Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 40 - Chapter 39

Chapter 40 - Chapter 39

Pagkalabas niya sa sasakyan ni Mikael pagkatapos siya nitong buksan ng pinto ay agad niyang nakita ang halos lahat ng estudyante na napalingon sa kanila. Ang iba nga ay gulat na gulat talaga, napanganga pa nga habang lumalaki ang mga mata.

Damn! Hindi talaga maiwasang hindi sila makaagaw ng pansin kung magkasama sila ni Mikael.

Hinawakan ni Mikael ang kamay niya, kinuha ang shoulder bag niya at sinukbit sa balikat nito. Katulad na katulad ito noong highschool sila. Hawak kamay silang dalawa ni Mikael at sabay na naglakad papasok sa school nila.

Napadaan sila sa mga kapwa estudyante nilang napatigil pa talaga sa paglalakad habang tinitingnan silang dalawa ni Mikael. Iyong mga nadaanan nila ay agad ring nagbulungan.

Yeah right!

Dedma lang si Mikael sa mga ito kaya dinedma na lang din niya. Nakarating na sila sa classroom nila at ganoon din ang nangyari. Dejavu lang ang peg katulad noong nangyari almost 4 years ago. Kitang kita niya kung paanong napanganga sina Sasha at iyong ibang mga babaeng may gusto rin yata kay Mikael. Hindi niya na lamang ang mga ito pinansin.

Namataan niya si Georgette sa pwesto nila sa likurang bahagi ng classroom. Katabi nito si Z na nakaupo sa seat niya. Namumula ang mukhang kumayaw ito sa kanya. Blooming na blooming ang loka.

Agad silang lumapit ni Mikael sa mga ito.

"Girl." Bati niya dito at agad bumeso. "Marami kang ikekwento sa kin mamaya." Bulong niya.

"Ikaw rin." Sagot nito at kumindat sa kanya.

"Doon na kayo ni Chloe sa harap pumwesto, Mimi." Sabi ni Z kay Mikael. "Dito na kami ni Georgie." Saad nito na mas lalong ikinapula ng mukha ni Georgette.

"Sige." Sang-ayon naman ni Mikael dito. Bumaling ito sa kanya. "Tara babe, review tayo."

Agad silang bumalik sa harap at hindi inalintana ang mga classmates nilang tahimik pa din hanggang ngayon.

Pagkaupo nila ay nagbulungan agad ang mga classmates nila. "Hayaan mo sila." Bulong ni Mikael sa kanya noong napansin nitong napatulala siya kasi pilit niyang makinig sa mga binubulong ng mga ito. Hinalikan siya nito sa pisngi at mga singhap ang narinig niya sa likuran nila. Meron pa ngang napa-awww na parang kinilig sa ginawa ni Mikael.

Tumango lang siya at agad nilabas ni Mikael ang review notes niya at sabay silang nagreview.

Her old Mikael is back. And she feels so happy.

Mayamaya lang ay dumating na ang teacher nilang si Ma'am Abella. And as usual, one seat apart na naman. Si Mikael na din mismo ang nagbuhat ng upoan niya at inayos ito sa tamang pwesto. Napatingin siya sa teacher nila ng bigla itong pumalakpak

"May new loveteam yata sa section na 'to." Puna nito na agad ikinapula ng pisngi niya. "Namiss ko tuloy ang asawa ko! Sige na! Let's start na at ng makapagdate na din ako sa asawa ko!" Kinikilig na sabi nito.

Napangiti siya. Eto pala iyong teacher nila na nakatuluyan ang highschool sweetheart nito. She hopes she and Mikael will also end up together just like Ma'am Abella and her husband.

Naramdaman niyang inabot ni Mikael ang kamay niya at hinawakan iyon. Kaya napabaling siya dito. "Goodluck, babe."

Ngumiti siya rito bilang tugon. Binitawan lang ni Mikael ang kamay niya ng pinatayo sila ng teacher nila for a prayer. Pagkatapos nilang magdasal ay umupo rin sila agad at nagsimula ng magdistribute ng test papers ang teacher nila.

Napalingon siya ng saglit kina Georgette at kita niyang hinalikan ni Z ang balikat nito. Napangiti siya at biglang napaharap kay Mikael ng hinaplos nito ang pisngi niya.

Nakangiti pa din siya ng bumaling siya dito, "Hmm?"

Ngumisi ito sa kanya. "Kinikilig ka?" At napalingon din ito kina Z sa likod. "Mas nakakakilig tayo, babe! Don't be jealous."

Tumawa lang siya at agad tumahimik noong malapit na ang teacher nila. Nakangiti ang teacher nila noong inabutan sila ni Mikael ng test papers nila. Nagstart din agad sila noong lahat silang magkaklase ay may mga testpapers na.

25 minutes before matapos ang exams nila ay natapos na siya sa pagsagot ng papel niya kaya agad siyang napalingon kay Mikael para tingnan kung tapos na din ito. Kanina pa tapos sina Georgette at Z at nasa labas na ang mga ito ng classroom nila.

"Done?" Tanong nito sa kanya. Kanina pa yata ito tapos at inantay lang siya.

Tumango siya dito kaya sabay silang nagpasa ng testpapers sa teacher nilang ngiting ngiti sa kanila.

"Bagay talaga kayong dalawa. I'm really happy for the both of you. And even to Mr. Walker and Ms. Smith. It never occured to me that you, Mr. Edwards and even Mr. Walker are gays. Hindi maaccept ng isip ko. Sa kapogian niyong dalawa, I know and strongly believe na may isang babae talagang magpapabago sa inyo." Litanya ni Ma'am Abella at kinikilig pa itong humagikgik. "Stay strong, okay?"

Natawa lang siya sa sinabi ng teacher nila habang nakangisi naman si Mikael sa tabi niya. Magkahawak kamay silang lumabas ni Mikael sa classroom. Agad niyang napansin ang maraming taong nakatingin kina Z at Georgette pero dedma lang din ang dalawa, sila din ni Mikael ay nakaagaw rin ng atensiyon mula sa mga tao sa labas. Nakita niyang nagbulungan rin ang mga ito. Nakaakbay si Z kay Georgette habang nagkukulitan ang mga ito. Pagkalapit nila ay doon lang sila napansin ng dalawang magka-ibigan.

"Mimi, Chloe, let's go to the cafeteria. Nandoon sina Mother, Joanne at Christy." Sabi ni Z sa kanila. "By the way, you both look good together, pero mas goodlooking couple kami kaysa sa inyo." Dagdag nito.

Mikael snorted. "Yeah right!"

Natawa lang silang dalawa ni Georgette. They're both happy. Its visible in Georgette's eyes and she knows it's clearly visible in hers, too. Who would have thought, hindi ba? Na sa nangyari kahapon ay nagkaaminan na sila. Bagay nga kay Henry na tawagin itong Mother. Hahaha more like, fairy godmother.

Palapit na sila sa cafeteria nang namataan niya ang mga varsity players. Nakaupo ang mga ito malapit sa pinto ng cafeteria. He saw this certain varsity player na unang nakapansin sa kanila. Nakaupo ito sa same table na inuupuan nina Jasper at Markie. May sinabi ito kaya agad napabaling ang tingin ng lahat sa kanila, including Jasper, Markie and the other table behind them. Napangiti si Jasper habang si Markie naman ay agad nagbago ang expression, from shock to hurt to anger.

Shet! She hopes walang away na magaganap. Mas lalo siyang kinabahan ng kumuyom ang kamay ni Markie sa taas ng table. Tumigil siya sa paglalakad at napahawak siya ng mahigpit sa kamay ni Mikael.

Tumigil din ito at agad siyang hinarap, "Why? What's wrong?"

Tumigil din sina Georgette at Z noong napansing tumigil silang dalawa ni Mikael.

"Anong problema, girl?" Kuryusong tanong ni Georgette sa kanya.

"Markie's furious." Sabi niyang hindi hinihiwalay ang tingin kay Markie at agad napabaling ang tatlo sa kung saan man siya nakatingin.

"Oh, ghad!" Nasabi ni Georgette.

"So what if he's furious?" Tanong ni Mikael sa kanila.

"Hindi mo naman siya sinagot, hindi ba?" Tanong ni Z kay Georgette na nakakunot ang noo.

"Hindi! Pero it think pinaasa ko siya. I let him court me." Sagot ni Georgette.

Narining niyang nagpalatak si Z. "Then, problema na ni Markie kung umasa siya! At bakit mo siya pinayagang manligaw sa'yo, ha, Georgie?" Galit ang tono ni Z.

Napabaling si Georgette. "Because you ignored me for more than a decade!" Inis ding turan ni Georgette.

"Fck that! Then, we'll show him he needs to stop hoping!" Sabi ni Z at bigla nitong hinawakan sa batok si Georgette and pulled her for a kiss.

Napatakip ang kamay niya sa bibig niya, habang tumawa naman si Mikael sa tabi niya. Suminghap din ang lahat ng nakakita. Ang tagal naghalikan ang dalawa sa harap nila.

Then, she remembered Markie, napabaling ang tingin niya sa direksiyon nito at kinabahan siya ulit ng nakitang papalapit na ito sa pwesto nila. Marami ang pumipigil ditong kaibigan nito especially Jasper pero patuloy lang itong lumakad.

"Mi-mikael!!" Nahihinatakutang sabi niya kaya napahiwalay na sa paghahalikan ang dalawa at tumingin din sa direksiyon ni Markie.

Agad hinila ni Z si Georgette papunta sa likod nito, at ganoon din ang ginawa ni Mikael sa kanya. At nag-abang ang dalawa sa tuluyang paglapit ni Markie kasama ang mga kabarkada nito, hindi kasama si Jasper. Nanlamig ang kamay niya, paano kung magkagulo nga? Marami sina Markie, dalawa lang sina Z at Mikael.

"What's the meaning of this, Georgie!!" Agad na tanong ni Markie kay Georgette. Nasa likod nito ang mga barkada nito.

Georgie? Fck! Pareho pa pala sina Z at Markie ng tawag kay Georgette. Pinalibutan na din sila ng iba pang mga mga estudyanteng kuryusong nakatingin sa kanila.

"Georgie? Really, Georgie?" Napalingon si Z kay Georgette pero agad din itong bumaling kay Markie. "You don't have the right to call her that now, that's my eandernment for her F.Y.I." Maangas na sinabi ni Z kay Markie.

"Fck you! I'm not talking to you, you gay!" Galit na sinabi ni Markie kay Z. "Ano Georgie? Pinayagan mo akong ligawan ka, para paasahin ako?"

"I..I'm sorry... I didn't mean to.." sabi ni Georgette.

"I told you to stop calling her that! I'm her official boyfriend, incase you didn't know! Accept you've lost in winning her heart because her heart belongs only to me in the first place! You should know how to accept your defeat, dude!" Sabi naman ni Z dito.

Tumawa si Markie ng nakakaloko. "Bakla ka! Potangina mo!" At bigla itong umambang susuntukin si Z sa mukha, tinulak ni Z si Georgette palayo sa likod nito at umilag sa suntok ni Markie.

"Is that all you've got?" Ininis pa lalo ni Z si Markie kaya mas lalong nagalit iyong isa at mabilis na umambang suntukin ulit si Z ngunit nakailag ulit ito.

"Tama na Markie!!!" Sigaw ni Georgette pero hinawakan ito ng ibang estudyante ng akmang lalapitan nito ang dalawang nagsusuntukan.

Nanood lang si Mikael noong una pero agad din siya nitong tinulak papunta kay Georgette nang sumali na ang ibang kabarkada ni Markie.

"MIKAEL!!!" Sigaw niya at akmang lalapit din sana kay Mikael nang may humawak din sa kanya. "Bitawan niyo 'ko!" Pagpipiglas niya.

Shet! 2 vs 12! Fck!

"Mikael!!!"

"Z!!"

Sabay nilang sigaw ni Georgette ng sabay na nasuntok ang dalawa ng mga kalaban ng mga ito.

"Pigilan niyo sila!!" Sigaw niya sa ibang mga lalaking nanonood lamang. Pero mukhang engrossed na engrossed ang mga ito sa panonood. It seems like its the first time na nagkaroon ng suntukan dito sa school. "Stop them, you idiots! Huwag lang kayong manood!!" Sigaw ulit niya pero nalunod lang ang sigaw niya sa ingay ng ibang mga estudyante.

Nakakabawi din ng suntok sina Z at Mikael sa mga kalaban pero anong magagawa ng dalawa laban sa isang dosena! Nagulat sila ng biglang dumating sina Johann at Christopher at tumulong kina Markie at Z, habang si Henry naman ay tili lang ng tili at naiiyak na nananatiling nakatayo kasama ang ibang mga estudyante.

Fck! Napaiyak na siya nang nakita niyang pumutok na ang labi ni Mikael. "Tama na!!" Pumiglas ulit siya pero hindi talaga siya makawala sa pagkahawak ng kung sino man sa braso niya.

Nakita niyang natumba na ang lima sa mga kasamahan ni Markie nang biglang pumito ang tatlong security guard ng school nila at may mga teachers din at ang coach nina Markie ang humahangos na dumating.

Bakit kahit sa movies ay late talagang dumadating ang mga ito?

Agad tumigil ang mga nagrarambulan pero nakita niyang sinuntok pa ulit ni Z si Markie sa mukha bago tuluyang nakalapit ang mga security guards at teachers sa kanila.

"Sino nag-umpisa nito?" Tanong agad ng isang teacher. Agad namang nagsalita ang ibang mga estudyanteng nakakita noong simula pa lang ng away kanina.

Pinakawalan na din siya ng humahawak sa kanya at ganoon din si Georgette kaya mabilis silang tumakbo palapit sa mga boyfriends nila.

Niyakap agad ni Georgette si Z, habang siya naman ay hinawakan ang mukha ni Mikael, aside sa putok sa labi nito ay wala na itong iba pang galos. Kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Gwapo pa din ba?" Tanong nito sa kanya at akmang ngingisi pero agad ding napangiwi ng sumakit ang labi nitong may sugat.

"Loko ka!" Sabi niya dito.

"Lahat kayo! To the guidance office! Now!" Sigaw ng isang teacher nila.

"Kami din ba, Sir? Eh tumulong lang kami." Tanong ni Johann. Wala man lang itong galos sa mukha o kahit si Christopher.

Si Z naman ay pumutok lang ang kilay nito. Ang napuruhan talaga ay si Markie at ang mga nabagsak na limang lalaking kabarkada nito. May putok sa labi, kilay at namumula ang ilong ni Markie. Agad nagpatawag ng nurse ang teachers nila para matingnan ang limang nakahandusay na lalaki. Habang sila namang anim kasama sina Henry, Markie at ang anim na natitirang kabarkada nito ay dumiretso sa guidance office.

Hindi sila nina Georgette at Henry pinapasok sa loob kaya nanatili lang silang tatlo sa labas. Nakairap si Henry na nakaupo sa kabilang upoan habang nakayuko naman si Georgette sa tabi niya. Sinisisi nito ang sarili nito sa nangyari. But she assured her its not partly her fault. Marami namang napapadaan sa kanila ang tumitingin ng masama kay Georgette.

"Anong problema niyo!?" Sita niya sa mga ito nang hindi na niya napigilan ang sarili niya. Walang karapatan ang mga itong umakto ng ganoon!

Agad ang mga ito nag iwas ng tingin at naglakad ng mabilis palayo sa kanila.

Mayamaya lamang ay lumabas na ang mga pumasok sa guidance office. Naunang lumabas sina Markie at mga kaibigan nito. Nakita niyang sumulyap si Markie kay Georgette, habang nanatiling umiwas ng tingin si Georgette dito, bago ito tuluyang umalis kasama ang mga kaibigan nito. Agad naman silang tumayo ni Georgette habang naglalakad naman palapit sa kanila ang mga boyfriends nila, habang sina Johann at Christopher naman ay lumapit kay Henry.

"Punta tayo ng cafeteria. Gutom na 'ko." Sabi ni Mikael na agad siyang inakbayan na parang hindi ito galing sa bakbakan kanikanina lamang.

Niyakap naman ni Z si Georgette ng umiyak ang kaibigan niya. Nakita niyang hinalikan nito ang buhok ng girlfriend nito.

"Hindi muna kayo papagamot sa clinic, babe?" Sabi niya dito.

Tumawa si Mikael, "Seriously? Malayo sa bituka, babe." Lokong sagot ni Mikael sa kanya.

Niyaya ni Mikael sina Johann, Christopher at si Henry na nakairap pa din na pumunta ng cafeteria. Agad namang sumang-ayon ang dalawa maliban kay Henry na nagpalatak, "Masisira ang mga beauty niyo ng dahil sa mga babaitang iyan!" Galit na usal nito. "Sinasabi ko na sa inyo! Sisirain lang ng mga iyan ang buhay niyo!"

Sasabat na sana siya ng nahagip ng mga mata niya ang isang babaeng tumatakbo ng sobrang bilis papunta sa direksyon nila. Sinipat niya itong mabuti before she confirmed that it was Christine. Nakita niyang napatiim bagang si Christopher pagkakita dito.

Tumili na parang sobrang frustrated si Henry, "May isa pang parating!!" At bigla itong nagwalk-out at nauna nang umalis.

"Mother!" Sigaw ni Z dito, pero tuloytuloy lang itong naglakad palayo sa kanila.