Dalawang oras na silang nagbabyahe at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Mikael. Gusto niya sanang tanungin si Z kung gaano karami ang ininom ni Mikael pero alam niyang galit ito sa kanya. Si Georgette lang ang nagsasalita kanina at nagkekwento ng kung anu-ano sa kanila. Kapag tinatanong nito si Z ay tipid lang ang mga sagot nito.
Tumawag bigla si Sasha sa cellphone ni Georgette. Mag stop over daw muna sila para makakain ng dinner. Mahigit 6 hours pa ang kailangan nilang biyahehin bago makarating sa Ilocos. Pumayag naman sina Georgette para kahit paano ay makapagpahinga din si Z.
May natatanaw na silang isang maliit na restaurant ng biglang nagising si Mikael. Napabalikwas ito ng bangon pagkamulat at siya agad ang nabungaran nito.
Napabaling agad ito kay Z. "Saan na tayo?" Tanong nito. Sinapo nito ang ulo nito. May hangover yata ito.
"M-magdidinner muna tayo." Sagot niya dito kahit alam niyang si Z ang kausap nito. "Gu-gutom na....."
"I'm not talking to you! And why are you here?!" Galit na putol nito sa sasabihin niya. Hindi man lang ito tumingin sa kanya. "Bakit sumama ito dito, Z!" Baling nito kay Z.
Tahimik lang si Z at Georgette.
"B-babe.." Hahawakan sana niya ito pero agad nitong tinapik ang kamay niya.
"Don't. Babe. Me." Mariin nitong sinabi.
Pinilit pa din niyang abutin ang kamay nito. Pinark na ni Z ang sasakyan sa parking space ng restaurant na natanaw nila kanina. Nagpark na din sa tabi nila ang sasakyan ni Kurt.
"Babe. Please... Pakinggan mo muna ako..." Sabi niya dito.
"Para saan pa? Para madagdagan ang kasinungalingan mo?" Patuya nitong sinabi. "Magtransfer ka doon sa van ni Kurt!" Napaiyak na siya ng hinanap nito ang bag niya sa likod.
Nakalabas na iyong mga nasa kabilang sasakyan. Palapit na rin si Sasha at agad itong kumatok sa bintana sa side ni Mikael. Pero hindi nito pinansin iyon. Si Georgette na ang nagbukas ng bintana at nagsabing mauna na ang mga ito sa loob. Sumunod naman ang mga ito.
Nakatingin lang siya kay Mikael. At kahit hirap ito sa pagkuha ng bag niya sa likod dahil sapo nito ang ulo nito ay nakuha pa din nito iyon at agad binigay sa kanya.
"Doon ka na sa kabilang sasakyan! Get out of my car!" Galit na sabi nito sa kanya.
"Mimi.. Pakinggan mo na muna siya." At last at nagsalita si Z.
"No, Z!" Matigas na sabi nito. Hindi man lang siya binalingan.
Nasapo niya ang mukha niya ng palad niya. Ang tigas tigas ni Mikael. Paano siya makapaliwanag dito ng maayos.
"Kung lilipat si Chloe. Lilipat na din ako." Hayag ni Georgette at agad lalabas sana sa sasakyan. Pero pinigilan ito ni Z.
"Dito ka sasakay!" Galit na hayag ni Z. "Mimi. Dito ka umupo sa front seat mamaya. Tabi na sila ni Chloe diyan. Please lang. Ayoko mawala sa paningin ko ang girlfriend ko."
Nanatili siyang nakatakip ang mga palad sa pisngi. Ayaw niyang makita ang galit na expression ni Mikael.
Narinig niyang napabuga ng hangin si Mikael sa tabi niya. "Fine!" Sabi nito at agad lumabas sa sasakyan.
Narinig niya na ding bumukas ang mga pinto nina Georgette at Z. Agad umupo si Georgette sa tabi niya at tinanggal ang mga palad niyang nakatakip sa mukha niya.
"Girl.. Kumain muna tayo.. tara na.." Yaya nito sa kanya.
Umiling siya. Wala siyang gana. Ang sakit sakit ng pakiramdam niya.
Niyakap siya ni Georgette. "Sige na.. baka magkasakit ka niyan. Malayo pa ang biyahe. Tara na.." pilit nito sa kanya at hinila ang kamay niya. "Stop crying muna."
"A-ang sakit.... ang sakit sakit..." sabi niyang humikhikbi dito. Sapo niya ang parte ng dibdib niyang malapit sa puso niyang nagkapira-piraso yata.
Niyakap siya ulit ni Georgette. "Hayaan mo na muna.. galit lang siya. Lilipas din iyong galit niya. And lasing pa siguro. Ang dami niyang nainom kanina." Paliwanag nito. "Stop crying na muna. Magkakaayos din kayo. Mag dinner muna tayo."
Napaangat siya ng tingin dito at tumango. "S-sige."
"Magretouch ka muna." Sabi nito na sinunod din niya.
Paglabas nila ay nakatayo sina Z at Mikael malapit sa hood ng sasakyan. Nag-uusap ang mga ito. Natigil ang mga ito noong nakita silang dalawa ni Georgette at nauna ng lumakad si Mikael papasok sa loob ng restaurant. Hindi man lang siya tiningnan nito.
Inantay muna sila ni Z na makarating sa tabi nito bago ito umakbay kay Georgette at sumabay sa kanilang maglakad. Hinawakan din ni Georgette ang kamay niya hanggang sa nakapasok na sila sa loob. May ibang mga customers din na nasa loob ng restaurant pero hindi iyon puno.
"Ang tagal niyo!" Sabi ni Sasha pagkapasok nila.
Doon niya lang napansin ang suot nito. Nakashort shorts ito at blue color na tube na kita ang pusod. Nakaupo na ang mga ito kasama si Mikael sa dalawang mesang pinagtabi. "Nakaorder na kami para sa 'tin lahat" At sinabi nito lahat ng inorder nilang pagkain bago ito umupo sa tabi ni Mikael.
Nakamasid lang at nakikiramdam ang ibang mga kagroupmates nila. Siguro'y napapaisip ang mga ito kung bakit nauna si Mikael. Habang si Sasha naman ay dedma lang at kinakausap lang si Mikael na nakikipag-usap din dito.
"Are you okay?" Tanong sa kanya ni Beatrice pagkaupo niya sa tabi nito.
Damn! Hindi na yata effective ang make-up niya.
Napayuko siya agad at tumango ng mahina dito. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ng mga ibang kagroupmates nila. Nagulat siya ng tumawa bigla si Mikael sa sinabi ni Sasha. Kaya napabaling siya sa mga ito. Ang sarap ng pagkekwentuhan nila. Nakaramdam agad siya ng selos. Alam niyang may gusto si Sasha kay Mikael.
Damn! Napaka insensitive naman ng bruhang to!
Napatiim bagang siya at nag-iwas na ng tingin sa mga ito. Tahimik naman ang ibang mga kasama nila. Si Sasha lang talaga at Mikael ang nag-uusap. May sariling mundo ang dalawa.
Seriously, Mikael?
Naramdaman niyang hinawakan ni Georgette ang kamay niya. Kaya napabaling siya dito. Ngumit ito ng tipid sa kanya. "Okay lang yan." She mouthed.
Its not okay! It will never be okay! Umiling lang siya dito at napayuko ulit. Ramdam niyang pinipisil nito ang palad niya kapag masarap na tumatawa si Mikael.
Mabuti na lang at dumating na din ang mga pagkain nila kaya natigil ng saglit ang dalawa sa pagkekwentuhan. Ayaw niya talagang kumain kaya hindi siya nag-abot ng pagkain at nanatili lang na nakayuko. Noong napansin ni Georgette iyon ay ito na ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan niya.
"Eat, girl! Please." Sabi nito sa kanya.
Umangat siya ng tingin kay Georgette para magpasalamat dito nang naabutan niya ang eksenang mas lalong nagpasakit ng puso niya.
Si Sasha. Sinusubuan si Mikael ng hinimay nitong hipon. Ito namang si Mikael ay tinatanggap iyon. Hindi na siya nakapag-isip sa sobrang selos at galit niya. Napatayo siya at agad kinuha ang baso ng tubig na nasa harap niya. Tinapon niya ang laman niyon kay Sasha. Sapol ito sa mukha at agad napatili.
Agad itong dinaluhan ni Mikael at pinunasan ang mukha nito gamit ang tissue.
Naramdaman niya ding napatayo si Georgette at agad hinawakan ang braso niya. Nakatingin na din ang ibang mga customers na nasa loob ng restaurant.
"What's your problem?!" Sigaw ni Sasha sa kanya.
"What's my problem?! Ikaw!! Ikaw na haliparot ka! That's my boyfriend you're flirting with!" Sagot niya dito.
Kitang kita niya ang marahas na pagbaling sa kanya ni Mikael. "I'm not your boyfriend anymore, Chloe! Break na tayo!"
Napamulagat siya sa sinabi nito. "M-mikael... you don't mean that! Galit ka lang! Nagselos ka lang! Nagalit at nagselos ka sa hindi naman dapat pagselosan!" Sabi niya dito.
"No! I mean it! We're over!" Sabi nito at agad umiwas ng tingin sa kanya.
"Mikael!!" React ni Georgette dito. Kita niya sa peripheral vision niya na pinaupo ni Z si Georgette.
"Ganoon na lang iyon? Without even hearing my explanation, Mikael?!" Lalakad sana siya palapit kay Mikael ng bigla itong tumayo at hinawakan sa kamay si Sasha na nanatiling nagpupunas ng damit nito.
Hindi nito sinagot ang sinabi niya, "Mikael!" Tawag niya dito pero tuloy tuloy lang itong naglakad papunta sa restroom kasama si Sasha.
Parang nauupos siyang kandilang napaupo sa silya niya.
Hanggang dito na lang ba talaga sila ni Mikael?
Hinawakan ni Georgette ang kamay niya. "Girl.."
"Palipasin mo na muna ang galit ni Mimi." Sabi ni Z sa kanya.
Napahikbi siya. Damn! Kailan pa?! Mawawala pa ba talaga ang galit nito sa kanya?
Tahimik lang ang ibang kagrupo nila na napapasulyap sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.
Magkahawak kamay pa din sina Mikael at Sasha ng paglabas ng mga ito sa restroom. Lumapit si Mikael kay Z at hiningi ang susi ng sasakyan nito bago ito at si Sasha sabay na lumabas sa restaurant.
Patuloy lang siyang nakatingin sa likod ng mga ito habang patuloy ding tumutulo ang mga luha niya hanggang sa tuluyan na ang mga ito nakalabas.
Fck! Magpapakamartyr talaga siya? Paano niya makakaya to? Kailan pa lilipas ang galit ni Mikael sa kanya? Paano kung magkahulugan ng loob si Mikael at Sasha?
Fck! Mas mabuti pa dati ang problema niya. Na bakla lang si Mikael kasi matatanggap niya iyon! Pero iyong ganitong may third party na babae ay hindi na niya alam ang gagawin niya.
Nasasaktan siya sobra. Kanina ay nabasag lang ang puso niya. Ngayon ay pinong pino na iyon. Sobrang sakit.
Damn!