Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 60 - Chapter 59

Chapter 60 - Chapter 59

Kakabalik lang nila sa school galing sa hospital, may thirty minutes pa naman sila bago ang next class niya. Wala pang pasok si Mikael pero sinamahan pa din siya nito sa school at mag aantay na lang sa labas ng classroom niya. Sabay na din silang papasok sa next subject kung saan mag classmates sila.

And bad news, hindi pa din nagigising si Zaber. Pero base sa sinabi ng doktor ay okay naman daw lahat ng results na ginawa nila. May trauma lang ng unti sa ulo ni Zaber but the doctor assured them na hindi iyon malala.

Pagkarating nila sa hospital kanina ay naabutan nilang nakaupo si Georgette sa kama ni Z at hawak nito ang kamay nung huli. Kinakausap ito ni Georgette kahit wala pa din itong malay.

Georgette told them everything that happened that night. Nalaman nilang itinakwil na pala ito ng daddy nito kagabi, but her mommy and kuya is on her side. Hindi na daw muna siya papasok sa school habang hindi pa nagigising si Z. Georgette needs to rest, too, kasi masiyado pang maselan ang first trimester ng pagbubuntis. She's almost four weeks pregnant, which is medyo nakakagulat kasi naalala niyang iyon iyong time na iniiwasan pa nila sina Mikael at Zaber. Sinekreto ng loka! Tatampo-tampo sana siya kung hindi niya lang naalala yong problema nito.

As usual, ang daming taong nakatingin sa kanila ni Mikael pagkapasok nila sa school. Nag iisip pa siya if nakarating na ba dito yong balita about sa nangyari kay Z at Georgette. Kasi kaninang umaga wala naman nagtatanong sa kanila and hindi rin napag-usapan kahit sa classroom nila.

"Chloe!" Pagkalingon niya ay nakita niya si Christine na humahangos palapit sa kanila. "I heard what happened, kamusta na si Zaber? Nag duduty kasi doon yong ibang classmates ko, kaya nalaman namin yong nangyari." Sabi nito sa kanya.

'Shet! Kumalat na nga talaga.'

"Shh.." Sabi niya sabay tingin sa mga tao sa paligid, kahit sigurado na din siyang may alam na din ang mga ito.

Napahawak sa bibig niya si Christine, bago siya nito tiningnan apologetically. Magkahawak pa din sila ng kamay ni Mikael sa kaliwa, kaya hinawakan niya na lang sa braso gamit ang kabilang kamay si Christine at iginaya paalis doon.

Napunta sila sa gazebo at doon na ulit nagsimulang magsalita si Christine. "Sorry. Nagrattle kasi ako, I was about to text you and Georgette, then nakita ko kayong papasok sa school. Hindi ko na napigilan." Anas nito sa mababang boses.

"Okay lang, girl, sorry at hindi na tayo nakapag usap.." Pauna niyang sinabi bago niya kinwento kay Christine lahat ng nangyari kagabi. Nahabag ng sobra si Christine, and sabi nito ay bibisita ito mamaya sa hospital after ng klase nito. Babalik din naman sila agad ni Mikael doon after ng klase nila kaya sasabay na lang din si Christine.

Napapansin niyang may gusto pa sanang ikwento si Christine sa kanya kaso nag aalinlangan at napapatingin ito kay Mikael. Gusto niya sanang kausapin ito kaso eight minutes na lang at magstart na ang klase niya.

Aalis na sana silang tatlo doon sa gazebo ng nakita nilang parating sina Henry, Johann, at Christopher. Nakita niya kung paano umawang ang mga labi ni Christine pagkakita kay Christopher. Mabilis itong nagpaalam at nauutal pa itong magsabi na mauuna na. Patakbo itong umalis doon at hindi na nilingon iyong tatlong parating. Kailangan niya talagang kausapin si Christine mamaya.

Naglakad na din sila palapit sa tatlo, at agad niyang napunang umiismid si Henry sa kanya. "Babe, mauuna na ako. Baka may kailangan pa kayong pag-usapan." Sabi niya kay Mikael.

Kita niyang nagdadalawang-isip pa ito nung una pero tumango na lang ito pagkatapos nitong tingnan ang mga barkada. Alam mo iyong parang may silent language sila na kapag magtinginan eh alam na agad iyong gustong sabihin.

Humalik siya sa pisngi ni Mikael bago siya ngumiti ng tipid sa tatlo. "Alis na ko." Paalam niya.

"Antayin na lang kita sa labas ng classroom mo mamaya, babe." Sagot ni Mikael at tumango lang siya dito bago siya nagsimulang lumakad.

Fifteen minutes na lang at dismissal na nila ng nakita niya si Mikael na nakaupo sa labas ng classroom nila. Kinindatan siya nito at napangisi na lang siya, sabay baling ulit sa teacher nila na nagdidiscuss sa harap.

6pm na sila nakaalis sa school, medyo natagalan kasi idismiss sina Christine kaya inantay pa nilang matapos ito. Habang nasa byahe sila ay biglang tumunog ang cellphone ni Mikael na nasa dashboard, si Henry ang tumatawag.

"Babe, sagutin mo at i-loud speaker." Utos sa kanya ni Mikael at agad siyang tumalima.

Sobrang ingay ng sa background pagka sagot niya. Dinig niya iyong boses ni Zaber na parang sumisigaw ito. Napamaang silang lahat. "Hello, Mother? Si Zaber ba yan? Ano nangyari?" Tuloy-tuloy na tanong ni Mikael.

"Hello?! Hello, Mimi!!" Sagot ni Henry na parang natataranta. "Mimi! Gising na si Zaber! Kaso parang.. Aaayyyy!!"

At bigla na lang nawala si Henry sa kabilang linya.

"Ano nangyari?" Nababahalang tanong ni Christine.

Napatingin agad siya kay Mikael at siya na mismo ang nagdial ng numero ni Henry. Nakailang ring na ay hindi pa din iyon sinasagot kaya lalo silang nabahala. Agad ng binilisan ni Mikael ang pagdadrive at kahit traffic ay nagawa nitong mag-over take ng ibang sasakyan.

Pagkarating nila sa ospital ay mabilis din itong pinark ni Mikael at lakad-takbo ang ginawa nila papasok sa kwarto ni Zaber.

Hindi pa nila nabubuksan ang pinto ay dinig na dinig na nila ang sigawan sa loob. Pagkabukas nila ay agad nilang nakita kung gaano kagulo ang kwarto nito at si Zaber na galit na galit at nagpupumiglas sa may hawak dito.

"Bitawan niyo 'ko!!" Sigaw nito. "Let me goooww!" Sigaw ulit nito hanggang sa tinurukan na ito ng pampakalma at pampatulog ng isang nurse.

"Ano nangyari?" Tanong agad ni Mikael sabay tingin sa mga tao dun sa loob. "Ano nangyari kay Z?" Tanong ulit nito at lumapit na sa kama ni Zaber. Agad itong nilapitan ni Henry at kinausap, habang si Johann at Christopher ay pinulot yong ibang kalat sa sahig.

Nung kumalma at nakatulog na ulit si Z ay lumabas na ulit ang mga nurse or staff ng hospital. Agad niyang hinanap si Georgette at kita niya itong akap-akap ng mommy ni Z na umiiyak din. Lumapit sila ni Christine sa mga ito at agad niyang hinahaplos yong likod ni Georgette.

Napaangat ng tingin si Georgette at umiiyak na sinabing, "Hindi niya maalala iyong nangyari sa amin, Chloe. Hindi kami maalala ni Zabie!" Sabi nito sabay yuko ulit at umiyak sa balikat ng mommy ni Zaber.

Napasinghap siya at agad niyakap ang kaibigan niyang halos hindi na makahinga kakaiyak. Naiyak na din sila ni Christine habang inaalo ang kaibigan nilang nasasaktan sa nangyari.

Mag te-10pm na at hindi na ulit nagising si Zaber kaya napagpasyahan na lang nilang umuwi. Inaaya na din nilang umuwi muna si Georgette pero kahit ganun na daw ang nangyari kanina na muntik na matumba sa sahig kakatulak ni Zaber ay hindi niya pa din daw ito iiwan.

Natawagan na din ang doktor ni Zaber, at ang sinabi nito ay pagkagising ni Zaber ay iinform agad siya at mag a-undergo ulit ito ng CT scan at MRI. Sinabi na din nito na posibleng may selective amnesia itong si Z kasi si Georgette lang talaga ang nakalimutan nito at ang magiging baby nito.

Lumong-lumo si Georgette sa nangyari pero makikita mo pa din sa itsura nito na determinado itong mag-bantay at mag antay kay Z kahit ano pang mangyari.