Kakarating lang nila ni Mikael sa classroom nila at agad silang binati ng mga kaklase nila. Hindi pa yata nakarating sina Georgette at Z. Bumati din siya sa mga ito habang si Mikael naman ay nakasimangot. Ayaw kasi siya nitong payagang makipagkita kay Mike mamaya kaya kahit sinabihan na niyang isasama niya ito ay pumayag naman ito pero nanatiling nakasimangot.
Pagkaupo nila sa harapan ay agad niya itong hinawakan sa pisngi para humarap ito sa kanya.
"Babe..." nilaro niya ang pisngi nito at pinapapout ang mga labi nito. Tumawa siya noong nagmukha itong katawatawa sa ginawa niya kaya mas lalong naningkit ang mga mata nito. "Ang cute mo!" Sabi niya dito.
Tinanggal nito ang kamay niya. "Gahasain kita diyan eh!" Inis na turan nito.
Lokong to! Napalingon tuloy siya sa mga kaklase nila at parang wala lang naman sa mga ito ang sinabi ni Mikael. Parang naka move on na yata ang mga ito at parang natural na tanawin na lang sila ni Mikael sa mga mata ng mga ito. Good!
Napabaling ulit siya kay Mikael at nakaiwas na naman ito ng tingin sa kanya. "Babe... Gusto ko lang naman klaruhin iyong tungkol sa amin ni Mike kaya gusto ko siyang makausap."
"Wow! Tungkol sa inyo?" Sabi nitong nagpalatak pa.
"Ano ba yan... iba naman kasi iniisip mo eh.. " sabi niyang umiwas na din ng tingin dito at pinagsalikop ang mga braso sa dibdib.
Ilang sandali pa ang nakalipas bago niya narinig ang pag buntong hininga ni Mikael at ramdam niya ang pagharap nito sa kanya. "Fine. Basta. Sasama ako!"
"Opo! Sabi ko nga di ba? Ayoko namang magkagulo ulit tayo ng dahil kay Mike.." sabi niyang napabaling na rin dito.
Inabot ni Mikael ang mukha niya at agad siyang pinatakan ng isang halik sa labi. "Mahal kita."
Kinilig siya paking shet lang. Ewan ba niya hindi talaga maalis ang kilig niya pag sinasabihan siya ng ganoon ni Mikael. Ganito talaga siguro kung mahal na mahal mo ang nagsabi sa'yo ng ganoon.
"Mas mahal kita." Sagot niyang napakagat labi pa kaya pinatakan ulit siya ni Mikael ng halik sa labi.
"Haaaay..." rinig niyang may gumanun sa likod nila. Ayan na naman sila. Fine! Mahilig kasi talaga sila ni Mikael magPDA, ano? Nakuuu.
Natapos ang 1st subject nila na walang Georgette at Z na dumating. Kaya pagkalabas nila ng classroom ay agad niyang tinawagan ang number ni Georgette.
Woah! Unattended? Naman! Kay aga-aga at nag ano na yata ang dalawa. Natawa tuloy siya sa naisip. Sinabi niya kay Mikael na tawagan din nito si Z para masigurong magkasama nga ang dalawa. Itatry lang ba. At para makapag istorbo din kung sakali. Agad namang tumalima si Mikael.
"Unattended din." Sagot ni Mikael pagkatapos nitong idial ang number ni Z.
Napahagikgik siya. "Grabe naman ang dalawang iyon!" Sabi niya ditong natatawa na.
May nakakalokong ngiting sumilay sa mga labi ni Mikael. "Inggit ka, babe?" Sabi nito bago siya inakbayan at nilapatan ng halik sa pisngi.
May narinig siyang may mga napapabuntong hininga na naman na parang nanghihinayang sa gilid nila. Napabaling siya doon at nakita ang tatlong babaeng nakatingin sa kanilang dalawa ni Mikael.
Eh di wow. Sila na talaga ang PDA couple of the whole school year kung patuloy na ganito si Mikael sa kanya. Natawa na lang tuloy siya sa naisip at mabilis na hinila si Mikael papunta sa next subject nila.
Kakatapos lang nilang mag lunch ni Mikael at nag-uusap lang sila sa mesa nila nang biglang nagring ang cellphone niya. Pagkakita niya sa tumawag sa cellphone niya ay agad siyang napabaling kay Mikael na nakadungaw din pala sa screen niyon.
Its Mike calling her.
"Answer it." Sabi ni Mikael sa kanya.
Napatango siya dito at agag sinagot ang tawag ni Mike.
"Hello, Mike?" Bungad niya. Naramdaman niyang napahawak si Mikael sa baywang niya at nilapit siya nito sa katawan nito sabay dantay ng baba nito sa balikat niya. Makikinig talaga ang loko.
"H-hey.. Tuloy ba tayo mamaya?" Tanong nito sa kanya sa kabilang linya.
"Umm.. yeah.." Napatalon siya ng dinikit ni Mikael ang mukha nito sa leeg niya. Nakikiliti siya sa pagbuga nito ng hangin galing sa ilong nito.
Damn!
"S-sa restaurant niyo na lang tayo magkita.." sabi niya dito na tinutukoy ang restaurant ng mga ito na kung saan sila kumain dati.
"Sige. I'll fetch you. What time ang out mo?" Tanong nito sa kanya.
Hindi agad siya nakasagot ng mas lalong humigpit ang pagkahawak ni Mikael sa baywang niya. Napabaling tuloy siya dito. Halata sa mukha nitong nagseselos na naman ito.
"Flying ipis?" Rinig niyang tawag sa kanya ni Mike sa kabilang linya.
"Amm.. you don't have to fetch me, Mike. Didiretso na lang ako doon after class. Mga 5 to 5:30." Sabi niya dito. Hindi niya na sinabing may pasok pa siya after noon. And hindi niya alam kung makakapasok pa ba siya. Baka matagalan kasi sila. And she needs to settle this first para wala ng problema. Ayaw niyang patagalin pa to at baka lumala pa. The earlier na masolve nila 'to, the better.
Narinig niyang napabuntong hininga si Mike sa kabilang linya. At ganoon din ang lalaking katabi niya. Noong napabaling ulit siya dito ay umiwas na ito ng tingin sa kanya at ramdam niya ang pagluwag ng paghawak nito sa baywang niya.
"S-sige. See you, flying ipis." Napabuntong hininga ulit ito. "I.. I love you." Sabi nito bago pinatay ang tawag.
Napatingin muna siya saglit sa screen ng cellphone niya bago siya napabaling kay Mikael na nakatulala pa din.
"Babe.." tawag niya dito. Hindi ito bumaling sa kanya. "Nagseselos ka na naman."
Hindi pa rin ito sumagot at malalalim na hininga lang ang naririnig niya galing dito. Hinawakan niya ang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Iniwas nito ang mga mata sa kanya.
"Uuyy.. selos talaga siya oh." Tukso niya dito para mapatingin naman ito sa kanya. Hinawakan niya ng mahigpit ang pisngi nito at pinatulis ang nguso nito bago niya ito ginawaran ng mabilis na halik sa mga labi. Bahala na ang ibang tao sa cafeteria kung makita man ang pagiging maharot nilang dalawa ni Mikael.
Atlast at napabaling na ang mga mata nito sa kanya pero nanatiling malungkot ang ekspresiyon nito. "Babe. Kailangan kong isettle ito ng mas maaga para hindi na lumala pa. Huwag ka ng magselos." Sabi niya dito.
"Pwede naman kasing iwasan mo na lang siya di ba? You don't have to meet him personally. Pwede naman kasing sabihin na lang ng diretso sa kanya kahit sa call or text." Sabi nito.
"Babe. Kaibigan ko si Mike. Ayoko namang isipin niyang after niyang maging isang mabuting kaibigan sa akin ay gaganunin ko na lang siya pagkatapos nating magkaayos. Please understand, babe. Para din naman sa atin 'to. Ayoko namang maging magkaaway kayo. Gusto kong magpakasal tayo na wala tayong mga kasamaan ng loob." Ginawaran niya ulit ito ng mabilis na halik sa labi. "And you don't have to be jealous. Papakasal na nga tayo eh. Magseselos ka pa sa iba?" Sabi niya dito.
Napabuga ito ng hangin bago ito napatango. "Fine." Simpleng sagot nito.
"Samahan mo ako mamaya para mas mapanatag ang loob mo. Okay? And please iwasan ang makipag-away babe." Sabi niya dito.
"'Kay." Sagot lang nito sa kanya at napaismid pa.
Natawa lang siya sa actuations nito. Pinisil niya ang pisngi nito. "Thank you, babe. I love you."
"'Kay. I love you more." Sagot nito sa kanya bago siya nito mabilisan hinalikan sa mga labi niya.
Asus! Kahit halatang napipilitan ito sa gusto niyang mangyari ay kinikilig pa din siya. Tengene leng.
Malapit na silang dalawa sa restaurant nina Mike. Nagtext na ito sa kanya kanina na nakarating na ito sa restaurant ng mga ito at sinabihan siya magmesage lang siya dito pagkarating na pagkarating niya para masundo siya nito sa entrance.
Hindi na niya ito minesage at baka umiwas pa ito pagkakita kay Mikael. Mabuti na lang din at nakita niya si Roselle sa entrada. Pagkalapit niya dito ay agad nagbago ang aura nito lalo na noong napabaling ito kay Mikael sa tabi niya. Pero inapproach niya pa din ito.
"Hi. I hope you still remember me. Friend ako ni Mike." Nakangiting sabi niya dito pero nanatili itong seryoso. "Amm. Nasaan si Mike?"
Nakita niyang napalunok muna ito at nagtanggal ng bara bago sumagot sa kanya. "Nasa VIP po, Ma'am. I'll lead you to him." Sabi nito at agad itong tumalikod at hindi na hinintay ang sagot niya.
Napatingin muna siya kay Mikael na nakakakunot ang noong tumingin kay Roselle. Ngumiti siya dito bago ito inayang sumunod sila kay Roselle sa loob.
Giniya sila ni Roselle sa isang closed room na pang VIP nga. Pagkabukas ni Roselle ng pinto ay napamulagat siya pagkakita ng setting sa loob. Puno ng balloons at red roses ang buong room. Nakapatay ang ilaw niyon at nakasarado ang mga bintana at natatakpan ng mga kurtina Ang nagpapaliwanag lang sa buong kwarto ay ang tatlong kandilang nasa taas ng mesa. Noong napabaling siya kay Mike ay nakanganga itong tumingin kay Mikael.
"W-why is he here?" Nauutal na tanong ni Mike sa kanya pero hindi nito hinihiwalay ang pagkatitig kay Mikael.
"Nice effort." Sabi ni Mikael sa nang-uuyam na tono at napangisi muna ng nakakaloko bago sumeryoso ang reaksyon.
Sinaway niya muna ito bago siya napabaling kay Roselle na nanatiling nakahawak sa pinto. Nakaintindi yata si Roselle sa gusto niyang iparating dito kaya maingat na lumabas ito at sinarado ang pinto ng kwarto. Napabaling agad siya kay Mike na parang nauupos na kandila na napabalik ng upo sa silyang inuupuan nito kanina. Napayuko ito.
"Mike.." panimula niya. "O-okay na kami ni Mikael. I.. I'm really sorry." Mahinang sinabi niya at nanatili sila ni Mikael na nakatayo malapit sa pinto.
Narinig niya ang malalalim na hininga ni Mike bago nito inangat ang tingin nito sa kanila. "You don't have to say sorry. Mas masakit kung nagsosorry ka. I mean.. its not your fault anyway that I fell inlove with you.." malungkot na ngumiti ito sa kanya bago ito bumaling kay Mikael. "You're one lucky guy. She's a great girl. Sana huwag mo na siyang saktan ulit." Sabi nitong sumeryoso ang itsura.
"I know. And I will never hurt her again. Thanks, pare. Sa pag-aalaga sa fiancee ko noong hindi pa kami nagkaayos. Really. Thank you." Sabi ni Mikael at napabaling siya dito noong naramdamang napabaling din ito sa kanya. "And I'm sorry pero hinding hindi ko papakawalan si Chloe. Hindi ko na siguro kakayanin pang mabuhay ulit kung mawawala ulit siya sa buhay ko." Masuyo ang tono nito sa pagkasabi niyon.
Tumawa ng mapakla si Mike kaya dito naman siya napabaling. "You should. Or else I'm going to take her away from you." Sabi nito kay Mikael sa seryosong tono. Napakagat labi tuloy siya. Ramdam na ramdam niya ang lungkot ni Mike kaya naiiyak siya.
Damn!
"M-mike.." tawag niya dito. "You're the greatest friend I've ever had.. Sana maging magkaibigan pa rin tayo." Sabi niya dito.
Napangisi ito. "Of course. Pero.. mag momove-on muna ako ha?" Tumawa ito kaya napaluha siya. "Pero salamat at sinabi mo sa 'kin ng personal. Mas okay na 'to kaysa sa bigla mo na lang akong iwasan. Ramdam ko na tinetreasure mo nga talaga ang friendship natin." Mahinang sabi nito. "Thank you."
Napatango siya ditong napapasinghot na. Shet. Tuluyan na nga siyang napaiyak.
Napabuga ito ng hangin bago nagsalita ulit. "Anyway, do you want to have an early dinner?" Tanong nitong nakangiti ng tipid sa kanila. "Dito na kayo. Ready na din ang mga pagkain. Ipapaserve ko na lang." Sabi nito bago ito tumayo sa silya.
Hindi yata tamang dito pa sila kakain ni Mikael. Masasaktan lang lalo si Mike. Seriously? Sadista na siya kung papayag siyang dito sila kakain sa hinanda nito.
Noong nasa tabi na niya ito ay niyakap niya ito ng mahigpit, napaiyak siya sa balikat nito. "M-mike. Thank you for everything. Hindi kami kakain dito. Aalis na kami ni Mikael."
Napabuga ito ng hangin at marahang bumitaw ito sa yakap niya. Nakangiti itong humarap sa kanya. "Sayang naman iyong venue. Sige na. Mag dinner na muna kayo." Pagpipilit nito.
"Hindi na pare. Salamat sa pag-imbita." Rinig niyang sabi ni Mikael dito.
Napabuga ulit ng hangin si Mike bago ito nagsalita. "Sige. Kayo ang bahala." Bumaling ito ulit sa kanya. "Please be happy. And don't worry. Magkaibigan pa din tayo." Sabi nito bago ito ngumiti kay Mikael at tuluyan ng lumabas sa pinto.
Guiltyng guilty siya. Ewan ba niya! Kahit hindi naman niya totally pinaasa si Mike. Pero nahulog pa din ito sa kanya. At ramdam niya kung gaano ito nasaktan kanina. Damn!
'I'm really sorry, Mike.'