pero hindi naman siya masyadong nagrereklamo. Kunti lang talaga. At kung wala lang sanang flirt na kasama ay walang problema. Medyo naging OA lang din talaga si Mikael ngayon sa pagiging possessive nito unlike before, but she still loves him just the same.

"Georgie." Saway ni Z dito.

"Oh bakit? Tell me nga Zabie. Ano naisip mo pagkakita mo sa flirt na iyon kanina?" Tanong nito kay Georgie.

Narinig niyang napabuga ng hangin si Z. "Georgie. I don't give a fck about her! So don't ask me some stupid questions!" Galit na sabi ni Z.

Napatingin siya agad sa mirror at kitang kita niya kung paano nagpout si Georgette sa sinabi ni Z at napabaling sa labas ng bintana. Napaiwas din ng tingin si Z kay Georgette at napabuga ng hangin bago ito kalmadong humarap kay Georgette.

"I'm sorry, I exploded." Iyon lang sinabi nito bago hinawakan ang balikat ni Georgette at pilitang pinaharap ito dito.

Napaharap naman ito ni Z pero nanatili itong nakalabi at umiiwas tingnan si Z sa mukha.

"Georgie.. I said I'm sorry okay. Huwag na tayo mag-away.. baka maapektuhan si...." Hindi natapos ni Z ang sinabi niya ng mabilis na tinakpan ni Georgette ng palad nito ang bibig ni Z.

"Ano ba! Oo na! Fine!" Sabi ni Georgette dito sabay palipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Mikael.

Hmmm.. ano kaya iyon? Sino ang maapektuhan? May tinatago si loka!