Kakatapos lang ng pangalawang subject nila sa hapon. Its almost 5 in the afternoon. Maaga sila ng 15minutes dinismiss ng teacher nila. Wala ng pasok si Georgette after nito, alam niyang ganoon din sina Mikael since nasa regular class ang mga ito. Habang siya naman ay may pasok pa mamayang 6:15 hanggang 7:45 ng gabi. Overloaded talaga siya every week. Pero okay lang din sa kanya para makasabay niyang makagraduate sina Georgette kung sakali.
"Girl, samahan na lang muna kita hanggang 6:15? Mag-isa ka lang eh." Sabi ni Georgette sa kanya habang nag-aayos sila ng gamit pero tumanggi siya.
"Huwag na! Okay lang ako. Mag-aantay lang ako doon sa mga benches. Don't worry about me. Isang oras lang naman ang aantayin ko before magstart ang next class ko." Sabi niya dito.
Napabaling ang tingin niya kina Mikael, paalis na ang mga ito. Sa buong duration ng klase nila ay hindi na ulit napalingon sa kanya si Mikael. Iiwasan na naman ba siya nito? Napahinga na lang siya ng malalim.
Naglalakad na sila ni Georgette sa corridor, doon muna siya malapit sa field ng school nila magsistay habang nag-aantay ng oras. Ito naman ay uuwi na, habang si Christine naman ay 6 o'clock pa daw ng gabi ang end ng klase nito.
Naikwento na ni Georgette ang nangyari kanina kay Gaile, sinamahan daw nito ang huli sa Agri building, nahihiya daw si Georgette sa pinag gagawa nito. Pumapasok daw ito sa lahat ng classroom at kahit may klase pa sa loob ay nagtatanong ito kung nandoon si Johann. Hindi nga lang nakaimik ang mga teachers since kilala ng mga ito si Georgette na siyang anak ng may-ari ng school nila at nakikitang kasama nito si Gaile. Naikot na nila ang lahat ng classrooms sa Agri building ay wala talaga si Johann. Hindi rin naman nagsasalita ang ibang mga students kung alam ng mga ito kung nasaan si Johann.
Tawang tawa lang siya sa kwento nito. Naiinis na daw si Georgette sa sobrang isip bata ni Gaile pero naaawa naman itong iwan iyon. Buti na lang daw at mabilis lang lumipas ang oras at nakapagpaalam na ito kay Gaile. Hindi na nga daw nagawang makipagkita ni Georgette sa mga bitches nito, pero marami pa namang araw para doon.
Nakababa na sila ni Georgette sa building nila ng biglang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. Chineck niya iyon at nagulat ng nakitang tumatawag si Mike. Madalang na lang silang nagtitext nito, kaya nagulat siya ng tumatawag ito ngayon.
"Hello, Mike?" Bati niya dito.
"Hey! Where are you?" Tanong nito sa kabilang linya.
"I'm still at school. Why?" Tanong niya dito pabalik.
Narinig niyang napatawa ito ng mahina, "Good! Nandito ako sa parking lot ng school niyo. Snacks tayo?"
Natigilan siya kay napatigil din sa Georgette sa paglalakad at nagtatanong na tumingin sa kanya, "What!? May pasok pa ko ng 6:15." Sabi niya kay Mike.
Natawa ulit ito, "Kaya nga snacks lang, you still have an hour, Chloe. Sige na. Puntahan mo na ako dito sa parking lot, white ferrari." Pinatay agad nito ang tawag pagkatapos sabihin iyon.
Tiningnan niya ang screen ng cellphone niya. Rich kid ang loko ha!
"Who was that?" Tanong ni Georgette sa kanya.
"Si Mike Sy, remember noong kinwento ko sa'yong hinalikan ko si Mikael sa labas ng bar? Siya iyong iniisip kong pinagselosan ni Mikael." Sabi niya dito. "Tara, girl. Nasa parking daw siya eh, sasabay na ako sa'yo papunta doon. Pakilala na din kita sa kanya."
"Oh my! He's here?" Napamaang na sabi ni Georgette.
Tumango lang siya bilang sagot. Nakarating na sila sa parking lot at nanghahaba ang leeg niya kakahanap ng sasakyan ni Mike. Wala ng masyadong sasakyan na nakapark doon. Nagulat na lang siya ng biglang may nagtakip ng mga mata niya galing sa likuran niya.
"Guess who?" Bulong noong nagtakip ng mata niya.
Hinawakan niya ang kamay nito at pinilit na tinatanggal sa mukha niya, "Mike!" Sabi niya.
Natatawang tinanggal nito iyon at humarap sa kanya. "Kumusta?" Tanong nito tapos ay napatingin kay Georgette na ngiting-ngiti habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Mike at sa likod nila.
Nagtatanong na tiningnan niya si Georgette at nagpout lang ito na parang ginagamit ang bibig nito habang tinuturo ang sa likuran nila. Gusto niyang lumingon doon pero napatigil siya sa tanong ni Mike. "You look familiar. You're Georgette Smith, right?" Tanong nito kay Georgette.
Tumango si Georgette dito at hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti nito sa mukha. Ano kaya iyon?
"You're the Mike Sy, apo ka ng may ari ng chain of 5 star hotels dito sa Pilipinas, right?" Tanong ni Georgette dito.
Wow! Hindi niya alam iyon. Kaya napabaling siya kay Mike. Ngumiti lang ito ng tipid sa kanya pagkatapos ay nahihiyang tumango kay Georgette. Humble much.
"Anyway, I'd better go baka nakakadistorbo na ako sa inyong dalawa." Lokang sinabi nito. "Una na ko girl.." sabi nito at agad yumakap at bumeso sa kanya, "May nagseselos.." bulong nito sa kanya bago siya pinakawalan.
Nagtatanong na tumingin siya dito, binelatan lang siya nito at nagpaalam na din kay Mike. Pagkaalis ni Georgette ay hinawakan ni Mike ang braso niya, at agad siyang binalingan. Ang gwapo talaga nitong chinitong 'to.
"Igala mo naman ako sa school niyo." Sabi nito sa kanya, tumingin ito sa relong pambisig nito, "You still have 45 minutes left, before your next class starts."
Ngumiti lang siya dito, at akmang lalakad na sila nang biglang may humaharurot na sasakyan na dumaan sa harap nila. Napatalon silang dalawa sa gulat. Napamaang naman siya habang hinahabol ng tingin ang dumaang sasakyan. That was Mikael's car!
"Woah!!! Gago iyon, ah!!" Galit na sinabi ni Mike. "Are you, okay?" Nag-aalalang baling nito sa kanya.
Tumango lang siya habang nanatiling nakatingin sa sasakyan ni Mikael hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Nagulat siya ng may lumapit sa kanila ni Mike.
"Chloe, can we talk?" Seryosong sinabi ni Z. Tumingin ito sa kanya at pagtapos ay kay Mike. "Alone."
Napahinga siya ng malalim bago napabaling kay Mike, "Saglit lang, Mike."
"Okay.." Tumango na lang si Mike sa kanya.
"Sandali lang to. 5 minutes lang." Sabi ni Z at naunang lumakad papunta sa kabilang gilid lang. Hindi masyadong malayo sa pwesto ni Mike.
Sumunod siya dito. "What do you want to talk about?" Tanong niya agad dito.
Ngumisi ito bago galit na sinabing, "Stop trying to win back, Mikael, when you have a lot of other guys with you! Seriously! Ginugulo mo lang si Mikael! He finally moved on from you and then you showed up! Wala ka na bang awa kay Mikael?" Akusa nito sa kanya. "You broke up with him and told him, you don't love him, years ago. Tapos, babalik ka para sabihing mahal mo pa din siya? You're being a heartless bitch, you know! Iwasan mo si Mikael and let him live the way he chose to live!!"
Napaiyak siya sa akusa nito sa kanya, "I love him, Z! I never stop loving him! Natakot lang ako kaya ko siya iniwan and nagsinungaling! Hindi mo alam ang buong istorya namin, so please stop with your accusations. And I don't have any other men aside from him. He's the only man I love!"
"Liar! Ano ang tawag mo kay Jasper at diyan sa lalaking kasama mo? Gosh! Siya iyong kasayaw mo noong nakita ka namin sa bar, hindi ba?!" Ngumisi ito ng mapait. "Kaya mas mabuti pa talagang maging bakla kaysa magmahal ng babae! Halos lahat sa inyo mga manloloko, pareho lang kayo ni Georgette! Now, stop pestering Mikael! Iwasan mo siya! Or else ako ang makakalaban mo!" Sabi nito sabay maarteng nagwalk-out sa kanya.
Naiwan siyang umiiyak. Hindi niya alam kung ano ang hinuhugot nito. Nasali pa si Georgette. Paano naging manloloko ang kaibigan niya? Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin niya. Nasasaktan niya daw ulit si Mikael. Kailangan niya na ba talagang gumive-up? Pero nararamdaman niyang may pagmamahal pa din ito sa kanya. Kahit anong deny nito doon, ay nararamdaman niya. Hindi siya manhid. Nagseselos ito. Pero kung nasasaktan na niya ulit si Mikael katulad ng sinabi ni Z ay hindi na niya alam kung ipagpatuloy niya pa ang paghahabol dito.
Napaigtad siya ng naramdaman niyang may kumalabit sa kanya sa balikat. "Chloe? Why are you crying? Anong sinabi nung baklang iyon sa'yo?"
Napailing lang siya habang patuloy na umaagos ang luha niya. Niyakap siya ni Mike at dinala siya sa dibdib nito. Pagkatapos niyang umiyak ay giniya siya nito papasok sa kotse nito para makaiwas sa ibang mga taong nagmamasid sa kanila.
Pumasok din ito sa loob ng kotse nito at pinaandar ang airon. "You can tell me anything, Chloe. We're friends, right? Huwag ka na ding pumasok. Magiging center of attraction ka lang doon. Baka tanungin ka pa kung ikaw ba iyong pumalit kay Rudolf the red nose reindeer." Tapos ay tumawa ito, tinampal niya ito sa balikat nito.
"Loko! Kitang nagdadrama ako, eh!" Sabi niya ditong sumisinghot singhot.
"Pinapatawa lang kita. Kakakita nga lang natin ulit tapos may drama agad?" Nakangiti pero bakas ang tampong sabi nito sa kanya.
"I'm sorry...." Hinging paumanhin niya dito.
Tumawa ulit ito, "Apology accepted. Anyway, I'm ready to listen. You can share to me kung ano man ang pinag-usapan niyo kaya napa-iyak ka. Ilabas mo iyan. Mamaya eh i-uutot mo pa 'yan dito. Ayokong bumaho ang kotse ko."
"Sira!" Tinampal niya ulit ito sa balikat.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang magkwento. Kailangan niyang ilabas 'to. Kailangan niya din ang opinion nito bilang isang lalaki.
Naiyak siya sa kalagitnaan ng pagkekwento niya. Hindi niya na lang sinali ang part na nagkiss sila ni Mikael dati sa bar at iyong kanina. Hindi na din niya sinabi dito na si Mikael iyong may-ari ng sasakyan na muntik nang nakabangga sa kanila kanina.
Nakikinig lang si Mike sa kanya ng maigi hanggang sa matapos siya. "If your were in my shoes, Mike, ano ang gagawin mo? Hahabol ka pa rin ba? Or hahayaan na lang siyang mawala at maging bakla ng tuluyan? I still love him, so much.. but if ang pagmamahal ko sa kanya ay nakakasakit lang pala, then dapat ko na ba talaga siyang pakawalan?" Tanong niya dito .
Mike looked at her intently, tapos huminga ito ng malalim. "He's one lucky guy para mahalin ng isang katulad mo." Sabi nito sa kanya. "Though, I kind of understand him, nasaktan nga siya, pero kung ako iyong iniwan mo dati, I wouldn't let you go that easily. Kung nakaalis ka man ng bansa siguro ay sinundan kita agad doon sa Italy. Maybe... mahina siya or bakla talaga siya kasi hinayaan ka niyang umalis at mawala sa buhay niya. Look, ngayong bumalik ka and hinahabol mo siya ay ini-insist pa din niya na bakla siya?" Napapalatak ito. "This is just my opinion, Chloe. Pero what if hindi ka naman pala niya ganoon ka mahal? Or baka confused na talaga siya sa gender niya dati pa but then you came along. Tapos noong umalis ka ay bumalik ulit ang confusion niya, then eventually, ay natuluyan na. Baka lang, ha? Na bakla nga talaga siya and hindi na magbabago iyon, kahit ano pa ang gawin mong paghahabol. Opinion ko lang iyan, Chloe." Mahabang sinabi ni Mike sa kanya.
Napaisip siya doon. What if totoo nga ang sinabi ni Mike? What if hindi na talaga babalik ang Mikael na mahal niya kasi hindi naman iyon ang totoong pagkatao ni Mikael? But what about the kiss? Ang pagseselos nito? Ano iyon?
"I suggest, iwasan mo na muna siya. I can see it in your eyes that you're confused, now. What if i-try mo munang magfocus sa sarili mo? Sa studies mo? If time passed by na nawala na lang iyong naramdaman mo sa kanya, then, maybe hindi mo naman talaga siya mahal. Maybe you're just guilty for leaving him. Its just a suggestion, Chloe. It's still up to you kung ano man plano mo." Sabi ni Mike sa kanya.
Maybe Mike's right. Iwasan ko na muna si Mikael. Itatry niyang iwasan muna si Mikael. Doon lang din niya mapapatunayan kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya dito. Or kung kaya niya bang mawala na ng tuluyan si Mikael at hayaan na itong manatiling bakla katulad ng pinlano nito. Bahala na bukas at sa mga susunod pang mga araw. Pero kailangan niya munang makausap si Georgette. Tatawagan niya ito mamaya pagkadating niya sa bahay.