Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 32 - Chapter 31

Chapter 32 - Chapter 31

Ilang linggo na ang matuling lumipas pagkatapos nilang magdesisyon ni Georgette na iwasan sina Mikael at Z. Minsan nakikita niya sa peripheral vision niya na napapalingon ang mga ito sa kanila sa loob ng classroom. Minsan naman ay sa cafeteria kapag doon sila kumakain kasama si Christine, Jasper, Markie at iba pang mga varsities pero madalas ay sa labas na sila kumakain, para mas lalong makaiwas sa mga ito.

Sinabihan na nila si Christine sa naging desisyon nila. Nagkekwento din ito sa mga nagaganap dito at kay Christopher.

"Buti pa kayo... Ako? Hindi ko talaga siya maiiwasan katulad ng sa inyo. Minsan nga parang gusto ko na lang tumakas at mawala na lang bigla. Kaso siyempre, joke lang." Tumawa ito ng mapakla.

"Kaya mo yan, atleast nasa side mo ang parents niya. And nandiyan din ang parents mo to help you. Eh ako?" Georgette remarked.

Tumawa si Christine. "Yeah. Nasa side ko nga ang pamilya niya pero kahit ganoon pa man ay masakit pa ding isipin na harap-harapan niya akong inaayawan sa mga pamilya namin." Tumawa ulit ito ng mahina. She's trying to cover up her sadness. "Next year na ang kasal namin ha? Punta kayo ah? Ang hindi ko lang alam is kung may groom ba ako. O pareho kaming susuot ng gown." Tapos ay tumawa ito ng sobrang lakas.

Nagkatinginan sila ni Georgette, nababaliw na yata si Christine. Pinitik ito ni Georgette sa noo. "Hoy! Nasisiraan ka na talaga ng bait?"

Mayamaya lang ang tawa nito ay naging hagulgol na. Agad niya itong niyakap. "Christine.. Hush.."

Hindi umimik si Christine at nagpatuloy lang sa pag-iyak sa balikat niya.

Naawa siya kay Christine, atleast sila ni Georgette ay pwede silang umiwas. Si Chrisitine ay wala talagang choice kundi ang magtiis sa malupit na pakikitungo ni Christopher.

Si Jasper naman ay pinrangka na niya na hindi pa siya ready pumasok sa panibagong relasyon. Sinabi niya dito na nasa moving-on process pa lang siya kay Mikael, at ayaw niya ding gawing rebound ito. Inofferan niya ito ng friendship at pumayag naman ito. Kaya eto at friends na lang talaga sila. Kaso minsan, hindi pa din maiwasan ni Jasper ang magpalipad hangin sa kanya.

Si Georgette naman ay binigyan na ng chance si Markie na manligaw dito. Tuwang-tuwa si Markie siyempre pero alam niya hindi pa rin masyadong nakamove-on si Georgette kay Z. Minsan kasi ay nahuhuli niya itong napapatingin pa din kay Z pero agad din naman ito umiiwas. Alam niyang mahirap makamove-on. Ganoon din naman siya pero kinakaya niyang talaga.

Sa susunod na linggo ay midterm exams na nila, kaya medyo busy na silang lahat sa school para sa nalalapit na exams. Maraming mga requirements at group works. Nagpapasalamat sila ni Georgette na sa lahat ng group works nila ay never pa nilang naging kagrupo sina Z at Mikael since sila mismo ang pumipili ng gusto nilang makagrupo. Kaya makakaiwas pa din sila sa mga ito kahit magkaklase sila.

Iyon ang akala nila, last subject na nila sa linggong iyon. Nagulat sila ng nag announce ang teacher nila na bibigay ito ng take home exams, iyon na daw ang magiging midterm exams nila. Take home exams nga pero with the group kasi reporting daw iyon na parang thesis style na kailangan nilang ipresent sa katapusan ng buwan. Ang teacher nila ang mismong nagdivide sa kanila sa tatlong grupo. 29 sila sa klase, kaya for sure tig 10 iyong dalawang grupo at 9 naman iyong isang grupo.

Naunang tinawag ang mga boys. Magkasama si Z at Mikael sa group number 3.

"Sana magkasama tayo, girl." Bulong ni Georgette sa kanya.

"Kaya nga. At sana hindi tayo magkagrupo nina... alam mo na.." bulong niya din pabalik dito.

Tumango din ito sa kanya. Mayamaya lang ay silang mga girls na ang tinawag.

"Lim, group 1. Mendez, group 2.."

'Fck!' Napabaling siya kay Georgette na nanlalaki din ang mga mata.

"Mendoza, group 3..."

Nakikita niya sa peripheral vision niya na lumingon si Mikael sa direksiyon niya. Hindi niya ito tiningnan. Grabe naman maglaro 'tong tadhana.

"Quezon, group 2. Smith, group 3."

Nagulat siya sa biglang pagtayo ni Georgette. "Ma'am!!!" Sigaw nito. "Pwede po bang itransfer niyo kami ni Mendoza sa ibang group? I strongly object!"

Napatingin ang lahat ng classmates nila sa kanila, including Mikael, pero si Z ay nananatiling nakatingin sa teacher nila.

"Bakit Ms. Smith? Anong problema sa groupings niyo?" Tanong ng teacher nila.

Matagal bago nakasagot si Georgette nag-iisip yata ng mairarason, "Wala lang po Ma'am. Mas gusto po kasi naming sa group 1 kami, para ayon.. Number 1 kami. Hehe." Awkward nitong sinabi.

"Don't worry. It doesnt mean na because you're in group 3 eh, last kayong magpepresent. Magbubunutan pa din kung sino ang mauuna." Paliwanag ng teacher nila.

Aangal pa sana ulit si Georgette nang nagsalita ulit ang teacher nila, "May ayaw ka ba sa mga kagrupo mo? Well, if it's because of that then, pwede kayo mag exchange with the others. That is if may willing makipag exchange sa inyo."

Agad na may nag raise ng mga kamay nila. "Ako, Ma'am!" Sabay na sabi nina Brenda, Lily, Astrid at Cassandra.

"Ayan Ma'am! Ano mga group niyo?" Tanong ni Georgette sa mga ito.

Tatlo sa mga ito ay nasa group 1 habang ang isa naman ay group 2. Nakipag exchange na sila kina Lily at Astrid, pero nagulat sila ng tinaas ni Mikael ang kamay nito.

"Ma'am. Isn't it unfair para sa iba na gusto din sanang magchange ng group? If papayagan niyo sila then, mas mabuti pang kami na lang mismo ang pipili ng mga kagrupo namin." Sabi ni Mikael na ikinamulagat nilang dalawa ni Georgette.

Fck!

"Oo nga Ma'am!" Segunda din ng ibang mga kaklase nila. Habang sina Lily at Astrid ay umaangal. Gusto talaga ng mga itong lumipat sa group 3.

"Okay! Okay! Manatili kayo sa group 3 Ms. Smith and Ms. Mendoza! End of discussion! Bawal ang objections! And no violent reactions!" Inis na hayag ng teacher nila.

"Shit! Paano iyan, girl?" Nag-aalalang bulong sa kanya ni Georgette.

Napabuntong hininga lang siya. Ang tagal nilang iniwasan sina Mikael at Z tapos ngayon ay pinaglapit na naman sila. Napatingin siya sa direksiyon ni Mikael at bigla din itong napalingon sa kanya at ngumisi. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

Ano ba Mikael! Can't you see that I'm trying to avoid you! Georgette's also trying to avoid Z! You're making this harder for all of us! Kung pwede niya lang ipagsigawan iyon ngayon sa klase ay ginawa na niya. Revenge niya ba talaga 'to? Damn!

Nagpatuloy ang teacher nila sa pagsabi ng mga group number ng natitira pa nilang mga kaklase. Mayamaya lang ay inutusan sila nitong lumapit sa mga kagrupo nila para makapagmeeting sa kung ano man ang magiging topic nila.

Tamad silang tumayo ni Georgette ng tinawag sila ni Sasha, isa sa mga ka groupmate nilang babaeng puno ng kolorete sa mukha. Doon sila nagtipon-tipon sa harap malapit sa mga upuan nina Mikael. Ang tatamad. Kami pa talaga ang lalapit eh. Tsk.

Umupo siya sa isang silya sa kabisera ng upuan ni Mikael pero tumingin agad siya kay Sasha. Si Georgette naman ay umupo lang sa armchair ng upuan niya at ang pwesto ay nakatagilid paharap din kay Sasha para maiwasan din nitong mapatingin sa direksyon nina Z.

"Ano ang magiging topic natin?" Tanong ng isang lalaking kagroupmate nilang Kurt yata ang name.

"How about pricing strategies of a certain business?" Mungkahi ni Beatrice.

Tumango ang iba, "Anong business, then?" Tanong naman ni Sasha.

"Hmmm.. what about you Georgette, hindi ba may iba pa kayong business, aside sa school?" Tanong naman ni Harold.

"Well, yeah. But i doubt it. Medyo busy sina mom and dad. I don't think magkakaroon tayo ng appointment agad sa kanila." Sagot ni Georgette.

"Si Mimi kaya? Hmmm.. Mimi?" Tanong ni Sasha.

Woah there! Nagpapacute ang loka. May gusto yata kay Mmmm..

"Okay lang." Sagot naman ni Mikael.

"Great! So pwede ba tayo pumunta sa company niyo? Or pwede ba tayong magkaroon ng appointment sa dad mo? Or to the one handling your business?" Sabi ulit ni Sasha.

Bigla siyang napatingin kay Mikael, nagulat siya na nakatingin din pala ito sa kanya or sa kay Sasha? Ewan! Yumuko na lang siya ulit. Damn! Namimiss niyang talagang tingnan ang mukha ni Mikael.

"Sige. Kung pwede kayo next week after ng exams, then walang problema. Nasa laguna ang poultry namin, while ang palaisdaan namin is nasa Ilocos. So which is which?" Sabi ni Mikael.

Napuna niyang wala na masyadong twang na naririnig sa pagsalita ni Mikael. Hindi na siya masyadong baklang pakinggan.

"Oh, my! Ilocos na lang, please! May bahay kayo doon? Pwede ba kaming mag overnight doon? Parang bonding na din natin as groupmates. Hindi naman natin matatapos ang thesis ng isang araw lang, di ba?" Masayang mungkahi ulit ni Sasha.

Sumang-ayon naman ang ibang groupmates nila sa mungkahi nito. Mukhang mga excited na.

Fck that! Napatingin siya kay Sasha pagkatapos ay napatingin din siya kay Georgette na nakatingin din pala sa kanya. Na parang sinasabihan niya itong umangal ito, pero nakita niyang hindi rin nito alam kung ano ang sasabihin.

"Ammmm... Pwedeng idivide na lang iyong assigned task? Baka... baka hindi kami payagan ni Georgette na pumunta sa Ilocos, eh. Ang layo." Rason niya sa mga ito.

Narining niyang umangal ang mga kagroupmates nila.

"Sama na kayo, Chloe, Georgette!" Sabi ni Kurt sa kanila, "Minsan lang naman, busy na tayo sa school eh. Para makapagbonding din tayo, tsaka kakatapos lang ng exams natin sa araw ng pag-alis natin kaya hindi hassle sa school work."

Nagtinginan sila ni Georgette, tapos sabay na napabunga ng hangin. "Okay." Sagot na lang niyang sumuko na lang. Ayaw niya ding matawag na KJ, just because iniiwasan niya si Mikael.

"Yes!! So paano, Mikael? Okay lang ba?" Tanong ulit ni Sasha.

Nakita niya sa peripheral vision niya na tumango si Mikael, "Of course. Walang problema." Sang-ayon nito.

Nagsigawan ang mga kagroupmates niya, sinaway tuloy sila ng teacher nila.

Hay.. heto na naman tayo..