Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 31 - Chapter 30

Chapter 31 - Chapter 30

Its already 7:50 in the evening pagkarating niya sa bahay nila. Hinatid siya ni Mike at hindi na rin siya pumasok sa last subject niya dahil sa sobrang pamamaga ng kanyang mga mata. Napuna din ng mom at tito Rey niya iyon pagkabati niya sa mga ito, at agad siyang inusisa ng mom niya sa nangyari.

Ngumiti lang siya dito sabay iling ng ulo niya. "I'm going to avoid Mikael, mom. Please don't tell daddy." Iyon lang ang sinabi niya at nagpaalam na siya agad. "Maliligo na po ako. Tapos na din po ako magdinner. Goodnight mom, tito Rey."

Hindi pa siya nakakain ng dinner pero wala talaga siyang gana. Dumiretso na lang siya sa kwarto niya para kumuha ng tuwalya, maliligo muna siya bago niya tatawagan si Georgette. Kaya pagkatapos niyang maglagay ng lotion sa katawan ay agad niyang tinawagan ito. Unang ring pa lang ay sinagot na nito agad iyon.

"Girl! Kumusta? How's your last class? Naka-dinner ka na?" Tuloy tuloy na bungad nito sa kanya.

Napatikhim muna siya bago nagsalit. "Girl... Kinausap ako ni Z kanina.."

"Huh? W-why? What happened?" Tanong naman nito sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago sumagot, "He wants me to avoid Mikael.." Kinwento niya ang naganap na pag-uusap nila ni Z. Kasama na ang muntik na pagbangga sa kanila ni Mikael.

"Oh, my! Nagseselos talaga siya, girl! You should have seen his face habang nakatingin sa inyong dalawa ni Mike! Eh bakit, nagagalit si Z sa'yo? Its not your fault that Mikael is still affected. It just means one thing, na may nararamdaman pa din siya sa'yo!" Sabi ni Georgette.

"I don't know... Z told me pareho daw tayong manloloko.. that's why mas mabuti pang maging bakla na lang daw sila kaysa magmahal ng babae. Anong ibig sabihin niya, girl?" Tanong niya dito.

Matagal bago sumagot si Georgette, "Huh? Ako manloloko?Anong ibig niyang sabihin?!! Hindi ko rin alam! Hala! Oh, my ghad! I need to talk to him! Iyon daw ba ang reason niya kaya naging bakla siya?"

"I guess... mga manloloko daw tayo..." Napabuntong hininga siya. "Girl.. I'm going to avoid, Mikael from now on."

"W-what!?? Bakit? Oh, my! Are you going to give up kasi pinagbantaan ka ni Z? I really need to talk to him! Like, right now!" Sabi nito at narinig niyang tatayo na ito sa kama.

"Wait!!! Huwag, girl! It's my own decision! I've just realized something!" Sabi niya dito pagkatapos ay nagkwento siya nung pinag-usapan nila ni Mike. "I think Mike's right.. haaay.. hindi pa ako nakadalawang buwan dito sa Pilipinas pero feeling ko na super drained na ko sa dami ng nangyari.. Kailangan ko din makapag-isip muna ng mabuti. And I think avoiding him would be the easiest way to recollect myself." Tumahimik si Georgette sa kabilang linya.

"Georgette?" Tawag niya dito pagkatapos ng ilang sandali at hindi pa rin ito umiimik sa kabilang linya.

"I guess you're right. Ako din.. I've been inlove with him for so long. Sa sobrang paghahabol ko sa kanya, nakakalimutan ko na ang sarili ko." Sabi nito.

"Huh?" Naghahabol ba talaga ito kay Z?

Tumawa ito ng mapakla, "Kakausapin ko lang si Z mamaya. Last call ko na sa kanya. I just need to know kung ano ang ibig sabihin niyang manloloko ako. Then, I'll avoid him or rather, her, as well." Tumawa ito ulit, "Tama ka, girl. I think it's time to think about ourselves. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng pagod, after all these years. Finally, I'm giving up.." Narinig niyang napahikbi ito.

"G-girl..." Tawag niya dito.

Narining niyang tumawa ulit ito na walang buhay, "I'm okay. Don't worry. Love you, girl! I'll see you tomorrow, okay? Bar tayo bukas after class, pero uuwi tayo before 10pm!" Masaya na ang boses nito sa huling sinabi pero naririnig niya pa din ang hikbi nito.

"Do you want me to go there?" Tanong niya dito.

"Bukas na lang, girl! Tatawagan ko si Z ngayon. I'll see you tomorrow, okay? Love you! 'Night!" Paalam nito sa kanya at agad binaba ang tawag.

Napatingin siya sa cellphone niya. Gusto niyang puntahan si Georgette, she knows kailangan siya nito ngayon. Pareho silang nasasaktan pero atleast siya ay may makakausap siya kung gugustohin niya. Nandiyan ang mom niya, habang ito naman ay mag-isa lang.

She hopes tomorrow ay makakaya nila ang naging desisyon nila. Tomorrow will be a brand new day for them. Dati iniwasan niya din si Mikael because may family problem siya. But now, its mainly because of herself. Its hers and Georgette's very first day of avoiding their long time love. She knows it's not easy, pero bahala na lang talaga.

Morning came at tamad siyang bumangon sa kama. Hindi siya masyadong nakatulog kagabi. She texted Georgette last night to check on her, nagreply din agad ito. Telling her na matulog na sila at magkita na lang sila sa school.

Habang kumakain siya ng agahan ay napapansin niya ang mom niya na pasulyap-sulyap sa kanya. Nanatili lang siyang nakayuko habang pinagpatuloy ang pagkain.

Her mom sent her to school, and both of them were awfully silent the whole ride. Nang bubuksan na niya sana ang pinto ng kotse ay bigla siyang hinawakan ng mom niya sa kamay.

"Are you sure about your decision, anak?" Her mom asked.

Napasmile siya dito, "Yes, mom. Thank you for the ride. Don't worry, I'll be fine."

Napatango lang ang mom niya ng marahan, nagbeso siya dito at agad lumabas ng kotse.

She checked on her phone, wala pang message galing kay Georgette kaya tinext niya muna ito na sa entrance ng building ng department na lang nila sila magkikita.

Nakarating na siya sa entrance ng building nang nakareceive siya ng reply galing kay Georgette. Kakarating lang daw nito. A minute passed then nakita niya si Georgette na mabagal na naglalakad patungo sa direksiyon niya. She's wearing a big sunglasses that covers almost half of her face. Probably, to hide her swollen eyes. Maraming estudyante ang bumabati dito, napapahalf-smile lang din ito sa mga iyon bilang tugon.

Pagkalapit nito sa kanya, umupo ito sa tabi niya. Meron pa silang 10 minutes bago magstart ang 1st subject nila. Narinig niyang napabuntong-hinga ito.

"Girl, mamayang gabi sa bahay na lang tayo uminom, ah. Gusto ko magpakalasing, eh. Baka madisgrasya pa tayo kung magdadrive pa ako." Sabi nito sa kanya, "Anyway, good morning!" Tapos ay bumeso ito sa kanya.

"Okay..." Tango lang niya dito. "Let me see your eyes. Takpan natin ng concealer?" Tanong niya dito.

"Hay naku! Mahirap mamaga ng eyes ko, girl! Walang maitutulong ang concealer. Kaya ayaw ko umiyak eh. Kasi kapag iiyak ako pagka next day pa babalik sa normal ang mga mata ko. Ang pangit-pangit ko!" Sabi nitong naiinis.

Napahalf-smile lang siya dito at bumulong, " Kumusta ang pag-uusap niyo ni Z kagabi? Ano sabi niya?"

Tumawa ito ng mapakla, "Wala. Siya pa ang galit. Bahala na siya sa buhay niya. Oh, let's not talk about him or her. Magmomove-on na tayo, hindi ba? Ito na ang last day na pwede nating i-mention ang name nila. Tomorrow, walang-wala na talaga! Let's erase, erase, erase them in our system. Deal?"

Napatango siya at nagyaya na si Georgette na pumasok na sila sa klase nila. Tamang-tama ang pagdating nila at mukhang kakarating lang din ng teacher nila. Umiwas agad ang tingin niya kay Mikael. Pero habang naglalakad sila ay nakikita niya sa peripheral vision niya na nakatingin ito at si Z sa kanilang dalawa ni Georgette.

"What's wrong with your eyes, Ms. Smith? Do you have sore eyes?" Puna ng teacher nila, pagkaupo nilang dalawa sa mga vacant seats.

"No, Ma'am! Kinagat po ng langgam kagabi. Namaga po." Rason ni Georgette dito.

"Oh, okay. Nilagyan mo na ba ng gamot? Baka mas lalong mamaga iyan?" Tanong ulit ng teacher nila.

"Tapos na po. Hopefully bukas, wala na po ito. Masakit na po kasi, eh, kaya iiwasan na po talaga namin ni Chloe." Napatingin siya dito. Nag-smile ito sa kanya. "Ang mga langgam." Dagdag nito.

Loka-loka talaga. Tumango lang ang teacher nila kahit parang naguguluhan ito sa sinabi ni Georgette. Agad siyang yumuko ng nakikita niya sa gilid ng mga mata niya na akmang lilingon sa kanila ni Georgette si Z at Mikael.

'You won, Mikael.. I'm giving up..' Sabi niya sa isip niya.