Its almost 5:30 in the afternoon noong nakarating sila sa Manila. Kanina pa siya kinakabahan. 8 o'clock kasi iyong pinagplanuhan ni Mikael na oras ng dinner nila kasama ang pamilya nito. Inihatid muna nila sina Georgette at Z sa school kung saan iniwan ni Z ang sasakyan nito. Sina Kurt naman ay naiwan na din sa school nila. Si ate Mikaella naman ay dumiretso na sa mansion nila. Ngayon ay papunta na sila sa bahay ng tito Rey at ng mommy niya.
Sinabihan siya ni Mikael na anyayahan din niya sina tito at mommy niya sa dinner pero tumanggi siya. Mas gusto niyang siya na muna para makapag-usap sila ng maayos ng pamilya ni Mikael.
Medyo nawawala naman ng unti iyong kabang naramdaman niya dati noong bago niya pa nakausap si ate Mikaella. Atleast nalaman niyang hindi galit si ate sa kanya. Pero mas kinakatakutan niya ang mommy ni Mikael. Baka mas naapektuhan ito noong naghiwalay sila ni Mikael. Knowing na naging close sila agad nito dati and umalis lang siya ng walang paalam dito.
Kanina pa siya napapatulala habang iniisip kung ano ang gagawin niyang pagbati mamaya sa mommy nito. Kaya napatalon siya sa inuupuan niya noong inabot ni Mikael ang kamay niyang nakadantay sa hita niya. Hindi niya napansin na huminto na pala ang sasakyan nila dahil sa traffic.
"Babe?" Sabi nito. Napabaling siya dito. Nakakunot ang noo nito. "What's wrong?"
Napabuga siya ng hangin sa ilong. "Kinakabahan ako mamaya." Pag amin niya dito.
Tumawa si Mikael, "Bakit?"
"Eehhh! Baka galit sina mommy.." Sabi niya dito.
"Medyo." Sabi nitong ngumisi. Napapout tuloy siya. "Pero wala na iyon. I'm sure kinwento na ni ate Mikaella kay mommy na nagkabalikan na tayo. And alam na nilang ikaw iyong reason kaya ako nagset ng dinner ngayon. Huwag mo na isipin. Mommy adores you, remember?"
"Talaga? Eh... paano kung galit pa din?" Tanong niyang hindi pa din kumbinsido.
"Then, use your charm!" Sabi naman ni Mikael.
"Charm? I don't have one!" Sabi niya dito.
"Anong wala? I got so whipped because of your charm, babe! Hindi mo pala kilala ang sarili mo?" Tanong nitong tumatawa. "Just be yourself babe!"
Napapout ulit siya. Natawa lang ito at nagconcentrate na naman sa pagdadrive noong gumalaw na ang traffic.
Nakarating sila sa bahay nila ng 6:30, bumaba din si Mikael para doon na magbihis ng damit nito. Agad silang sinalubong ng mommy niya. Hindi pa siguro nakauwi ang tito Rey niya.
"Hello mga anak! Kumusta ang outing?" Bungad agad ng mommy niya pagkapasok nila sa loob.
Botong boto talaga kay Mikael.
Natawa si Mikael ang saya ng loko, kaya siya na lang ang sumagot. "Okay lang mommy. Ang ganda nung pinuntahan naming resort. We should go there together with tito Rey."
Ngumiti ang mommy niya, "Pwede. Siguro after kong manganak."
Natigilan siya. Napahawak siya sa bibig niya. "W-what?" Mahina niyang sinabi.
Napahagikhik pa ang mommy niya bago tumango.
"Oh, my ghaaaad!" Napatalon na siya at agad niyakap ang mommy niya.
"Congratulations, mom!" Hayag naman ni Mikael.
"Thank you, nak." Tugon naman ng mommy niya.
38 na ang mommy niya! Sabi nila ay mahirap ng magbuntis ang ganoong edad. Pero nakabuo pa din ang mommy niya at si tito Rey. She hopes mailuwa ng mommy niya ang baby brother or sister niya ng maayos.
"2 months." Sabi ng mom niya noong tinanong niya kung ilang buwan na ang baby.
"Oh, my! I'm so happy mommy! My wish came true! Malungkot kaya ang mag-isa lang!" Sabi niya sabay hawak sa tiyan ng mommy niya. "Hi, baby! I'm your ate!" Kausap niya dito.
Ang ganda ng feeling na may tatawag ng ate sa kanya.
"Dapat huwag ka ng magpapagod mom! And you should do some walking exercises! Iyon lang! Oh, my! I'm so excited to be called as ate!" Masaya niyang sinabi sabay salikop ng mga kamay niya.
Tumawa lang ang mommy niya sa sinabi niya.
Bigla ay tumunog ang cellphone ni Mikael kaya agad nitong hinugot iyon sa bulsa nito.
"Its mommy. I'll just get this." Paalam nito sa kanila ng mom niya at agad dumiretso palabas ng pinto.
"Oh, my! May dinner pala kami ngayon, mommy with Mikael's family!" Sabi niya sa mom niya. "Bukas na lang po tayo magcelebrate with tito Rey is it okay?"
"Of course, baby! Dinner with the in-laws!" Sabi nito na ikina pout niya.
"Mom! Ate na po!" Reklamo niya dito.
"Sige. Baby ate na lang." Malokong sabi ng mom niya na lalong ikinapout niya.
Nag-usap pa sila ng mom niya at noong bumalik na si Mikael sa loob ng bahay nila ay agad na silang nagpaalam sa mom niya na mag-aayos na sila ni Mikael para sa dinner. May dala itong isang malaking box. And take note sa kwarto niya talaga sila magbibihis ha? Ang mom niya pa nga ang nag insist na sa kwarto niya na din magbihis si Mikael, wala daw problema kasi may tiwala siya.
Woah there! Medyo modernized na ang mommy niya ano?
Naligo muna siya at naiwan si Mikael sa loob ng kwarto niya. Maliligo din daw ito pagkatapos niya.
Pagkapasok niya sa kwarto niya ay nagulat siya noong may spaghetti strapped na knee-length dress at black stilletos na nasa taas ng kama niya katabi ng isusuot ni Mikael na formal coat, black pants at dark blue v-neck shirt. Dark blue din ang color ng dress na may mga gemstones sa right part na nakaform na parang rose.
"Is this mine?" Tanong niya dito.
Tumango ito. "You like it?"
"Yes!" Sabi niya dito. "Are you sure you got my size? Baka hindi magkasya!" Kinuha niya ang dress at nilapat sa katawan niya.
Kasya nga yata.
"Kasya yan.." sabi nitong nakangisi tapos napablush siya ng hinawakan nito ang dibdib nito na parang pinapakita ang size ng dibdib niya.
Hinampas niya ito ng damit na hawak niya at natatawa lang itong niyakap siya sa baywang at nilapit siya sa katawan nito.
"Pahiram ng towel." Sabi nito bago siya hinalikan sa noo.
"Bitawan mo muna ako para makakuha na ako ng towel mo!" Sabi niya dito pero mas lalo nitong hinigpitan ang pagkayakap sa kanya at hinalikan siya sa leeg.
"Bango.... I can't wait to brand you completely mine, babe." Masuyong sabi nito na mas lalong nagpapula ng mukha niya.
Napakagat labi siya at hinawakan din ang mukha nito at hinalikan ito sa labi. "W-we can do it, now.."
Tumawa ito, "No, babe. Sa honeymoon na.. and andiyan si mommy sa labas.. Ayoko masira ang trust ni mommy. Once we got married, wala ka ng kawala.. We'll do it 5x a day.."
"5 lang?!" Agad niyang sinabi. Agad siyang pinamulahan ng mukha sa sinabi niya pati na yata buong katawan niya at mas lalo na noong tumawa ng sobrang lakas si Mikael.
Damn, Chloe!
"Damn, babe! Sakit ng tiyan ko." Sabi nitong nabitawan na siya at napahawak na sa tiyan.
"Maligo ka na nga!!" Inis na sabi niya dito para maitago lang ang pagkapahiya niya.
Hindi pa rin tumitigil si Mikael sa pagtawa. "You'll be the death of me! Promise!"
"Ewan ko sa'yo!" Sabi niyang agad tumalikod dito para kumuha ng tuwalya nito sa cabinet niya.
Natatawa pa din itong yumakap sa likod niya at hinalikan siya sa batok. "Don't worry, babe. Kakayanin ko hanggang 10 rounds." Sabi nitong mas lalo pang tumawa.
"Tse! Maligo ka na!" Inis niya pa ding sinabi dito at agad binigay ang tuwalya dito.
"I love you so damn much, pikon." Sabi nitong hinalikan siya sa labi, natatawa pa din ang boses nito.
Sinimangutan niya pa din ito pero nanatili ang ngiti nito sa labi nito. Napabuga ito ng hangin. "Hay! Maligo na nga ako! Baka hindi na ako makapagpigil." Sabi nitong kinuha ang shirt at boxers at agad tumalikod.
Tiningnan niya ang likod nito hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng kwarto niya para maligo.
Napangiti siya at napakagat labi. Fck! Mahal na mahal niya talaga si Mikael kahit mahilig itong pikunin siya.
After 15 minutes ay natapos na ding maligo si Mikael at siya naman ay kakatapos lang din isuot ang damit na binigay nito. Nakaharap siya sa life sized mirror niya. Tamang tama nga sa kanya ang damit. And she looks classy with the dress. Simple lang ang tabas niyon pero halatang mamahalin pagkatapos niyang isuot.
Agad siyang nilapitan ni Mikael na nakasuot na ng v-neck shirt at boxers. Niyakap siya nito sa likod at dinantay ang baba sa leeg niya. Tumingin din ito sa repleksyion niya sa mirror.
Agad nanuot ang fresh na bango nito sa ilong niya. Damn! Nakakahorny talaga ang lalaking ito!
"Beautiful.. and mine.. Do you like the dress?" Tanong nito sa kanya.
Tumango siya dito. "Thank you!"
"You're welcome." Sabi nito at ginawaran muna siya ng halik sa leeg bago siya nito pinakawalan at agad tumalikod paharap sa kama niya kung nasaan ang damit nito. "Bihis na ako. Tapos lets take a picture. Gawin kong wallpaper sa phone."
Napatingin siya sa likod nito. Kinikilig siya! Paking shet lang!
Sino ba ang hindi maiinlove sa boyfriend mo kung ganito siya kasweet katulad kay Mikael?
Tumalima din siya para mag apply ng light make-up sa mukha. Para magadang maganda siya sa kuha nila. Na excite tuloy siya at nawala kahit paano ang kaba niya sa paghaharap nila ng mommy ni Mikael mamaya.