Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 61 - Chapter 60

Chapter 61 - Chapter 60

Pabalik-balik sila nina Mikael sa hospital sa linggong yon, at wala pa ding pagbabago dito. Hindi talaga nito maalala si Georgette, at kahit ganunpaman ay hindi pa din umaalis si Georgette kahit ilang beses na itong tinataboy ni Z. Pinayuhan na din sila ng doktor nito na hindi na masiyadong pilitin si Z na makaalala ng bigla at baka mastrain masyado ang utak nito.

Gulat na gulat din si Z nung nalaman na nagkabalikan sila ni Mikael and mas lalo itong nagulantang ng nalaman nitong mamamanhikan na si Mikael at ang pamilya nito sa kanila bukas and the following day is their engagement party.

Sa susunod na monday pa pinayagan si Z lumabas ng hospital kaya kahit ginusto nitong makadalo sa party nila ay hindi nito magawa. Kahit ramdam niyang naguguluhan ito sa nangyari at parang nag-iisip ito ay hinayaan na lang muna nila at baka mapano pa ito kung pipiliting makaalala.

Sa totoo lang ay muntik ng hindi matuloy ang pamamanhikan at engagement party nila dahil sa nangyayari kina Z at Georgette. Mas nag aalala sila kay Georgette pero mas eto pa 'yong nagpupumilit na ituloy na nila at nagbigay pa ng threat na kung hindi nila itutuloy ay hindi sila gagawing ninong at ninang sa baby nito at ni Z.

Nakarating na din ang daddy niya kasama si auntie Lia. Noong nalaman nitong buntis ang mommy niya ay wala siyang nakitang sakit sa mukha nito kundi purong kasiyahan para sa dating asawa. Nagkasundo agad ang dalawang pamilya sa mga plano nila. Sa mansiyon nina Mikael gaganapin ang engagement party nila, and in two week's time ay may kasalan na talagang magaganap.

Hindi siya halos nakatulog kagabi sa gaganapin mamaya sa kanila ni Mikael kaya eto siya ngayon at hindi alam kung paano tatakpan ang eyebags niya.

"Concealer lang katapat niyan, baby ate." Sabi ng mommy niya na napapangiti habang tinitingnan siya sa mirror ng dresser niya kung saan siya nakasimangot.

"Mukha akong zombie, mommy.." Sagot niya dito sabay takip ng mukha niya gamit ang mga kamay.

"Eh di, ikaw na ang pinakamagandang zombie." Tudyo ng mommy niya.

"Mommy naman eh!" Sabat niya dito at nanatiling nakayuko ang ulo.

Bigla na lang nag ring ang cellphone niya na naiwan niya sa kama at ng nakitang si Mikael 'yon ay agad niyang sinagot at nagreklamo dito tungkol sa eyebags niya. Nangingiti na nagpaalam na din ang mommy niya para kumuha ng slices ng cucumber at ilalagay sa mata niya.

"Excited masyado, babe?" Tudyo nito sa kanya sabay buntong hininga. "Can't wait to see you later and make our engagement official again." Senswal na sinabi nito. "Punta na kaya ako diyan, babe?"

Napangiti siya sa sinabi nito. "Tse! Ayusin mo na muna ang dapat ayusin diyan, babe. Kailangan ko pa ayusin tong eyebags ko. I love you."

"I love you more. Kahit maging panda ka pa, babe, ikaw at ikaw pa din ang mamahalin ko." Napabuntong-hininga ulit ito sa kabilang linya. "Miss ko na yong pagkain ko sayo, babe. Punta na ako diyan. Sige na.."

Tinawanan niya lang ito sabay sabing ibaba na niya at magkita na lang sila mamaya. Total ilang oras na lang naman at gaganapin na ang isa sa pinaka-importanteng araw sa buhay nilang dalawa.

Natapos na siyang ayusan ng make-up artist at stylist na hinire ng mommy ni Mikael para sa kanya nang marinig niya ang ingay sa sala nila. Lumaki agad ang mata niya ng marinig ang boses ng pasaway niyang boyfriend.

"Hi, babe." Bati nito pagkapasok sa kwarto niya na hindi man lang naisipang kumatok, buti na lng talaga at nakabihis na siya.

Nakaharap pa siya sa life-sized mirror nung pagkapasok nito at kitang-kita niya kung paano ito namangha pagkaharap niya dito. Gwapong gwapo din siya dito kahit na parang feeling niya eh costume party iyong pupuntahan nila sa mga suot nila.

Metallic blue ang motif na napili nila para sa kasal, kaya ayon din ang kulay ng suot nilang damit ngayon na pinarush lang sa isang kilalang designer. Inspired sa ancient Greece iyong mga damit nila na dinagdagan lang ng modernong style. Naka gladiator wedge pa siya, habang ito ay naka gladiator sandals. Kaya ngayon eh feeling niya eto si Hercules, tapos siya naman si Meg. Its all her future mom-in-law's idea, at ayaw na din nilang kontrahin.

Pagkalapit nito ay agad siya nitong niyakap patalikod at pinatakan ng halik sa sentido. Nakaharap ulit sila sa salamin. "Feeling ko halloween party iyong i-cecelebrate natin, babe. Pero dahil sobrang ganda mo, hindi na ako magrereklamo kay mommy." Anas nito sabay halik ulit sa buhok niya.

"Labas na po muna kami, Ma'am, Sir." Nangingiting sabi ng stylist at make-up artist na nag-ayos sa kanya bago ang mga ito tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Napahagikgik siya. Sabay ngiti dito sa repleksyon nila sa salamin. "Hercules yata fave na movie ni mommy. Pero mas pogi ka dun." Sabi niya dito. "Hindi ka talaga mapigilan, ano? Sabi ko sa'yo mamaya na tayo magkita eh. Gusto ko pa naman makita yong reaction mo pagkakita sa kin." Reklamo niya dito.

"Akala ko kasi hindi ka pa tapos mag-ayos eh. Ako na sana bibihis sa'yo, babe." Sabi nito sabay padausdos ng isang kamay nito galing sa bewang niya papunta sa gitna ng pagkababae niya.

"Mikael! Ang manyak nito!" Tampal niya sa kamay nito bago ito inalis dun.

"Ayaw mo ba? Hindi mo ba namimiss iyong mga paghawak, pagdila, pagsipsip, at paghalik ko sa katawan mo? Miss ko na yong 69 natin babe, hindi na natin naulit." Sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Agad siya nakaramdam ng init sa sinabi nito. 'Fck! Miss niya din sobra eh.'

"M-mamaya na, after ng party.." Sagot niya ditong pumula lalo ang pisngi kahit may blush-on na.

Tawa lang ng tawa ang loko at pinatakan ulit siya ng halik sa buhok bago siya pinakawalan. Pinaalala nito ang engagement ring nila dati na nakalimutan nitong hingin sa kanya nung nakaraan. Agad niyang hinagilap iyon at binigay dito bago siya nito niyayang lumabas.

Pagkarating nila sa bahay nina Mikael ay sobrang mangha siya sa set-up at mga decorations na ginawa sa garden kung saan gaganapin ang engagement party nila. May mga bisita ng nakaupo sa mga assigned tables and seats pero hindi pa sila makaentertain sa mga ito pagkat may susundin silang program which is also planned by her future mom-in-law. Sinabi na sa kanila ng organizer ng party nila yong magaganap kaya nakabantay lang sila ni Mikael sa queue nito.

Nakaupo lang sila sa loob ng bahay habang pasilip nilang tinitingnan iyong mga bisitang dumadating. Naka formal attire ang lahat ng bisita, habang silang dalawa ni Mikael, kasama na ang mga parents, Tito Rey, Aunt Lia, and mga ate ni Mikael ang naka ancient Greek-style. Nakikita niya ang pagdating ng ibang mga kamag-anak nila at mga business partners and associates ng mga pamilya nila. Nandoon na din iyong mga naging friends nila nung highschool and college. Nandoon na din sina Christopher, Johann, Henry na nakabonggang gown, and si Christine na may kasamang date. Napangiti siya nung nakita niya rin si Mike na dumating kasabay sina Marie, Kristel and Terence.

Napabaling nga lang siya sa katabi niya noong narinig niyang nagpalatak ito. Nakasimangot na naman ang loko, sabay iwas ng tingin sa kanya.

Agad niyang hinawakan ang kamay nito, "Selos ka na naman. Ikaw at ikaw lang naman ang mahal at mamahalin ko." Lambing na sinabi niya dito pero nanatiling nakasimangot ito pero maya-maya lamang ay hinalikan din nito ng masuyo ang noo niya.

Nagstart na din sa wakas ang program ng engagement nila. At noong malapit na silang ipakilala sa stage ng mga parents nila ay agad silang tumayo ni Mikael at naglakad ng magkahawak kamay papunta sa stage.

"It is with great joy that we now introduce to you the future husband and wife, Mikael Edwards and Chloe Mendoza!" Sabay na pagpapakilala ng mga mommy nila ni Mikael sa microphone.

Agad umalingawngaw sa stage ang kanta na Last Forever ni Matt Cab as their background music pagkaakyat nila sa stage at sinabayan pa ng masigabong palakpakan at congratulations ng mga bisita nila.

Nagbeso muna sila sa mga magulang nila bago binigay sa kanila ni Mikael ang mikropono. Akala niya mag si-speech ito pero sinabayan lang pala ng loko ang kanta habang hawak-hawak ang kamay niya.

"No matter all the people around.. I still see your face in the crowd.. I can hear your heart beat.. When this life gets loud.. And through all of the ups and the downs.. We pulled each other out of the doubt.. And now that we have made it here.. I can clearly see that we'll last forever..."

Napaiyak na siya habang dinadama ang pagkanta nito sa kanya, at nakita niya ding pati ito ay namumula na din ang mga mata. Kahit iyong parents nila and mga taong nakakakilala sa kanila at alam ang pinagdaanan nila ay napapaluha't napapangiti na din. Nang natapos ang kanta ay niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan siya sa mga labi.

Hinawakan ulit nito ang kamay niya at hinalikan iyon bago ito lumuhod gamit ang isang tuhod, "Will you marry me, babe?"

"Yes.." Sagot niya dito at sinabayan pa ng tango.

Agad nitong hinugot ang dating singsing na binigay nito sa kanya sa bulsa nito at sinuot sa daliri niya. Binitawan nito ang kamay niya at buong akala niya ay tatayo na ito agad pero nagulat siya ng may hinugot pa itong isang box na pula sa kabilang bulsa nito. Binuksan nito iyon bago nito hinawakan ulit ang kamay niyang may suot ng singsing. Napasinghap siya sa nakitang mas bonggang engagement ring.

"Again, babe, will you marry me?" Tanong ulit nito sa kanya. "At least may reserba in case mawala mo iyong isa."

Natawa siya at iyong mga magulang nila at mga bisita.

Siraulo talaga.

"Yes! Yes!" Sagot niya dito ulit at napapakagat labi habang sinusuot na nito ng tuluyan ang isa pang engagement ring sa daliri niya.

Agad tumayo si Mikael pagkatapos, at hinalikan siya ng sobrang sarap sa harap ng mga pamilya't kaibigan nila.