Last day na nila ng midterm exam ng umagang iyon and kasulukuyan silang kumukuha ng last exam nila. As usual, sinundo siya ni Mikael kaninang 9am since 10am ang exam nila at sabay silang pumasok sa school. At katulad ng dati ay magkatabi din sila nito sa harap at ganoon din sina Georgette at Z sa likod.
Noong natapos na silang lahat sa exams nila ay nagtipon tipon muna silang lahat na magkagroupmates sa gazebo para mapagplanohan nilang mabuti kung anong oras at kung saan sila magkikitakita before sila tumulak papuntang Ilocos. Magdadala si Kurt ng sasakyan nitong van at doon na lang sasakay ang apat pa nilang mga kagroupmates, habang si Z at Georgette naman ay sasabay sa kanila sa sasakyan nina Mikael na Everest titanium, tamang tamang pang travel.
Habang nagsasalita pa si Sasha at nagsasuggest ng mga plano nitong gawin nila doon ay biglang tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Mabilis niyang tiningnan iyon at agad binaba nang napansin niyang sumisilip din si Mikael sa screen niyon.
"Kausapin ko lang, it's Mommy." Pagsinungaling niya dito. "Baka makadistorbo sa meeting eh." Tumango si Mikael kaya agad siyang tumayo at lumayo doon sa gazebo.
Its not her mom, its Mike.
She feels guilty, alright. Kasi itatago niya to kay Mikael pero ayaw niya lang din naman na mag-away pa sila nang dahil dito and Mike's her friend. She's not doing anything wrong naman behind Mikael's back. Gusto niya lang na kahit paano ay nirespeto niya ang friendship nila ni Mike. Kailangan niya itong sabihan of what's the real score between her and Mikael.
"Hello, Mike?" Sagot niya sa tawag, hininaan niya ang boses niya.
"Hey, flying ipis ko!" Bati nito sa kanya. Hay. "Tuloy tayo mamaya?" Dagdag nito.
"Yeah. Is it okay kung puntahan mo na lang ako sa bahay? Hindi pa kasi ako nakaayos ng dadalhin ko, eh." Sabi niya dito.
"Of course! I'll help you out if you want!" Sagot nito.
"Huwag na! Nakakahiya! Kunti lang naman dadalhin ko." Sabi niya dito.
"Sus. Nahiya pa!" Tawa nito sa kabilang linya. "So, mga anong oras?" Tanong naman nito.
"Mga after lunch? 1 or 1:30pm? Aalis kasi kami ng 4pm." And Mikael is going to fetch me at 3. Hindi na niya dinagdag iyon. Pero mamaya she's gonna tell him about it.
"Alright! Looking forward to see you, flying ipis! I've missed you and I love you." Masuyong sabi nito sa kanya.
Natigilan siya kaya matagal bago siya sumagot, "Okay. See you." Iyon lang at inend call niya na agad.
Napatulala siya after ng call. Siguro kung hindi niya totoong mahal si Mikael, siguro maiinlove talaga siya kay Mike. He's an ideal boyfriend sa totoo lang. Mayaman, gwapo, mabait, chinito, masarap kasama, sweet. Complete package na si Mike. Pero hindi ito si Mikael, kaya alam niyang hindi talaga siya mahuhulog dito. She's just sad na sinabi nitong mahal siya nito and she can't reciprocate that. Hindi talaga matuturuan ang puso at si Mikael Edwards lang talaga ang mahal niya at mamahalin ng isang Chloe Mendoza, wala ng iba pa.
Napatalon siya nang may biglang tumigil sa harap niya at pinitik ang ilong niya.
"Aw!" Ingos niya sabay hawak sa nasaktan na tungki ng ilong niya. "Mikael!"
"Ba't napatulala ka diyan? May problema ba?" Tanong nito, mayamaya lang ay nasa tabi na rin niya sina Georgette at Z na magkahawak kamay. Nakalabas na din ang ibang classmate nila sa gazebo.
Umiling siya, "Wala. Excited lang mamaya. First time ko mag out-of-town na kasama ka eh." Lambing niya dito.
"Woah! First time mong maglambing sa'kin sa harap ng ibang tao, babe! Sa kama at sa kotse ka lang usually naglalambing, eh." Lokong sinabi nito na ikinatawa nina Georgette at Z.
Binatukan naman niya ito, "Gago!"
Tumawa lang ito at agad siyang inakbayan. "Where do you want to eat lunch?"
"Uhmmm... sa bahay na lang siguro ako, babe. Hindi pa ako tapos mag-empake eh." Sagot niya dito at hindi na nag invite ditong kumain sa bahay nila at baka masira pa kasi ang plano niya.
"Okay. Kayo Ms. Z? Georgette?" Tanong naman nito.
"Hindi rin kami nakapag ayos pa ng dadalhin namin mamaya, kaya sa bahay lang din kami, Mimi." Sagot ni Z.
Yeah. Nagpakalalaki na ang mga ito pero hindi pa din ng mga ito binabago ang alyas nila sa barkadahan nila. Nakasanayan na din daw kasi. And she doesn't mind, as well. Katulad nga ng sinabi niya, basta ay mahal siya ni Mikael ay kuntento na siya.
"Sige. Sa bahay na lang din ako kung ganoon." Saad ni Mikael.
Agad silang nagpaalam sa isat-isa. Hinatid siya nito sa bahay nila at susunduin siya nito mamayang 3pm katulad ng pinag-usapan nila. Tapos ay sabay na rin silang pupunta sa meeting place na pinagplanuhan nilang magka groupmates.
Hindi na niya ito niyayang pumasok sa bahay nila. Katulad ng sinabi niya ay susunduin din naman siya nito mamaya. Kailangan niyang matapos ang pag-aayos ng mga gamit niya bago dumating si Mike sa kanila.
Plano niya namang sabihin itong mangyayaring pag-uusap nila ni Mike kay Mikael mamaya, iyon ay pagkatapos nilang magkausap ng maayos ni Mike. Atleast di ba? Tapos na ang alalahanin niya kay Mike at hindi na rin magseselos si Mikael dito. Ayaw din naman niyang magtago ng sekreto dito pero ito lang talaga ang naisip niyang gawin sa ngayon para wala na masyadong hassle.
Exactly 1pm ay dumating na si Mike sa bahay nila. Nakatapos na din siyang magprepare ng bag na dadalhin niya sa Ilocos. Kaya agad niyang niyaya si Mike na pumunta sa maliit na garden sa likod ng bahay ng tito Rey at mom niya. Tahimik at mahangin kasi doon, para makapag usap sila ni Mike ng maayos.
"Kumain ka na ba, Mike?" Pauna niyang tanong kay Mike pagkatapos niyang umupo sa isang silya doon. Umupo naman ito sa kaharap ng inuupuan niya.
"Yeah. Tapos na. Ikaw?" Tanong nito.
"Tapos na din. Aalis kami ng 4 mamaya." Sabi niya.
"Pwedeng sumama?" Tanong nitong nangingiti pa, umiling lang siya bilang sagot dito, kaya nagpout ito. "Sino pala mga kasama niyo?"
"Mga ibang groupmates ko, tapos sina Georgette, Z.. tsaka si Mikael." Sagot niya dito. Nakita niya kong paanong umismid ito.
"Mas kailangan ko ngang sumama kung ganoon. Ba't hindi mo sinabi noong una pa lang na kasama mo pala siya?" Tanong nito sa kanya.
Napabuntong hininga siya. "Mike.."
"And napupuna kong you're not calling me bubblegum anymore?" Patampo nitong sinabi.
Napabuntong hininga siya. Kailangan na niyang sabihin iyong kailangan niyang sabihin dito. "Mike... Kami na ulit ni Mikael."
"Huh? Wha-what?" Napamulagat ito sa sinabi niya. "Ka-kayo na? Ulit?"
Tumango siya. "Kaya gusto kong mag-usap tayo ng personal at para masabi ko din to sa'yo ng personal. You know, you're a great friend. And ayoko namang maglihim sa'yo and paasahin ka. You know, what you've said days ago bothers me."
Narinig niya napatikhim ito, "Damn! You're the first girl who dumped me." Sabi nito sa natatawang boses.
Tumingin siya dito. She can see in his eyes that he's hurt with her revelations kahit tumatawa ito. "I'm really sorry, Mike. Ayoko sanang masira ang friendship natin. You're a great guy. I know marami pa diyang iba. Malay mo di ba? Nasa tabi mo na pala. Hindi mo lang nakikita sa ngayon." Sabi niyang naalala iyong waitress sa restaurant ng family nito.
Natawa ito. "May tinutukoy ka bang specific na babae?" Narinig niyang tumikhim ulit ito. "Well, I don't know.. Chloe.. siguro maaccept ko din ito, eventually." Sagot nito sa kanya tapos ay ngumiti ito ng tipid sa kanya.
"I'm.." she was about to say sorry again pero pinatigil siya nito.
"Don't say it. Its not your fault, anyway. Tsaka hindi naman ako masyadong nasaktan. Iyong gwapong ego ko lang." Biro nito sa kanya.
"Loko!" At tumawa na silang dalawa. Ang gaan ng pakiramdam niya ngayon na nasabi na niya kay Mike ang lahat.
"Bestfriends? Flying ipis ko?" Sabi nito sa kanya sabay lahad ng kamay.
Tumawa siya at inabot ang kamay nito. "Bestfriends. Bubblegum."
Tapos ay nag-usap pa sila ng kung ano-ano lang bago ito nagpaalam sa kanya. Mag aalas dos na pala ng hapon. May isang oras pa siya para makapagligo at makapagbihis ng damit na isusuot niya papuntang Ilocos. Siyempre magpapaganda siya for her Mikael.
Hinatid niya si Mike sa kotse nito na nakapark sa labas ng bahay nila.
"Flying ipis, pakisabi pala kay Mikael na congrats. Buti naman at naisipan niyang patulan ka ulit. Kung ako sa kanya, aayaw ako." Biro nito sa kanya.
"Gago!" Sinuntok niya ito sa braso at tumawa lang ito sa kanya.
"Well, I better go." Paalam nito sa kanya, tumingin ito sa kanya. "Wala ba akong friendly hug man lang?"
Natatawa siyang niyakap ito ng mahigpit. She feels much better and so lucky to have a bestfriend like Mike. Like seriously? Minsan ka lang makakahanap ng kaibigan na lalaki na katulad nito.
Tumatawa itong bumitaw sa kanya pero dahil sa sobrang saya niya ay bigla niya itong hinalikan sana sa pisngi pero dahil hindi nito ineexpect iyon ay napaharap ito bigla sa kanya at dumapo iyon sa gilid ng labi nito.
Tatawa sana ulit sila ng bigla nilang narinig ang tunog ng sasakyan na mabilis na humarurot paalis. Pagtingin niya ay kinabahan siya agad.
It was Mikael's car.
"Mikaeeeel!" Mabilis siyang tumakbo at planong habulin iyon pero masiyadong mabilis ang pagpapatakbo niyon palayo. "MIKAEL!!"
"Chloe! Si Mikael iyon?" Tanong sa kanya ni Mike na agad palang sumunod sa kanya.
Mabilis siyang tumango dito at wala sa sariling mabilis na tumakbo papasok sa bahay nila para kunin ang cellphone niya at matawagan si Mikael. She needs to explain what happened. Baka kung ano na ang pumasok sa isip nito.
Damn!