Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 41 - Chapter 40

Chapter 41 - Chapter 40

Nang tuluyan ng nakalapit si Christine sa kanila ay dumiretso ito kay Christopher.

"I heard what happened, are you okay Topero?" Tanong nito kay Christopher, pagkatapos ay bumaling ito sa kanila, "Are you all, okay?" Napabaling ito kina Z at Georgette na magkayakap pa din, kita sa mukha nito ang gulat. Hindi pala nito alam ang mga nangyari kahapon.

Hindi naman sinagot ni Christopher si Christine at tumingin lang ito kay Christine na naka poker face. Damn! Naawa siya sa kaibigan nila.

"Okay lang sila, girl. Grabe nga eh. I thought hindi nila makakaya. 4 vs 12 ang laban." Siya na ang sumagot. Lumaki ang mga mata ni Christine. Ramdam naman niyang inakbayan siya ni Mikael. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Christine.

"Am I missing something?" Tanong nito sa kanya.

Ngumiti siya. "Kami na. Sina Georgette at Z na din."

Kitang kita niya ang pag-awang ng bibig ni Chritine tapos bigla itong pumalakpak, "Oh, my God! I'm so happy for all of you! Ba't hindi niyo kinwento sa'kin!!" Nagtampo-tampuhan pa ang tono nito. "Kelan pa?"

"Yesterday." Ngumiti siya dito.

"Buti pa kayo..." Mahinang sinabi ni Christine na napapasulyap kay Christopher.

Nagulat sila ng nauna ng naglakad paalis si Christopher. "Tara na sa cafeteria." Iyon lang sinabi nito at nagapatuloy na sa paglakad, sumunod din si Johann.

Nakita niya kung paano nanlumo si Christine habang nakatingin sa likod ni Johann. Kumawala siya sa akbay ni Mikael at agad nilapitan si Christine. "You may never know, girl. Magugulat ka na lang din pareho sa 'min." Bulong niya dito.

Tumingin siya kay Mikael nang mahina itong tumawa at agad siyang nilapitan at hinalikan sa buhok. Loko lang. Parang pinainggit lang lalo si Christine. Hindi na sumagot ang kaibigan niya at tipid na lang na ngumiti sa kanila.

"Tara na, Georgie. Stop sulking. Its not your fault, anyway. Well, maybe may kasalanan ka, pero medyo lang naman." Dinig niyang tukso ni Z kay Georgette. Napalabi si Georgette pero nagpatianod na rin sa paghila ni Z dito.

Sumama na din sa kanila si Christine, though at first, she hesistates to go with them. Baka magwalk-out lang daw ulit si Christopher kung sasama siya pero pinilit niya ito. Minsan na lang kasi sila magkita, busy naman kasi talaga ang kursong nursing.

Habang naglalakad sila at nakaakbay si Mikael sa kanya ay bigla itong bumulong. "Babe, may pinayagan ka din bang iba na manligaw sa'yo? I need to know. Para makaready na ako ulit sa bakbakan." Tukso nito sa kanya.

"Ammm... si Jasper.. pinrangka ko na siya.." Sagot niya dito.

"Okay. Eh si Sy?" Tanong naman nito.

Napabaling siya dito, "He's just a friend." Tipid niyang sagot. Ayaw na niyang i-elaborate, hindi naman kasi talaga ito nanliligaw sa kanya, though iyon nga may sinabi lang ito the last time na nagkita sila. Pero hindi naman siguro kailangang sabihin pa iyon kay Mikael.

"You sure?" Tanong nito.

Tumango siya at ramdam niyang hinalikan siya nito sa buhok. "Ano pala nangyari kanina sa loob ng guidance?" Tanong niyang iniba na ang topic.

"Well, ayon. May warning na sila. Ayaw naman naming palalain pa ang nangyari. Okay na iyong nabasag ang mga mukha nila." Sagot nito.

"Para nga kayong hindi mga bakla kanina eh! Galing niyo! Napatumba niyo pa iyong lima! Pero please lang. Huwag mo na ulitin." Sabi niya dito.

"Opo, Nay." Tukso nito sa kanya. "Galing ko, no?"

"Oo na lang talaga. Hihingi ako ng ice mamaya sa cafeteria para diyan sa labi mo." Sabi na lang niya. Tumawa lang ito at hinalikan ulit siya sa buhok niya.

Pagkadating nila sa cafeteria ay agad nilang nakita si Christopher na mag-isa lang sa table. Kumakain na ito habang nakatungo. Kitang kita niya ang pasulyap sulyap ng ibang mga estudyante dito. Kaya siguro na-aawkwardan itong kumain.

"Nasaan si Joanne, Christy?" Tanong ni Z dito pagkaupo naming lima. Tumabi si Georgette at Z kay Christy habang magkatabi naman sila nina Christine at Mikael. Sa kabilang side umupo si Christine para hindi nito makaharap si Christopher.

Nagkibit balikat lang ito bilang sagot at pinagpatuloy ang pagkain. Tumayo na din kami ni Mikael ulit at nagvolunteer na kami na lang ang bibili ng pagkain ng lahat. Nanghingi na din ako ng ice kaya habang nasa pila kami ay nilagay ko iyon sa labi ni Mikael. Kumuha na din ako ng extra para kay Z. Pagkabalik namin ay agad na kaming lahat kumain. Ginutom talaga sila.

Mayamaya lang ay pabulong na nagtanong si Christopher "Why are they looking at me?" Its true sa kanya talaga nakatingin ang halos lahat.

Tumawa sina Mikael at Z. "Baka nagalingan sa'yo kanina, Christy. Ang hinhin mo eh, tapos ang lakas mo palang sumuntok?" Sagot ni Z.

"Tapos wala ka man lang galos! Galing umilag, te?" Sabi naman ni Mikael.

"Iniiwasan ko talagang matamaan ang mukha ko. May date pa ako mamaya with Bryan." Sabi nito.

"Oh!" React ng boyfriend niya.

Napasulyap siya kay Christine tahimik lang itong kumakain kanina pero nakita niyang napatigil ito sa pagsubo sa narinig mula kay Christopher.

"Bryan? Bryan Morelli?" Tanong naman ni Z.

Napahagikhik si Christopher at pabebeng tumango. "He asked me out."

Napabaling silang lahat kay Christine nang bigla itong tumayo at nagmartsa paalis. Hindi pa nito napangalahati ang kinakain nito.

"Christine!" Sigaw nilang dalawa ni Georgette at akmang hahabulin ito pero hinawakan sila ng mga boyfriend nila.

"Hayaan niyo na siya." Iyon lang ang sinabi ni Christopher. "Kailangan niyang harapin ang reality na bakla talaga ako. And hinding hindi magbabago iyon."

Napabaling siya dito, "Then, convince your's and Christine's parents to stop your engagement! Nasasaktan ang kaibigan namin."

"You think hindi ko pa ginawa iyan, Chloe? When Christine told them na bakla ako mas lalo nilang minadali ang kasal namin! Dapat tumahimik na lang siya and mind her own fcking business!" Galit na saad ni Christopher.

"She loves you.." Sagot naman ni Georgette dito.

Kita nila kung paano natahimik si Christopher, "She loves the idea of loving me. Pero I don't think mahal niya talaga ako. Nasanay lang siya sa closeness namin since we were kids or baka noong nasa sinapupunan pa lang kami ng mga mother namin. You know our parents are bestfriends, right?" Tumingin ito sa kanila ni Georgette. "Please. Help me to convince her to stop the wedding. This is for her, as well. Both of us are going to benefit from this."

Napabuntong hininga sila ni Georgette. Naiiyak siya sa awa kay Christine. Napatingin siya kay Mikael na tahimik lang din sa tabi niya. Nakatingin pala ito sa kanya, bigla siya nitong nilapit sa katawan nito at hinalikan siya sa noo, tumulo tuloy ang luha niya.

Mabuti na lang at nagbago pa si Mikael. Mabuti na lang at minahal siya ulit nito. Pero kung tuluyan ngang naging bakla si Mikael pero sinabi nitong mahal din siya nito ay hindi siya magdadalawang isip na tanggapin ito kung ano ito. Basta mahal lang siya nito. Iyon ang importante.

Papunta na siya sa library ngayon, nandoon kasi sina Mikael, Georgette at Z nag-aaral for their last exam sa araw na iyon. Kakatapos lang niya nung isang irregular subject niya. Plano sana ni Mikael na antayin siya sa labas ng classroom nila pero naawa naman siya sa boyfriend niya kasi baka matatagalan pa siya sa pagsagot ng exam niya kaya pinasama na lang niya ito kina Z at Georgette sa library.

Pagliko niya sa isang corridor na shortcut papunta sa library na hindi masiyadong dinadaanan ng mga tao ay may nakita siyang isang familiar na petite na babae mga ilang dipa ang layo sa kanya. May kasama itong isang malaki ang katawan na lalaking nakajacket at nakataas ang hoodie at parang nag-uusap ang mga ito.

She's trying to remember kung saan niya nakita iyong babae, pero hindi talaga niya maalala. Nakatingin pa din siya sa mga ito trying to remember the girl nang nagulat siya ng bigla itong binuhat ng lalaking nakahoodie, awtomatik na pumulupot ang binti ng babae sa baywang ng lalaki at gumalaw ang lalaki na parang nag-aano ang mga ito.

Natulos siya sa kinatatayuan niya. 'Oh, my ghad!!'

Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagmamadaling tumakbo pabalik sa pinanggalingan niya kanina, making sure she's not going to cause any noise. Nakakahiya kung mahuli siyang nakita ang milagrong ginagawa ng mga ito. Pero hindi ba dapat ay iyong dalawa ang mahiya sa kanya? Ay ewan!

Pagkadating niya sa pintuan ng library ay hinihingal tuloy siya. Pinakalma muna niya ang paghinga niya bago siya tuluyang pumasok sa library. Maraming estudyante sa loob at halos lahat ay nag-aaral. Winaglit niya muna sa isip niya ang nakita kanina. Agad niyang hinanap sina Mikael at kita niya ang mga itong nasa kasulok-sulukan ng library.

Nakahilig si Georgette sa balikat ni Z habang nakapulupot naman ang kamay nito sa baywang ni Georgette, sa iisang reviewer lang ang mga ito nakatingin. Nakita niyang nakasimangot naman ang boyfriend niya, habang pasulyap-sulyap sa cellphone nito sa taas ng mesa. Kukunin na sana nito ang cellphone nito para siguro'y tawagan siya ng pag-angat nito ng tingin ay nagtama agad ang mga mata nila.

Nakita niyang agad umaliwalas ang mukha ni Mikael at tinuro nito ang bakanteng upuan sa tabi nito. Pagkalapit niya ay binati siya ng dalawang sweet na sweet na magsing-irog, uupo na din sana siya sa bakanteng seat sa tabi ni Mikael nang hinila siya nito paupo sa kandungan nito. Agad siya nitong hinalikan sa labi. Agad niya itong pinatigil ng may narinig siyang singhap at bulungan sa paligid nila.

"Babe." Saway niya dito at agad siyang kumawala dito at umupo na sa bakanteng silya.

"Kanina pa yan naiinggit, Chloe. Huwag mo na ngang iwan iyan mag-isa, muntik ng masunog ng mga mata niya ang cellphone sa kada segundong pagchecheck eh." Sabi ni Z at tumawa ito at si Georgette ng mahina.

Nagsmile lang siya at tumingin sa boyfriend niya. Nakasimangot na naman. "Ang tagal mo." Sabi nito sabay magpapout sana ng pinigilan niya ito.

"May sugat ka pa, hoy! Papout pa eh." Tukso niya dito.

"Para cute." Sagot naman nito, natawa na lang siya. Nagulat siya ng tinaas nito ang dalawang paa niya at nilapag iyon sa mga hita nito.

Loko lang! Nakadress kaya siya! Ramdam niyang inayos naman nito ang laylayan ng dress niya at inipit sa gitna para hindi siya makitaan sa baba. Mayamaya lang ay hinimas na parang minamasahe na nito ang paa niya ng sobrang light.

Paano siya makapagreview ng maayos nito kung nakakaramdam siya ng init habang patuloy siyang minamasahe ni Mikael? Nagiging manyakis na nga yata talaga siya. Iba iba na kasi ang pumapasok sa utak niya imbes na iyong para sa exam nila. Mahahalay na.