1st day ng midterm exams nila ng araw na iyon, maaga pa siyang dumating sa school nila para makapag review siya ulit ng pinag-aralan niya ng nakaraang gabi. May tatlong exams siya ngayong araw na 'to, bukas at sa susunod na bukas ay tatlo din at sa susunod ulit na bukas ay isang exam na lamang. Pagkatapos niyon ay rest day na nila sa friday.
Sa thursday ng gabi nila napagplanuhang magkagrupo na babyahe pupunta sa Ilocos para makapagsimula agad sila sa pag gawa ng take home exam nila on friday morning. Sa sunday na daw sila umuwi sa siyudad para naman makapag enjoy talaga sila doon, pero napagplanuhan nila ni Georgette na kung matapos na nila ang thesis nila sa saturday ay mauuna na silang dalawang uuwi, kaya magdadala ng kotse si Georgette papunta doon.
Nasa loob na siya ng classroom nila at nagrereview ng biglang nagring ang cellphone niya. May 25minutes pa before mag start ang exams nila at hindi pa nakarating si Georgette, Z at Mikael. Siguro'y nasa sampu pa lang silang magkaklase na nasa loob ng classroom.
Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bag at agad lumabas para hindi na makaistorbo sa mga classmates niyang nag-aaral.
Nang chineck niya iyon at napangiti siya, si Mike iyong tumatawag.
"Hey, bubblegum!" Bati niya dito pagkatapos niyang pumwesto sa labas lang ng pintuan ng classroom nila.
Yes, bubblegum tawag niya dito, tinutukso niya ito kasi nalaman niyang hindi pala ito marunong gumawa ng balloon gamit ang bubblegum. Noob lang.
"Oo na lang talaga, flying ipis!" Tukso din nito pabalik sa kanya.
Grabe kasi ang takot niya noong magkasama silang naglalakad papunta sa parking area ng isang restaurant, nakakita siya ng ipis sa daan at aapakan niya sana pero biglang lumipad papunta sa buhok niya. Tili siya ng tili sabay ilang ulit na nagheadbang para maalis lang ang ipis sa buhok niya. Habang si Mike naman ay tawa ng tawa lang sa kanya, hindi man lang siya tinulungan.
Tumawa siya, "Tse! Whats up? Ba't napatawag ka?"
"Wala lang. I-gugoodluck lang sana kita for your exams." Sabi nito.
"Asuuus! Ang sweet talaga ni bubblegum!" Sabi niya dito sabay hagikhik.
Nagulat siya ng may biglang nagsalita sa likod niya. "Excuse me! Paano makaka enter sina Mimi kung hinaharangan mo the door?"
Napabaling siya doon, at nakita niyang si Henry pala iyong maarteng nagsalita. Nakataas ang kilay nito at nakairap sa kanya. Kompleto silang lima.
"I'm sorry." Sagot niya sabay lakad palayo sa pintuan.
"Bitch!" Rinig niyang komento ni Henry ulit.
Natigilan siya. Sa tanang buhay niya ngayon lang siyang tinawag na ganoon. Humarap siya ulit sa mga ito. "Ano sabi mo?" Tanong niya dito. Nakita niyang pinigilan ito ni Johann at Mikael ng akmang susugurin siya nito.
"I said you're a bitch! Bingi lang, te? Lalandiin mo si Mimi tapos may kaflirt ka ding iba?" Sigaw nito sa kanya.
Nakaagaw na sila ng pansin sa ibang estudyanteng napapadaan lang at ang ibang nasa loob na ng classroom malapit sa kanila ay lumabas para tingnan ang kaguluhan.
"Wala akong kalandiang iba! And I don't care about Mik..Mimi, anymore!" Sagot niya dito pabalik, galit na galit siya. Nakita niyang napatiim bagang si Mikael. Narinig niyang nagsasalita din si Mike sa cellphone niya.
"You slut! Pagkatapos mong magpapansin sa kanya ay iiwasan mo siya?! For what? Para ihurt siya again?! Go back to wherever pokpokan you came from!" Malakas na sigaw nito at akmang susuguring siya nito ng hinawakan ito ng maayos nina Mikael at Johann. Si Z naman ay nakangisi lang habang si Christopher naman ay nakairap din sa kanya.
"Tama na, Mother." Rinig niyang sinabi ni Mikael.
"Hoy! Anong kaguluhan, 'to?! Ba't mo inaaway ang bestfriend ko?!" Rinig niyang sigaw galing banda sa likod niya, medyo malayo pa ito. Humahangos na dumating si Georgette.
Hinawakan niya agad si Georgette sa braso ng didiretso sana ito patungo kay Henry. "Tama na, girl."
"Anong tama na?! Inaaway ka ng baklang iyan! Lumaban ka!!" Galit na sinabi ni Georgette.
Madramang tumawa si Henry, na parang kontrabida sa mga tv. "Bagay nga the two of you na maging friends! Pareho kayong malalandi! Mga manloloko! Mga walang respeto sa aming mga bakla! Ano akala niyo? Mababago niyo si Ms. Z at Mimi? At maiinlove sa mga katulad niyo? Dream on, bitches!!"
"Walang hiya ka!!" Hindi na niya napigilan si Georgette. Ang bilis nitong nakalapit kay Henry at agad sinabunutan ang isa. Hindi naman makaganti si Henry kasi hindi pa din ito binibitawan nina Johann at Mikael.
Tili ng tili si Henry ng natanggal na ang wig nito at ang sariling buhok na talaga nito ang sinasabunutan ni Georgette. Nilapitan niya si Georgette para pigilan pero hindi niya kaya, galit na galit ito. Nagulat siya ng si Z na ang pumigil dito at hinawakan si Georgette sa baywang. Nang hindi pa din mapigilan si Georgette sa pag wawild ay sinampa ito ni Z sa balikat nito na parang isang sakong bigas.
"Hoy!" Gulat na hayag ni Georgette, "Ibaba mo ko!!!"
Woah! Nagulat din siya. Ang lakas ni Z!
Mabuti na lang nakaskinny jeans si Georgette at hindi nakadress na madalas nitong suot sa loob ng school, kundi ay nakitaan talaga ito ng panty.
Pinalayo ni Z si Georgette kay Henry at nagsimula itong maglakad palayo habang pasan pa din si Georgette.
"Bitawan mo kong bakla ka!!!! Papatayin ko pa ang mother niyong mga bakla kayo!!" Galit na sigaw ni Georgette sabay piglas.
"Pakyu ka! Bitch! Slut! Whore! Bitawan niyo kasi ako, Mimi, Joanne! Paano ako makalaban kanina!!" Sigaw ni Henry.
Nakita niyang nag f.u. sign si Georgette kay Henry at nagpumiglas ulit at sinusuntok-suntok ang likod ni Z para makababa sa pagkakapasan dito pero hindi talaga natinag si Z at patuloy lang sa paglalakad palayo.
"Saan mo siya dadalhin, Z!?" Sigaw niya kay Z pero hindi siya nito sinagot. Susundan niya na sana ang mga ito ng biglang dumating ang dalawang teacher at isang security guard.
"Anong kaguluhan, to?" Tanong agad ng dalawang teachers.
Narinig niyang nagsumbong ang ibang classmates nila sa nangyari. Tinuro nila si Henry na siyang unang sumugod.
"Nasaan si Ms. Smith?" Tanong ng teacher nila ng napansing wala naman si Georgette doon.
"Inalis po ni Zaber dito, Ma'am!" Sagot ng isang audience nila kanina.
"Saan sila pumunta?" Tanong ulit ng teacher nila, nagkibit balikat ang lahat, "Hay naku! Unang araw ng exams niyo nag-away away kayo! Kayong lahat! Bayani! Mendoza! Edwards! Advincula! Nolasco! Sumama kayo sa 'kin sa guidance! Now!"
Fck! 1st time niyang maguidance sa tanang buhay niya bilang ang estudyante!
Sumunod silang lahat. Nagpapahuli siya sa paglalakad at pinauna na sina Mikael. Nakayuko siyang naglalakad at iniisip ang nangyari kanina or kung kumusta na kaya si Georgette, kaya nagulat siya ng may sumabay sa kanyang maglakad. Pag-angat niya ng tingin ay si Mikael pala iyon. Ano na naman kaya ang trip nito? Pero hindi na lang niya ito pinansin. At akmang magpapahuli ulit siya sa paglalakad pero sinasabayan talaga siya nito. Napaangat ulit siya ng tingin dito, nabigla siya ng nakatingin pala ito sa kanya.
"I'm sorry." Iyon lang ang sinabi nito at nag-iwas na ito ng tingin sa kanya.
Bakit ito nagsosorry? Sorry for what? Gusto niyang magtanong pero natatakot siyang malaman ang sasabihin nito. Kaya nanatili siyang tahimik hanggang sa nakarating sila sa guidance.