Nakatapos na ang lahat kumain ay hindi na ulit bumalik sa loob sina Mikael at Sasha. Hindi na rin niya nagalaw ang pinggan niya kahit anong pilit sa kanya ni Georgette. Napatulala na lang siya habang nakadungaw sa kamay niya na nasa hita niya. Iniiwasan niya na ding isipin ang maaaring ginagawa ng mga ito sa labas.
Nasasaktan siya.
Pagkatapos magbayad ni Z ng lahat ng inorder nila at pagkatapos nilang mag cr ay agad na silang dumiretso palabas sa restaurant. Hinawakan siya ni Georgette sa braso.
Mabagal siyang naglakad habang akay akay siya ni Georgette. Dapat ihanda niya ang sarili niya sa posibleng maabutang eksena sa labas ng restaurant.
Pagkalabas nila ay agad nilang nakita sina Mikael at Sasha na masayang nag uusap. Nakaupo si Sasha sa hood ng sasakyan, habang si Mikael naman ay naka sandal din sa hood sa gilid nito. Mayamaya lang ay tumatawa na ang mga ito.
Napahugot siya ng hininga ng inabot ni Sasha si Mikael at pinasandal ito sa harap nito. At inikot din nito ang mga braso sa leeg ni Mikael. Napangisi ng nakakaloko si Sasha nang nakitang napamaang siya sa mga ito. Habang si Mikael ay naka poker face lang na nakatingin sa direksyon nila.
Napatikhim ang ibang mga kagrupo nila pero hindi na nagsalita at dumiretso na lang sa sasakyan ni Kurt.
Narining niyang napamura si Georgette at akmang susugod sana sa mga ito pero hinawakan ito ni Z sa braso.
"Nasasaktan si Chloe, Zabie!! Pagsasabihan ko ang haliparot na iyan!" Galit na hayag ni Georgette. Tinuturo pa si Sasha.
Narining niyang tumawa lang si Sasha ng nakakaloko.
"Don't interfere with them. Its not your business!" Mariin na sabi ni Z.
"But-" Sasagot pa sana si Georgette pero pinigilan niya na rin ito.
"Okay lang, girl. If ito ang gusto niya. Bahala na siya." Sabi niya. "Doon na ako kina Kurt sasakay." Pinal niyang sinabi.
"Chloe!!!" Angal ni Georgette.
"Good girl!" Sagot naman ni Sasha sa kanya at ngumiting tagumpay pa. Habang si Mikael ay nanatiling nakapoker face na tumingin sa kanya.
Tama na! Kung plano ni Mikael na pasakitan siya, so be it!
Dumaan siya sa mga ito at umiwas ng tingin. Nakasunod sa kanya si Georgette na bakas ang disgusto nito sa naging desisyon niya. Kinuha niya ang bag niya sa loob ng sasakyan ni Mikael at agad hinarap si Georgette.
"Don't worry about me. Kaya ko. Dito ka na kay Z. Ayokong mag-away kayo nang dahil sa'kin." Sabi niya dito bago niya ito hinalikan sa pisngi.
Nakita niyang namasa na ang mga mata ni Georgette habang nakatingin sa kanya. "You don't have to do this. Pwedeng tabi na ta-" dagdag pa sana nito pero ngumiti lang siyang umiiling dito.
Hindi na siya dumaan sa harap nina Mikael at sa likod na lamang para makapasok sa sasakyan ni Kurt.
"Dito na ako sasakay Kurt, pwede?" Sabi niya pagkatapos siyang pagbuksan ng pinto ni Beatrice.
Malungkot ang mga itong nakatingin sa kanya pero ngumiti siya ng tipid sa mga ito.
"Ofcourse. Pwedeng pwede." Sagot naman ni Kurt na ngumiti sa kanya.
"Thanks." At agad siyang umupo sa likurang parte ng sasakyan na kung saan ay mag-isa lang siya.
Hindi na niya sinulyapan ulit sina Mikael at Sasha sa labas. Bahala na. Rinig niyang nag-usap saglit si Kurt at Z bago nagsimulang umandar ang sasakyan nila.
Pinikit niya ang mga mata at napahawak siya sa sentido niya. Ang daming nangyari this week. One day she's happy, the next day she's in pain. Napapaisip tuloy siya kung mahal o minahal ba talaga siya ni Mikael. Kasi kung mahal siya nito dapat pinakinggan muna nito ang paliwanag niya. Dapat ay hindi siya nito sinasaktan.
Hindi niya namalayang napaluha na siya. Ang sakit. Ang sakit sakit. Pinigilan niya ang mapahikbi. Huwag naman sanang umabot sa oras na mawawala na ang pagmamahal niya kay Mikael sa ginagawa nito. Pero she doubt it. Sobrang mahal niya talaga ito. Ano ba ang kailangan niyang gawin para maayos pa sila ni Mikael? Susundin niya ba ang sinabi ni Z na palipasin lang ang galit ni Mikael? Or should she pursue him? Pero kung sakit lang na mga salita ang matatanggap niya dito ay mabuti pa nga siguro na sundin niya ang sinabi ni Z.
Bahala na.
Bahala na lang talaga.
Nakatulugan niya ang pag-iisip na iyon. Nagising na lang siya nang tinapik siya ng mahina ni Hope. Iyong isang babaeng kagrupo din nila.
"Chloe.." tawag nito sa kanya.
Tumigil na pala ang sasakyan nila. Ganoon din ang sasakyan ni Mikael na nakapark sa kanan nila. Kaya agad siyang napabalikwas. "Nakarating na tayo?" Nakita niyang nasa labas na ang ibang mga kasama nila.
"Mahigit 2 hours na lang daw at makakarating na tayo. Magkape muna tayo." Sagot nito sabay turo sa isang maliit na kainan sa gilid ng kalsada.
"Chloe!" Rinig niyang tawag ni Georgette sa kanya.
Lumabas na si Hope pagkatapos niyang magpasalamat dito kaya pumasok si Georgette sa loob ng sasakyan ni Kurt at tumabi sa kanya.
"How are you?" Bakas pa rin sa mukha nito ang pag-alala.
Ngumiti siya dito. "I'm okay. Kakagising ko lang."
Napabuntong hininga ito. "Sama ka sa labas? Magkape daw muna tayo. Or gusto mong dito na lang tayo?"
Napaisip siya. "Hindi na. Sasama na ako para mainat ko din ang katawan ko." Sabi niya dito.
Napabuga ito ng hangin. May gusto pa yata itong sabihin pero pinipigilan nito ang sarili. "Okay."
Sabay na silang naglakad papunta sa kainan na kung saan andoon na ang ibang mga kasamahan nila. Ang lamig. Madaling araw na kasi. Buti na lang at may dala siyang jacket.
Umiwas siya ng tingin kay Mikael. Pero alam niyang katabi pa din nito si Sasha. Agad siyang ginaya ni Georgette sa isang mesa na sa kabisera ng mesa ng mga kagrupo nila. Nakaupo siyang nakatalikod kina Mikael.
"Georgie." Rinig niyang tawag ni Z sa girlfriend nito. Nasa kasera kasi ito kasama si Kurt.
"Hot hocolate or coffee, girl? Or do you want to eat something?" Tanong sa kanya ni Georgette na nanatiling nakaupo.
"Hot choco lang." Sagot niyang ngumiti dito.
"Hot choco lang sa 'min Zabie!" Sabi ni Georgette sa boyfriend nito.
Mayamaya lang ay dumating na si Z hawak ang dalawang disposable cup na may lamang hot choco. Nilapag nito iyon sa mesa nila bago ito umupo sa tabi ni Georgette.
Kitang kita talaga na mahal ni Z si Georgette. Sana ganito din sila ni Mikael ngayon kung hindi lang siya nagpakatanga kahapon. Napabuntong hininga siya bago siya sumimsim sa baso niya.
Dinig niya ang boses ni Sasha. Nagkekwento na naman ito pero ang boses ni Mikael ay hindi niya narinig mula pa kanina. Gusto niya sanang lumingon kahit saglit lang. Makita lang si Mikael kahit saglit pero pinigilan niya ang sarili niya.
Mayamaya lang ay may inabot sa kanya si Kurt. Magkatalikod pala ang mga upuan nila.
"Chloe, oh."
Napalingon siya dito. May inaabot itong isang box ng digestive na biscuit sa kanya.
"No, thanks. Okay na ko sa hot choco." Ngumiti siya dito.
"Isawsaw mo sa hot choco. Masarap." Sabi nito at nanatiling nakaabot ang biscuit sa kanya.
Ngumit siya at kinuha na lang iyon. "Thank you, Kurt."
"You're welcome." Sagot naman nito at napatuwid na sila ng upo. Inalok niya din kina Georgette ang biscuit at kumuha din ang mga ito. Kumuha siya ng dalawang piraso at binalik ulit iyon kay Kurt.
"Okay na. Thank you ulit." Sabi niya dito.
"Ubusin mo na. Meron kami dito." Sabi ni Kurt sa kanya.
"Hindi na. Busog pa din naman kami." Sabi niya dito.
"Pwedeng tumabi?" Sabi ni Kurt sa kanya.
"Hoy!" Dinig niyang saway ni Beatrice kay Kurt.
"Oo naman." Sabi niya dito.
Wala naman sigurong masama di ba?
"Thanks." Sabi nito at agad inayos ang upuan sa tabi niya.
Ngumiti siya dito. Napatingin siya kay Georgette nang naramdaman niyang sinipa nito ang paa niya. Pero nanatiling seryoso ang mukha nito. Mali ba ang pagpayag niya? Uupo lang naman eh. There's nothing wrong with that.
Napabaling siya kay Kurt nang nagsalita ito. "Kumusta ang tulog mo sa likod? Buti hindi sumakit ang leeg mo?" Sabi nito sa kanya.
"Hindi naman. Mahigit tatlong oras yata akong nakatulog kung hindi pa ako ginising ni Hope hindi ako magigising." Sabi niya dito.
Kita niya ang pag ngisi nito. "Smooth driver ako eh." Sabi nito.
Napangisi lang din siya. "Siguro nga."
"Mamaya, gusto mo doon ka na sa front seat maupo? May mga unan kasi doon. Pwede mong agawin kay Allen." Tukoy nito sa isang kasama nilang lalaki.
"Hoy! Unan ko iyon!" Dinig niyang reklamo ni Allen. Natawa tuloy siya. "Pero kung gusto mo Chloe sa'yo na iyong isa. Iyong hindi ko nalawayan. Naglalaway kasi ako kapag matutulog eh." Sabi nito na mas lalong nagpatawa sa kanya.
Nagreact din ang ibang mga babaeng kasama nila. "Kadiri!"
"Ingay mo ngang humilik, dude!" Sabi naman ni Kurt dito.
"Blah blah!" Sagot lang ni Allen dito.
"Ano Chloe? Doon ka na sa front seat ha?" Tanong ulit ni Kurt sa kanya.
"Huh? Ammm.. okay na ako sa likod." Sabi niyang ngumiti din dito.
"Sige na. Para mas comportable ka. Okay lang kung itaas mo ang paa mo sa dashboard." Pagpupumilit nito.
Ngumiti siya ng tipid. "P-pwede rin." Sabi niya at napatingin kay Georgette ng sinipa ulit nito ang paa niya.
Umalingawngaw sa paligid nila ang marahas na pag galaw ng isang upoan. Napabaling tuloy siya doon at nakitang kay Mikael pala iyon. Palabas na ito sa kainan at sumunod din si Sasha dito.
Napabuntong hininga din siya pero agad siyang napabaling kay Kurt ng tumawa ito ng malakas.
"Nagselos!" Sabi nito.
"Loko ka talaga!" Sabi ni Beatrice.
"It's not funny, dude." Sabi naman ni Allen.
"Baka mas lalong magalit si Mikael kay Chloe, Kurt." Narinig niyang sabi ni Z.
"Hindi iyan! Kung magalit eh di magalit. Pero isa lang ang sigurado ako. He loves you, Chloe! Hindi magseselos iyon kung hindi." Tumawa ulit ito. "Hindi namin alam kung ano nangyari sa inyo. Pero ayaw kong makakita ng isang babaeng sinasaktan ng lalaki. You deserve someone better." Sabi nito sa kanya.
"It's not that easy, Kurt." Sabat ni Georgette.
"Lilipas din ang galit ni Mikael kay Chloe. Nasaktan siya kaya niya sinasaktan si Chloe ngayon." Sabi naman ni Z.
"Is that the right way to handle your pain? Ano iyon? Revenge? Sasaktan niya din ang mahal niya para fair sila? Dude! That's too gay!" Sabi ulit ni Kurt.
"We used to be gays." Sabi ni Z at agad tumayo.
"Zabie.." Tumayo din si Georgette at agad hinawakan si Z sa braso.
"Tara na. Para makarating na tayo sa Ilocos." Sabi ni Z at agad inakbayan si Georgette at hinila palabas ng kainan.
"Chloe!" Tawag naman ni Georgette sa kanya at pilit siyang nililingon pero hindi na ito pinakawalan ni Z at tuloytuloy na ang mga itong lumabas ng kainan.
"I'm sorry, Chloe. Nasobrahan yata ako." Sabi ni Kurt sa kanya.
"Its okay." Sabi naman niya at agad silang tumayo at sabay na silang lahat ng natira pa sa loob ng kainan na lumabas.
Nakaandar na ang headlights ng sasakyan ni Mikael.
"Dito ka na sa front seat." Sabi ni Kurt sa kanya na nakapamulsang sumunod sa kanya. Nakapasok na ang ibang mga kasama nila sa loob ng sasakyan nito. Papasok na din sana siya.
"Okay na ako sa likod." Ngumiti siya dito.
"You sure? Para may makausap sana ako. Alam kong nakatulog ka na eh." Sabi nito sa kanya.
Napaisip siya. Nasa likod na si Allen at nakapwesto na sa inupuan niya kanina. "Sige na nga." Pagpayag niya at bubuksan na sana ang pinto ng front seat ng biglang bumukas ang pinto sa gitnang bahagi ng sasakyan ni Mikael at lumabas ito. Malakas siya nitong hinila papasok sa sasakyan nito.
"Hey!" Rinig niyang sigaw ni Kurt.
Hinarap ito ni Mikael pagkatapos siyang tinulak nito papasok sa sasakyan nito. "She's coming with us!" Madiin na sabi nito bago ito pumasok at tumabi sa kanya.
Rinig niya ang tawa ni Kurt bago sinara ni Mikael ang pinto ng sasakyan nito. Nag thumbs up pa si Kurt bago ito umikot at sumakay rin sa sasakyan nito.
"Fck!" Dinig niyang mura ni Mikael.
"Hmpf!" Rinig niyang ismid ni Sasha sa left side niya.
Ayaw niya dito. "Doon na ako kina Kurt." Sabi niya at akmang tatayo na sana nang hinawakan siya ni Mikael sa braso niya.
"Dito ka lang! Tara na Z!" Mariin nitong sinabi at hindi pinakawalan ang braso niya.
Fck! 2hrs mahigit pa ang byahe nila. Paano niya malalampasan ang dalawang oras na ang dalawang ito ang nasa gilid niya. Naiwan pa niya ang bag niya sa sasakyan ni Kurt.
Pinilit niyang bawiin ang braso niyang hawak ni Mikael at binatawan naman siya nito. Napaupo ito ng maayos nang tumakbo na ang sasakyan nila at wala naman siyang pakialam kung ano man ang ginagawa ni Sasha. Nanatili naman siyang nakastraight ang tingin sa harap at hindi nilalapat ang likod sa upoan. Napatingin siya sa salamin at kita niyang napapasulyap si Z sa kanila. Tahimik lang ito at si Georgette.
30minutes na yata silang bumabyahe at nangangalay na siya. Pero kahit ganoon ay ayaw niya talagang ilapat ang likod niya sa sandalan. Hindi niya alam kung nakatulog na ba ang dalawang nasa gilid niya. Hindi niya nililingon ang mga ito. Pero nagulat siya ng biglang gumalaw si Mikael at inabot ang baywang niya. Hindi niya ineexpect iyon kaya tuluyang bumagsak ang ulo niya sa dibdib nito.
"Babe..." rinig niyang bulong nito. Napatingin siya dito at nagulat siya ng nakitang tulog na tulog ito.
"Shit!" Rinig niyang mura ni Sasha sa gilid niya. Hindi niya malingon ito sa sobrang higpit ng pagkakapit ni Mikael sa baywang niya.
Pilit niyang kumawala sa yakap nito pero sobrang higpit talaga.
"Don't.." rinig niyang bulong ulit nito at mas lalong humigpit ang pagkayakap ng mga kamay nito sa baywang niya.
Hindi na siya nagpumilit na makawala dito at napatingin na lang sa mukha ni Mikael. Tulog na tulog talaga ito.
Napaluha siya. Sana pagkagising nito ay magiging okay na sila. Hearing him calling her babe while he's asleep ay nakakataba ng puso. Tapos niyakap din siya nito.
Pero biglang pumasok sa isip niya kung ano din ang naganap kanina noong sina Mikael at Sasha lang ang nandito. Tinawag din ba ito ni Mikael na babe? Niyakap din ba nito si Sasha? Napaluha siya lalo nang naisip na kung ganito din ba ang posisyon ng mga ito kanina. Damn! Ang sakit. Napaiyak siya ng tahimik at pinunasan niya ang mga luha niyang ayaw yata tumigil.
Mikael...