Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 46 - Chapter 45

Chapter 46 - Chapter 45

Kanina pa niya tinatawagan ang cellphone ni Mikael, pero hindi nito sinasagot iyon.

"Pick up, Mikael... pick up.." Sabi niya habang ring lang ng ring ang naririnig niya sa kabilang linya. Hanggang sa natapos na ang tawag ay walang Mikael na sumagot.

Naiiyak na siya sa sobrang frustration sa sarili niya. Tatlong araw pa lang silang nagkabalikan ni Mikael! Tatlong araw! Magkakalabuan agad sila dahil sa kagagawan niya. Bakit kasi ang tanga tanga niya? Pwede naman kasing nagsabi na lang siya kay Mikael na makikipag-usap siya kay Mike di ba? Baka maintindihan naman siya nito. Baka samahan pa nga siya nito. Sana'y wala na silang naging problema!

Ang tanga niya talaga!

"Hindi niya pa din sinasagot?" Tanong sa kanya ni Mike.

Nakaupo ito sa kama niya habang siya naman ay sa upuan ng dresser niya nakaupo.

Pumasok siya sa loob ng kwarto niya kanina at sumunod din si Mike. Mas mabuti nang dito siya para hindi na muna malaman ng mommy niya ang nangyari. Sigurado siya sa sarili niya na maayos pa nila ito ni Mikael. Kung pakikinggan lang nito ang paliwanag niya. Kaya hindi na kailangang malaman pa ng mommy niya ang nangyari.

Umiling lang siya dito bilang sagot. Napapaluha na siya. Idadial niya na sana ulit ang number ni Mikael nang naalala niya si Z at Georgette.

Agad niyang dinial ang number ni Georgette. Naka dalawang ring pa lang ay agad na nitong sinagot iyon. "Hello, girl! Nasa school na kayo? Nasa bahay pa kami ni Z!" Masiglang bati nito sa kanya.

Napahikbi siya. "G-girl.. may problema.."

"Huh?" Sabi ni Georgette.

"Si M-mikael.. nakita niya kami ni Mike dito sa bahay.. nag-usap kasi kami. Sinabi ko na kay Mike na nagkabalikan kami ni Mikael. Hindi ko sinabi kay Mikael kasi alam kong magseselos siya.. hindi ko napansing dumating pala ang sasakyan niya.. mukhang naabutan niya iyong pagyayakapan namin ni Mike.." sabi niya dito.

"Oh my! Eh paano iyan? Hindi mo ba inexplain sa kanya ang nangyari?" Tanong ni Georgette. Bakas sa tono nitong nag-aalala na ito.

"Iyon na nga ang problema.. Umalis siyang hindi man lang ako nilapitan.. Tinatawagan ko siya ngayon pero hindi niya sinasagot.. baka pwedeng magpatulong kay Z, girl... please. Pakisabi kay Z ang lahat ng nangyari.. Kailangan kong makausap si Mikael.." pakiusap niya dito.

"Sige sige... wait lang! Kakausapin ko siya ngayon! Tawagan kita ulit kung makausap na niya si Mikael! Zabieeeee!!!" Rinig niyang tawag ni Georgette kay Z bago nito pinatay ang tawag.

"Anong sabi?" Tanong ni Mike pagkababa niya ng cellphone.

Tiningnan niya muna ang screen ng cellphone niya bago niya sinagot ito. "Itatry nilang kontakin si Mikael..." napabuntong hininga siya at napatulala.

Nagulat siya ng nasa harap na pala niya si Mike. Lumuhod ito sa paanan niya. "Come here.." sabi nito bago siya niyakap.

Doon na bumuhos ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan. "Ang tanga ko.." Sabi niya.

"Hindi... Hindi ka tanga.. C'mon. Don't lose hope. Magkakaayos din kayo.." alo nito sa kanya.

Patuloy lang siyang umiyak sa balikat nito. Napatalon lang siya ng nagring ang cellphone niya.

"Girl!! Nasa bar siya! Papunta na kami ni Zabie ngayon!" Sabi ni Georgette sa kanya.

"Pupunta din ako!" Agad niyang sinabi dito.

Rinig niyang nagsalita si Z sa background, nagtatalo yata ito at si Georgette. Nakinig siya pero hindi niya marinig ng maayos ang sinasabi ng mga ito. "Ammm.. girl.. Zabie said huwag na lang daw muna.. Mikael's furious.. ayaw ka daw muna niya makita.. but we'll try to explain to him your side of the story.."

"B-but..."

"Tatawagan kita agad. Promise. I'll do anything para magkaayos kayo." Saad nito sa kanya.

"S-sige.. and Georgette.. please tell him I love him... at hindi ko siya niloloko.. hinding hindi ko magagawa iyon.." sabi niya ditong napahikbi na.

Rinig niyang napabuga ng hangin si Georgette sa kabilang linya. "Please don't cry girl.. kakausapin siya namin ni Zabie. I love you. Pahinga ka muna diyan. I'll call you back as soon as makausap na namin ng maayos si Mikael."

"Sorry sa abala ko sa inyo ni Z, girl.. and thank you.." sabi niya dito.

"Ano ka ba! What are sisters for?" Malambing nitong sabi sa kanya.

Agad silang nagpaalam sa isat-isa. Mag 3pm na. Isang oras na lang aalis na sana sila papunta ng Ilocos. Excited pa naman siya sa 1st road trip niya kasama si Mikael.

Matutuloy pa ba iyon?

Napatingin siya kay Mike nang bigla itong tumayo. "Labas muna tayo. Habang nag-aantay ka sa tawag ni Georgette." Suhestiyon nito.

Napangiti siya ng tipid dito at umiling. "Baka tumawag bigla eh."

"Sige na. Don't sulk in here, flying ipis. C'mon." Pilit nito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya. "I'll treat you an icecream. It will make you feel better. Dadalhin na lang din natin ang bag mo para incase tumawag si Georgette, then you're good to go."

Napangisi siya ng mapakla. "S-sige."

Nagretouch muna siya para mapagtakpan kahit paano ang bakas ng pag-iyak niya bago siya magpaalam sa mommy niya. Buti na lang at nasa trabaho pa ang tito Rey niya.

Thank God at hindi nga nakahalata ang mommy niya noong nagpaalam na siya dito. Buti na lang din at hindi nagtanong ang mom niya kung bakit si Mike ang kasama niya at hindi si Mikael.

Habang nasa byahe sila ay panay ang tingin niya sa cellphone niya. Inaantay niya ang tawag ni Georgette. Mag ti-3:30 na ng dumating sila ni Mike sa isang icecream parlor. Nag order na rin ito ng icecream nila. Buti na lang at kahit paano ay nililibang siya ni Mike pero hindi pa rin niya binibitawan ang cellphone at panay pa din ang tingin niya sa screen niyon.

Paubos na nila ang icecream and its already 10minutes before mag 4pm nang tumawag sa kanya si Georgette. Dinig niyang napabuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"G-girl.. Papunta na kami sa school. Si Zabie na ang nagdadrive. Mikael's drunk. Tulog siya sa likod ng sasakyan." Sabi nito sa kanya. Mabigat ang paghinga nito sa kabilang linya. "Magkita na lang tayo sa school."

"Si-sige. Pupunta na rin ako." Sabi niya dito.

Sinabi niya kay Mike ang sinabi ni Georgette sa kanya. Agad din silang tumalima para makaalis na papunta sa school nila. Ihahatid siya ulit nito kahit umayaw na siya. Naisip niya kasing hindi naman nila makakausap ng maayos si Mikael hanggang sa maging sober ito. Pero nagpumilit talaga si Mike.

Pagkapasok ng sasakyan ni Mike sa school niya ay agad niyang nakita ang sasakyan ni Mikael. Katabi niyon ang van na puti. Siguro ay kay Kurt kasi kita niyang nag-aayos na ng gamit ang ibang mga kagroupmates nila sa loob ng van. Si Georgette ay kausap si Sasha at napapatingin ito sa loob ng sasakyan ni Mikael.

She hopes Mikael is still asleep. Para mamaya na lang sa biyahe niya ito kakausapin pagkagising nito. Ayaw niyang malaman pa ng ibang ka groupmates nila ang problema nila.

Nagpark din si Mike sa kabilang side ng sasakyan ni Mikael. Pagkalabas niya ay siya ding paglabas ng seryosong si Z sa driver's seat at agad siya nitong tiningnan. Napabaling at napataas ang kilay nito kay Mike ng lumapit si Mike sa tabi niya. Hindi nagsalita si Z. Inantay yata siyang mauna.

"Z... Its not what you think it is." Sabi niya dito. "You need to hear my side. Please."

Umiling ito sa kanya. "Keep it. Kay Mikael ka magpaliwanag." Iyon lang ang sinabi nito at pumasok ulit ito sa driver's seat. "Aalis na tayo. Dito ka na sumakay para incase magising si Mikael ay makapag-usap kayo." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay sinara na nito ang pinto at hindi na ulit tumingin sa kanila ni Mike.

Si Georgette naman ay lumapit na din sa kanila. Nakita niyang pumasok na si Sasha sa van kasama ang lahat ng kagroupmates nila.

Bakas sa mukha ni Georgette ang pag-alala nito sa kanya. "Mike." Bati nito kay Mike. "Girl." Nagbeso ito sa kanya. "We need to go."

Tumango siya dito. Kinuha na niya agad ang bag niya. Tinulungan siya ni Mike na ipasok iyon sa loob ng sasakyan ni Mikael. Doon niya lang nakita si Mikael na nakahiga at tulog sa upuan.

"Mike. Aalis na kami." Sabi ni Georgette dito. "Sana iwasan mo na muna si Chloe. Habang hindi pa sila magkaayos ni Mikael." Dagdag nito.

Napabuntong hininga si Mike. "Wala kaming ginagawang masama, Georgette. Kaya nga sumama ako para makausap si Mikael at maexplain ang nangyari." Sabi nito.

Tahimik lang si Z sa harap at hindi nagreact ng kahit ano.

"Oo. Andoon na tayo. Pero sa ngayon iwasan mo na muna siya. Mas makakabuti iyon para maiwasan muna ang mga ganitong pangyayari." Sabi ulit ni Georgette kay Mike.

Rinig niyang napabuntong hininga si Mike sa tabi niya. "Sige." Humarap ito sa kanya at ngumiti. "Sana maayos niyo na, flying ipis. I'm really sorry."

Malungkot siyang ngumiti dito. "Ako may kasalanan. I'm sorry, Mike. And thank you." Sabi niya dito at agad itong niyakap.

"Tara na!" Inis na sabi ni Z.

Huminga siya ng malalim. "Alis na kami, Mike. Thank you talaga sa lahat. Mag ingat ka."

Tumango ito at kumaway sa kanila.

"Thank you, Mike." Sabi ni Georgette dito. Tinapik nito sa balikat si Mike bago ito umikot para sumakay sa front seat.

Sumakay na din siya at umupo sa tabi ni Mikael. Inayos niya ang ulo nito at nilagay sa hita niya para gawin nitong unan. Tulog na tulog ito. Bago niya sinarado ang pinto ay kumaway ulit siya kay Mike. Kumaway din ito sa kanya at malungkot na ngumiti. Agad inatras ni Z ang sasakyan pagkasarado niya ng pinto. Tinanaw niya ulit si Mike hanggang sa paglabas na ng sasakyan nila sa gate ng school nila. Nakasunod din ang tingin ni Mike sa kanila hanggang sa natakpan na ito ng nakasunod na van ni Kurt.

Nasasaktan siya. Mike is a good buddy. Ayaw niya mawalan ng isang kaibigan na katulad nito. Pero tama si Georgette. Kailangan muna nilang iwasan ang isa't-isa. Kailangan niya munang maayos ang relasyon nila ni Mikael.

Hinaplos niya ang buhok nito. Hindi niya masyadong makita ang itsura ni Mikael kasi nakaharap ito sa upuan ni Z. Pero kitang kita niya iyong kanang mata nito ay may bakas ng natuyong luha. Yumuko siya at hinalikan ito sa pisngi.

"I'm sorry, babe."