Kakapasok lang nila sa clubhouse ni Mikael at agad niyang natanaw ang mga kasama nilang nakaupo sa dalawang mesang pinagtabi. Tanaw ang beach sa pwesto nila kaya mas lalong naging maganda ang ambience doon.
Binati nila ang mga ibang kasama nila, pagbaling niya kay Sasha ay nginitian niya ito ng sobrang tamis. Nawala tuloy ang ngisi nito at napalitan ng simangot.
Hahaha. Wala lang. Masaya siya ngayon eh bakit ba?
Wala na din siyang pakialam kahit nakasuot lang ito ng bikini at wala ng cover-up kahit iyong see-through na dress man lang. Well, whatever. Siya din naman ay nakasuot na ng bikini niya pero pinatungan niya ito ng hanging blouse at ang board shorts ni ate Mikaella.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang natanaw niya si ate Mikaella na papasok sa clubhouse. May kasama itong isang babae at isang lalaki, magsiyota yata iyong dalawa. Parang awkward yata ang tagpo nila kasi parang OP si ate tapos iba ang ekspresiyon nito.
"Ate's here, babe!" Sabi niya kay Mikael na nakayuko at naghihimay ng crabs para sa kanya.
Napabaling si Mikael sa kung saan siya nakatingin. Kita niya kung paano lumaki ang mga mata nito. "Why is he here?"
"Who?" Nakakunot ang noong tanong niya.
"Si Luis."
"The Luis?" Tanong niya ulit dito. Tumango ito at kinawayan si ate. Napatingin naman siya kay Luis. Hawak nito ang kamay noong isang babaeng kasama nina ate.
Well, he looks okay. At first glance, iisipin ng ibang regular na empleyado lang ito. But no, he's a general doctor. Moreno ito na parang si Richard Gomez noong kabataan nito ang kahawig ni Luis.
Agad nagtawag si Z ng waiter para madagdagan ang mesa at mga pinggan nila.
Pinakilala silang lahat ni ate sa mga kasama nito at noong sa kanya ay sister-in-law na daw siya nito. Natatawang inabot ni Luis ang kamay niya at ganoon din si Marilou, iyong babaeng kasama nila. Girlfriend nga iyon ni Luis. Napansin niyang mahiyain at mahinhin si Marilou at morena beauty din ito. Ibang iba kay ate Mikaella.
Nagsimula na ulit silang kumain noong nakapwesto na sina ate at hindi niya mapigilang hindi pagmasdan sina ate. Kitang kita niya kung paano ito malungkot na napapatulala kina Luis at Marilou habang malambing na pinagsisilbihan ni Luis ang girlfriend nito.
Third wheel si ate. At unrequited love pa yata. Tsk.
Pagkatapos nilang kumain ay agad na silang pumunta sa pool area. Umuwi na si Luis at si Marilou at si ate Mikaella naman ay nagpaalaam na magpapahinga na sa kwarto nila ni Mikael.
Nakaupo siya sa lounger, katabi niya si Georgette. Pinagbawalan siya ni Mikael na maunang magswimming, aantayin niya daw ito. Nasa clubhouse pa kasi ito at si Z at nag-oorder ng maiinum nila. Iyong iba naman ay nagsimula ng magswimming pagkatapos magshower ng mga ito.
Nalaglag ang panga niya ng natanaw si Sasha sa kabilang gilid ng pool. Dumaan pa talaga ito sa harap ng table ng mga foreigners kanina bago ito umupo sa gilid ng pool na malapit lang din sa table ng mga foreigners. Malayo iyon sa ibang mga kasama nila at sa ibang taong lumalangoy din sa pool. Malalim na parte kasi doon.
Tangina lang! Halatang halata ang paglalandi nito. And she doesn't mind kahit naka skimpy bikini ito. Na isang hila lang ay mahuhubad talaga lahat! Grabe!
Narinig niyang napaismid si Georgette sa tabi niya. "Ang landi talaga! Sarap sabunutan! Best actress pa kanina!!" Gigil na gigil na sabi ni Georgette.
"Hayaan mo siya." Sabi niya dito. "Pero once na lalandiin na naman niya si Mikael baka hindi na ko makapagpigil!"
"Dapat lang girl! Kung si Z siguro nilandi niya nakuuuu! Kanina pa iyan may black eye! I so hate girls like that!" Sabi nito. "Mga bitches ko, yeah, they're somewhat like that, pero hindi nila nilalandi ang mga lalaking taken na!"
"Kumusta na pala sila?" Tanong niya. Yeah. Ayaw niya din sa mga bitches nito pero she knows mababait naman na mga friends ito kay Georgette.
"They're fine, I guess. Hindi na kami masyadong nagkikita. Busy na din kasi ako kay Z." Sabi nito. "Sa'yo nga din hindi na tayo makapagbonding na tayo lang talaga. Unlike before. I miss those days." Sabi nito.
"Kaya nga. Let's set up a date na tayo lang! Marami ka pa yatang hindi kinekwento sa kin." Sabi niya ditong nakangisi.
Humagikgik ito. "Sasabihin ko naman sa'yo! Basta!" Sabi nito at nagzipper pa ng bibig.
Napailing lang siyang tumatawa dito. Natanaw na niya ang boyfriend niya at si Z na palapit kaya agad niyang kinawayan ang mga ito. Pero napabaling siya sa gilid ng narinig na naman niya ang matinis na tili ni Sasha.
"Help! Help!" Sigaw nito. Nasa gitna ito ng pool.
Napatayo sila ni Georgette. Shet! Nalulunod ang loka! Tatalon na sana ang mga foreigner na malapit dito para tulungan ito pero nagulat siya ng may isang tumalon sa gilid nila.
Hindi niya tiningnan iyon at nanatiling nakatuon ang pansin niya kay Sasha na tuluyang nalunod na yata. Nang biglang may lalaking palapit dito na lumalangoy ng mabilis at agad inangat si Sasha.
Fck! Si Mikael!
Kumirot ang dibdib niya pero hinayaan niya lang iyon habang nilalangoy ni Mikael ang distansiya sa gilid ng pool at hawak hawak nito si Sasha.
Agad nitong inangat ang katawan ni Sasha at hinila ito nina Z at Kurt. Pinaangat din ni Mikael ang katawan niya at agad umupo sa tabi ni Sasha.
"Sasha!" Sabi ni Kurt sabay tapik sa mukha ni Sasha.
Lumapit sila ni Georgette sa mga ito at agad ding nagsidatingan ang ibang mga tao.
"She's not breathing! She needs CPR!" sabi ni Z.
Fck! Don't tell me!
Nagulat siya ng si Mikael na ang gumawa niyon. Napahugot siya ng hininga ng dinampi ni Mikael ang mga labi nito sa labi ni Sasha.
Hindi siya makahinga! Fck! She knows its an emergency pero pwede namang ang iba na lang gumawa niyan diba?!
Ang sakit! Pota!
"M-mikael!" Tawag niya dito pero hindi ito sumasagot. "Mikael!!!" Malakas ng tawag niya dito. Napatingin tuloy ang lahat ng tao sa kanila.
"What!!!" Angil ni Mikael na parang nainis sa pagtawag niya dito. Pinapump na nito ang dibdib ni Sasha na lumilis na ang bikini top.
Napatalon siya, "P-pwede namang iyong iba na lang ang gagawa niyan diba?"
"Ano?!! Magseselos ka pa? Its an emergency! Dammit!!?" Sigaw nito at inulit ang pagbigay nito ng hangin kay Sasha.
Napaluha siya at ramdam niya ang paghawak ni Georgette sa braso niya. Pero hindi niya ito tiningnan nakatuon pa din ang pansin niya kina Mikael at Sasha.
Mayamaya lang ay umubo na si Sasha. May tubig na lumabas sa bibig nito.
Fck! Alam niyang hindi niya kailangan magselos pero damn! Hindi niya mapigilan ang kirot ng puso niya! Kasama pa ang pag sigaw ni Mikael sa kanya!
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Mikael kay Sasha pagkatapos nitong umubo, umiiyak naman itong yumakap kay Mikael.
"T-thank you! Akala ko mamamatay na ako!" Sabi naman nito.
"Dalhin na natin siya sa kwarto niya." Sabi ni Z.
Nagulat siya ng binuhat ito ni Mikael, nangunyapit din si Sasha sa leeg ni Mikael.
"Stop being irrational. I-set aside mo muna ang selos mo. It was an emergency." Malamig na sabi nito sa kanya at agad nagsimulang maglakad habang buhat buhat si Sasha.
Narinig niyang nag bulungan ang mga tao sa paligid nila kaya agad siyang tumalikod at tumakbo palayo sa pool area.
"Chloe!" Sigaw ni Georgette.
Nakarating siya sa beach at agad nagtago sa madilim na parte niyon. Nakasunod pala si Georgette sa kanya. At agad itong tumabi sa kanya at niyakap siya. Napahikbi na siya ng sobra.
"He's right! Napaka-irrational ko!" Sabi niya dito.
"No, no.." sabi lang nito sa kanya habang hinahaplos ang likod niya.
Hinayaan siya nitong umiyak. Mga ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin matigil ang pagluha niya.
Ang sakit eh. She couldn't contain her emotions!
"Pagpasensyahan mo na lang muna si Mikael.. Baka nataranta lang kaya ganoon." Sabi ni Georgette.
"H-hindi niya man lang inisip ang nararamdaman ko...." Sabi niya kay Georgette. "Masakit, Georgette. Nasasaktan ako.. Nagselos ako.. kahit alam kong emergency lang... Why am I like this? Habang tinitingnan ko sila ni Sasha.. pumapasok sa isip ko na maagaw sa akin si Mikael.. I'm so fcking possessive.. ang damot ko.. ang damot damot ko..." sabi niya dito.
"No... no..." Alo naman ni Georgette sa kanya. "You love him too much. Kaya ganoon.. and I know he loves you too... pagpasensyahan mo na lang muna si Mikael.. maiisip niya din ang nangyari kanina.. ang ginawa niya.."
"I... I'm so immature..." sisi niya ulit sa sarili niya.
Napahugot ng hininga si Georgette at pinagpatuloy lang ang paghaplos sa likod niya. Mayamaya lang ay may narinig na silang mga yapak na palapit sa kanila.
"Chloe."
It was Mikael. Ang lamig ng boses nito.
"Hayaan mo na muna kami dito, Mikael." Sabi ni Georgette.
Narining niyang napabuga ng hangin si Mikael. "I'm sorry, I shouted at you. Nagpanic ako. I'm sorry."
Hindi niya sinagot ito at nanatiling nakatago ang mukha niya sa balikat ni Georgette. Nahihiya siya sa inakto niya. Tama ito napakairrational niya kanina.
"Chloe." Tawag ulit nito.
"Georgie.." si Z iyon. Kasama pala ito ni Mikael. "Let's go. Hayaan mo na muna sila."
"B-but, Zabie.."
"Sige na.. c'mon.." sabi nito na nakalapit na sa kanila at napabitaw si Georgette sa pagyakap sa kanya.
Gusto niyang umalma na huwag siya nitong iwan pero hinila na ito ni Z palayo sa kanya.
Niyakap niya ang dalawang tuhod niya at tumingin sa dagat. Kahit paano kumakalma ang nararamdaman niya sa tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan. Pero nananatiling kumikirot ang puso niya habang naiisip niya ang nangyari kani-kanina lang.
Naramadaman niyang tumabi si Mikael sa kanya at umupo sa inuupuan ni Georgette kanina. "Babe.."
Napabuntong hininga muna siya. "Its okay, Mikael." Sabi niya dito himala at hindi gumaralgal ang boses niya.
"I'm sorry.. nagpanic lang ako.. hindi ko man lang inisip ang mararamadaman mo.. Emergency kasi, babe.." sabi nitong hinawakan ang isang kamay niyang nakayakap sa tuhod niya.
Hindi niya pa din ito nililingon at hindi siya sumagot sa sinabi nito. "Babe.." masuyong sinabi nito.
"Mikael... baka... baka.. masasakal kita sa relasyon natin kung patuloy akong ganito." Sabi niya dito. Nakita niya sa gilid ng mata niya na umiiling iling ito. "You're right... I'm being irrational back there.. but you can't blame me.. I was jealous as fck noong nakipaglapit ka sa kanya.. then.. nagfiflirt pa din siya sa'yo kahit nagkaayos na tayo.. you know..." napahikbi na siya damn.
Niyakap siya nito at hindi siya pumiglas. "Babe.."
"You know.. I think this attitude of mine is not healthy para sa isang relasyon.." sabi niya dito. "Baka mag-away lang tayo parati kung patuloy akong ganito... I want the old me back.. iyong katulad noong highschool.. na kayang itago ang nararamdaman sa'yo... ang kahit gaano na akong kinikilig sa'yo ay nakakaya kong baliwalain at iparamdam iyong pagmamahal ko sa'yo sa ibang paraan.."
Napabuga ito ng hangin.
"M-mikael.. maghiwalay na muna tayo.." sabi niya dito.
"What?!" Sabi nito.
Napatawa siya ng mapakla. "I think I still need to grow. Ang bilis nating nagkabalikan.. everything between us happened in just a snap.. pabigla bigla lang lahat.. and I don't think this is still me anymore... I want the old Chloe back... and I don't think I'm the right one for you right now.."
"Babe! You're the right one for me! I'm sorry! I was being irrational too! Hindi kita inisip kanina. Nagpanic ako! Pareho lang tayo nagbago din ako! But I still want the old you and the new you, just the same! I love everything about you! Please! Huwag naman ganito!" Sabi nito sa kanyang hinarap siya dito.
"No.. no.. I think this is for the best..." sabi niyang napangiti ng mapait dito habang tinitingnan ito sa mga mata. "Paano.. paano kung may iba pa talaga na para sa tin.. Ayoko matulad tayo kina mommy. Na after ng ilang taon na pagiging mag-asawa doon pa lang narealize ang lahat.."
Nanghihinang pinakawalan siya nito. "So, that's it.. si Mike ba?" Mapait nitong sinabi.
Ngumit siya. "No. I will never see Mike in a romantic way. Never.. ikaw? Malay mo si Sasha hindi ba?" Sabi niya ditong napahagikhik pa. "B-bagay kayo." Sabi niyang kumikirot ang puso niya.
"Shut up." Galit na sabi nito.
Napatingin siya dito. Galit ang ekspresiyon nito na nakatoon ang tingin sa dagat at kumukuyom ang kamao nito.
"I'm gonna miss you.. again.." Sabi niya at napabuntong hininga muna bago tumayo. "But I think its for the best." Bago siya nagsimulang lumakad palayo.
Hindi na siya nito hinabol.