Pero napatigil siya sa paglalakad ng hinila nito ang kamay niya. Agad pumalibot ang mga kamay nito sa baywang niya at niyakap siya patalikod. "Don't.. leave.. me.. Marami pang ibang paraan, babe... Huwag ganito.. Maaayos pa natin ito.." sabi nitong gumaralgal ang boses.
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Ramdam kong iiwan mo na talaga ako.. I don't want to go through that pain again. Hindi ko kaya.. Iyong iniwan mo ko 3 years ago.. At iyong sumuko ka na sa pagsuyo sa akin.. Babe.. Hindi ko kaya kong mauulit na naman iyon.." sabi nito.
Napatingin lang siya sa kawalan. Hinawakan niya ang braso nito at pilit na tinatanggal ang mga braso nito sa baywang niya. "Let's contemplate our feelings first Mikael.. Nasasaktan na tayo.. Paano kung magaya tayo kina mommy..."
Pinaharap siya nito at agad hinawakan ang mukha niya ng dalawang kamay nito. Namamalisbis ang mga luha sa mga mata ni Mikael at nahabag ang damdamin niya. "H-hindi mo na ba ako mahal? Just because of what happened a while ago. Hindi mo na ba ako kayang patawarin? Iiwan mo na ako? Alam kong naging insensitive ako.. It was my first time seeing someone drown.. Babe.. Kahit sino pa iyon ay tutulungan ko iyon! I don't give a damn about Sasha babe! Ikaw lang ang mahal ko! Ikaw lang ang gusto ko!"
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Napaisip siya.
"Patawarin mo na ako babe. Hindi na.. h-indi na mauulit.. please. Hindi ko kayang mawala ka ulit... and I will never be like your dad.. hindi kita hahayaang maagaw ng iba.. at kahit lolokohin mo pa ako.. I won't let go!" Sabi nito sa kanya.
Napailing siya dito. "Mikael.."
"Please... nagmamakaawa ako.. hindi ko kaya.." sabi nitong napayakap sa kanya. Ramdam niyang bumasa na ang balikat niya sa mga luha nito. "Please... we can do this... Trial lang to babe... Please.. Don't just decide, hastily. Please.."
Hindi pa rin siya sumagot. Sa totoo lang ay nakapagdesisyon na talaga siya kanina. But hearing Mikael say those words ay nagpapabago na sa isip niya. Pero.. sobrang nasaktan talaga siya sa nangyari kanina. At bumalik ulit ang takot na nararamdaman niya dati.
Inangat nito ang tingin nito sa kanya. Napatingin din siya dito. Bakas sa mukha nito ang takot. Takot na baka tuluyan na nga siyang mawala dito.
"Ba-"
Pinutol niya ang sasabihin sana nito at hinalikan ito sa labi.
Fck this sht! She loves Mikael! She really loves him! Bahala na!
Hinawakan nito ang batok niya at ang isa naman ay pumalibot sa baywang niya. Ramdam niya ang panginginig ng kamay nito. Nanginginig din ang mga labi nito nang tumugon ito sa halik niya. Pinalibot niya ang braso niya sa leeg ni Mikael.
Mayamaya lang ay bumaba na ang kamay nito sa pwetan niya at agad siyang inangat. Pinalibot niya din ang mga binti niya sa baywang nito at hindi pa rin sila tumigil sa paghahalikan. Maingat itong umupo sa buhangin, paharap sa dagat at pinaupo din siya sa kandungan nito. Patuloy silang naghahalikan bago nito binaba ang halik nito sa leeg niya. Binalik nito ang mga labi nito sa mga labi niya, tapos ay ginawaran nito ng halik ang mga mata niya, at ang ilong niya. Bago nito hinawakan ang mukha niya ng dalawang palad nito.
"Babe.. look at me.." anas ni Mikael.
Minulat niya ang mga mata niya at nagtinginan sila ng mata sa mata. Pulang pula pa din ang mga mata nito pero bakas doon ang pagmamahal nito sa kanya.
"I love you so much." Anas nito. "Don't leave me. Again. Hindi ko kaya.."
Napakagat labi siya ng namasa na naman ang mga mata nito. Damn!
Paano niya naisip na makakaya niyang mabuhay ulit na walang Mikael Edwards na bumubuo ng mundo niya? Paano niya naisip na kaya niyang kalimutan ito?
She can't!
Baka kung hindi siya nito pinigilan ay baka hahabulin niya lang ulit ito. She loves him too much. And she can clearly see it in his eyes na mahal din siya nito. Tuluyan ng nawala ang takot niya sa hinaharap. She loves Mikael so damn much.
"M-mahal na mahal din kita.. I'm sorry sa lahat ng sinabi ko kanina.. I'm sorry for thinking that breaking up with you is the best thing for us. I'm sorry for giving up in that instant. I'm sorry for being jealous of Sasha.." Sabi niya ditong napahikbi na.
Umiling ito, tumulo na ang luha nito. "Please. Tanggalin mo na sa pag-iisip mo ang break up. You don't know what I've gone through noong hinayaan kitang mawala sa buhay ko.. I've regretted that I've let you go without even fighting for my love for you... I was a coward.. and naging coward din ako noong pinili kong panindigan ang desisyon kong maging bakla na lang.. I've hurt you.. and sinaktan na naman kita ulit ngayon.. pero..." humikbi ito.
Nahabag siya lalo pagkarinig niya sa hikbi ni Mikael. Damn!
"Pero hindi ko talaga kayang mawala ka ulit.. iisipin ko pa lang na may iba ka na.. Na hindi mo na ako mamahalin.. Na kakalimutan mo na ako.. Parang mamamatay na ako... ang sakit isipin.. Please.. Huwag mo na ulitin.. Huwag na huwag mo ng ulitin.." Mahabang litanya nito sa kanya.
Tumango siya at niyakap ulit ito ng mahigpit. "I'm sorry... I'm a coward too.. hanggang ngayon.. I'm really sorry.."
"Shhh.. Kung magkasama naman tayo malalampasan din natin to.. at please. Huwag kang matakot.. Hindi tayo tutulad sa parents mo.. We can get through this.. I want let you out of my sight para hindi mo maisipang magloko... Sabi mo kanina baka masasakal mo ko? No, babe... Ako yata iyon.. But please.. Do understand na mahal lang talaga kita.. Mahal na mahal kita.." sabi nito sa kanya.
"Mahal na mahal din kita.. sobra.." sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagyakap dito.
Tama si Mikael.. Kakayanin nila to..
There's no such thing as a perfect relationship. Love, affection, trust, faith and understanding. Iyon ang importante sa lahat para malampasan nila ito.
She knows kaya nila to. After all the trials that they've experiened throughout their relationship. Alam niyang marami pa ang mangyayari and dadating sa buhay nila. But as long as they're together. She knows they can pass all those trials.. and they'll be together until eternity..
Pabalik na sila ni Mikael sa pool area kung nasaan ang mga kasama nila. Magkahawak kamay sila. Marami pa ding tao sa pool area and halos lahat sa mga ito ay nakatingin sa kanila. Bakas siguro sa mga mukha nila na galing sila sa pag-iyak. And siguro iyong iba ay naroon na kanina noong nalunod si Sasha.
"Chloe!!!" Agad na tawag sa kanya ni Georgette. Napangiti agad ito noong nakitang magkahawak kamay sila ni Mikael na naglalakad papunta sa mga ito.
"Hey." Sabi niya at tiningnan niya ang mga ito isa-isa. Nandoon din si Sasha at nakakagat labi ito. Nginitian niya din ito at nahihiyang ngumiti din ito pabalik sa kanya.
Binigyan sila ng espasyo ng mga ito sa gilid ni Georgette at agad silang umupo doon. Hindi pa rin binibitawan ni Mikael ang kamay niya.
"Chloe.." Biglang tawag sa kanya ni Sasha. Napabaling siya sa direksiyon nito. "I'm sorry.. I'm sorry sa ginawa ko sa inyo ni Mikael.. I've realized my mistake noong muntik na akong malunod sa sobrang kalandian ko.."
"Buti alam mo!" Sabi ni Georgette.
Tumawa lang si Sasha at hindi pinansin ang sinabi nito. "Aarte lang sana ako na nalulunod ako.. I didn't know malalim pala doon. Muntik na tuloy akong matuluyan.." Napahinga ito ng malalim. "I'm really sorry."
"Wala na iyon. Ang importante ay okay ka. I'm sorry din." Iyon lang ang sinabi niya.
May gusto pa sana siyang idagdag pero tumahimik na lang siya.
"Woooohooo! Tama na ang drama! Nandito tayo para magpartteeyy!!" Masayang sabi ni Allen at agad sila nitong binigyan ng maiinum. Nag-ingay na din ang ibang mga kasama nila.
Napangiti siya habang inaabot iyong beer na nilahad ni Allen sa kanya at agad na tinungga iyon.
Biglang pumalibot ang kamay ni Mikael sa baywang niya at bumulong ito sa kanya. "I love you."
"I love you more." Bulong niya rin dito pabalik.
Tapos na ang problema nila kay Sasha..
May isang tao pa silang kailangang harapin..
Si Mike..