"What happened? Nakausap mo ba si Georgette, babe?" Tanong agad sa kanya ni Mikael pagkababa niya ng phone niya.
Hindi niya alam na sinundan pala siya nito. Umiling sya at hindi na mapigilang humagulgol habang kinekwento niya ang sinabi ng daddy ni Georgette. Niyapos agad siya ni Mikael at alam niyang kahit ito ay nabahala sa nangyari sa mga kaibigan nila.
Hindi niya akalaing hahantong sa ganito ang pagmamahalan ni Georgette at Z. Gustong gusto niyang makausap mismo si Georgette kaya akmang tatawagan niya ulit ang number nito nung pinigilan na siya ni Mikael.
"Wala na tayong magagawa sa ngayon, babe." Sabi ni Mikael at inaya na siya nitong pumasok ulit at mag antay sa labas ng ER.
Pagkabalik nila ay kinwento ni Mikael iyong sinabi ng daddy ni Georgette sa kanya. Nanlumo agad ang mommy ni Z sa nalaman at napayakap dito si Henry.
"Paano na iyong magiging apo ko? Hindi man lang ba inisip ni Anthony kung ano magiging epekto ng ginagawa niya sa anak niya?" Sabi ng mommy ni Z na puno ng paghihinagpis. "Hindi niya man lang binigyan ng pagkakataon ang anak ko. Ang anak ko..." Sabay hagulgol.
Halos mag iisang oras na at wala pa ding lumalabas na nurse or doctor sa loob ng kwarto kung saan inaasikaso si Z. Uupo, tatayo, at magmamasid sa loob ang ginagawa nila habang nag aantay, umaasang maging maayos si Z. Naitext niya din sa mommy niya ang nangyari at kahit ito ay nag alala para kay Z at Georgette.
Biglang lumabas ang isang doktor at hinanap iyong kamag-anak ni Zaber.
"A-ako po ang mommy niya, dok. K-kamusta na po s-siya?" Tanong ng mommy ni Z pagkatapos nitong tumayo.
"He's out of danger na po ma'am. Napuruhan po iyong ulo niya kaya kailangan pa po i-monitor. May mga procedures pa po kaming need gawin sa kanya and he's still unconscious, but I assure you stable na po siya." Sagot ng doktor.
Napahagulgol at napa-thank you agad ang mommy ni Z sa doktor. Sinabi na din ng doktor na pwede ng itransfer si Zaber ng kwarto kaya inaantay na lang nilang ilabas ito ng mag assist sa pagtransfer ng kama nito.
Akmang tatayo na siya ulit ng bigla siyang makarinig ng komosyon sa hallway ng hospital, pagkabaling niya doon ay nagulat siya ng nakita niya si Georgette na tumatakbo kasama ang isang lalaking kahawig nito. Pabaling-baling pa sa ibang direksyon si Georgette, hanggang sa nakita sila nito.
Lahat sila ay nagulat at napatayo ng tuwid, except kay Henry na napatiim bagang lang at nanatiling nakaupo.
"Georgette!" Tawag niya dito.
Hilam sa luha at halos matalisod na ito kakatakbo palapit sa kanila. Humakbang agad siya palapit dito para pigilan na din ito sa pagtakbo.
"Si Z-Zabie?" She asked immediately as she grabbed her arm. Naramdaman niyang nanginginig ito.
"Okay na siya, stable na sabi ng doktor." Sagot niya dito, pero patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha nito.
Hinanap nito ang mga mata ng mommy ni Z, "I-I'm sorry p-po..." Sabi nito sabay hagulgol.
Nilapitan agad ito ng mommy ni Z at niyakap, "It's ok.. It's ok.. It's not your fault.." Sabi ng mommy ni Z at tuloy lang sila sa pag-iiyakan.
Gusto niyang magtanong kung paano ito nakatakas sa daddy nito and kung ano talaga ang nangyari kanina. Napatingin siya sa kasama nitong lalaki and doon niya lang natantong kuya pala ito ni Georgette.
Doon lang din yata naalala ng mommy ni Z na may kasama si Georgette. "W-williard." Bati ng mommy ni Z dito, napatango lang iyong Williard at ngumiti ng unti. "P-papaano ka pala nakapunta dito, anak? Sabi ng daddy mo paalis na daw kayo?" Baling ulit ni mommy ni Z kay Georgette.
Napatingin si Georgette sa kuya niya and ngumiti, "Tinulungan po ako ni kuya, Tita. Tinurukan po ako ng pampatulog ni daddy kaya hindi ko na po alam iyong nangyari.. Buti po at nagising ako at binawi po ako ni kuya bago pa tuluyang umalis yung eroplano.." Sagot nito.
Napabaling ulit kay Williard ang mommy ni Z, at nagpasalamat dito. Napatango lang ito at nagpaalam na babalikan na lamang si Georgette kung magpapasundo na.
Maya-maya lamang ay bumukas na ang pinto at may tumutulak na nang stretcher kung saan nakahiga si Zaber. Sumunod na din silang lahat at hinatid ito sa private room nito. Si Henry ay nakataas noo pa din at ni hindi tinapunan ng tingin si Georgette. Nung nasigurado na nilang maayos na ang lahat ay napagdesisyonan na din nilang umuwi na at babalik na lang ulit pagkabukas. Maiiwan naman doon si Georgette at ang mommy ni Z.
Ilang beses nilang sinabihan si Georgette na magpahinga na lang din muna, lalo na't buntis ito pero mariin itong tumanggi. Mas gusto nitong bantayan si Zaber. Tinawagan na lang nito si Williard para magpahatid ng damit at iba pang mga gamit na kailangan nito.
Nasa byahe na sila nung nakaramdam siya ng pagkaantok, magmamadaling aaraw na pala, at hindi niya namalayang nakatulog na siya ng tuluyan.
Mag uumaga na ng nagising siya at nagulat na parang ang tigas at ang init ng unan niya. Pagkamulat niya ay nagulat siya ng nabungaran ang gwapong mukha ng natutulog na Mikael. Doon niya na lang napansin na hindi niya pala kwarto at kama yon. Hindi na pala siya nakauwi sa bahay nila.
Napatingin siya dito at kita niyang tulog na tulog pa din talaga ito. Tiningnan niya ang damit niya at napalitan na pala iyon ng malaking T-shirt ni Mikael. Napabaling ulit siya kay Mikael pero himbing pa din talaga ito.
Tagal niyang napatitig dito at bumalik ulit sa kanya yong nangyari kagabi. She hopes everything will be fine na between Z and Georgette. Iba-iba talaga ang mga kwento ng mga tao. Lahat tayo may pagdadaanan talagang pag subok kaya dapat maging matatag talaga tayo at huwag susuko.
Napayakap siya ng mahigpit kay Mikael pero naririnig niya pang naghihilik ito kaya napagdesisyonan niyang magluto muna ng agahan.
Need niya ng magpractice. Hehe.
Ingat na ingat siya sa pag bangon para hindi niya ito magising. 8am ang pasok nila pagtingin niya sa oras ay mag 5:30 pa lamang kaya tamang tama lang din yon na makapag ayos sila after niyang magluto.
Diretso muna siya sa cr at pagkalabas niya ay agad niyang tinext ang mommy niya. At nakita niyang nag text na pala si Mikael dito kagabi. Tinext niya na din si Georgette at kinamusta, bago niya tiningnan ang laman ng ref ni Mikael para sa pwede niyang iprepare na pang breakfast.
Tapos na siya mag luto ng pritong itlog at bacon, magtoast ng tinapay, magsalang sa coffee maker, at inaantay na lang na maluto ang kanin, nang marinig niyang bumukas na iyong pinto ng kwarto ni Mikael.
"Babe?" Tawag nito sa kanya.
Napabaling siya sa direksiyon nito at binalik ulit ang tingin sa rice cooker. "Here. Breakfast is almost done. Wait na lang natin yong kanin, babe." Sagot niya dito.
Niyapos siya nito sa likod at agad siyang napaharap ulit dito para magbigay ng good morning kiss.
"Nagpapractice na ah. Ready na talaga maging Mrs. Edwards." Tudyo nito sa kanya sabay halik sa leeg niya. Natawa na lang siya sabay giya dito na umupo na sa four-seater dining table nito. "Natext ko na si mommy kagabi. Tulog na tulog ka kagabi na kahit nung kinakagat ko na yong nipple mo hindi ka pa din nagigising."
"Manyak!" Asik niya dito pero natawa na lang ng tumawa ito ng malakas. Chineck niya na ang kanin at nakitang luto na iyon. "Tinext ko pala si Georgette, babe, pacheck nga muna baka nagreply na."
Agad din siyang sinunod ni Mikael, at napailing. "Baka tulog pa. Puntahan na lang natin mamaya sa hospital pagka lunch break."
Tumango na lang siya at nilagay na ang kanin sa mesa.